Share

Chapter 5

Taranta akong bumaba ng tricycle pagkaparada nito sa harap ng gate ng bahay namin. Takot akong harapin ang hamon niya kahit ako itong nagsimula. Takot akong umamin at takot na takot akong malaman... na baka nag-iilusyon lang akong talaga at hindi naman ako ang pinapasaringan niya.

Tumikhim ako at mag-aabot sana ng hati ko sa pamasahe pero mabilis nang umandar paalis ang tricycle. Clyde remains standing beside me, matiim ay naninimbang ang mga titig nito. 

Muli akong tumikhim. "P-pasok na ako sa loob. Thanks for today. Nag-enjoy ako..."

Tumango ito, inihatid ako hanggang sa loob ng gate. "Huwag ka na ulit magka-cutting, Bon. Hindi ko na palalampasin sa susunod at talagang isusumbong kita sa Mama mo."

Matipid lang akong tumango. Hindi ko na siya muli pang nilingon o inakit man lang na pumasok sa loob para magmeryenda, kagaya ng nakaugalian namin. Dire-diretso akong nagtatakbo papasok ng bahay at nakasalubong ko pa si Papa sa sala na may hawak na mangkok. Umuusok ang laman noon, ingat na ingat siya habang papalabas ng bahay.

"Ano 'yan, Pa? At saan mo dadalhin 'yan?" Tanong ko, nahinto sa pagtakbo at sinundan ang ama ko.

"Kakatapos lang magluto ng tinola ni Mama mo. Naroon sa kabila at inutusan akong magdala ng ulam kila Tita Madel mo."

"Ah..." Tumango ako. "Ba't kasi di ka nagdala ng tray para hindi ka hirap na hirap diyan, Papa? Ang init init niyan, o! O kaya dapat nilagay mo na lang sa tupperware." Pang-sisita ko rito.

"Huwag na at malapit lang naman. Magbihis ka na 'ron sa taas at nang makapaghapunan na tayo. Susunduin ko lang ang Mama mo sa kabila at ihahatid itong ulam."

Sumalampak ako sa kama nang marating ko ang kuwarto. I exhaled deeply, trying to reminisce everything that happened today. Nag-cutting ako, which urged Clyde to cut class too. Hindi niya pinahiram ng ruler si Arrie dahil galit ako. We went to the mall together and hanged out in the arcade. What else did I miss? Oh, the tricycle scene…

Impit akong napatili sa malambot kong unan. I need to be more careful. Hindi naman sa inililihim ko ang feelings ko para kay Clyde, I just think that… there’s a right time for me to confess and reveal everything to him… even when I have a hunch he’s already aware of it.

Grade seven pa lang ako. Maybe I’ll confess to him once I’m already in my senior year? ‘Yon ay kung may nararamdaman pa rin ako sa kanya. But who am I kidding? Syempre, siguradong mayroon pa. I’ve fancy him for so long since our diaper and bona kid days at mukhang mahihirapan akong burahin ang nararamdaman para sa kanya.

Pagkatapos kong magbihis at maghilamos ay bumaba na ako para saluhan sa dinner si Mama at Papa. ‘Yun nga lang, wala pa rin sila nang makababa ako. Mag-aalasyete na ng gabi, ano naman kayang pinagtsitsismisan ng mga gurang at hindi pa rin nakakabalik hanggang ngayon?

Kinuha ko ang telepono upang i-text si Mama. However, when I heard a beep from somewhere inside the house, I realized she didn’t bring the phone with her. Umikot ang mata ko bago tinungo ang kusina. Mabuti na lamang at wala kaming alagang pusa dahil naiwan pa ni Papa na walang takip ang nilutong tinola! Naku naman!

Nagsimula akong magsandok matapos magpasya na mauna nang kumain. This always happen anyway. Tuwing nalilibang sa kuwentuhan ang magkakaibigan ay inaabot pa minsan ng alas-diyes sa kabila ang mga ito. Lalo na ‘pag nariyan ang Papa ni Clyde tuwing bagong dating galing abroad.

Tito Clark is a chief engineer seafarer at dalawang beses lamang sa isang taon kung ito ay umuwi. Sa pagkakaalam ko ay tuwing ganitong buwan siya dumadating. He might be home in a few weeks at siguradong tiba-tiba nanaman ako sa chocolates at pasalubong!

I was enjoying my dinner when a knock on the door disturbed my meal. Tumayo ako upang silipin ang kumatok. Clyde was right there in front of our porch, holding a huge paper bag. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ito.

“What’s that?” I inquired as we headed to the living room. Clyde handed the paper bag to me. Agad kong inusisa ang laman noon.

“Papa arrived today. He didn’t tell us in advance ‘cause he wanna keep it as a surprise,” he replied.

Umawang ang bibig ko nang makita kung gaano karaming chocolates ang laman ng bag. There were also perfumes and branded lotions!

“Ang dami nito, salamat! I should visit your home to personally see and thank Tito Clark. Tatapusin ko lang ang kinakain ko.”

“That’s all for you. Papa already gave their separate pasalubong to your Mom and Dad.”

Tumango ako, malawak ang pagkakangiti.

The next days were so eventful. Tito Clark planned an out-of-town trip for all of us during the weekend kaya’t excited na excited and parents ko, ganoon na rin ako syempre. I’ll get to spend time with Clyde and have fun with him without a witch lingering around.

The short staycation was held in a beautiful resort in Subic, Zambales. Sakto at walang pasok next Monday dahil sa holiday kaya’t nakapag-extend kami.

“Put on the rash guard, Bon.” Narinig ko ang boses ni Clyde mula sa aking likod. Nilingon ko siya, he’s topless and only wearing a black board short. A white towel was hanging around his neck, medyo basa rin ang dulo ng buhok niya at natatabingan noon ang kaunting parte ng kanyang noo.

My brow arched at him. “Bakit? Nasa kuwarto, naiwan ko.” Nilingon ko ang beach. “Hindi naman masyado mainit kaya ayos lang siguro na hindi muna ako magrash-guard. Nag-apply na rin ako ng sunscreen…”

I was wearing a white sports bra and a black pair of shorts na katerno noong rash guard ko. I was wearing one yesterday dahil talagang mainit pero ayos naman ang panahon ngayon kaya’t hindi ko na sinuot.

Muli akong bumaling kay Clyde. Nakakunot ang noo nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

“Ano? It’s not like I’m wearing something scandalous! I could’ve worn a two-piece bikini instead but I didn’t!”

Dumilim ang mukha nito. “Talagang hindi ka magsusuot ng ganoon!”

Humalukipkip ako sa harap niya at tamad siyang tinitigan. “I will. In the future once I’m fully grown!”

I noticed how his jaw clenched and unclenched. “Like I would let you…”

“Ano?!” Napipika kong singhal sa kanya. “Diyan ka na nga!”

Iniwan ko siya roon sa sun lounger pagkatapos kong ihagis ang towel sa mukha niya. Nagtatakbo ako patungo sa tubig, natutuwa na hindi ganoon kainit at kakaunti lamang ang nakikitang guests ng resort. Hindi kasi holiday trip season ngayon kaya’t halos bilang lang ang mga panauhin. That’s a good thing on my part since I could easily get irritated in big crowds.

Nakasabit ang waterproof camera sa aking leeg. Nagsimula akong kumuha ng litrato at iyon ang napagkalibangan ko habang nasa resort kami. The beach was beautiful and breathtaking. Puting puti at pino ang buhangin. Kapat tirik ang araw ay parang kumikislap ang malinis at asul na tubig ng dagat.

Nagpahinga lang kami at naglibot-libot during the first day. Sa sumunod na araw, we tried various activities. We rode a banana boat at nahulog pa si Papa habang umaandar ang sasakyan. Hindi naman kami magkamayaw sa kakatawa. We then tried snorkeling! Hindi ako ganoon kagaling lumangoy kaya’t kapit na kapit ako kay Clyde at Papa habang nasa ilalim kami ng tubig at minamasdan ang makukulay na isda at korales.

During the night, a local band serenaded our evening. Although, they performed unfamiliar songs, I still enjoyed the tranquility it brought to the cold beach. Nasa kuwarto na ang parents namin pero nasa labas pa rin kami ni Clyde at kumakain ng corn dog habang nakikinig sa live band.

Sumandal ako sa balikat niya. “I hope we can do this yearly.”

“Right,” pagsang-ayon nito. “We should visit Aurora next. A hiking in the hills would be fun.”

Tumango ako. A short silence engulfed us. It was comforting rather than awkward. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at nanuot iyon sa aking balat. Bahagya akong namaluktot sa kinauupuan upang yakapin ang sarili. Naramdaman kong pumalibot ang isang braso ni Clyde sa aking balikat. His warmth immediately caressed away the coldness in my body.

“Thanks,” I murmured, snuggling closer into him.

The sky was clouded with thick fogs, covering the moon and stars above us. However, the bonfire a few meters away from us was enough to light up our surrounding. I stole a quick glance at him. His eyes were solely directed towards the band. I sighed in contentment.

Right. I should learn how to be contented with whatever we have at the moment. We’re still young and it’s not good to rush things. Ang kailangan ko lang gawin sa ngayon ay mag-aral, matutong maghintay at maghanap ng right timing… at ilayo si Clyde sa mga bruhang umaaligid sa kanya.

“What are you thinking?” he murmured beside me.

I small grin curved on my lips. “Yeah. I think Aurora would be the perfect destination for our next trip.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status