Share

Chapter 15

Chapter 15

Uminat si Monica at iginalaw-galaw ang balikat matapos i-saved ang document na ginawa. Tapos na ang araw ng kaniyang trabaho. Maaga rin nag-out ang boss niya dahil may importante daw itong pupuntahan.

Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Sena. Susubukan niya ang suggestion ng kaibigan. Magpapasama rin siya dito bumili ng ingredients para sa lulutuin niya bukas.

Pagkababa niya sa lobby ay naghihintay na ito sa kaniya. Kinawayan niya ang kaibigan at ngumiti rito. “Pwede mo ba ako samahan sa supermarket bes?”

Nagtataka man ay tumango na lang ito at umagapay sa paglalakad niya. “Bakit ano ang bibilhin mo?”

“Bibili ako ng lulutuin kong lunch para kay Sir Jack bukas.” Nahihiyang saad ni Monica.

Impit na tumili si Sena. Nagpa-linga linga siya sa paligid bago kurutin sa tagiliran ang kaibigan. “Huwag ka nga iskandalosa Sena!”

“Pasensiya na bes hindi ko lang mapigilan kiligin.” bulong nito habang nakatakip sa bibig ang mga kamay.

Naglakad lang sila papuntang supermarket dahil malap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status