Share

Kabanata 5

"Hey! My hand!"

Anito ng tuluyan kaming makalabas at medyo nakakalayo na sa bahay ni Mrs. Fuentes. Inis nitong hinila ang kamay niya kaya napatigil na rin ako sa paglalakad.

Naiilang akong humarap sa kanya sabay ngiti ng pilit na pilit habang ito'y nakaigting ang pangang nakatitig ng masama sa akin.

"You intruder!"

Sambit bigla nito habang nakaduro sa akin. Kaya di ko alam kung anong sasabihin ko lalo pa't magkasalubong na ang mga kilay nito sa pagkairita.

"Mr. Mastur.... ahhh I mean Mr. Perez, pasensiya na! Please patawad sa nagawa ko. Di ko naman sinasadya eh!" Pakiusap ko. Ni hindi ko alam kung saan babaling dala na rin ng hiya.

"Patawad? Matapos mo akong silipan at sinipa do you think asking pasensiya is enough?" Sarkastikong sambit nito kaya napakagat labi akong tumingin sa kanya.

Sinalubong niya naman ang tingin ko ng isang naiinis at masamang tingin.

Napakagwapo nga nito pero mukhang di lang malibo*g kundi arogante pa! Kung di ko lang nakita ang halimaw na alaga nito ay baka mapagkamalan ko pa siyang bakla. Kaso malabo siyang maging ganoon dahil sa nakita kong pagsasarili nito, halatang mahilig sa kalibugan ang lalaking ito!

"Eh nagulat ako eh! Bakit mo naman kasi ako hinila sa loob ng banyo? Tapos di ka manlang nahiya hubo't hubad ka pa?" Depensa ko naman sa sarili.

Tumikwas ang isang sulok ng labi nito.

"At kanino ako mahihiya sayo? Fuck! Look at yourself." Anito pa sabay kilatis sa akin mula ulo hanggang paa na para bang ako ang pinaka nakakadiring nilalang sa balat ng lupa.

"Aba aba! Ang yabang!" Inis na usal ko nalang sa sarili. Mapanglait pa ang walangya.

"Isa pa halata namang gusto mo ang napanood mo. Enjoy na enjoy ka nga diba? Pero nung nahuli kita nagtititili ka!?" Sagot naman nito at mukhang hindi magpapatalo.

"Anong enjoy? Hoy! Ang sagwa kamo sobra. Hanggang ngayon nasusuka pa rin ako. Tsaka bakit kasi di ka naglo-lock ng pintuan!? At bakit kailangang himas.... ah basta! May mali ka pa rin!" Sambit ko nalang. Di ko magawang dugtungan ang sasabihin dahil masyadong malaswa.

Napailing nalang ito na parang di makapaniwala sa narinig.

"Damn! At bakit ka rin pumasok? Kahit bukas pa, wala ka pa ring permiso so it's all your goddamn fault!"

Tumikwas na ang isang sulok ng labi nito habang nakakuyom ang kamao.

At mukhang hindi ako mananalo sa argumentong ito lalo pa't kahit ako sa sarili ko ay alam kong mali ko rin talaga.

Napabuga na lamang ako ng hangin.

"Fine fine! Sorry na nga!" Nakangusong sabi ko para matapos na.

"But that's not enough Ms. Ang laking abala ng ginawa mo! At nanakit ka pa, babaugin mo pa ata ako!" Pagmamatigas pa rin nito.

Nakagat ko na ang ibabang labi.

"So anong pwede kong gawin para mapatawad mo 'ko?" Desididong tanong ko. Nagsimula ng sumibol ang kaba at baka mangyari na nga ang kinatatakutan ko.

Inis itong napailing. "Nothing! Dapat malaman ito ng amo mo at nang matanggal ka sa serbisyo."

Napanganga ako at biglang nakaramdam ng pagkataranta. Jusmeyo ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Kaya nang akmang tatalikod na sana ito ay hinabol ko ito ng mabilis at hinarangan gamit ang dalawa kong kamay.

"Teka lang, wag naman po Mr! Baka di lang sideline ang mawala sa 'kin, baka paalisin ako ni Mrs. Fuentes! Maawa ka naman." Kabado at seryosong pakiusap ko na. Kung kanina ay parang nagagawa ko pang kumalma at makipagsagutan, ngayon hindi na dahil takot na ang nararamdaman ko.

Kinunutan ako nito ng noo habang nakahalukipkip na humarap. Seryosong seryoso din ang hitsura niya habang nakatitig sa akin.

"I don't care!" Matigas na sambit nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba at takot.

"Please Mr. I'm sorry. Aminado na ako na mali ko naman talaga kaya ako nakikiusap sayo. Di ko alam kung saan ako makakahanap pa ng murang mauupahan kung papaalisin ako ni Mrs. Fuentes. Tsaka sumasideline ako sa kanya para matustusan ang pag-aaral ko." Mahabang salaysay ko.

At habang sinasabi ito sa kanya ay di ko namalayan ang unti unting paglaglagan ng mga butil sa 'king mga mata. Kapag ganitong gipitan na ang pag- uusapan ay talagang mababaw ang mga luha ko.

Napailing lang ito sabay pakawala ng malalim na buntong hininga.

"Ipaglalaba nalang kita, ipagluluto o pwede ring lilinisan ko nalang ang unit mo ng walang bayad. Magseserbisyo ako sayo ng libre." Ani ko pa sabay pahid ng namamasang mga mata.

"Damn! I don't need your service Miss and don't block the way, dadaan ako!" Aroganteng sabi nito kaya malungkot akong umalis sa daraanan niya.

Para akong nawalan bigla ng pag- asa. Mukhang di lang muscles ang matigas sa lalaking ito kundi maging puso. At base sa hitsura nito, mukhang hindi ito yung tipo na madaling pakiusapan. Hindi ito yung tipong maawain sa kapwa.

Tanaw ko nalang ang malapad na likod nitong matikas na naglakad papaalis. Nakagat ko ang ibabang labi. Mukhang kailangan ko na atang simulan ang pagbabalot at hintayin nalang kung kailan ako ipapatawag ni Mrs. Fuentes para palayasin.

Umuwi akong laglag ang balikat. Sa sobrang pag- aalala sa mangyayari ay hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. Ni hindi ko magawang nguyain ng maayos ang niluto kong cup noodles para hapunan.

Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag-iisip. Umaasang gigising ako kinabukasan na walang problemang haharapin.

********

( Cole's POV )

"What the fuck! Really!?"

Damang dama ko ang halakhak ng kaibigan kong si Jonas sa kabilang linya. Matapos kong ekwento sa kanya ang nangyari kanina at kung paano sipain ng babaeng yun ang pagkalalaki ko ay pinagtawanan pa ako ng loko.

"Damn. At tuwang tuwa ka pa sa lagay na yan?" Pasarkastikong sambit ko na mas lalong ikinatawa nito ng malakas.

"Sorry bro but I can't imagine na may babaeng gagawa sayo ng ganun. I mean, halos lahat ng babae nagkakandarapa kang hubaran pero ang isang yan ay mukhang nahihintakutan pa. At take note, sinipa pa. Shit bro! That sounds interesting huh!" Anito kaya napaangat ang isang sulok ng labi ko.

He's right. Namumukod tangi ang babaeng yun sa lahat. Na kung makaasta ay parang diring diri pa sa akin at sa maipagyayabang kong alaga gayung halos lahat ng babae ay ginagawa na lahat ng pang- aakit sa 'kin matikman lang ito.

Damn!

"Pero maganda ba? Pasok ba sa panlasa mo?" Panunudyo pa ni Jonas na ikinakunot ng noo ko.

Biglang lumitaw sa imahe ko ang inosenteng mukha nun, may kaakit akit na mga mata, maliit at matangos na ilong, natural ang kapulahan ng labi, mahaba at itim na buhok.

But....

"Ewan. Parang may sayad." Naiiling na usal ko. Hindi ko magawang purihin ang ganung klaseng babae na parang maton kung kumilos. Idagdag pa ang bunganga nun na nakakaurat. For petesake! Never ko yun matitipuhan.

"Sayad ba talaga? O baka naapakan lang ang ego mo dahil for the very first time ay may isang babaeng dinedma ang kagwapuhan at kakisigan mo?" Anito pa na mas sinamahan ng malakas na hagalpak ng tawa.

Inis akong napabuga ng hangin. I didn't answer him dahil alam kong hindi ito titigil sa panunudyo kung papatulan ko pa.

Hanggang sa ito na rin ang kusang tumigil kalaunan at sumeryoso na.

"Pero maiba ang usapan, about 'to kay Tito Cris sa daddy mo," Usal bigla ni Jonas na agaran kong pinutol.

"Stop! I don't want to hear anything from him." Mariing wika ko kaya di na ito nagpatuloy. He knew about what happened. At magmula ng itinakwil ako ni daddy ay kinalimutan ko na rin na may pamilya pa ako. And my life is now better being and living alone. No one dictates me.

"Fine bro. Anyway, I'll transfer the amount that you need. Hindi ito kalakihan but I hope it can help. Alam mo namang hindi ako binibigyan ni mom ng malaking pera sa account ko dahil iyon ang advise sa kanya ng daddy mo. Hindi ko rin mapapangako kung makakapagpadala pa ako sayo nextime." Salaysay pa nito and I just nodded like Jonas could see me.

Nagpasalamat na rin ako sa kanya bago binaba ang tawag. Talagang napakatuso ni daddy. Gusto niyang ipamukha na malaking kawalan sa akin ang pagsuway sa kanya. That I can't stand with my two feet without him. Lahat ng bank account ko ay hinold niya kaya ni singkong duling ay wala akong magamit. At alam din niyang si Jonas lang ang malapit na kaibigan ko na siyang lagi kong nalalapitan kaya maging iyon ay gusto niya ring kontrolin.

Damn! He's totally insane!

Inis akong napakuyom ng kamao. Naalala ko bigla kung paano ako tanggihan ng mga modeling agency na inapplayan ko para sana bumalik sa pagmomodelo. They didn't accept me kahit ako pa man ang pinaka in demand na modelo noon. At alam ko na dahil iyon sa impluwensiya ni daddy. I remembered one of the owner frankly told me, na ipapasara daw ni dad ang agency nang sinumang tumanggap sa akin.

So I have no other choice right now kundi umasa na muna kay Jonas. And I know na kinailangan ko ng kumayod one of these days. Jonas will also suffer kapag nalaman ni daddy ang ginawa niyang pagtulong sa akin.

At isa lang ang naiisip kong solusyon para kumita. Yun ay ang balikan ang first love ko, ang pagpipinta.

Tumayo ako at pumasok na ng kwarto. I saw the unfinished painting I paint weeks ago. The paint was all about the scenery of the beautiful beach here in San Agustin. Iyon din ang araw na nakilala ko ang ginang na Mrs. Sarah Fuentes, ang may ari nitong apartment na tinitirhan ko ngayon.

Wala sana talaga sa plano ko ang pagtira rito. Sadyang mabait lang si Mrs. Fuentes dahil mura lang ang inaalok nitong renta nung isang beses na napakwento ako sa kanya na naghahanap ako ng mauupahang apartment.

And when I got here, I started to love the place. Napakalayo din nito sa syudad ng Manila. Malayo sa mga taong nakakikilala sa tunay kong pagkatao. Pagkataong ayaw ko ng balikan at kakalimutan ko na.

It maybe hard to start for a new life but I know I can do it. At parte ng bagong simulang ito ay ang pagyakap ko sa bago kong pagkatao.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jade Robin Son
Go go go Ms. A so proud of you!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status