Share

CHAPTER 3

ASIAH

PAREHONG bagsak ang balikat namin ni Violet nang makapasok kami sa silid namin. Alas singko na ng hapon nang tingnan ko sa malaking wall clock sa may sparring area ang oras kanina, at parang nakikisama ang panahon sa kabiguan naming dalawa. Madilim at malakas ang ulan sa labas. At dahil wala kaming dalang payong kanina ay nabasa kami. Malayo pa kasi ang tinakbo namin bago makapasok nang tuluyan sa premises ng BBO hidden camp. Mga limang kanto pa ang distansya mula rito kung saan kami bumaba ng Taxi. At dahil pribado rin, malayo ang building sa kabahayan kaya'y wala kaming nasilungan.

"Mauna ka nang magpalit," sabi ni Violet, nanatili siyang nakatayo sa gilid ng deck at halos wala sa sariling hawak ang pampalit na damit. Habang ako ay nanatili sa may pintuan matapos makakuha ng susuotin mula sa drawer.

I let out a long sigh as I watched the drop of rains dripping on her clothes down to the floor. Rough floor lang ang buong first floor kaya ayos lang na lumakad kaming basang-basa kanina. 

Ayos lamang kahit nag-iwan kami ng bakas ng tubig-ulan sa buong first floor. Wala ring mga pakialam ang mga lalaking nakatira sa buong building. As if the whole building was net and spotless from dirt. It was a mess. Totally a mess. Maraming agiw sa bawat gilid at ceiling ng building. Nangingitim din ang dingding na animo'y gasera ang gamit na ilaw tuwing gabi.

Tanging itong silid lang namin ni Violet at ang sa kay Rexudos ang maayos sa lahat. The rest... parang hinagupit ng malakas na bagyo sa lala ng kalat. At ang amoy, animo'y may patay na daga sa sobrang nakakasulasok.

"Ikaw na muna," sabay abot ko ng puting tuwalya sa kanya. "Baka magkasakit ka. Paano ang misyon mo?"

Vio rolled her eyes and the side of her lips rose as she took the towel from me. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon dahil ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang umakto nang ganoon. 

She nodded and stormed out of our room. 

Kunut-noong sinundan ko siya ng tingin. Maybe she was like that because she failed the first stage of her mission. Yes, Violet didn't pass the interview. However, they still gave her a chance. Bukas iyon. At kailangan dapat naroon pa rin ako para ipakita ang suporta sa kaniya.

I know this mission means so much to her. Gusto niya nang makalaya sa pagkakagapos mula kay Rexudos. Ako man ay lulukubin ng galit sakaling hindi man ako magtagumpay sa aking misyon. But Agrianthropos and Foedus is different case from A's Chains of Hotels. I already accepted my fate. That I will lose. That I will die as I step my foot to that island. Baka nga tatapak pa lamang ako roon ay nakatutok na sa akin ang mga baril nila.

I sighed deeply.

Nilagpasan ako ni Violet nang makabalik siya ng silid. Ang makapal at puting tuwalya ay nakapaikot sa kaniyang ulo. Bago man ang suot na blusa, kapareho pa rin iyon ng kulay ng kaniyang mga mata. 

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Natigilan siya. Nakatalikod siya sa akin at mukhang may kinukuha sa drawer niya.

"Magpalit ka na," malamig niyang tugon.

Napalunok ako. Napatitig muna ako sa aking kaibigan bago ko siya tuluyang tinalikuran para tumungo sa banyo. Maybe I should give her space. Lalo na'y hindi ko rin alam kung paano siya iko-comfort. 

I never had a best friend or even friends since I was a child. Laking squatter ako. Sa katayuan ng buhay namin, mas madalas na iniiwasan ako ng mga batang kaedaran ko noon na nakatira sa maayos na bahay. Hindi naman bulgar na kinukutya, pero mababasa mo naman ang pandidiri sa mga mata nila sa tuwing pumapasok ako sa mundo nila.

That's why I was discouraged to go to school. Kaya bata pa lamang, wala talaga akong konkretong pangarap maliban sa gusto kong ialis sa lugar na iyon ang buong pamilya namin.

Pero iba si Violet. Siya iyong kauna-unahang taong naging malapit sa akin. Despite she was from a wealthy family, hindi siya nag-alangang kaibiganin ako. 

Saka sa loob ng limang taon naming magkakilala, siya lang itong taong nagko-comfort sa akin. Dahil na rin sa pakikitungo sa akin ni Rexudos at ng lahat na miyembro ng BBO. Kaya ngayong ang kaibigan naman ang may pinagdadaanan, wala akong ideya kung paano pagaanin ang loob niya.

Wala na si Violet nang makabalik ako sa silid namin. I sighed and let the guilt inside my heart consumed me. Dapat may sinabi man lang ako kahit isang salita para gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya.

"Asiah!" mariin na tawag ni Barakoda matapos marahas na binuksan ang pinto.

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. 

"Anong tingin 'yan? Aba!" Umangat ang kaliwang kamao niya at akmang sasaktan ako pero hindi niya naman tinuloy. "Pasalamat ka. Hindi mainit ulo ng boss sa 'yo kundi, sapak abot mo sa 'kin."

Umirap ako. "Anong kailangan mo't bakit narito ka?"

Nanginig ang labi niya sa inis. Nginisian ko na lang siya para mas asarin siya. And I succeeded. Matalim akong tiningnan ni Barakoda mula ulo hanggang paa bago niya inalis ang tingin sa akin. 

"Tawag ka ni Boss!" singhal niya.

"Bakit daw?"

"Aba! Mukha bang alam ko ang dahilan?" Masama ang tingin na ibinalik niya sa akin ang kaniyang mga namumulang mata. "Bilisan mo't ayaw ng Boss na pinaghihintay siya nang matagal."

Napairap ako. Umangat ang labi ni Barakoda bago niya ako tinalikuran at umalis ng silid. Napapikit ako at napahinga nang malalim. Anong kailangan na naman ng hayop na iyon sa akin?

Matapos makapag-ayos ng sarili ay nilisan ko ang silid. I let the white folder from my drawer in my bed. I should check those files before I would step on Agrianthropos. Para kahit papaano, may maliit na tsansa na magtagal ang buhay ko roon.

Nasa tapat na ako ng pinto ng silid ni Rexudos nang mapansin ko ang maliit na sewang sa pintuan. I halted. Unti-unting nangunot ang noo ko nang marinig ang mga hikbi sa loob.

It was Violet's cries.

Napakurap ako. 

Ayaw ko man na marinig ang hinagpis ng kaibigan, wala akong nagawa kundi ang pakinggan ang mga iyak niya.

"Walang-wala ka kay Asiah," saad ni Rexudos, puno ng mapaglaro ang malalim na boses.

"G-Gagawin ko ang lahat—"

"Gagawin ang lahat?" sabay tawa ni Rexudos. "How, Violet? Una pa lang ay talo ka na."

"Ginagawa ko naman ang best ko—"

"But your damn best wasn't enough," he told her mercilessly. "Yes. You are trying hard. A fucking trying hard. Hindi mo ba alam iyon?"

Napahinga ako nang malalim. Alam ko kung saan tutungo ang usapan nilang dalawa.

Rexudos laughed. He was really an evil. He was getting into my nerves. Nasa harap niya si Violet, umiiyak at bigo. Pero mas lalo niyang binabasag ang puso ng kaibigan ko. Is it necessarily to tell her that? Why not giving her an advice how to succeed? Motivate her. Hindi iyong harap-harapan niyang dina-down si Violet. 

"See Asiah..."

Unang letra pa lamang ng pangalan ko ang binigkas niya ay napapikit na ako nang mariin.

"Wala pa siyang ginagawa," he continued. Proud was evident on his deep voice. "But you can see that she will succeed."

Narinig ko ang biglang pagtawa ni Violet. Her laugh was full of hatred and bitterness. Naninikip ang dibdib ko para sa kaibigan.

"A-Ano?" she asked sarcastically.

"She will succeed."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Violet asked. I could clearly imagine how she rolled her eyes dramatically, even if I was facing her back. "Sa nakikita ko, para mo siyang ipinakain sa mga tigre. I know Agrianthropos. That city was hell. No. Sobra pa roon. Hindi ko maisip na makakalabas pa si Asiah nang hindi siya nakalagay sa body bag."

It was Rexudos turned to laugh of full of sarcasm. "You think I gave that mission to Asiah with no reason?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Gaya ni Violet ay nalito rin ako sa sinabi ni Rexudos. Napakurap ako at naghantay nang maigi nang isasagot niya. But he just laughed. He laughed like there's no tomorrow.

"Be prepared. I am giving you another chance tomorrow."

A silence ate them up for a second.

"Get out!" Rexudos screamed when Violet just stood still.

Narinig ko ang mga mabibigat na yapak ni Violet palapit sa pintuan kaya mabilis akong nagtago sa pasilyong kasalungat ng sa silid namin.

Nang masiguro ko nang nakalabas na nga nang tuluyan si Violet sa silid ni Rexudos, sinilip ko siya. 

I sighed.

I felt guilt for my friend. Being with her, I know she deserves to be out here. Iyon ang tanging hiling namin simula nang mapunta kami sa mala-impyernong lugar na ito. 

Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng silid ni Rexudos. Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama niya— with his white towel covering his lower torso. 

A smirk immediately drew across his lips. 

"Come here, Asiah," he said, his voice full of sensuality.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang lumapit ako sa kinauupuan niya. "Anong kailangan mo sa akin?"

He laughed after sipping on his brandy. "Easy."

"Ano nga bang pinaplano mo?" asik ko sa kaniya. "Bakit mo ginagawa ito sa amin?"

"What are you trying to say?"

"'Wag mo akong gaguhin, Rexudos." I glared him, like I ripping his bones one by one. "I know that you hated us. Alam ko rin na gusto mo kaming maglaho. Bakit hindi mo na lang kami pakawalan?"

"Pakawalan?" He raised his brow at me. "Are you kidding me, woman?"

Napatango ako nang ma-realize ko na kabaliwan nga iyon. "Ah, oo nga pala. Kapag pinakawalan mo kami, baka magsumbong kami sa awtoridad—"

"Do you think I am bothered that you will do that?" he said after gulping his brandy again. "Go on. As if I am a damn cat who's afraid of those assholes to face on?" 

"Ah! Oo nga rin pala! You have the power. You have the name. You have the money to cover all your mess up."

Money. 

Yeah.

That fucking thing rule the world. 

Kung may pera ka, magagawa mo ang lahat. Maitatago mo ang lahat na baho mo. Dahil din sa pera, kayang-kaya mong pagalawin ayon sa kagustuhan mo ang mga tao sa paligid mo na para bang mga puppet sila  And that's why up until now the BBO was still operating. 

Halos lantad nga ang hidden camp ng BBO sa kabihasnan. Kung hidden camp ba ito na matatawag. Pero hanggang ngayon ay walang awtoridad ang kumo-kuwestyun sa illegal na building na ito.

No one dared to fight against Rexudos' power.

Pero iba ako.

I will do anything to make this fucking guy will suffer.

I wanted him to pay for what he did to my father.

To my family.

"Pack your things up, Asiah." Rexudos stood up and walked towards his window after filling his glass with new brandy.

Huminga ako nang malalim. Ito na ba iyon? Ipapatapon niya na ba ako sa lungga ng mga tigre?

"Bakit ako? Bakit hindi iba?" tanong ko. Nanatili akong nakatayo at nakaharap sa malapad na likod ni Rexudos. I saw that he was taken aback. Pero hindi siya humarap sa akin. "Yes, I know that your hate towards me was like a hell. Pero bakit ako? Ganoon ka ba kadesperadong patayin ako at paglaruan nang hindi nadudungisan ang mga kamay mo?"

"Don't get me wrong about that, Asiah," he said coldly. "Pack your things up. Bukas na bukas din ay aalis ka na para gawin ang misyon mo—"

"Tell me, Rexudos!" I screamed. Dahilan iyon para harapin ako ni Rexudos. I could read the shock on his eyes as it became wider. "Gusto kong malaman, Rexudos. Bakit ako?"

He stared at me for seconds and he batted his eyelashes after. He let out a sigh and walked towards his cabinet. May hinugot siyang brown envelop doon na inabot niya sa akin nang bumalik siya sa kinaroroonan ko.

"Here."

"Ano ito?" kunut-noo kong tanong nang tanggapin ko ang envelop.

"Open that when you arrive at that damn island."

Napasinghal ako. "Bakit hindi ngayon?"

"Just do what I said." He pinned his piercing eyes to me. "Open that when you arrive there."

Tumango ako at tinalikuran na siya. I am done talking to him. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan... then, let him be. 

"Asiah," he called.

The way he called my name softly taken me aback. Napahinto ako, pero nanatiling nakatalikod sa kaniya.

"I know you can do it. I am trusting you, Asiah."

Mariin akong napapikit, huminga nang malalim, at lumakad na para iwan ang mala impyernong silid na iyon.

I am going to Agrianthropos tomorrow. Pero paano si Violet? I promised her that I will be there again on her side during her interview.

I sighed.

Malaking problema ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status