Share

Kabanata 14: Ang Paglabas ng Tunay na Ina

Masayang nagkukuwento si Leslie sa tabi ni Erik, ngunit nasa ibang lumalop ang isip ng binata dahil hindi naman ito nakikinig sa mga sinasbi ni Leslie, ang nasa isip nito ay ang itsura ni Gwen noong ipinasan niya ito sa kanyang likod nang kinagat ito ng ahas.

Hindi mawala sa isip ni Erik ang napakagandang mukha ni Gwen habang nahihirapan ito at pinagpapawisan dulot ng sakit na dulot ng kagat ng ahas.

“Kakaiba talaga ang dating niya, gustuhin ko mang pigilan dahil bawal siyang mahalin dahil magpinsan kami pero hindi ko magawa, nabibighani talaga ako sa taglay na ganda niya,” bulong ni Erik sa sarili habang pinagmamasdan ang nakahigang si Gwen.

Nagkunwaring tulog naman si Gwen upang pasimpleng makinig sa pinag-uusapan nila Erik at sa bestfriend niyang si Leslie.

Matapos na magsalita nang kung anu-anong kuwento ay napansin ni Leslie na hindi pala nakikinig sa kanya si Erik.

Ilang beses nitong nahuli ang binata na nakatingin sa kaibigan niyang si Gwen kaya alam niyang wala sa kanya ang at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status