Share

CHAPTER 4

ASIAH

 

I WAS INSIDE THE VAN. Madilim pa lamang kanina ay nasa meeting place na ako na sinabi ni Rexudos bago ako umalis ng BBO Hidden Camp. Hanggang doon ay baon ko ang sakit ng dibdib na nararamdaman. It felt like a sharp dagger penetrated my chest to think that I hadn’t at least bid goodbye to my friend.

Wala akong nagawa kundi ang panoorin si Violet, mahimbing ang tulog at walang kaalam-alam na iiwan na pala siya. Sa limang taon na pinagsamahan, maghihiwalay ang landas namin na may tampo siya at may hindi pagkakaintindihan.

Masakit na iiwan ko siyang mag-isa sa empyernong lugar na iyon. We promised each other that we would leave that place at the same time. Kaya ang isiping siya na lamang ang natitirang babae roon, lubusan ang pag-aalala ko para sa kaibigan. Dahil baka kung anong gawin sa kaniya ng mga h*******k na miyembro ng BBO, o hindi naman kaya’y ni Rexudos mismo.

I don’t trust that devil. Nangako siya na walang mangyayaring masama sa kaibigan. Pero sa pagkakakilala ko sa kaniya, hinding-hindi mapagkakatiwalaan ang mga salita ng gagong iyon.

“Tama kayang babae ang nadampot natin?” may pag-aalalang tanong ng lalaki.

Kanina, habang nakatayo sa madilim na parte ng Kalye Burgos, may puting van ang huminto sa harap ko. Walang masiyadong sinabing detalye si Rexudos kung paano ako makakapasok sa Agrianthropos City. He only told me to wait at that place. Kaya nang may dalawang lalaking naka-bonnet ang lumabas mula sa sasakyan at itinulak ako papasok, sobrang nagulat ako.

Hindi ko inasahan na parang kidnapping ang magaganap! 

“Siguro, Aldo. Mag-isa lang siya roon. Hindi nanlaban. Ang mga babae lang ang nakakaalam ng tamang lugar ng tagpuan at oras,” sagot ng kasama.

Ganitong klase ba ang mga tauhan ng mga hayup na iyon?

They sound weak and cowardly. Oo, napansin kong may malalaking pangangatawan silang dalawa. At gaya ng mga nakasanayang hitsura ng mga miyembro ng sindikato... all in black din sila. Fitted na T-shirt, gutay-gutay na pantalon, at may mga tattoos. Mukha rin silang sigang tambay sa kanto. But hearing these two talking now... rinig ang takot at kaba sa mga boses nila.

Is this their first time?

First mission like mine?

“Bakit kasi walang binigay na detalye sa mga aplikante maliban sa lugar ng tagpuan at oras?”

“Aba’y malay ko, Aldo. Alam mong delikado ang magpasok doon ng babae.”

“Paano kung nagkamali tayo, Hansen?” tanong ng Aldo, lalong lumabas ang takot sa boses. “Anong mangyayari sa atin?”

Hansen hissed. “`Wag mong hilingin na mali tayo. Magagalit ang amo. Hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa atin.”

“Pero tama naman tayo, hindi ba? Hindi tayo nagkamali?”

“Aba’y hindi ko alam!” inis na sagot ni Hansen. “`Wag kang maingay at nagmamaneho ako. Baka maunang maaksidente tayo kaysa maparusahan kung sakaling nagkamali!”

They are both sitting in the front seat. Habang ako, nakasalampak sa upuan sa likod. May piring ang mga mata. May busal ang bibig. I don’t have any idea why they needed to do this. Aplikante ako. Hindi kikidnapin. But hearing them frightened... mukha ngang sagrado ang bawat detalye tungkol sa Agrianthropos.

Trace Dimagiba.

Logan Castillejo.

Lev Petrov.

Elliot Hart.

Jake Mondragon.

Jerusalem McBride.

Daxon Walker.

Sino nga ba kayo?

Kahit kilala at kinakatakutan ang Foedus sa underground, bakit limitado lamang ang impormasyong makakalap sa inyo?

Tinamaan ako ng antok sa pag-iisip. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig nang buksan nila ang air-con at masinghot ang amoy sampaguita, o dahil sa sobrang antok ko. Hindi rin kasi ako nakatulog buong magdamag. I read and reviewed the little information about Foedus’ founders. Wala rin akong napala. Bukod sa mga pangalan nila, hitsura, edad, at kung ano sila sa outside world... wala nang iba pang malalaman tungkol sa kanila.

I want to know the details about Foedus and Agrianthropos. Para hindi ako mahirapan sa misyon na ito. Pero mukhang hindi yata umaayon ang tadhana sa akin. Sigurado, pagdating sa isla ay para akong isang bulag. Mangangapa at mangangapa sa dilim. Pag-iingat na lamang ang tanging alas ko para maging ligtas at magtagumpay.

Naalimpungatan ako nang biglang manakit nang sobra ang sintido ko. It felt like I had drank the whole night. Kaya ngayon ay may hangover.

“Good thing that you are all awake,” saad ng lalaki sa matigas na Ingles.

Kahit hilo man ay sinubukan ko ang lahat para buksan ang mga mata. Nanatili akong nakadilat habang unti-unting lumilinaw ang paligid. Kahit pa medyo masakit sa sintido ang matinding liwanag ng buong lugar. 

I heard moans. 

Napabaling ako sa kaliwa ko at doon nakita ang iba pang babae na tulad ko ay mukhang sabog at kagigising lang. They were all in white night dresses. Kaya agad akong napatingin sa sarili at napagtantong ganoon din ang klase ng damit na mayroon ako. 

Where is my dress?

Isang malakas at malalim na halakhak muli ang umagaw ng atensyon ko.

“Are you all awake?” he asked playfully. “Nasa katinuan na ba kayong lahat?”

Napatingin ang lima kong kasama sa mahabang lamesa na iyon sa lalaki. 

“A-Are we... all drugs?” tanong ng katabi ko.

But the guy in a black suit laughed again... like he was a demon.

Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob. “D-in-rugs ba kami?” may inis kong tanong.

Natigilan ang lalaki sa pagtawa at nakangising bumaling sa akin. His deep and hooded eyes already choke me to death. 

Who is this?

Is he one of the founders?

Maigi kong inalala ang lahat na nasa files. Pero wala ang mukha niya roon. May nakaligtaan ba si Rexudos na impormasyon?

“You are all here to work... with me. Not to ask things.”

“Pero karapatan din namin na magtanong, 'di ba?” Pinagpatuloy ko ang pagsasalita kahit naniningkit na ang mga mata niya sa akin. “Magtrabaho? What if illegal na pala ang ipapagawa mo sa amin? What if you drug us?”

Mariin man ang titig niya sa akin ay umukit pa rin sa labi niya ang mapaglarong ngiti. Tahimik ang mga babaeng kasama ko roon at tanging malalim na hininga ko ang maririnig sa loob ng silid na iyon.

Tumayo ako nang puno ng kompiyansang hinarap ang lalaki. “Ni hindi ka pa nga nagpapakilala sa amin nang maayos. Yes, you are our boss. Pero karapatan din namin na malaman ang buong detalye sa trabaho at lugar na pinasukan namin.”

“You have the audacity." A playful laugh played on him.

Hinawakan ako ng babaeng katabi ko. Pero ni hindi ko siya binigyan ng atensyon. I want to know about this place… about them. Kung sa paraan na ito ay mapipilit kong mapagsalita ang isa sa mga demonyong iyon, I will act like a fool woman. Magtatangahan para makuha ko ang buong kasagutan.

The guy stepped close to me. Kinabahan man ako bigla ay hindi ako nagpatinag sa paglapit niya sa akin. Who is this guy? Sa pagkakakilala ko ay wala naman siya sa files na binigay sa akin ni Rexudos. Tama kayang pito lang ang founder ng organisasyon na ito? Maybe, yes. At ang isa ito ay baka isa sa maraming miyembro ng impyernong ito. 

Misteryo talaga ang organisasyon na ito. Kaya hindi na kataka-taka na kinatatakutan ang Foedus. Because no one knows about them. Even the small details of them in the underground world. Walang nakakaalam kung anong klase ng tao ang isang lawyer, businessman, doctor, o kung ano pa man na mararangal na trabaho sa outside world sa mundong ito. 

BBO. 

Ngayon pa lang ay alam ko nang walang-wala ang grupo namin sa kanila.

“I’m Chase Herrera.” He halted and stood up like a king in front of me. Matangkad ako pero kinailangan ko pang tumingala nang bahagya para tingnan siya. “Is that enough, Miss?”

Napalunok ako, hindi papatalo. “What about—” Napaubo ako dahil hindi ko dapat itanong ang naiisip dahil mahuhuli ako agad. “Ahm, ikaw ba ang may-ari ng buong lugar na ito?”

I know he wasn't. Hindi siya kasali sa pito. I am very sure that he was just a member. Pero kung ganito na kamapangyarihan sa buong lugar na ito ang isang miyembro lamang, papaano pa kaya ang mga founder nito?

As I expected, Chase shook his head. “I am only a member. But if you want to meet the founders… I will give it to you, baby.”

Kinindatan niya ako bago kami tinalikuran.

“Prepared yourself. Tonight, you will meet the true demon of this place,” pahabol niya bago siya tuluyang lumabas ng silid.

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status