Share

Love and Revenge of the Lost Billionaire
Love and Revenge of the Lost Billionaire
Author: Anaclito Ramirez Acosta

Kabanata 1: Isang Gabi sa Piling ng Dalawang Lalaki

Nagkatitigan sila Larry at Claire habang nasa loob sila ng malamig na kuwarto na tanging maliit at kulay pulang bombilya lamang ang nagbibigay ng liwanag.

Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa dumampi ang mga labi sa isa’t isa. Nakapikit ang mga mata habang dinadamdam ang kasakabikan sa mga malalambot na labi ng bawat isa. Habang kumikilos ang mga kamay ni Larry upang tanggalin ang mga butones na nakakabit sa damit ni Claire.

Maya-maya ay tumambad ang buong katawan ni Claire. Lalong kuminang ang kaputian sa makinis na balat nito dahil sa kulay pulang bra na suot. Maganda ang pagkakurba ng katawan dahil sa may kaunting kalakihan ang dibdib kaya naman hindi na napigilan ni Larry ang mas lalong mag-init sa nakitang alindog ng kasintahan.

Muling sinunggaban ni Larry ng halik ang kasintahan. Pagtapos nitong panggigilan ang labing mapula ni Claire ay gumapang ang bibig nito sa leeg hanggang sa makarating ito sa nakaumbok at malusog na dibdib ni Claire matapos nitong tanggalin ang kulay pulang bra na nakatakip.

Naghalinhinan ang bibig at kamay nito sa parteng iyon na naging dahilan upang hindi na mapigilan ni Claire ang ungol na kaganina pa niya pinipigilan.

Sinamantala ni Larry ang pagkakataong iyon kaya unti-unti niyang hinatak pababa ang suot na panty nito dahil alam niyang hindi na ito tatanggi sa oras na iyon.

Lumipas ang ilang oras ay nagising si Claire na hubo’t hubad, habang nakayakap sa kanya si Larry na wala rin saplot kundi ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa.

Hinawi ni Claire ang kamay nang natutulog na si Larry na nakayakap sa kanya at mabilis na tumayo upang damputin ang mga damit niyang nagkalat sa sahig at sabay tumuloy sa comfort room na nasa loob ng kuwarto ni Larry upang maligo.

Nang matapos maligo at naisuot na ni Claire ang kanyang mga damit ay dahan-dahan na itong naghanda para lumabas ng kuwarto.

Ngunit nagising si Larry nang marinig ang pintong bumubukas.

“Saan ka pupunta? Aalis ka nang hindi ka man lang nagpapaalam sa akin?” tanong ni Larry habang inaabot ang sariling salamin na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama.

“Sinadya ko talagang hindi na magpaalam para hindi ka na maistorbo sa pagtulog mo.” Muling isinara ni Claire ang pinto na nakabukas nang bahagya.

“Halos 1:30 AM na, delikado na sa daan kaya bukas ka na umuwi,” awat ni Larry.

“Ano ka ba Honey! Hindi naman ako magko-commute, may sarili akong sasakyan.”

“Hon, ayaw ko lang na mag-alala atleast dito safe ka dahil kasama mo ako.”

“Anong safe? Naka-iskor ka na nga sa akin sasabihin mo pang safe,” pabirong sagot ni Claire habang nakangiti itong nakatingin sa kanyang nobyo.

“Ikaw talaga Hon, nagawa mo pang magbiro, ang pinag-uusapan natin ang kapakanan mo.”

“Makasarili ka Hon alam mo ba ‘yon? Gusto mo lang na hindi ka nag-aalala pero ako pinag-aalala mo,” malambing na sagot ni Claire.

“Hon, anong sinasabi mo?” tanong nang naguguluhan na si Larry.

“Mr. Larry Evangelista, nabasa ko ang usapan ninyo ni Nathan na sasama ka sa pag-akyat nila ng bundok. Di ba nagpaalam ka sa akin at hindi ako pumayag?” Lumapit si Claire sa boyfriend niyang nakaupo sa kama at sabay yumakap.

“Ms. Claire Reyes, alam mo naman na minsan ko lang makasama ang mga kaibigan ko,” malambing na sagot ni Larry na sinabayan ng halik sa labi sa kasintahan.

“Mukhang hindi na kita mapipigilan sa pag-alis ninyo nila Nathan at Gilbert, siguro ang masasabi ko na lang ay mag-ingat kayo at huwag mong pababayaan ang sarili mo.” Tumayo si Claire upang ituloy ang naudlot niyang pag-alis sa kuwarto ng kanyang boyfriend. “Alis na ako, bago pa akong tuluyang abutan ng araw dito sa condo mo,” dugtong ni Claire.

Hindi na naawat ni Larry si Claire sa pag-alis sa condo niya.

Ang akala ni Larry na uuwi sa sarili nitong bahay ang kanyang girlfriend na si Claire ngunit sa iba ito tumuloy.

***

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating si Claire sa isa pang condo.

Malakas na hinampas nito ang pinto ng condo na pagmamay-ari ni Nathan.

Kahit inaantok ay napilitang bumangon si Nathan upang tignan kung sino ang dumating na bisita.

“Bakit napasugod ka? Bigla ka lang sumusulpot dito sa condo ko sa ganitong alanganing oras,” pagtatanong ni Nathan habang nagtataka ito sa biglang pagdating ni Claire.

“May nabalitaan akong niyaya niyo raw ang boyfriend ko na umakyat ng bundok?” tanong ni Claire habang bakas sa mukha nito ang galit sa kausap na si Nathan.

“Anong masama kung isama namin ang hilaw mong boyfriend? Akala ko ba ako na ang mahal mo at pera na lang ang habol mo sa kanya kaya hindi ka pa nakikipaghiwalay?” Inilapit ni Nathan ang kanyang mukha kay Claire na parang naghahanda para halikan ito.

Nang mapansin ni Claire ay biglang nag-iba ang mood nito. Ang kaganinang galit na boses ay nawala at napalitan nang malambing na boses.

“Wala naman talaga akong pakialam kay Larry, ang ayaw ko lang na naglilihim ka sa akin,” sagot ni Claire.

“Natatakot ka ba na baka sabihin ko kay Larry ang tungkol sa ating dalawa?” pagtatanong ni Nathan. “Kaya hindi ko na sinabi ang plano ko ay para ma-surprise ka sa mababalitaan mo bukas pagkatapos namin akyatin ang tuktok ng bundok na siguradong ikatutuwa mo.” Tuluyan nang hinalikan ni Nathan sa labi si Claire, ngunit tumanggi ito.

“Huwag ngayon Nathan,” mahinahong pagpigil ni Claire.

“Hindi ako papayag na pumasok sa condo ko ang isang magandang babaeng katulad mo na walang mangyayari sa aming dalawa.”

Dahan-dahan na inilapit ulit ni Nathan ang kanyang mukha kay Claire.

Napansin ni Claire sa mukha ni Nathan na desidido ito na may mangyari sa kanila kaya sa ikalawang pagkakataon ay hindi na ito nakatanggi.

Muling naglapat ang kanilang mga labi na parang uhaw na uhaw sa isa’t isa. Dahan-dahan na dinala ni Nathan si Claire sa kanyang kama nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi.

Mas lalong walang nagawa si Claire nang tanggalin ang kanyang pantaas na damit at isinunod ang ibang kasuotan nito habang nakahiga sa malambot na kama kaya tuluyan na itong nagpaubaya sa gusto ni Nathan hanggang sa matanggal lahat ang nakabalot sa katawan niya.

Ilang oras lang ang nakalipas ay dalawang lalaki ang dumaan sa katawan ni Claire. Dahil sa taglay na kagandahan nito ay hindi maikakailang maraming lalaki ang mahuhumaling sa kanya na gagawin ang lahat makuha lamang ang kanyang alindog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status