Share

Lustful Affair with my Uncle
Lustful Affair with my Uncle
Penulis: Eternalqueen

Prologue

WARNING: SPG

“I like you, Sav. I know that you like me too so, will you go out on a date with me?”

The crowd cheered after they heard what this loser guy in front of me said. He is currently the team captain of the school’s basketball team.

He is handsome, tall, and rich. But not my type.

Matagal na niya akong pinopormahan pero hindi ko siya gusto. Hinayaan ko lang siyang umasa para gumanti sa ginawa niya sa kaibigan ko.

He is a cheater. And I don’t date cheaters. Nakipag-date siya sa iba kahit sila pa ng kaibigan ko. Tapos ngayon, sa akin naman siya naghahabol.

“I beg your pardon?” I said. His forehead creased and I raised an eyebrow. “You know that I like you too? Saan mo naman nalaman ‘yan? Because I’m pretty sure that I don’t like you.”

Ang kaninang nag-che-cheer na mga estudyante ay unti-unting tumahimik. Ang mga kasamahan niya naman sa team ay kinakantyawan na siya ngayon.

Paul’s face turned red because of what I said. I didn't mean to embarrass him but he did it first. Wala sa plano kong ipahiya siya dito pero hindi ko naman inakalang yayayain niya ako ng date sa harap ng maraming tao.

It only served him right. For a cheater like him, embarrassment like this won't affect him. Makapal nga ang mukha niya kaya siya nagtaksil e.

“Sav, are you playing hard to get?” he asked.

I scoffed. “I don’t. So please, to save yourself from more embarrassment, stop already. Simula pa lang, hindi na kita gusto. Pero pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa akin. From now on, don’t go near me again.”

Kinuha ko ang bag ko mula sa bleachers bago ako umalis. Ang ganda ng panonood ko sa laro nila tapos bigla niyang sisirain ang araw ko? Ang kapal ng mukha niya.

I went straight to the restroom to retouch my makeup. A few minutes later, the door opened and my two girl friends entered.

“Grabe, Sav! Ang dramatic ng exit mo kanina sa gym. Natahimik lahat ng tao tapos si Paul? Parang gusto niya nang magpakain sa lupa!” natatawang sabi ni Neri.

I just smiled. “Well, kahit ang lupa hindi siya kakainin dahil isa siyang cheater.”

Nagtawanan kaming dalawa pero napansin ko ang pananahimik ni Joyce. Siya ang kaibigan ko na niloko ni Paul. Noong una pa lang binalaan ko na siya na hindi matino ang lalaking ‘yon pero nagpauto pa rin siya.

One month lang silang nag-date at kung hindi pa namin nahuling may babae si Paul, baka hanggang ngayon ay naglolokohan pa rin sila.

“Joyce, why are you so quiet? Don’t tell me, you're pitying that jerk?” I asked her.

Bumuntonghininga siya. “S'yempre maaawa ako. May pinagsamahan din kami kaya na-g-guilty ako na napahiya siya.”

“What? He deserves that! Alalahanin mo, Joyce. Nambabae siya habang kayo pa. Niloko ka niya. Kaya huwag kang ma-g-guilty. Kulang pa nga ‘yon e. You don't deserve someone like him. Wake up, sis,” panenermon sa kanya ni Neri.

Hindi na ako sumabad pa dahil kapag ako ang nagsalita, siguradong iiyak si Joyce. Kung hindi ko lang siya kaibigan, hinayaan ko na siyang magpakatanga doon sa lalaking ‘yon. Pero dahil kaibigan ko siya, handa akong ilayo siya sa mga mapagsamantalang tao.

I really hate women who let men control their lives. I hate them for letting other men hurting them. Lalo na iyong hinahayaan lang ang partner nila na magloko at hindi magawang makipaghiwalay.

Maybe that's one of the reasons why I hate commitments. I entertained my suitors but I never made them my boyfriends. May mga ugali kasi ang mga lalaki na mas nagiging controlling kapag girlfriend na nila ang babae. At ayaw ko no’n. Ayaw ko ng dinidiktahan ako at pinagbabawalan ako sa gusto kong gawin.

I hate it when someone is telling me what to wear, what to say and what not to say, what should I eat, and many more. Gusto ko iyong lalaking hahayaan pa rin akong magdesisyon para sa sarili ko.

At ang pinakaayaw ko ay ang selosong lalaki. Iyong pagbabawalan akong makipag-usap sa iba dahil lang malaki ang insecurities niya sa katawan.

“Tumigil na kayong dalawa,” sabi ko pagkatapos kong mag-retouch. “Joyce, don’t think about that guy anymore. Let's just go clubbing! Marami kang makikilala doon pero hindi mo dapat gawing boyfriend. Use them for experience!”

Umiling si Joyce. Alam ko na kaagad ang susunod niyang sasabihin.

“Hindi ako pwede. Kailangan kong umuwi nang maaga,” sagot niya.

As usual, her parents won't let her go to a party. But not this time. She needs to enjoy her college life! Hindi niya dapat kinukulong ang sarili niya sa pag-aaral lang. My parents were also strict but since they were both busy with work, hindi nila nababantayan ang mga ginagawa ko.

Some people would say that I’m such an attention-seeker person. Maybe that's kinda true. Walang oras sa akin sila mom at dad kaya sa iba ko itinutuon ang atensyon ko.

“Joyce, we are not taking a no as an answer today. Sasama ka sa ‘min at ako na ang magpapaalam sa parents mo,” sabi ko.

I called her parents immediately and used my charm to make them say yes. Even though I’m a party girl, a total opposite of their daughter, they still trust me. They know that I wouldn't put Joyce in danger.

When everything is finally settled, we went to our house to change our clothes and prepare. Naghanap kami ng damit sa closet ko at hinayaan ko silang pumili ng isusuot nila.

For myself, I chose a black backless short dress and a pair of black killer-high heels. My hair was straight but I wanted to have a curly style tonight. I put on a natural-look makeup before I sprayed some perfume.

Nang matapos akong mag-ayos ay tinulungan ko na ring mag-ayos ang mga kaibigan ko lalo na si Joyce. Maganda siya at kung mag-aayos siya ay mas lalo siyang gaganda. Pero dahil hindi sanay kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang ayos.

“Are we all done?” I asked.

They both nodded.

“Let’s go!”

Lumabas kami ng bahay at nakahanda na ang sasakyan na gagamitin namin. Sa back seat kaming tatlo sumakay at nagmaneho na kaagad si Manong Leon. Siya ang maghahatid sa amin sa party.

He has been our family driver ever since my parents got married. So technically, nauna pa siya sa pamilya na ‘to bago pa ako ipanganak. Kaya naman iginagalang ko talaga siya dahil malalagot ako kay dad.

We arrived at the Lux club after thirty minutes. It was already eight-thirty in the evening and the club was almost half full.

Hinawakan ko ang braso ni Joyce dahil baka mawala siya. Si Neri naman ay nauna nang magtungo sa sofa kung saan kami uupo. Dito kami palaging nag-pa-party kaya may spot na kami rito.

“Ang daming tao,” rinig kong sabi ni Joyce.

I laughed. “Of course, it’s a club! Masasanay ka din mamaya kapag nakainom na tayo.”

“Sav’s right! After a few drinks, you’ll see yourself dancing there!” Neri told her while pointing on the dancefloor.

We ordered a bucket of beer and some finger foods. My head was slightly moving at the beat of the music. I was scanning the crowd for a potential target.

“Let’s play truth or consequences!” Neri said.

Kinunutan ko siya ng noo. “Ang boring!”

“Come on! Masaya ‘yon. Maiba-taya tayo then kung sinong matalo siya ang mauuna!”

Bumuntonghininga ako at dahil tumango na si Joyce ay pumayag na rin ako. Nag-maiba taya kami at ako pa ang naiiba. So, it means ako ang mauuna.

“Truth or consequences?” Neri asked.

I chuckled. “Alam n’yo na lahat ng tungkol sa ‘kin kaya bakit ko pa pipiliin ang truth? Consequences!”

“Okay. I dare you to do a body shot with a man in this club!”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa tagal ko nang nag-c-clubbing, hindi ko pa nagagawang makipag-body shot. Bukod sa nandidiri ako, ayaw ko lang talaga gawin.

“No way! That's so gross, Neri. Ibang dare na lang,” sabi ko.

She shook her head. “Bawal kang tumanggi! Kailan ka pa naging killjoy? Come on! May nahanap na nga ako na i-bo-body shot mo e. There oh!”

Nilingon ko ang itinuro niya at natanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa kabilang sofa. Nakikipag-usap siya sa katabi niya habang may hawak siyang baso na may alak. May suot siyang eyeglasses kaya mukha siyang matalino. Nakarolyo hanggang siko ang long sleeves niyang suot at nakabukas ang dalawang butones no’n.

He’s handsome, in fairness. Probably in his late twenties. But I don't think I can ask him for a body shot. Mukha siyang professional at seryoso sa buhay. Baka mamaya bigla niya pa akong ipakulong.

“No. Iba na lang—”

“Okay. Just offer him a drink. Dapat inumin niya pero kung hindi, sasayaw ka doon sa pole mamaya.”

I glared at Neri. She was doing this on purpose. Madalas ko kasi siyang pag-trip-an kaya gumaganti siya. Tumingin naman ako kay Joyce na nag-aabang din kung papayag ako.

“Kapag ginawa ko ‘to, hindi mo na pwedeng banggitin ang cheater mong ex. Understand?” I asked Joyce.

Hindi siya kumibo kaya tumayo na ako. Kumuha ako ng isang beer sa bucket bago ako nagtungo sa sofa kung nasaan ang lalaki. Papalapit pa lang ako ay nakuha ko na kaagad ang atensyon niya.

Nag-uusap sila pero nasa akin ang paningin niya. Pakiramdam ko hinuhusgahan niya na kaagad ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Can someone tell me why did I agree on this consequence?

“Hi,” I greeted him.

“Hello, miss,” the guy beside him greeted me back.

Sinulyapan ko lang iyon bago ako muling tumingin sa target ko. Hindi man lang siya ngumiti. Buti pa ‘yung katabi niya binati rin ako pabalik.

“My friends and I are playing truth or consequences. My dare is to offer you a drink. Can you help me? Inumin mo lang itong beer na hawak ko then tapos na,” sabi ko.

Bumaba ang tingin niya sa beer na hawak ko. Ang akala ko ay papayag na siya pero bigla siyang umiling.

“No. I have my own drink so I don't need that.”

I gasped. He declined my offer easily. He didn't even think twice.

“Please? Kapag hindi mo ininom itong beer, mas malala ang magiging consequence ko—”

“Miss, I don’t really care. Hindi ko alam kung anong nilagay mo diyan sa alak kaya hindi ko iinumin ‘yan. Marami nang modus ang mga babaeng katulad mo kaya hindi ako pwedeng magtiwala.”

Napasinghap ako ulit. “W-What? Mukha ba akong masamang tao?”

He shrugged. “Bad people won't dress like one.”

I gritted my teeth in annoyance. He declined my offer and now he was insulting me. How dare him! No one dared to talk me like that. Lahat ng lalaking nakakausap ko mababait sa akin at puro magaganda lang ang sinasabi.

Pero siya? Hindi man lang siya tinablan sa charm ko. Lalaki ba talaga siya?

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay ibinuhos ko na sa kanya ang alak na hawak ko. Nagulat siya sa nangyari at maging ako ay nagulat din. Inilapag ko sa mesa nila ang bote ng beer bago ako bumalik sa pwesto namin.

“What happened? Bakit mo siya binuhusan ng beer?” tanong ni Neri.

I took a deep breath. “He insulted me! That jerk! Gwapo lang siya pero masama ang ugali niya. Gagawin ko na lang ‘yung isa pang consequence kaysa lapitan pa ulit ang lalaking ‘yon!”

Uminom ako ng beer sa sobrang sama ng loob ko. Nasaktan ang pride ko doon sa pag-iisip niya na masamang tao ako. Sa ganda kong ‘to? Nakakainis siya!

“Kumalma ka lang, Savrinna. Baka naman nag-iingat lang siya. Kahit sino naman hindi agad tatanggap ng inumin sa hindi nila kilala,” malumanay na sabi ni Joyce.

Well, what do I expect from my super understanding friend? Kahit nga ex niyang cheater handa niyang intindihin e.

“I don't care. He’s an asshole!” I said.

“Really, huh?” Natigilan ako nang may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita iyong lalaking binuhusan ko ng alak.

I raised an eyebrow at him. “Yes! You insulted me—”

“I did not. May karapatan akong tanggihan ang inumin na binibigay mo for my safety. But what did you do? Binuhusan mo ako ng alak. You’re such a spoiled brat.”

My eyes widened. “What? How dare you!”

Sasampalin ko sana siya pero nahuli niya ang braso ko. Hinila niya ako at dahil malakas siya ay napasunod ako sa kanya. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila nalingon.

“Saan mo ‘ko dadalhin? Bitawan mo nga ‘ko! Nasasaktan ako!” sigaw ko pero nagpatuloy siya sa paghila sa akin patungo sa medyo madilim na hallway.

Walang ibang tao na nandito kaya kinabahan ako. Binitiwan niya ang braso ko at nakita ko ang pamumula nito. I glared at him.

“Anong gagawin mo sa ‘kin? Sasaktan mo ‘ko? Go on! Sisiguraduhin ko naman na makukulong ka!” panghahamon ko sa kanya.

His forehead creased then later on, he smirked. Natigilan pa ako dahil parang mas gumwapo siya habang nakangisi. Napalunok ako nang humakbang siya palapit sa akin pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko ugaling maging mahina sa harap ng iba lalo na kung isang lalaki!

“Hindi ako nananakit ng babae. But I punish them in different way.”

He stepped closer but I didn't move. He was intimidating me. Ang mga lalaking katulad niya, gusto na palaging sila ang nasusunod. Pero hind ngayon.

“I’m not scared. Ikaw ang dapat matakot dahil baka pagsisihan mo ang gagawin mo,” sabi ko.

He smirked even more. “Feisty. Your mouth needs to shut up for a while.”

Napasinghap ako nang bigla niyang higitin ang beywang ko at inilapat sa labi ko ang labi niya. I thought that it was just a normal kiss but he bit my lips hard that I gasped in pain. Itinulak ko siya at napaatras ako sa gulat.

Kinapa ko ang labi ko at nakitang nasugat ito.

I glared at him. “Fuck you! Go to hell!”

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
Nice story ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status