Share

Kabanata 6: Walang Hanggang Kataksilan

Inabutan nang gabi ang dalawa bago ito maghiwalay kaya hinatid ni Nathan si Claire sa kaniyang sariling sasakyan bago ito dumeretso sa sarili niyang sasakyan.

“Hon, pagdating mo sa bahay paki-message mo na lang ako na nakauwi ka na para malaman ko kung safe kang nakawi nang hindi naman ako masyadong mag-alala.” Pagkatapos humalik ay nagpaalam na rin si Nathan kay Claire.

***

Mabilis na pinaandar ni Claire ang kanyang sasakyan matapos nilang maghiwalay ni Nathan upang puntahan si Gilbert. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ito sa kanyang pupuntahan.

Nakahiga si Gilbert sa kanyang kama sa loob ng kanyang condo nang biglang kumatok sa pinto si Claire. Mabilis niya itong pinagbuksan ng pinto at sinalubong niya ito na may magandang ngiti.

“Anong nginingiti mo?” mataray na tanong ni Claire habang pumapasok ito sa kuwarto.

“Wala naman natutuwa lang ako dahil tinupad mo ang pangako mo,” sagot ni Gilbert habang isinasara nito ang pinto ng sariling condo.

“Marunong talaga akong tumupad sa usapan kaya sana naman pagkatapos nang mangyayari sa atin ngayon ay tuparin mo rin ang pangako mo.” Binuksan ni Claire ang kanyang bag upang kunin ang isang pirasong sigarilyo. Nang sisindihan na ito ni Claire ay inawat siya ni Gilbert.

“Tigilan mo ang paninigarilyo mo. Ayaw kong amoy usok ang labi ng hahalikan ko,” awat ni Gilbert habang nakatitig ito sa mukha ni Claire.

“Sino ka ba boyfriend ko na si Larry? Lagi na lang ninyo ako pinagbabawalan sa paninigarilyo ko. Mabuti pa si Nathan naiintindihan ako kung bakit ako naninigarilyo,” paghihimutok ni Claire.

“Wala naman akong pakialam kung anong gusto at ayaw ng kabit mong si Nathan. Pinipigilan lang kita ngayon dahil pagsasawaan ko ang labi mong mapupula, ayaw ko naman na makuha ang mga nekotina na galing sa sigarilyo mo,” pambabara ni Gilbert sa babaeng kausap niya.

“Maaari bang patayin mo na lang ang ilaw at simulan na natin ang gusto mong gawin?” pakiusap ni Claire.

“Hindi ka ba muna maliligo?” tanong ni Gilbert habang itinuturo nito ang daan patungo sa shower room.

“Mabaho na ba ako?” asar na sagot ni Claire.

“Hindi ko naman sinabi na mabaho ka, katunayan sobrang bango mo,” pamilosopong sagot ni Gilbert. “Sabihin na lang natin na mas masarap papakin ang isang putahe kung ito ay bagong luto at mainit-init pa,” pabirong dagdag ni Gilbert.

Walang magawa si Claire kun’di ang lalong maasar sa kausap at para matapos na ay dumeretso na lang ito sa shower room upang pagbigyan si Gilbert.

Pagkaraan nang mahigit limang minutong paghihintay ni Gilbert ay natapos din na maligo si Claire. Nanlaki ang mata ni Gilbert sa babaeng kasama niya nang tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa maseselang parte ng katawan nito, bakas na bakas sa mukha ng binata ang panggigigil kaya agad niya itong hinatak sa kama.

“Gilbert, patayin mo muna ang ilaw,” pakiusap ulit ni Claire matapos na ihiga siya ni Gilbert.

“Hindi ako nakikipag-sex ng madilim dahil gusto kong makita nang maliwanag ang buong kagandahan ng katawan mo habang nakapatong ako.” Hindi na hinayaan pa ni Gilbert na makapagsalita si Claire agad niya itong hinalikan sa mapupula nitong labi.

Noong una tanging ang labi lamang ni Gilbert ang gumagalaw sa kanilang halikan dahil napipilitan lamang si Claire na makipagtalik. Lumipas ang ilang minuto dahil sa sanay at bihasa si Gilbert pagdating sa halikan ay hindi napansin ni Claire na nagugustuhan na rin niya ang ginagawa sa kanya.

Sa wakas nagsimula na ring sumabay ni Claire sa halikan. Lumabas ang pagiging sabik nito sa pakikipagtalik. Nawala na sa isip niya ang plano niyang ipapatay ang ilaw para makaiwas kung meron mang inilagay si Gilbert na hidden camera habang nagtatalik sila. Kahit ang pag-message kay Nathan ay nakalimutan na rin niya.

***

Nakauwi na si Nathan at katatapos lang nito mag-shower. Nagsimula na rin itong humiga sa kanyang kama upang magsimula ng matulog nang biglang maalala niyang hindi pa pala sa kanya nagme-message si Claire.

Habang nasa kasarapan si Claire ay tinawagan siya ni Nathan, ngunit hindi niya ito matawagan dahil sa pinatay pala ni Gilbert ang cellphone ni Claire habang naliligo ito upang makasiguro na walang magiging istorbo sa kanilang dalawa.

Walang kaalam-alam si Claire habang tumitirik ang mata nito sa ginagawang pagpatong sa kanya ni Gilbert, samantalang sobrang nag-aalala naman si Nathan kung nasa mabuti ba siyang kalagayan.

Hindi mapakali si Nathan kaya muli itong bumangon sa kanyang hinihigaan. Hindi na nagpalit ng damit at agad itong sumakay sa kanyang sasakyan para pumunta sa tinutuluyang apartment ni Claire.

***

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakatapos at nakaraos na sila Claire lalong-lalo na si Gilbert.

“Siguro naman sapat na ang ginawa natin ngayon upang tuparin mo naman ang ipinangako mo na titigilan mo na ako at kalilimutan ang nangyari sa atin?” wika ni Claire habang sinusuot nito ang kanyang damit.

“Baka sabihin mo wala akong isang salita. Simula ngayon ay hindi na kita iistorbohin,” pagsang-ayon ni Gilbert sa gustong mangyari ni Claire. “Pero kung hahanap-hanapin mo ang sarap na ipinaranas ko sa iyo, huwag kang mahihiya na magsabi lang sa akin. Madali naman akong kausap at hindi ka magdadalawang salita, ako ay darating,” pang-aasar ni Gilbert.

“Asa ka naman na magpapagalaw pa ulit ako sa iyo,” pambabara ni Claire.

“Huwag ka magsalita ng tapos, baka bigla akong yumaman at sigurado akong iiwan mo rin si Nathan,” patuloy na pang-aasar ni Gilbert.

“Kahit ikaw pa ang pinakamayaman hindi na kita ulit papatulan.” Sa sobrang pagkaasar ni Claire ay nagmadali na ito at nakalimutan nang isuot ang kanyang bra.

Mabilis na naglakad si Claire sa pinto, ngunit hinarang ni Gilbert. Bago niya palabasin sa pinto ay hinawakan niya sa bewang si Claire at hinatak niya ito papalapit sa kanya. Hinalikan niya ito sa labi habang nakayakap ang kanang kamay nito sa katawan at nakahawak naman kaliwang kamay sa ulo.

Pinilit ni Claire na pumiglas pero sadyang mas malakas sa kanya si Gilbert kaya nagawa pa rin sa kanya na halikan siya ng ilang segundo.

Napilitan lang tumigil sa paghalik si Gilbert kay Claire nang kagatin siya nito sa labi.

“Aray ko naman!” reklamo ni Gilbert.

“Hindi ka pa kasi nakuntento sa ginawa natin kaya bagay sa iyo yan!” matapang na sagot ni Claire.

“Gusto ko lang naman magpaalam sa iyo kaya kita hinalikan sa labi,” pangangatwiran ni Gilbert.

“Ewan ko sa iyo,” sagot ni Claire sabay bukas ng pinto upang matigilan na sa pang-aasar si Gilbert at makauwi na rin siya sa sarili niyang bahay.

***

Lumipas ang halos isang oras ay nakarating na si Claire sa kanyang bahay. Hindi niya napansin na nakaabang pala sa kanya si Nathan sa nasa loob ng kanyang sasakyan.

Isinasara ni Claire ang gate ng kanyang bahay nang biglang pigilan ito ni Nathan.

“Hon, bakit andito ka akala ko ba uuwi at matutulog ka na agad?” Gulat na gulat si Claire nang biglang sumulpot si Nathan.

“Saan ka galing? Hindi mo man lang ako naalala na i-message man lang o tawagan, eh di sana hindi kita nahuli sa kalokohan mo,” galit na salita ni Nathan.

“Hon, pasensya ka na, nawala lang sa isip ko na tawagan o i-message ka man lang, bigla kasing nagkaayaan ang tropa kaya nagkaroon ng biglang lakad,” pagsisinungaling ni Claire upang hindi siya paghinalaan na galing siya kina Gilbert.

Pagagalitan pa sana ni Gilbert si Claire nang biglang lambingin siya nito.

“Hon, huwag ka nang magalit at kung gusto mo pag-usapan na lang natin sa loob ng kuwarto ko?” HInawakan ni Claire ang dibdib ng binata habang nagsasalita ito at maya-maya ay yumakap na ito.

Nawala ang galit ni Nathan nang biglang lambingin siya ni Claire.

“Sige naniniwala na ako. Ang mahalaga naman ay nakita kitang ligtas kaya hindi na rin ako magtatagal para makapagpahinga na rin,” wika ni Nathan.

“Sigurado ka Hon, hindi ka na papasok sa loob ng bahay?” tanong ni Claire.

“Oo Hon, at para makapagpahinga ka na rin.” Pagkatapos humalik ni Nathan sa pisngi ni Claire ay agad itong tumalikod at bumalik na sa sariling sasakyan.

***

Ilang minuto ang lumipas matapos makasigurado ni Gilbert na nakaalis na si Claire. Kinuha nito ang kanyang cellphone at may kinausap.

“Sir magandang gabi. Pasensya na sa istorbo,” bungad ni Gilbert sa mahiwagang taong kausap sa telepono.

“Magandang gabi naman sa iyo Gilbert, bakit ka pala napatawag?” tanong ng mahiwagang lalaki.

“Sir ire-report ko pala sa iyo na nagtagumpay ang una kong plano laban kina Claire,” wika ni Gilbert sa misteryosong kausap.

“Mabuti kung ganoon, ipagpatuloy mo lang ‘yang ginagawa mo siguradong magagamit natin iyan balang araw sa mga traydor na iyan kapag bumalik si Larry. Tawagan mo na lang ulit ako kung may bago kang update sa kanila. Salamat,” wika ng misteryosong kausap ni Gilbert.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Naty Gulpe
Nice. Highly recommended
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status