Share

Chapter 1

WARNING: SPG

Pinunasan ko ang sugat ng labi ko at padabog na iniwan siya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay hinatak niya na naman ako sa braso.

“Ano ba!” sigaw ko. Pinanlisikan ko siya ng tingin. “You’re such an asshole! I hate you!”

He chuckled. “I already warned you. Spoiled brats like you needed to be punished that way. But let me wipe it for you. I must've bitten your lips too hard.”

Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang labi ko. Iniwas ko ang mukha ko pero hinabol niya pa rin ito ng panyo. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatuon sa labi ko ang atensyon niya.

“There. I’m sure that you can't kiss another man tonight.”

“Asshole!” I shouted.

Tinalikuran ko na siya ulit at bumalik na ako sa mga kaibigan ko. Pareho na silang nakatayo at mukhang aligaga. Pero nang makita nila ako ay nakahinga sila nang maluwag.

“Sav! Anong nangyari? Oh my gosh! May sugat ang labi mo. Sinaktan ka niya?” gulat na tanong ni Neri.

“Tatawag na ba ako ng pulis para arestuhin siya? Pero...pumayag ka na saktan ka niya? Hindi ba walang nakakapalag sa ‘yo?” tanong naman ni Joyce.

I wiped the blood on my lips again and flopped down on the couch. Uminom ako ng beer at napangiwi dahil sa sugat ko. Mas malakas na ngayon ang tugtog at marami na rin ang sumasayaw sa dancefloor.

Hindi pa rin humuhupa ang inis ko kaya padabog akong tumayo.

“Sumayaw tayo! Let’s go!”

Hinatak ko sila Joyce at Neri patungong dancefloor at pinagbigyan naman nila ako. Magkakahawak-kamay kaming tumalon-talon kasama ang ibang mga sumasayaw.

Pumikit ako at hinayaang sumabay ang katawan ko sa indayog ng musika. Habang sumasayaw ay naramdaman kong may humawak sa beywang ko kaya napaharap ako sa taong ‘yon. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki. Lumayo kaagad ako sa kanya dahil ang tapang ng amoy niya.

Hinanap ko sila Joyce at Neri pero hindi ko na sila makita. Tinanaw ko ang sofa kung nasaan kami nakapwesto at si Joyce lang ang nakita ko. Umalis ako sa dancefloor at nilapitan siya.

“Nasa’n si Neri?” tanong ko kay Joyce pero nagkibit-balikat lang siya.

Inubos ko ang beer na iniinom ko kanina at sumandal ako sa sofa. Medyo nahihilo na ako sa iba’t ibang kulay ng ilaw kaya pumikit ako saglit. Pinakinggan ko na lang ang ingay sa paligid habang nagpapahupa ng kalasingan.

Mayamaya lang ay nakaramdam ako ng init kaya umayos ako ng upo. Itinali ko ang buhok ko at nang marinig ko ang mas malakas na tugtog ay parang gusto ko ulit sumayaw.

“Joyce, sayaw tayo ulit!” pag-aya ko sa kanya.

Umiling siya. “Ikaw na lang. Nahihilo na kasi ako!”

Hindi ko na siya pinilit at bumalik na ako sa dancefloor. Tumalon-talon ako at sumayaw habang nakapikit. Sinasabayan ko rin ang kanta kaya pakiramdam ko mapapaos na ako.

Nakipagsayawan ako sa mga tao sa dancefloor at tawa ako nang tawa sa mga steps nila. Mayamaya lang ay napalitan ang tugtog at napalitan nang mas sexy na kanta. Nagtungo ako sa gitna kung nasaan ang pole at doon sumayaw. May ibang mga babae rin na sumasayaw sa tabi ko kaya ginalingan ko.

Confident na ako noon pa pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sobra-sobrang confidence ko ngayon. Siguro dahil naghihiyawan ang mga tao sa tuwing gumigiling ang beywang ko. O dahil baka lasing na ako.

I closed my eyes and danced sensually with the music. As minutes passed by, I felt hotter and hotter. Parang nawawala ako sa sarili. Gusto kong hubarin ang suot ko dahil naiinitan talaga ako.

Pero bago ko pa maabot ang lock ng dress ko ay may pumulupot sa akin na kung ano. Nang dumilat ako ay saka ko nakitang isang coat ang nakabalot sa akin ngayon. Tiningala ko kung sino ang naglagay nito at nakita ko na naman si Mr. Perfect.

“Are you a stripper? Bakit ka maghuhubad sa harap ng maraming tao?”

Hindi pa ako nakakasagot ay hinila niya na ako palayo sa dancefloor. Nagtungo kami sa dulong parte ng bar kung saan medyo tahimik at malayo sa ibang tao.

Tinitigan ko siya at dahil siguro sa alak kaya parang mas gwapo siya ngayon kaysa kanina. Nakakunot na naman ang noo niya pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang labi niya. Parang gusto ko ulit na halikan niya ako.

I didn't think twice and I just grabbed his collar to kiss him. He didn't kiss me back and he pushed me instead.

Kumunot lalo ang noo niya. “What is your problem? You’re really throwing yourself to a man?”

I giggled. He looked funny and handsome. Bumaba ang paningin ko sa dibdib niya na bahagyang nakikita dahil bukas ang damit niya. May bumubulong sa isip ko na hawakan siya kaya ginawa ko iyon.

My hands caressed his chest but he stopped me. His hand felt warm on my wrist and my heartbeat went fast. I giggled again and tried to touch him using my free hand. He caught my wrist again and this time, he pushed me against the wall with my hands on either side on my head.

“Are you trying to seduce me?” he asked.

Umiling ako. “No. I want you to touch me. Ako na lang ang hawakan mo kung ayaw mong magpahawak—”

“Shut up.”

I pouted and stared at him. The way he held my wrists turned me on. I want his hands on other parts of my body right now but he was restraining me.

Mas lalong lumakas ang tugtugan sa dancefloor kaya napatingin ako doon. Gusto ko na namang sumayaw.

“I want to dance again! Let me go!”

“No!” he shouted. “You almost strip in front of them so why would I let you go? Nasaan ba ang mga kaibigan mo?”

I paused to think for a while. Later on, I chuckled again.

“There! They are all my friends!”

Kumunot lalo ang noo niya habang nakatitig sa akin. Para na nga akong matutunaw dahil hindi siya kumukurap. Mayamaya lang ay lumapit siya sa mukha ko habang nakatitig pa rin sa aking mata.

“Nagagandahan ka ba sa mata ko?” tanong ko.

Using his index finger, he pushed my chin upward. I closed my eyes and waited for his lips to touch mine. And when he did, I felt so alive.

Mariin niya akong hinalikan nang ilang sandali at mas lalo akong nakaramdam ng init. Gusto ko siyang hawakan pero mas gusto kong hawakan niya ako. Tumigil siya sa paghalik at hinabol ko pa ang labi niya pero malayo na ang mukha niya sa akin.

May nalasahan akong dugo sa labi ko kaya naalala kong may sugat nga pala ako. Pero hindi naman masakit. Hindi ko nga naramdaman ang kirot kahit na mariin ang pagkakahalik niya sa akin.

“Did you feel any pain?” he asked.

I shook my head. “No. So, you can kiss me again. Come on.”

“This is not good. You feel hot, right?” he asked again.

“Yes, because I’m really hot!” I giggled.

He let go of my other hand and he pulled me to somewhere. Naglakad kami sa madilim na hallway bago kami umakyat sa itaas. Naglakad ulit kami at pumasok sa pangatlong pinto. Pinaupo niya ako sa kama.

“Stay there. Keep your hands to yourself.”

Iniwan niya ako at pumasok siya sa isa pang pinto. Naramdaman ko na naman ang sobrang init kaya inabot ko ang lock ng damit ko. Wala nang makakapigil sa akin kaya maghuhubad na ako.

I unlocked my dress and let it fall on my feet leaving me with only my underwear. Lumabas si Mr. Perfect mula sa pinasukan niyang pinto at natigilan nang makita ako.

“What the hell? Why did you remove your dress?” he asked.

“It’s hot!”

“You couldn't wait for a minute?” He sighed. Binuksan niya ang mini fridge sa gilid at kumuha ng tubig doon. “Drink this. Slowly.”

I suddenly felt thirsty. I grabbed the bottle from his hand and immediately drank the water. Naubos ko kaagad ang laman ng isang bote pero nauuhaw pa rin ako at naiinitan. Aabutin ko sana ang lock ng bra ko pero agad niya akong pinigilan.

Hawak niya ang dalawang braso ko na nasa likod ko ngayon kaya para na rin siyang nakayakap sa akin. Napangisi ako.

“Now, you want to touch me?” I asked.

Kumunot ang noo niya. “You’re not on your right state of mind. You’ll definitely regret this when you're finally sober.”

Tinawanan ko lang siya. “Ang dami mo namang sinasabi. Hindi ka ba naaakit sa katawan ko? Ang sexy ko kaya! Please, sleep with me?”

He smirked. “Okay but before that, do you want to take a cold shower first?” he asked and I nodded. “Go inside that bathroom. I’ll wait for you here.”

Pumasok ako sa pintuang pinasukan niya kanina at banyo nga ito. Dumiretso kaagad ako sa shower at binuksan iyon. I made sure to use a cold water to lessen the heat of my body.

Ilang minuto akong tumapat sa shower bago ko naisipang patayin iyon. Sandali lang guminhawa ang pakiramdam ko at bumalik din kaagad sa dati. Mas lalo yata akong nakaramdam ng init ngayon. Sumisikip ang dibdib ko kasabay ng panginginig ng mga binti at braso ko.

Para akong nanghihina at nahihilo. Narinig ko ang katok sa pinto pero hindi ko magawang magsalita. Umupo ako sa gilid habang pinapakalma ang sarili.

The door opened and Mr. Perfect went inside. His eyes widened when he saw me. He immediately grabbed the towel and wrapped it on my body. His lips were moving but I couldn't hear anything that he said.

My vision became blurry and my surroundings spun. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. Humigpit ang pagkakahawak ko sa twalya bago ako nawalan ng malay.

Nang magising ako ay bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko kaagad maisip kung nasaan ako dahil medyo nahihilo pa ako. Sinubukan kong tumingin sa paligid at nakita ko sila mom and dad. Tumayo sila kaagad nang makitang gising na ako.

“Sav, thanks God! I thought we’re gonna lose you,” mommy cried.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy. Sinubukan kong magsalita pero nanunuyo ang bibig at lalamunan ko.

“W-Wa...ter.”

“Water? Okay, wait,” mom said before she gave me a glass of water.

Ininom ko kaagad iyon at para akong uhaw na uhaw. Pero kahit papaano ay hindi na nanunuyo ang bibig ko kaya makakapagsalita na ako. Inalalayan ako ni mommy na maupo sa kama.

“What happened? Bakit po ako...nandito?” tanong ko.

“You were drugged,” dad answered.

Kumunot lalo ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ni dad. I was drugged? How? Where?

“Wala ka bang naaalala sa nangyari?” tanong ni mommy.

Umiling ako. “Wala po.”

Mom sighed. “You went to a party last night with your friends. But then the doctor called us at midnight saying that you were rushed in the hospital. Pagkarating namin dito, ‘tsaka namin nalaman na nakainom ka ng alak na may drugs. Party drugs to be exact!”

Natigilan ako. Inisip ko ang sinabi ni mommy. Pinilit kong maalala ang nangyari pero ang naaalala ko lang ay nagpunta kami sa club at naglaro ng truth or consequences. Naaalala ko rin iyong lalaking kumagat sa labi ko. May mga naalala rin akong sumasayaw kami pero hanggang doon na lang.

“Tell us the truth, Savrinna.” Dad’s voice caught my attention. “Since when are you taking party drugs? Madalas ka bang gumamit no’n kapag nag-pa-party ka?”

I gasped and shook my head. “No, dad. I would never take any illegal drugs, you know that. H-Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng drugs ang inumin ko—”

He slapped me. Agad siyang inilayo ni mommy sa akin at mas lalo akong umiyak. Ito ang unang beses na sinaktan ako ni dad. Galit na galit siya at sobrang disappointed sa nangyari.

“Peter! Bakit mo sinaktan si Savrinna? She’s the victim here. We have to know who put her life in danger. You don't have to hurt her!” mom shouted.

“Kung naging masunurin ka lang sa amin, hindi mangyayari ‘to! Masyado kasing matigas ang ulo mo at hindi ka nakikinig. Puro ka party at gala! Look what happened!”

Yumuko ako at pinisil ang daliri ko. Alam kong malaking kasalanan talaga ang nagawa ko at hindi ko alam kung maaayos ko pa ba ito. Si dad...mas lalong lumayo ang loob niya sa akin. At nag-aaway pa sila ngayon ni mommy nang dahil sa akin.

Hindi ko talaga alam kung paano nangyari ‘to. Hindi kaya...nasalisihan kami? Noong sumayaw kaming tatlo baka may naglagay ng kung ano sa inumin namin.

I suddenly remembered how Mr. Perfect declined the beer that I offered to him. He thought that I put something on the drink. Hindi ko naman akalaing mabilis akong tatablan ng karma. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sobra siyang nag-iingat.

We were careless last night. Matagal na kaming nagpupunta doon kaya hindi ko akalaing mangyayari ‘to.

“You ruined our reputation, Savrinna! Because of what happened, you’re grounded for a week! School at bahay lang ang pwede mong puntahan. No more parties and no more extra activities after school!”

Napahinga ako nang malalim sa sinabi ni dad. Galit siya at naiintindihan ko. Alam kong nag-alala lang din siya sa akin.

Umalis na rin si dad para pumasok sa trabaho. Naiwan si mom para samahan at bantayan ako. Kailangan ko pa kasing ubusin ang IV fluids na nakaturok sa akin.

Hinaplos niya ang pisngi ko na sinampal ni dad. Bahagya akong napangiwi dahil medyo masakit ito.

“Pasensya ka na sa dad mo. Na-f-frustrate lang din siya sa nangyari pero alam kong hindi niya sinasadyang saktan ka,” sabi ni mommy.

Tumango ako at bahagyang ngumiti. “Alam ko po. Sorry po, mommy. Hindi ko po sinasadyang bigyan kayo ng problema.”

“It’s not your fault, Sav. We will fix this, don't worry.”

Niyakap ko si mom at muli siyang tiningnan nang may maalala ako. Hindi ko pa nga pala alam kung paano ako nakarating dito sa hospital. Wala kasi talaga akong naaalala.

“Mom, sino po palang nagdala sa akin dito? Sila Neri po ba?” tanong ko.

Umiling si mommy. “Hindi ko din alam. Pagkarating namin dito, nakaalis na siya. Sayang nga at hindi kami nakapagpasalamat.”

Tumango ako. “Pwede ko po bang magamit ang phone ko? Tatawagan ko lang po ang mga kaibigan ko.”

“Oo naman. Ito, chinarge ko na din ‘yan habang natutulog ka,” sabi ni mommy.

I opened my phone and lots of messages, notifications, and missed calls appeared on the screen. Kinabahan kaagad ako dahil ngayon lang ako nakatanggap ng ganito karaming notifications.

Una kong binuksan ang message mula kay Neri.

From Neri:

Where are you?

Why are you not answering my call?

Answer your phone, Savrinna!

Oh gosh! This is crazy. But please don't open any of you social media accounts!

Her last message caught my attention. Kahit binawalan niya akong buksan ang social media accounts ko ay ginawa ko pa rin. Mas lalo akong nawindang sa nakita ko.

What the fuck?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status