Dumating si Mang Karding sa lugar kung saan niya nakita si Larry.
Agad niyang nakita ang isang malaking bag na halos nabalutan ng alikabok, may kaunti itong punit at talsik ng dugo. Kinuha ito ng matandang lalaki at iginala ang mga mata na baka may makita pa itong ibang gamit na kasama ng bag na makatuulong upang makilala si Larry.Maya-maya ay may narinig si Mang Karding na kaluskos at ingay ng mga taong nag-uusap. Mabilis na kumaripas ng takbo ang matanda upang hindi siya maabutan ng mga taong parating na dala-dala ang bag ni Larry.Mabuti na lamang ay wala sa kanyang nakakita o nakapansin man lang habang palayo ito sa lugar nang pinagbagsakan ni Larry.“Mga Sir, andito na po tayo sa lugar na maaaring pagbagsakan ng kaibigan ninyo, kaya lang sa sobrang lawak nito hindi natin masasabi kung gaano tayo matatagalan sa paghahanap,” sagot ng isang Rescuer na kasama nila Nathan at Gilbert. ”Hindi po ba ninyo kabisado ang lugar na ito o wala man lang ba kayong ibang paraan para mapabilis ang paghahanap? Nang mahanap agad ang kaibigan namin?” pagtatanong ni Nathan na parang nag-aalala kay Larry. “Sa ngayon Sir, kailangan lang talaga natin na bilisan ang paghahanap dahil kalaban din natin ang oras. Ang maipapangako po lang natin ay gagawin namin ang lahat para mahanap sa abot ng aming makakaya. Habang hinahanap po namin siya ay mas magandang umuwi na lang po muna kayo upang makapagpahinga. Mag-iwan na lang kayo ng contact number para mabilis namin kayong ma-update sa nangyayari pong paghahanap,” sagot ng Team Leader ng mga Rescuer.“Tama siya Nathan, kailangang umuwi muna tayo para hindi tayo makaabala sa paghahanap nila at maibalita na rin natin ang nangyari sa kanya,” pagsang-ayon ni Gilbert.***Samantala sa tahanan nila Mang Karding.“Anong nangyari sa iyo bakit ka hinihingal?” tanong ni Aling Cecilia matapos nitong magulat sa biglaang pagbukas ng pinto nang dumating ang asawa na si Mang Karding.“May narinig akong mga lalaki na parating sa lugar kung saan ko nakita ang lalaking ito kaya mabilis akong kumaripas nang takbo para hindi nila ako makita o masundan,” pagpapaliwanag ni Mang Karding habang hinahabol ang kanyang hininga.“Karding, hindi ka ba natatakot na baka masamang tao itong tinutulungan natin at ang mga taong naghahanap sa kanya ay mga pulis o mga taong ginawan niya nang hindi maganda?”“Cecilia, malakas ang kutob ko na mabuting tao siya, pero aaminin ko nagdalawang-isip ako noong una kung tutulungan ko ba siya. Sinubukan kong magkunwari na hindi ko siya nakita pero nangibabaw pa rin ang awa ko,” wika ni Mang Karding habang nakatingin kay Larry.***Lumipas ang mahigit isang buwan dumating sa bahay nila Mang Karding at Aling Cecilia ang kanilang nag-iisang anak na si Gwen. Ngunit ang tanging nasa loob lamang ng bahay ay si Larry na medyo nagpapagaling pa rin sa mga sugat na nakuha niya.Pinangalanan nilang Erik dahil nagkaroon ito ng amnisya pagkatapos nitong mahulog sa bangin.“Nay! Tay! Andito na po ako,” masiglang bati ng magandang dalaga na si Gwen nang biglang lumabas si Erik na tanging naka-short lamang at walang pantaas na damit.Nanlaki ang mata ni Gwen nang makita niya ang makisig na katawan ni Erik pero may suot pa rin itong tela sa kanyang ulo dahil hindi pa lubos na magaling ang mga sugat nito.“Siguro, ikaw si Gwen, ang anak nila Tito Karding at Tita Cecilia?” mahinahong tanong ni Erik habang inaayos ang habang hawak nito ang kanyang ulo na halatang iniinda pa rin ang kirot ng mga sugat.“Bakit mo ako kilala? Asan ang mga magulang ko?” tanong nang naguguluhan at nalilitong si Gwen habang hawak-hawak pa nito ang kanyang mga dalang bag.“Huwag kang matakot hindi naman ako masamang tao. Higit sa lahat hindi ako magnanakaw sigurado akong ganyan ang iniisip mo,” pagpapaliwanag ni Erik habang papunta ito sa kusina upang tignan kung ano ang maaaring ialok sa bagong dating na anak nila Mang Karding at Aling Cecilia.“Anong ginagawa mo diyan sa kusina? Siguro naghahanap ka kung ano ang puwedeng manakaw.” Pinipilit ni Gwen na huwag ipahalata na habang nanginginig ang boses dahil sa takot na baka saktan siya ni Erik.“Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?” pagmamagandang loob ni Erik habang naglalakad ito papalapit kay Gwen.“Huwag kang lalapit, hanggang diyan ka lang kung ayaw mong sumigaw ako,” pagbabanta ni Gwen kahit takot na takot na ito na baka kung anong gawin sa kanya ni Erik.“Bakit ka ba natatakot? Hindi naman ako masamang tao,” tanong ni Erik pero patuloy pa rin ito sa paghakbang papalapit kay Gwen.Hindi na napigilan ni Gwen ang takot. “Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ni Gwen habang napaatras ito dahil sa naghahalo ang takot at pagkataranta.“Huwag kang sumigaw, sinasayang mo lang ang boses mo. Wala namang ibang makaririnig na ibang tao dahil nasa kabundukan tayo,” awat ni Erik sa takot na takot na si Gwen.Mas lalong natakot si Gwen nang marinig niya ang sinabi ni Erik ngunit tumigil ito sa pagsigaw pero patuloy pa rin sa pagsasalita. “Huwag kang lalapit sa akin, masama kang tao!”Nang biglang dumating ang mag-asawang sila Mang Karding at Aling Cecilia.“Ano bang nangyayari sa iyo anak? Dinig na dinig ang boses mo kahit nasa kabilang ibayo pa kami ng Tatay mo,” awat ni Aling Cecilia sa anak na nagwawala sa takot.“Oo nga pala, hindi pa pala kayo magkakilala at ngayon lang kayo nagkita ng pinsan mong si Erik,” dugtong ni Aling Cecilia.“Pinsan?” pagtataka ni Gwen dahil simula pa noong bata hanggang sa marating niya ang edad niya ngayon ay wala siyang matandaan na ikinuwento man lang ng mga magulang niya na meron pala siyang pinsan.“Oo anak, pinsan mo si Erik. Andito siya sa bahay para magbakasyon at magpagaling na rin dahil nagkaroon siya ng amnisya kaya wala rin siyang matandaan sa nangyari sa kanya,” paliwanag ni Aling Cecilia habang papunta sa kusina upang maghanda ng makakain.“Paano babalik ang memorya niya kung dito siya magbabakasyon? Di ba mas maganda kung ang napupuntahan at nakikita niya ay iyong mga dating lugar na napuntahan niya?”Nagkatingin ang mag-asawa sa sinabi ng anak nilang si Gwen. Sa takot na baka mabuko sa pagsisinulang tungkol sa totoong pagkatao ni Erik ay agad na pinutol ni Mang Karding ang usapan at nag-aya nang kumain.***Samantala sa mansyon ni Don Rafael.“Kumusta na ang lakad ninyo? Nakita na ba ninyo ang anak ko?” mahinahong tanong ni Don Rafael habang nakaupo ito sa paborito niyang upuan na matatagpuan sa loob ng malaking sala.“Sir ikinalulungkot ko pong ibalita na nakita na ang katawan ng inyong anak na si Larry. Medyo inaagtas na po siya kaya hindi na siya halos makilala. Tanging ang mga suot na lang niya ang nagpatunay nang makita ito ng mga kaibigan niyang nakasama niya sa pag-akyat ng bundok,” wika ng imbestigador na kinuha ni Donya Margareth na asawa ni Don Rafael, ngunit hindi totoong ina ni Larry.Hindi na nakapagsalita si Don Rafael sa narinig. Maya-maya ay umagos na ang luha nito habang ang kanang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib.Tumayo si Don Rafael at pumasok sa kanyang kuwarto dahil sa paninikip ng dibdib nito. Habang hinatid ni Donya Margareth ang mga imbestigador sa labas ng kanilang mansyon.“Magaling ang pagkakabalita mo,” wika ni Donya Margareth at iniabot ang malaking halaga ng pera.“Salamat Madam! Siguradong maya-maya ay aatakehin na si Don Rafael dahil sa maling balita na ipinakalat natin tungkol sa kanyang anak,” wika ng nakangiting pekeng imbestigador na inupahan ni Donya Margareth para lokohin ang asawang may sakit sa puso.“Mahigit isang buwan mula noong umakyat kayo ng bundok pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang bangkay ni Larry,” pag-aalala ni Claire habang nakahiga sa kama na katabi si Nathan. “Pumunta ka ba dito sa condo ko para sabihin lang iyan? Iniisip mo bang buhay pa si Larry at bigla na lang magpakita sa atin,” sagot ni Nathan habang hawak ang cellphone. “Baka nakalimutan mo na ako mismo ang tumulak sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya nahulog sa bangin at sinugurado ko iyon dahil ayaw ko na siyang mabuhay para tuluyan na kitang maagaw sa kanya.” “Nararamdaman ko naman iyon kung gaano mo ako kamahal. Hindi lang talaga mawala ang takot ko na baka itong nararanasan natin na kaligayahan ay hindi magtagal,” sagot ni Claire na halatang nag-aalala. Inilapag ni Nathan ang hawak na cellphone matapos nitong makita na nalulungkot si Claire pagkatapos ay humarap kay Claire hinawakan ang mukha at iniharap sa kanyang mukha. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa labi. Nawala ang lungkot at p
“Siguro wala ng tututol sa ipapakilala ko na magiging kasama natin sa Board of Director ang papalit sa aking nawawalang anak na si Larry Evangelista, walang iba kundi si Nathan Capriano.” Mas lalong nagulat si Atty. Rene sa ipinalit kay Larry, ang mismong kaibigan na si Nathan. Gustuhin man niyang kontrahin ay wala siyang magawa dahil alam niyang kokontrahin lang siya ng mga kapwa niya Board of Directors. Malakas na palakpakan at sunod-sunod na pagbati ang sumalubong kay Nathan sa pagpasok niya sa Conference Area. "Una po sa lahat maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap. Maraming salamat po sa ating bagong CEO at President Madam Margareth Evangelista. Bago pa ialok sa akin ang posisyon na ito ay pinag-isipin ko muna kong karapat-dapat ba ako na ipalit sa magaling at mabait na matalik kong kaibigan na si Larry,” pagkukunwari ni Nathan na nalulungkot sa pagkawala ni Larry. “Alam ko na may mga hindi sang-ayon at nabigla sa balitang ako ang uupo bilang bagong Board of Direct
Inabutan nang gabi ang dalawa bago ito maghiwalay kaya hinatid ni Nathan si Claire sa kaniyang sariling sasakyan bago ito dumeretso sa sarili niyang sasakyan. “Hon, pagdating mo sa bahay paki-message mo na lang ako na nakauwi ka na para malaman ko kung safe kang nakawi nang hindi naman ako masyadong mag-alala.” Pagkatapos humalik ay nagpaalam na rin si Nathan kay Claire. *** Mabilis na pinaandar ni Claire ang kanyang sasakyan matapos nilang maghiwalay ni Nathan upang puntahan si Gilbert. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ito sa kanyang pupuntahan. Nakahiga si Gilbert sa kanyang kama sa loob ng kanyang condo nang biglang kumatok sa pinto si Claire. Mabilis niya itong pinagbuksan ng pinto at sinalubong niya ito na may magandang ngiti. “Anong nginingiti mo?” mataray na tanong ni Claire habang pumapasok ito sa kuwarto. “Wala naman natutuwa lang ako dahil tinupad mo ang pangako mo,” sagot ni Gilbert habang isinasara nito ang pinto ng sariling condo. “Marunong ta
“Anak, aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Sabihan mo na lang din ang pinsan mong si Erik kapag dumating mula sa pangunguha ng panggatong na huwag masyadong magpagod dahil hindi pa siya lubos na magaling magpahinga naman siya,” wika ni Aling Cecilia sa anak niyang si Gwen.“Saan po kayo pupunta Nay?” tanong ni Gwen.“Pupunta ako sa bukid para hatiran ng pagkain ang tatay mo,” sagot ni Aling Cecilia sabay labas ng bahay at hindi na hinintay ang isasagot ng anak na si Gwen sa pagmamadali nito.Maya-maya ay dumating si Erik.“Erik, sabi pala ni Nanay magpahinga ka naman muna dahil kaganina ka pa daw nagtratrabaho dito sa bahay baka mabinat ka pa,” malumanay na sagot ni Gwen habang naghuhugas ito ng plato na kanyang kinainan.“Insan, ako nang bahala diyan sa mga plato. Gawain ko naman iyan dito sa bahay,” awat ni Erik sa ginagawa ni Gwen habang hinuhubad ang damit na pang-itaas dahil basang-basa na ito sa pawis.“Ano ka ba dalawang plato lang naman ito, hindi naman sigu
Tinanghali nang gumising si Nathan dahil sa paghihintay at pagpunta nito sa bahay ni Claire. Araw ng Linggo ay naisipan nitong puntahan si Gilbert sa kanyang condo upang ayain itong uminom nang mailabas ang sama ng loob niya kay Claire. Dahil hindi magawang magalit ni Nathan kay Claire ay sa kaibigan na lamang niya ito sinasabi. Napabangon sa kanyang higaan si Gilbert nang marinig niyang tumunog ang door bell ng condo niya. “Si Claire na naman ba ito? Hindi ko naman siya pinapunta dito,” bulong ni Gilbert sa sarili. Sa pagbukas niya ng pinto ay laking gulat ni Gilbert nang makita niya ang mukha ni Nathan. Biglang pumasok sa isip niya na baka alam na ni Nathan ang tungkol sa kanila ni Claire. “Anong nangyari sa iyo Gilbert? Para kang gulat na gulat nang makita mo ako. Lagi naman akong pumupunta dito sa condo mo kapag wala tayong pasok,” ang nagtatakang tanong ni Nathan sa kaibigan. “Hindi naman ako sa nagulat, akala ko lang kasi hindi ka pupunta dito dahil may lakad kayo ni Clair
Patuloy na nagsasalita si Mang Karding sa silid kainan habang nasa sala ang kausap na si Aling Cecilia. Ang hindi niya alam ay lumabas na pala ng bahay si Aling Cecilia at hinanap si Gwen dahil patuloy pa rin itong nag-aalala sa anak na dalaga. Sinadya niyang hindi na magpaalam sa asawa dahil pipigilan lamang siya nito dahil sa malaki ang tiwala nito kay Erik. “Cecilia, naririnig mo pa ba ako?” tanong ni Mang Karding nang mapansin nito na parang wala nang sumasagot sa kanyang mga sinasabi. Napasilip sa sala at nang mapansin niyang nawala ang asawa. “Eto talagang asawa ko kahit isang taon na naming kasama si Erik ay hindi pa rin siya lubos na nagtitiwala dito, wala naman itong ipinakita kahit kaunting panget na ugali,” bulong ni Mang Karding sa sarili habang nakadungaw sa bintana na pinagmamasdan ang asawang naglalakad papalayo sa kanilang tahanan.***Samantala ilang minuto ang lumipas masayang nagbibiroan sila Erik at Gwen habang naliligo sa natuklasang batis nang biglang dumating
Laking gulat nila Erik at Niknok nang biglang umahon si Gwen sa batis at agad na dinampot ang tuwalyang dala nito. Hindi man lang ito nagpaalam sa mga taong andoon kahit sa kanyang ina na si Aling Cecilia. Hindi na nagtaka si Aling Cecilia sa ginawa ng anak. Alam niyang matalino ang anak niya kaya siguradong natunugan nito na may inililihim siya sa kanya. Malakas ng kutob nito na hindi niya totoong pinsan si Erik kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ng kanyang ina nang makitang ganoon lang ang suot niya sa harap ni Erik. Sa sobrang pagkakilala niya sa mga ugali ng mga magulang niya kaya alam din nito kung kailan nagsisinungaling ang mga ito sa kanya. “Anak, saan ka ba pupunta?” tanong ni Aling Cecilia habang pinagmamasdan ang anak kung saan ito pupunta. Ngunit, parang bingi lamang si Gwen nang hindi man lang sumagot sa tanong ng ina at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad papalayo sa kinaroroonan ng batis. “Erik at Niknok, dito lang kayo huwag ninyo kaming susundan,” utos n
Halos sampung minuto rin ang ginugol nila Aling Cecilia at Erik na pasan-pasan si Gwen sa kanyang likod upang makarating sa mismong highway. “Sana may magmagandang loob sa atin na pasakayin tayo nang maihatid tayo sa pinakamalapit na ospital,” dalangin ni Erik habang pinagpapawisan at hirap na hirap sa pagbubuhat kay Gwen sa kanyang likod. “Nak, konting tiis pa makakahanap rin tayo ng sasakyan na maghahatid sa atin sa ospital,” wika ni Aling Cecilia habang pinupunasan nito ang butlig-butlig na pawis sa mukha ni Gwen na halatang nanghihina na dahil sa unti-unting pagkalat ng lason sa buong katawan. Mabuti na lamang ay hindi nagtagal ay mayroong humintong sasakyan sa harap nila. “Ano pong nangyari?” tanong ng driver ng sasakyan na huminto sa harapan nila. “Puwede po bang sumakay sa inyo? Nakagat po kasi ng ahas ang anak ko,” pagmamakaawa ni Aling Cecilia sa driver. Hindi nagdalawang-isip ang mabuting driver na tumulong at agad niyang pinasakay sila Aling Cecilia. “Sige po, sumaka