Share

Chapter 5

NAGTUNGO ako sa pinaka malapit na store dito sa condo ko sa Paris, para bumili ng mga prutas.

Napag-isip isip ko na hindi kasalanan ng nasa sinapupunan ang katangahang ginawa ko. Biktima lang ang nasa sinapupunan ko, at hindi ko dapat inisip na ipalaglag ang sariling dugo ko.

Bukod pa ro'n, ito na siguro ang nakatadhana sa 'kin. Ang magkaroon ng anak na walang amang kikilalanin.

Sa tuwing iniisip ko na na-disappoint ko ang magulang ko, sobrang kirot ng dibdib ko. Pero, wala na akong magagawa. Siguro, ipagpatuloy ko na lang ang sinimulan ko, ang pagpapalago sa negosyo namin dito sa Paris.

Hindi naman siguro magiging sagabal ang magiging anak ko, sa hangarin kong iyon.

Nabalik ako sa ulirat ng may isang binata ang lumapit sa 'kin at inabot nito ang wallet ko.

Tiningala ko ito, napakunot ako ng noo nang mapagtanto ko na akin ang wallet na hawak ng binatang 'to.

“Miss, wallet mo.” Saad niya.

Kaagad ko itong kinuha sa kamay ng lalaking ito at sinabing. “Salamat, hindi ko napansin na nahulog ko pala ito,” saad ko.

“It's okay, Miss. You're Filipino pala. Nice to meet you miss?” saad niya.

Ang tamis ng ngiti niya, napatitig ako sa mukha ng kababayan kong ito. Parang may kahawig siya. Parang kahawig niya 'yong lalaking naka one night stand ko, 3 months ago. Pero, imposible namang ito ang lalaking 'yon.

Kahawig nito pero, parang ang layo. Noong umalis ako sa bahay ng lalaking 'yon, tinitigan ko pa ang mukha no'n. Matured ang natatandaan kong pigura ng lalaking 'yon, samantalang ang kaharap ko naman ay mas pinabatang pigura.

Napailing ako at isinawalang bahala na lamang ang iniisip ko. Hindi kasi mawala sa isip ko ang lalaking naka one night stand ko, sa tuwing iniisip ko ang mukha niya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

I think I'm in-love with that man. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam na sa unang pagkikita namin ng lalaking 'yon. Parang nahulog na ang loob ko…

“Miss? Is there a problem?”

Napatikhim ako ng ilapit ng lalaking ito ang mukha sa akin. Umatras ako upang magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa ng estrangherong ito.

“Sorry, nakalimutan kong may kausap pa pala ako,” hingi kong paumanhin.

Nginitian lang naman ako nito. “I see. Mukha ngang ang lalim ng iniisip mo,” nagpatango tango siya ng sabihin niya 'yon. “Do you want a coffee? Para naman magkakilala pa tayo ng lubos, ” alok niya.

“Hindi na. Babalik na ako sa condo, may tatapusin pa ako eh.” Tanggi ko sa alok niya.

“Oh. Malapit lang ba ang condo mo dito? Let's have a meal tomorrow, if gusto mo lang naman.” Alok niya ulit.

“Dyan lang sa pinaka malaking building ang condo ko. And sure, let's have a meal tomorrow. Pasasalamat ko rin, dahil binalik mo sa 'kin ang wallet ko. ” Saad ko.

“I think, same building lang tayo. Mukhang magkapitbahay pa nga tayo,” saad niya.

Upang makasiguro ay sinabi ko sa kaniya ang pangalan ng building na tinutuluyan ko. Nang makumpirma na nasa iisang building lang kami, dadalaw daw siya sa condo ko.

Ayaw ko mang pahintulutan ang lalaking ito, pero mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan.

Hindi tulad ng lalaking naka one night stand ko. Yun kasi mapusok sa kama, ni hindi man lang inisip na maaari akong mabuntis.

At ngayong buntis na 'ko… malaking regalo ang iniwan ng lalaking 'yun sa 'kin.

Matapos sa store, sabay na kaming bumalik ng lalaking nagsauli ng wallet ko. His name is Tyron, hindi niya binigay ang last name niya, pero sapat na 'yon sa 'kin.

Sino ba naman ako alamin ang buo niyang pangalan?

Nag-suggest si Tyron na ihatid ako sa labas ng condo ko, para raw makasigurado na nakauwi ako ng ligtas. Wala naman akong magawa kundi pumayag.

Nang tuluyan na akong makapasok sa sarili kong condo, kaagad kong inayos sa ref ang mga binili kong mga prutas. Hinugasan ko muna ito bago ko inilagay sa loob ng ref.

Nang matapos ako ay naisipan kong mag halfbath na since it's already 8:00 pm in the evening dito sa Paris. Mag one month na ako dito, at may kaunting adjustment lang akong kailangang gawin. Dahil medyo hindi pa rin ako kumportable na tumira ng mag-isa sa condong ito.

Hindi tulad dati, kasama ko sila mom and dad sa iisang bahay. Kailangan ko talagang tanggapin na, nagbago na ang lahat.

Sa kalagitnaan ng pagsusuklay ko ng buhok matapos kong mag halfbath, biglang tumunog ang ringtone ko. Nang tingnan ko ito isang unknown number ang nag text sa akin.

Bigla kong naalala si Tyron, ito lang naman ang taong nanghingi sa akin ng contact number maliban sa secretary ko. In-open ko ang inbox ko, nakita ko ang tatlong magkasunod na text message niya sa 'kin. Ang unang message niya ay nag he-hello siya, sumunod naman ay tinatanong niya ako kung matutulog na ba ako.

Napailing ako dahil masyado naman atang friendly ang lalaking ito. Pansin ko rin na parang makulit si Tyron, medyo stingy din ito. Naiilang nga ako kanina dahil dikit ito ng dikit sa 'kin, hindi naman ako sanay na may dumidikit sa aking estranghero. Hindi tulad noong kami pa ni Ven.

Wala sana akong planong reply-an si Tyron ng mag message ulit ito. This time natawa ako dahil may sad emoji pa siyang sinama sa message niya sa akin.

Mukhang nagtatampo dahil hindi ko ito nirereply-an.

Sino ba naman siya para reply-an?

Namalayan ko na lamang na nagta-type na pala ako ng isesend kong message sa kaniya. Nang mag-reply ako, sinabi kong patulog na ako at sana matulog na rin siya. Wala pang ilang segundo ay may reply kaagad siya sa 'kin. Napailing ako dahil mukhang ang sipag mag type ng lalaking ito.

Napabuntong hininga ako ng i-off ko ang cellphone ko. Hindi ko namalayan ang oras, umabot para ng mahigit 30 minutes ang pag ti-text namin ni Tyron. Masaya kausap ang lalaking ito, at iyon ang nadiskubre ko sa mga oras na ito.

Nagpaalam na ako sa kaniya na matutulog na ako. Hindi ko naman binanggit sa text ko sa kaniya na bawal magpuyat ang buntis. Ewan ko kung bakit ayaw kong sabihin na buntis ako. Siguro dahil wala naman akong ipapakilalang boyfriend or asawa ko.

Sana sa panaginip, makausap ko ang lalaking bumihag ng puso ko.

Iyan ang panalangin ko

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jane_Writes
thank you po ate, sa pagbabasa po nito ......️
goodnovel comment avatar
Sarang❤
Thanks Author ... hmmmmm ganda talaga
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status