Share

Kabanata 87

At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada.

Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito.

"Tiyang....."

Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.

Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.

At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.

Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya.

"Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Mariya Agatha

Hi everyone! One more chapter and mag eend na po tayo. Gusto ko lang magpasalamat, taos puso at walang sawa sa hindi niyo pag iwan sa librong ito. Sa pagsuporta sa akin at sa aking mga akda. Sorry kung medyo hindi maganda ang book na ito kumpara sa mga nauna dahil simple romance lang po talaga ito. Babawi ako sa sunod na libro kong dark romance, yung Love by the Iron Fist. Magdadaily update na po ako roon after this one! I Iove you all! Salamat sa pagems and positive comments po.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Aiza Jeane L. Pineda
nakakasad dahil matatapos nanaman ang isa sa magandang kabanata ng libro na sinulat mo Ms. A lahat magaganda at nakaka inlove kaputpilutan din ng aral... buti may kapalit agad...xempre solid readers here hehe .Thankyou so much...lol
goodnovel comment avatar
Deth Rosario
exited ako sa last chapter sna maging OK lng lahat ky ze at cole.
goodnovel comment avatar
Mariya Agatha
Maraming salamat din po ma'am <3
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status