Share

Chapter 2

Syempre, tamang charot lang ‘yon. After akong utuin ni Clyde gamit ang mga tig-pipisong paper dolls ay bumigay din ako. Pero syempre, mas nangibabaw ang charms niya. It only lasted for three days dahil hindi ko rin siya natiis. But, I still stand by my decision. Hanggang ngayon ay hindi ko siya pinapatapak sa treehouse namin.

Well, the treehouse was actually ours dahil gawa iyon ni Papa at pag-aari namin ang puno. Lahat ng materyales na ginamit doon ay sa amin mula kahoy hanggang pako kaya may karapatan akong magdamot!

One of the saddest moments for me as a kid was when Clyde graduated elementary. I was left alone on my own cause he has to go to High School which is actually katapat lang din ng  school ko. Nagkikita pa rin naman kami syempre pero nabawasan iyon dahil malaki ang pagkakaiba ng schedules namin. Medyo masaya na rin ako kasi hindi sila classmates ng bruhang apo ni Pasing.

On my sixth grade, Clyde invited me to their school to cheer him up dahil sasali siya sa pageant. It was during their intramurals week. He was chosen to be their class representative for Mr. and Ms. Intrams.  Of course, I was more than willing to be her cheerleader, gumawa pa nga ako ng banner na muntik nang maging sinlaki ng billboard sa Edsa.  At wag ka, nagdala rin ako ng pompoms.

“Mag-start na daw in twenty minutes sabi ni Ma’am. Ready na ba kayo?” The president of their class informed the representatives and I looked at the girl beside Clyde who still isn’t done with her make-up. Medyo nataranta ang baklang nagmamake-up dito at bumilis and pagkuskos ng make-up brush sa pisngi ng babae.

Bumaling ako kay Clyde. “Hindi ka ba kinakabahan?”

“Medyo,” he smiled and indeed, I noticed his lips trembled a bit. He once joined a pageant in elementary and he won so I have confidence in him. But still, hindi pa rin siya sanay sa ganitong klaseng events dahil mas involve siya sa sports. Actually, nabanggit niyang pinilit lang siya ng adviser at buong klase kaya nahirapan siyang tumanggi.

“Maybe I shouldn’t have invited you at baka mas lalo lang akong kabahan,” he murmured and my eyes turned to look sharply at him.

“And what does that mean?”

Tita Madel laughed as she continued fixing Clyde’s outfit. The candidates would model their casual clothes first to introduce themselves. Clyde looks like a Korean model with his white coat and slicked-back hair. Actually, ako ang nagsuggest ng outfit na suot niya which is inspired from a k-drama na kinaadikan namin ni Mama. His mother seemed to like my suggestion kaya’t kinuha niya ako para tumulong sa pagpe-prepare.

“You’re going to distract me,” he replied at lalong umasim ang mukha ko.

“Of course not! If I intend to do that, I could’ve brought the megaphone too!” I defended at naiiling niyang pinasadahan ng tingin ang dala kong dilaw na pompoms. Sinimangutan ko siya. Pinaghirapan kaya naming ‘tong gawin ni Mama!

“Clyde, hinahanap ka ng girlfriend mo!” someone shouted and we both turned to look at the door to see his classmate grinning playfully, and beside him was Arrie. My mouth hanged open as I realize she’s glammed-up too, as if she’s also joining the pageant.

“Hindi niya ako g-girlfriend,” Arrie giggled as her cheeks flared up.

“Sus, hindi daw? Eh lagi kayong sabay mag-lunch tapos lagi ka rin nandito sa classroom namin.”

Agad na nasira ang mood ko sa narinig. Binalingan ko si Clyde at tatawa tawa lang ito. Great!

Lumapit sa amin si Arrie at saglit ako nitong binalingan bago nag-focus kay Clyde. “Good luck! I’ll be cheering for you.”

Suminghap ako at palihim na umikot ang mata. “Mukhang ikaw ang representative ng klase niyo, ah?  Bakit si Clyde ang ichecheer mo e hindi naman siya ang partner mo?”

“Of course, he’s my friend too kaya gusto ko rin siyang manalo,” she retorted smiling.

“Well good luck na lang din sayo but my vote is on her,” I gently touch Clyde’s muse on the shoulder as if telling her na ito ang pambato kong manok. Bahagyang natawa ang partner ni Clyde.

“That’s enough, Bon,” Clyde whispered at me. “Good luck din sayo. I know you’ll do good.”

“Can you imagine if magkaklase tayo? It would’ve been amazing to join the pageant as one another’s partner,” Arrie giggled and it sounded so annoying to my ears. I glared at her. Bruha ka, wag mo hintaying sabunutan pa kita dito! Baka lagasin ko ‘yang buhok mong mukhang pang-graduation!

“That would be nice. Let’s see next school year if may chance na maging mag-classmates tayo.”

I smirked. “Oh that would be impossible. Unless you fail your subjects, Clyde, then there’ll be a chance na malipat ka sa lower sections. Diba mga bobo lang ang nandoon? Ano ngang section mo, Ara?” I asked mockingly, knowing she’s a few levels behind him.

“Bonnie!” Sinita ako ni Tita Madel at Clyde at narinig ko ang mahinang hagikhikan sa gilid ko.

“Pero true ‘yon! Diba section 11 ka, Arrie? Sabin ni Ma’am Tesoro, ang hirap daw turuan ng section niyo kasi ang hihina niyo umintindi,” one of the girls in the class said and everyone laughed.

“Girls, that’s enough,” sinuway din ni Tita Madel ang mga ito. “Arrie is the top student of their class, am I right? Naikwento ng Lola Pasing mo sa akin.”

“Ah, opo,” pinilit ngumiti ni Arrie pero ramdam ko ang pagkapahiya niya.

“As if that’s something to be proud of? She’s in the lowest section, kung dito ‘yan, she wouldn’t stand a chance.” Hindi natigil sa pang-aalaska ang mga classmates ni Clyde kaya’t tuwang tuwa naman ako dahil feeling ko ay nakahanap ako ng kakampi.

Lalong lumuwag ang ngisi ko. Nang bumaling ako kay Clyde, nakita kong madilim ang titig nito sa akin.

“Tama na ‘yan. You shouldn’t talk so lowly of someone kahit pa mas nakakaangat kayo,” pinagsabihan ni Clyde ang mga kaklase. “I’m sorry, Arrie. Halika na, ihahatid kita sa classroom niyo.”

Hindi ako nakahuma nang higitan ni Clyde palabas ng classroom ang bruhildang mukhang clown dahil sa kapal ng foundation nito. Natameme ako at nagngingitngit na tinanaw sila mula sa bintana. I heard Tita Madel sighed wearily beside me, she seemed disappointed by my action.

Inakbayan ako ni Tita at iginiya palabas ng classroom. Alam kong pagsasabihan niya ako.

“Bonnie, dear...” she sighed once more, “I understand why you’re behaving like this. Hindi ka sanay na may ibang kaibigang babae si Clyde. Pero ganoon talaga dear, hindi lang sayo iikot ang mundo ng isang tao..”

Napayuko ako.

“Sana wag mong ibunton ang sama ng loob mo kay Arrie. She’s a good kid and I feel bad dahil lagi siyang nabubully,” she caresses my back. “I have an idea. Why don’t you befriend her too?”

Tita Madel was smiling hopefully at me but I couldn’t help the frown that appeared on my face.

“I think you and her, together with Clyde, would make a cool trio! What do you think?”

Lalong lumalim ang pagkakasimangot ko. Bahagya siyang natawa at ginulo ang aking buhok. “Oh, well. Hindi kita pinipilit, hija. I just want you to try.”

I don’t have any girlfriend, to be honest. I don’t have anyone that I can call as a best friend beside Clyde. Hindi naman ako yung tipong pinandidirian o kinatatakutan sa school. I do have casual and decent relationships with everyone but no one comes close to what I have with Clyde. Siya lang ang meron ako.

“Magsisimula na raw! Nasaan na si Clyde?” their class president announced and my best friend arrived just in time. Lumabas na rin ang muse niya na maingat na inaalalayan ng boyfriend nito na narinig kong taga kabilang section daw habang nakasunod naman ang baklang makeup artist sa likod. Namamangha kong sinundan ng tingin ang mga ito. Pag grade eight ko kaya, magkakaboyfriend na rin ako?

Napatingin ako kay Clyde, biglang naalala ang sinabi ng classmate niya kanina. Totoo kayang girlfriend niya si Arrie? Naninikip ang dibdib ko sa kaisipang baka totoo iyon.

I was so occupied the whole duration of the pageant. Ang dala kong pompoms ay nawalan ng saysay dahil nanamlay ako ng todo sa kakaisip. Si Tita Madel at mga classmates lang niya sa tabi ko ang malakas na nagsisigawan tuwing nasa harap ng entablado si Clyde.

It was during the evening gown competition when my spirit jolted up. The loud gasps pulled me away from my sad thoughts and when I look at the stage, Arrie was there, flat-faced on the floor while also having a wardrobe malfunction. Nanlaki ang mga mata ko.

She was wearing a one-sided spaghetti-strapped emerald gown at mukhang napigtas iyon kaya’t halos mahubaran siya sa stage. Good thing she was wearing a strapless bra! She looked so ashamed at mukhang paiyak na rin. Humina ang tugtok ng musika at lumapit ang isang teacher upang alalayan ito paalis ng stage. Everyone seemed concern but at that moment, it was funny as hell to me.

Pinigilan ko ang tawa. Mukhang natapilok ito at naapakan ang sariling gown kaya’t  napatid ang strap. Nabali rin ang heels ng suot nitong sapatos! Oh God, if that was me on that situation, hindi na ako papasok ng school kahit kailan!

Nakita kong nagmamadali na sinundan ni Aling Pasing sa backstage ang teacher at apo niya. Nagpatuloy naman ang pageant. That moment, bumalik ang sigla ko. It was so mean, I know. Someone’s horrible experience just made me happy but what can I do? Eh sa natutuwa ako, eh? Buti nga sa kanya! Bida bida kasi masyado!

Clyde wasn’t successful to take the crown but at least, he was a runner-up. As expected, a senior from a higher grade level won the competition. It was a fair and clean fight. Hindi nanalo ang muse ni Clyde but he took home the 2nd place so there’s still a reason for them to celebrate.

“Nasaan po si Clyde?” luminga-linga ako sa paligid, nagtataka dahil hindi mahagilap ng paningin ang kaibigan ko. Tita Madel invited some of Clyde’s classmates to their house since she prepared a small feast in advance regardless of the pageant’s result. Medyo maingay ang bakuran nila dahil naroon nakalatag ang mga lamesa kung saan nagtatawanan ang mga kaklase ni Clyde.

“Bakit, hija? Wala ba riyan sa labas?” nakidungaw rin si Tita sa kanilang bakuran. Umiling ako.

“Hanap niyo po si Clyde? Pumunta po yata kay Arrie,” sabat ng isa sa mga kaklase niya at agad na kumulo ang dugo ko. “Oh, ayan na pala..”

Nakakrus ang mga braso ko habang pinapanood na pumasok ng bahay si Clyde. Nakabuntot ako sa kanya patungong kusina. “Galing ka kay Arrie?”

Saglit ako nitong nilingon. “Oo, kinumusta ko lang pagkatapos nang nangyari sa pageant. Iimbitahan ko sana rito kaso nahihiya daw siya.”

Kumunot ang noo ko nang magsimula itong maghalungkat ng plastic tupperwares. “Dadalhan mo siya ng pagkain?” pang-uusisa ko at tipid lang itong tumango.

“Nandyan ang mga classmates mo, Clyde. Hindi mo dapat sila iniiwan, they are your guests. Kanina ka pa labas-pasok.”

“Mabilis lang ako. Ihahatid ko lang ito at babalik din ako agad.”

Matamis ngunit plastik akong ngumiti sa kanya. “I can deliver the foods to her if you want!”

“Huh?”

“Ang sabi ko, ako na ang magdadala sa kanya. You can go ahead and join your friends, Clyde.”

His eyes narrowed suspiciously at me. Kahit masama ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay parang gusto ko pa rin matunaw sa sobrang kilig habang sinasalubong ang kulay lupa niyang mata. He’s so beautiful!

“Ako na, mabilis lang naman ‘to,” inilagay niya sa puting tote bag ang mga tupperwares. Hinarangan ko siya at inagaw sa kanya ang bag bago pa siya makalabas ng kusina.

“Ako na nga, Clyde! Sige na, punta ka na sa classmates mo. Nagkakatuwaan na sila roon.”

“Bon, kumain ka na lang dito. Akin na at ako na riyan,” akmang aagawin niya pabalik ang bag pero mabilis kong itinago iyon sa likuran ko.

“Ako na sabi, Clyde! Wala naman ako masamang gagawin, ah? Ang sama mo makatingin. Don’t you trust me?” Paawa akong tumitig sa kanya. Lihim akong napangisi nang marinig ko ang buntong-hininga niya.

“Hindi sa ganoon, Bonnie. Hindi kasi maganda ang tungo niyo ni Arrie sa isa’t isa kaya ayaw ko lang na nagpapang-abot kayo lagi.”

“Wala naman akong gagawin. Ang totoo ay naaawa ako sa kanya pagkatapos nang nangyari sa pageant. Promise, ihahatid ko lang ‘to, hindi ko siya aasarin! Kung gusto mo ay tanungin mo pa siya ‘pag nagkita kayo sa school tutal palagi pala kayong nagla-lunch together,” nagtatampo akong ngumuso.

“Hindi kami palagi kumakain magkasama. Nagkataon lang last week dahil busy sa event preparation ang school at tumugma ang lunch schedules ng lahat.”

“Bakit siya pumupunta palagi sa classroom niyo?” namaywang ako sa harap niya habang nakataas ang kilay. Umiwas siya ng tingin sa akin at lalo akong nairita.

“Pumupunta lang siya para manghiram ng libro sa akin. Hindi kasi lahat nabibigyan ng libro ang mga nasa lower sections dahil kulang ang ibinigay ng DepEd. Nasa upper sections lahat ng school privilege.”

“So….hindi mo siya girlfriend?”

Muli niyang sinalubong ang titig ko. “Hindi, Bon.”

“Hmm…” naningkit ang mga mata ko sa kanya.

“Iba ang gusto ko maging girlfriend,” halos pabulong na niyang sabi kaya’t umawang ang bibig ko. So, may iba siyang nagugustuhan?

“S-sino?”

Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, naninimbang ang titig. Maya-maya ay bigla itong tumawa at ginulo ang aking buhok.

“Sige na, ihatid mo na ‘yan kay Arrie. Babalik na ako sa sa mga kaklase ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status