ONE week later, nandito ako ngayon sa rooftop ng pamamahay ni Terrence. Dito ko mas piniling tumambay para magmuni-muni. At para libangin na rin ang sarili ko. Super miss ko na si Tress, dalawang araw na kasi kaming hindi nagkakasama. Buti na lamang at matalino ang anak ko, dahil lahat ng paliwanag ni mom sa kanya ay naiintindihan naman niya. Ang hindi ko lang maiwasan ay ang ma-miss ang anak ko ng sobra. Kagabi lang ay na-meet ko na rin ang parents niya, pero wala du’n ang kapatid niyang si Tyron. According to their parents, next month pa ang balik ni Tyron sa Pinas. Mabait ang parents nila Terrence. Welcome na welcome talaga ako sa pamilya nila. Ipinaliwanag sa kanila ni Terrence na asawa na niya ako, at ako daw ang dinidate niya ng patago. Hindi ko ini-expect na maririnig ko iyon mula sa mismong bibig ng lalaking ‘yon. Pero nakisakay na lang ako sa pagsisinungaling niya kahit na hindi ko iyon gusto. Wala akong magagawa. Kailangan kong magpanggap, kaya iyon ang ginagawa ko ng
—GILLIAN GOMEZ—PARA bang binuhasan ako ng malamig na tubig sa aking naabutan.Ano ang nagawa kong mali, para gawin sa akin ang kasuklam suklam at nakakadiring panloloko sa ‘kin ng kaibigan ko at ng boyfriend ko? “Ven, p-paano mo nagawa sa ‘kin ito?” Garalgal ang boses kong tanong sa boyfriend kong bagong gising. Katabi niya ang kaibigan ko, habang walang saplot. Nag-s*sex sila! Nagtaksil sila sa ‘kin. Kumurap pa ng ilang beses ang boyfriend ko, habang nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko. Parang normal lang sa kaniya ang lahat. Ni hindi ko makita sa mukha niya ang gulat o pagsisisi sa ginawa niyang kababuyan. “Babe? Bakit nandito ka? Akala ko nasa business trip ka?” sunod- sunod na tanong ni Ven.Ngumiti ako ng mapait, “ Oh? Bakit, hindi na ba ako welcome dito? Naabala ko ba kayo? At oo galing ako sa business trip. At umuwi lang ako dito ng maaga para lang ma-surprise kita. Pero ako pala ‘yung masusurpresa. Ako pala ‘yung iiyak.” Natatawa kong sambit. Akma niya akong lala
MEET MR. STRANGER/LIGHT SPG—Gillian—Napasapo ako ng noo, ng biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko namalayan na nakarami na pala ako ng naiinom na wine. Hindi lamang simpleng wine, kundi ang pinaka matapang at nakakalasing na wine ang hiningi ko sa bartender. I want to forget everything, kahit ngayong gabi lang. Mahigit isang oras pa ang iginugol ko sa counter bago ko napagpasyahang umuwi na. Masama na ang tama ng alak sa buong sistema ko. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng biglang may humarang sa dinadaanan ko. Bigla akong kinilabutan ng biglang haklitin ng isang lalaki ang braso ko. Bagamat nahihilo na ako ay kumuha ako ng puwersa para mabitawan ng lalaking ito ang braso ko. “H-how dare you?!” sambit ko at pilit na inaaninag ang tatlong lalaking kaharap ko. “Miss, mukhang lasing ka na ah? Gusto mo bang ihatid ka namin?” tanong sa akin ng lalaking naka cap. “ Kaso hindi ka naman ihahatid sa bahay niyo, ihahatid ka namin sa langit.” Dugtong pa nito, sabay halakhak.
NAPATITIG ako sa malaking frame sa living room na kinapupuwestuhan ko ngayon.Pilit na inaalala ko kung ano ang nangyari kagabi.At kung paano ako humantong sa ganitong sitwasyon.Napatakip ako ng bibig ng maalala ko na nagtungo ako sa bar at nagpakalasing.At…Nang may mga lalaking nangharass sa ‘kin, ay may lalaking nagligtas sa akin.At ang lalaking katabi ko sa malaking sofa na ito ay ang taong nagligtas sa akin kagabi.Nanlambot ako ng mapagtanto ko na nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali.“Gillian, hindi ka man lang nag-isip.” Pagsisi ko sa sarili ko.Muli kong nilingon ang lalaking mahimbing na natutulog. Napaka perpekto ng mukha ng lalaking ito. Napakaamo ng mukha niya, para bang dinisenyo ang mukha niya para maging isang perpektong lalaki.Pero…Hindi iyon ang concern ko.Ang concern ko ay ang pagiging mapusok ko.Nang dahil sa ginawa ng bestfriend at ng boyfriend ko, nakagawa ako ng isang pagkakamali.Ang pagiging birhen ko ay tuluyang na angkin ng kung sinong lalaki.
“Two Months Later”Napangiti ako ng mapait nang magkulay pula ang pregnancy test na ginamit ko sa pagtest ng ihi ko. I can’t imagine… na two red line ang lalabas. Isang beses lang naman may nangyari sa amin ng estrangherong iyon. Pero sa isang gabing ‘yon, I got pregnant. Halo-halong emosyon ang nararamandaman ko. Dapat ba akong maging masaya? Because I am pregnant. Pero…Hindi ganito ang gusto ko. Ang gusto ko ay kapag dumating sa point na magiging isa na akong ina ay mayroong amang kikilalanin ang magiging anak ko. Lahat naman ng mga babae ito ang nais. Ipapalaglag ko ba ang nasa sinapupunan ko? I’m scared..Tiyak na magtatanong at maghahanap ng ama ng pinagbubuntis ko sila mom. Sinong ipapakilala ko sa kanila? “Gil, bakit mo kasi binigay ang sarili mo sa lalaking ‘yon? Ni hindi mo man lang inalam ang pangalan ng lalaking ‘yon.” Pagsisi ko sa sarili ko. Nandito na ako sa Paris, siguro one month na ako dito. At ngayong buntis ako, naguguluhan ako sa pagdesisyon. Mu
NAGTUNGO ako sa pinaka malapit na store dito sa condo ko sa Paris, para bumili ng mga prutas. Napag-isip isip ko na hindi kasalanan ng nasa sinapupunan ang katangahang ginawa ko. Biktima lang ang nasa sinapupunan ko, at hindi ko dapat inisip na ipalaglag ang sariling dugo ko. Bukod pa ro'n, ito na siguro ang nakatadhana sa 'kin. Ang magkaroon ng anak na walang amang kikilalanin. Sa tuwing iniisip ko na na-disappoint ko ang magulang ko, sobrang kirot ng dibdib ko. Pero, wala na akong magagawa. Siguro, ipagpatuloy ko na lang ang sinimulan ko, ang pagpapalago sa negosyo namin dito sa Paris. Hindi naman siguro magiging sagabal ang magiging anak ko, sa hangarin kong iyon. Nabalik ako sa ulirat ng may isang binata ang lumapit sa 'kin at inabot nito ang wallet ko. Tiningala ko ito, napakunot ako ng noo nang mapagtanto ko na akin ang wallet na hawak ng binatang 'to. “Miss, wallet mo.” Saad niya. Kaagad ko itong kinuha sa kamay ng lalaking ito at sinabing. “Salamat, hindi ko napansi
NAKATITIG ako sa kisame habang sobrang lalim ng iniisip. Ilang buwan na kaming magkakilala ni Tyron, at masasabi kong ayos naman siya. Sinabi ko rin naman na isa na akong ina, dahil buntis ako. Akala ko ay lalayuan niya ko, dahil binata siya at ang dapat na nakadikit sa kaniya ay dalaga. Wala naman akong ibig-sabihin sa ginawa kong pagtapat kay Tyron. Nagiging advance lang akong mag-isip dahil iba na ang panahon ngayon. What if magkagusto siya sa akin? Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin na may gusto siya sa 'kin. At hindi rin naman ako nagkamali sa agam-agam ko na may gusto sa akin si Tyron dahil nito lang nakaraang buwan, umamin siya sa 'kin, na she really like me. Gusto n'ya akong ligawan, but I refused him. Na-a-appreciate ko ang pagiging mabait at maasikaso niya sa 'kin. Pero wala akong nararamdaman sa kaniya na mas higit pa sa kaibigan. Ang nilalaman lang talaga ng puso ko ay ang lalaking nakakuha ng pagkababae ko. Pero kahit na ni-reject ko si Tyron ay hindi
Five Years LaterMATAMAN kong nilibot ng paningin ko ang loob ng NAIA airport. After five years nakauwi na ulit ako sa bansang sinilangan ko. Kung noon, umalis ako sa Pilipinas ng mag-isa patungong Paris. Iba na ngayon, dahil kasama ko ang anak kong si Tres. My son is already five years old, masasabi kong napaka gwapo ng anak ko. Manang mana sa ama niyang Isang business tycoon.Wala pa sana akong balak umuwi ng Pilipinas pero ng malaman ko na na-bankrupt ang mga magulang na kinilala ko. Ay wala akong pagdadalawang isip at kaagad akong nagbook ng flight para sa aming dalawa ni Tres.Kailangan kong tulungan ang magulang ko na mabawi ang kumpanya namin sa isang mayamang negosyante. Ang sabi ni mom, makikipagtulungan daw si Mr. Anderson, na mabayaran ang lahat ng utang ng kumpanya namin. Pero may isa daw itong kondisyon, at iyon ay kailangan daw na ako ang haharap.Puno ng katanungan ang isip ko dahil sa hiling na 'yon. Bakit naisipan ni Mr. Anderson na ako ang kailangang humarap sa k