Share

Kabanata 3

Nang dumating si Tiya Lucita ay agaran din akong nagpaalam para umalis na. Ayaw pa nga sana niyang pumayag dahil maglalabada pa raw ako kaso napilit ko rin siya nang sabihin kong ang may-ari ng boarding house ko ang siyang kumontak sa akin.

"Basta kapag binigyan ka, padalhan mo kaagad ako. Pambawi man lang sa isang araw na nanatili ka rito. Aba, dagdag gastusin ka rin sa kuryente at pagkain." Ani pa nito kaya marahan akong tumango at tipid siyang nginitian bago tuluyang lumabas ng bahay niya.

Uminit na naman ang dibdib ko sa sinabi niya. Ganitong ganito si tiyang, yung normal lang sa kanya magbitiw ng masasakit na salita. Masyado talagang matalas ang dila niya. Ngunit dahil nga nag- iisang tiyahin ko siya ay di ko naman kayang patulan at mahindian.

Pumara na rin ako ng bus at bumiyahe ng halos dalawang oras bago nakarating sa syudad. Dumiritso na 'ko sa bahay ni Mrs. Fuentes.

"Mabuti naman at dumating ka na Ze. Ito yung resibo. Pakibigay nalang doon sa mga nangungupahan sa apartment." Ani agad nito matapos ibigay sa akin sinasabing resibo.

"Sige po Mrs. Fuentes, dadaan lang po muna ako saglit sa boarding house at maniningil na rin po ako pagkatapos." Tuwid na turan ko na ikinatango ng ginang. Kailangan ko kasing iwan doon ang dala kong bag.

Di na rin ako nagtagal sa bahay niya. Naglakad pa ako ng ilang metro patungong boarding house ko. Yung mga apartment naman na sisingilin ko ay di rin gaanong kalayuan sa boarding house ko.

Kaya nang makarating ay diritso pasok agad ako.

"Naku! Kung nakita mo lang talagang matutuod ka. Sobrang gwapo grabe! Sobrang yummy pa ng katawan sis!"

Kuryuso akong napahinto nang marinig ang pag-uusap ng nasa kabilang kwarto. Nakabukas kasi ang pintuan kaya rinig na rinig ko ang tilihan at hagikhikan ng mga babae.

Tiyak lalaki na naman ang pinag-uusapan ng mga haliparot. Napailing nalang akong nilapag ang dala kong gamit pero patuloy pa rin sila sa tilihan.

"Sayang nga di ko nakuhanan ng picture. Pero de bale, babalik ako roon. Aakitin ko yun! Huhubaran ko pa kung maaari. Tingnan lang natin kung di nun mapapansin ang kagandahan ko!"

"Naku pustahan tayo! Walang hindi bibigay sa ganda mo sis. Pero isama mo naman kami, gusto naming makita eh."

"Tsaka na, total makikilala niyo naman yun dahil ofcourse magiging jowa ko yun very soon."

Pinigil ko nalang ang tawa ko sa narinig. Ang nagsasalita ay ang mayabang na si Roxy, kaibigan siya ng isa sa mga boardmate ko na si Angela. Kung makaasta talaga ang babaeng ito ay parang siyang pinakamaganda sa balat ng lupa. That bitch always appointed herself as our campus muse. Ganoon kataas ang level of confidence niya.

Yun nga lang, nang minsang may nagnominate sa 'kin ay ako ang nakakuha ng may pinakamaraming boto. Na kahit ako ay di ko aakalain dahil simple lang naman akong estudyante na pagala gala sa campus. Pero dahil nga gusto ko lang ng simpleng buhay at makapagfocus sa pag- aaral ay ako rin ang kusang umayaw sa posisyong iyon.

Kaya magmula noon ay mainit na ang dugo ni Roxy sa 'kin. Na pati sa mga lalaking nanliligaw ay nakikipagkompetensya siya kahit ang totoo'y wala naman akong pakialam. Hindi naman niya ako kagaya na puro kalandian ang nasa utak.

I wonder kung sino na naman kaya itong lalaking natitipuhan niya. Halatang sobrang gusto niya. Huhubaran daw eh! S***a.

Matapos uminom ng tubig ay lumabas na rin ako kaagad. Kaso naglo- lock pa lang ako ng pintuan nang siya namang paglabas ng mga grupo ni Roxy.

"Hoy poorita!"

Bahagya akong napalingon sa gawi nila nang marinig ko ang pagtawag ni Roxy sa 'kin. Kita ko kaagad ang mapanghusgang mga mata na nakatutok sa 'kin mula ulo hanggang paa.

Poorita ang tawag nila sa 'kin dahil di naman lingid sa kaalaman ng lahat ang status ko sa buhay. Isa pa, nakakapag-aral lang ako dahil sa scholarship na nakuha ko sa unibersidad.

"May kailangan ka ba?" Buong loob na sagot ko kaya rumehistro lalo ang inis sa mukha nito.

"Wala. Gusto ko lang sabihin sayo na mukha kang basura sa suot mo." Mataray na sambit nito na ikinahalakhak ng mga tropa niya. Nakataas noo pa ang bruha habang nakahalukipkip.

Lihim kong sinulyapan ang sarili. Wala namang mali sa suot kong lumang t-shirt at pantalon dahil malinis naman ito. Pero syempre kumpara sa mga suot nilang halos lumuwa na ang dibdib at singit ay basura nga siguro ito sa paningin nila.

"Tara na nga girls at baka mahawa pa tayo sa kacheapan ng babaeng yan!" Sambit naman ng isa pa bago ito sabay sabay na dumaan sa harapan ko. Binangga pa ni Roxy ang braso ko na muntikan kong ikinatumba, buti nalang napahawak ako sa doorknob ng pintuan.

"Bakit kasi nakikisiksik pa ang isang pobreng daga na kagaya mo rito." Anito pang pinaiikot ang mga mata bago sila tuluyang umalis na naghalakhakan.

Napailing nalang ako bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Pakiramdam ko di na ako nasasaktan pa sa mga panlalait nila. Sa tatlong taon kong pagpasok sa kolehiyo ay nasanay na ako na may mga taong mapagmataas at mapanglait kagaya nila Roxy. Katalinuhan ko lang kasi talaga ang puhunan ko kaya ako nakapasok sa isang sikat na unibersidad dito sa probinsiya namin.

As long as hindi nito naaapektuhan ang pag-aaral ko ay kaya kong lunukin ang anumang panlalait ng ibang mga kapwa ko estudyante, o kahit ng sinuman pa.

Tumungo na rin ako kaagad sa paupahang apartment ni Mrs. Fuentes para maningil. Hanggang ikatlong palapag ang sisingilin ko na may sampung unit sa bawat palapag. Bale tatlumpong unit lahat ito.

Di naman ako nahirapan dahil halos lahat ng unit ay may mga tao. Pagkabigay ko ng resibo ay binibigay agad ng mga ito ang bayad na cash.

"Ang gandang bata mo talaga Zelena. Gusto talaga kitang ereto sa apo ko eh." Ani ni Lola Gina, isa sa mga nangungupahan. Talagang panay papuri sa akin ang matanda sa tuwing naniningil ako rito.

Matamis ko lang itong nginitian. "Naku lola saka niyo nalang po ipakilala sa akin kapag nakagraduate na ako." Ani ko sa matanda na ikinatawa naman nito.

"Napakabuti at napakasipag mong bata hija, talagang pag-aaral ang nasa isipan mo." Puri pa nito.

Saglit lang kaming nagkwentuhan bago ako nagpaalam na aakyat na sa ikalawang palapag. At wala namang naging problema dahil binibigay rin agad ng mga ito ang bayad. Kilala na rin kasi ako ng mga nangungupahan dito lalo pa't ako ang kadalasang inuutusan ni Mrs. Fuentes.

Hanggang sa umabot na 'ko sa ikatlong palapag. Nasa ikalimang unit pa lang ako at panay katok ngunit wala namang nagbubukas.

Sinubukan kong buksan ang screendoor at luckily ay bukas naman ito kaya dahan dahan akong pumasok.

"Tao po! Tao po, maniningil po." Ani ko pa ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot. Tiningnan ko ang nakapangalan sa resibo.

"Mr. Cole Perez" Basa ko sa nakasulat. Bahagya pa akong napaisip dahil bago sa pandinig ko ang pangalan na ito. Siguro bagong nangungupahan ito.

"Mr. Perez, hellooooo!" Tawag kong muli.

Dahan dahan pa akong naglakad hanggang sa nakaabot ako sa may pintuan ng banyo. Idinikit ko ang tainga sa pinto nang makarinig ng lagaslas ng tubig.

"Oh shit! Fuck!"

Nanlaki agad ang mga mata ko nang makarinig ng sunod sunod na mura. At di lang ito basta mura dahil para itong nasasarapan na di ko mawari.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukuti ko at mariin kong sinilip ang awang ng pinto na hindi maayos ang pagkakasara.

Natutop ko ang bibig nang unti unti maaninag kung anong ginagawa ng lalaki sa loob.

"Juskopo!"

Bulalas ko sa isip nang makita ang hubo't hubad nitong katawan habang binabasa ang sarili sa tubig na nagmumula sa shower.

Halos nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan nang mapansin ang isang kamay nitong nakahawak sa kanyang pagkalalaki na mahaba, malaki at mamula mula.

Nanlaki lalo ang mga mata ko at halos natuod sa kinatatayuan!

Goodness! It's a pennis!

Ari nga ito ng isang lalaki! Di lang basta ari kundi malaki at mahabang ari! Buhay na buhay pa na animo'y gustong manuklaw anumang oras!

At buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ari ng isang lalaki.

Juskopo!

The man is gently stroking his manhood, paitaas hanggang paibaba, habang nakapikit ang gwapo nitong mukha. At sa tipo ng pagmamasahe nito sa sariling ari ay panay naman ang ungol at mura na lumalabas sa bibig nito.

"Ahhhhhhhhh bastos!!!!"

Dahil sa kabog ng dibdib ay bigla na lamang akong napasigaw at napatakip ng mukha.

Pero bago pa man ako makatakbo palabas ay naramdaman ko nalang ang malakas na pwersang humila sa 'kin papasok sa loob ng banyo.

"The fuck!!"

At nang dahan dahan akong napadilat ay kita ko ang nagbabagang mga mata nito na kulay abo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status