Share

Chapter 6

NAKATITIG ako sa kisame habang sobrang lalim ng iniisip. Ilang buwan na kaming magkakilala ni Tyron, at masasabi kong ayos naman siya. Sinabi ko rin naman na isa na akong ina, dahil buntis ako. Akala ko ay lalayuan niya ko, dahil binata siya at ang dapat na nakadikit sa kaniya ay dalaga.

Wala naman akong ibig-sabihin sa ginawa kong pagtapat kay Tyron. Nagiging advance lang akong mag-isip dahil iba na ang panahon ngayon. What if magkagusto siya sa akin?

Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin na may gusto siya sa 'kin.

At hindi rin naman ako nagkamali sa agam-agam ko na may gusto sa akin si Tyron dahil nito lang nakaraang buwan, umamin siya sa 'kin, na she really like me. Gusto n'ya akong ligawan, but I refused him.

Na-a-appreciate ko ang pagiging mabait at maasikaso niya sa 'kin. Pero wala akong nararamdaman sa kaniya na mas higit pa sa kaibigan.

Ang nilalaman lang talaga ng puso ko ay ang lalaking nakakuha ng pagkababae ko.

Pero kahit na ni-reject ko si Tyron ay hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin magpahanggang ngayon. He's still nice to me. Sinasamahan niya ako mamili sa grocery, at kapag kailangan kong pumunta sa OB ko, kasama ko siya. Hindi bilang manliligaw ko, kundi kaibigan na may malasakit.

Kahit na ni-reject ko raw siya, hindi daw siya aalis sa tabi ko. Lalo sa sitwasyon kong ito ngayon, nasa Pilipinas ang parents ko at wala akong asawa na mag-aalaga sa 'kin.

Inamin ko rin kila mom and dad na buntis ako. Noong una nagalit sila sa 'kin, dahil nabuntis ako ng walang lalaking ihaharap sa kanila. Pero kalaunan, natanggap na nila na magiging ina na ako at magiging lola at lolo na sila.

I'm very thankful because my parents are always there.

Pinapauwi nila ako sa Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pagbubuntis ko, pero tumanggi ako. Gusto ko pa rin kasi tuparin ang pangako ko sa kanila na ipagpapatuloy ko ang business namin dito sa Paris. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong magtrabaho habang ipinagbubuntis ko ang anak kong lalaki.

Yes, my baby is a boy.

Gusto ko sana ay maging kamukha ng baby ko ang ama niya. Nang sa ganoon ay may remembrance ako.

Ewan ko ba… pero na love at first sight siguro ako sa lalaking 'yon.

Dahil sa lalaking 'yon, nakalimutan ko na nasaktan ako dahil sa ex-boyfriend ko.

Naputol lamang ang pagbabalik tanaw ko ng i-abot sa akin ni Tyron ang pinapabili ko sa kaniyang mangga sa vendor na hindi kalayuan sa bench na kinauupuan namin.

Naglilihi ako sa iba't ibang pagkain. Pero lahat ng cravings ko ay hindi made in Paris or kahit sa ibang bansa. Tanging mga pagkain na pinaglilihian ko lamang ay gawang Pilipinas. Tulad na lamang ng chicharon, balot, itlog na pula at marami pang iba.

At lahat ng pinaglilihian ko ay si Tyron ang naghahanap.

Nahihiya man ako dahil sa effort na ginagawa niya pero, ang mas concern ko ay ang mga gusto kong kainin.

“Salamat ha, naabala pa kita.” Saad ko.

Ngumiti siya ng matamis at naupo sa katapat kong sofa.

“You're welcome, basta ikaw, lahat gagawin ko.” He said, tumango naman ako.

Habang kumakain ako ng hiniwa niyang mangga, pumasok sa usapan namin ang pag-uwi niya ng Pilipinas. Tapos na kasi ang bakasyon niya.

Nagtataka nga ko dahil two years siyang nandito para magbakasyon. Nilinaw naman niya na inaasikaso niya rin ang negosyo ng pamilya niya dito, kaya naniwala naman ako sa paliwanag niya.

Sino ba naman ako para hindi maniwala?

“Uuwi ka na pala sa katapusan. Kailan balik mo rito?” tanong ko.

“Miss mo naman kaagad ako?”

Napaismid ako. “Miss? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?” pilosopo kong sabi, natawa naman siya.

“I'm just kidding, Gil. Babalik din ako dito kapag may pinagawa ulit sa akin ang Kuya kuya ko.”

Tumango naman ako. “Ano 'yun, nagtatrabaho ka sa Kuya mo?” taka kong tanong. Ngayon ko lang kasi ito nalaman, kaya ganoon na lamang ang pagtataka ko.

Mabilis naman siyang tumango. “Yeah. Si Kuya Terrence ang namamahala ng Kumpanya namin, bukod do'n marami siyang share sa ibang kumpanya. Nakaka amaze 'no? Gusto kong maging katulad ni Kuya Terrence, balang araw. I adore him, Gil.” Saad niya.

“Ang galing naman ng Kuya Terrence mo. Napaka sipag. Siguro, ang swerte ng babaeng mapapangasawa no'n,” sambit ko.

“Haha. Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa 'yo na wala pa 'yung girlfriend o asawa?” sambit niya. “Napaka busy ni Kuya sa trabaho, kaya wala na siyang time para mambabae. Sabihin na nating hindi siya interested sa mga babaeng lumalapit sa kaniya,” dugtong pa niya.

Namamangha naman ako habang sinasabi niya iyon. Napaka perfect naman siguro ng kapatid niya?

“Puwede ko bang makita ang picture niya?” bigla kong sabi.

Nagulat naman siya sa hinihingi kong favor. Maski ako ay nagulat dahil sa isip ko lang naman gustong sabihin 'yon.

Nakakahiya kay Tyron, baka isipin niya interested ako sa kapatid niya.

“Bakit gusto mong makita ang picture ng Kuya ko, Gil? Siguro interested ka sa kaniya? Ipagpapalit mo na ako sa kaniya 'no?” nakabusangot niyang sabi.

Inismiran ko naman siya.

“Sira ka talaga. Hindi ba pwedeng curious lang ako sa mukha ng kapatid mo? At anong ipagpapalit kita sa kapatid mo? Hay nako, Tyron. Wala namang tayo eh. Feeling ka rin talaga,” natatawa kong sabi.

“Ang sakit mo naman, Gil. Alam kong wala akong pag-asa sa 'yo, pero sana hindi mo na sinasabi ng paulit-ulit sa akin na wala namang tayo,” nakabusangot pa rin nyang sabi.

“Haha. Pasensya na,” hingi kong paumanhin. “Sige na nga,huwag mo ng ipakita sa akin ang mukha ng Kuya Terrence mo. Baka magtampo ka pa lalo eh,” sambit ko.

Hindi naman siya nagsalita, bagkus dinampot niya ang cellphone niya sa gilid niya na nakapatong sa sofa. At may kinalikot siya sa cellphone niya.

Maya-maya ay inabot niya sa akin ito. Nagtataka ko naman itong kinuha. Tinignan ko ang nasa screen. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko, ng makita ang nasa larawan.

Paano nangyari 'to?

Si Tyron at Terrence ay magkapatid. At ang lalaking nasa larawan ay walang iba kundi…

ang lalaking Naka one night stand ko noong gabing iyon. Ang lalaking bumihag sa puso ko. Ang lalaking ama ng pinagbubuntis ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dilat na dilat ang mata ko habang nakatingin pa rin sa perpektong mukha ng lalaki sa larawan.

Kaya pala, namumukhaan ko ang pigura ni Tyron sa lalaking gustong gusto ko.

Tadhana ba talaga ito?

Terrence Anderson pala ang pangalan ng lalaking kumuha ng pagka birhen ko.

Namalayan ko na lamang na kinuha na ni Tyron ang cellphone niya na hawak ko. Nakatitig si Tyron sa 'kin, at para bang nagtataka kung bakit nagulat ako sa naging reaksyon ko, matapos kong makita ang larawan ng kapatid niya.

“K-kapatid mo talaga 'yon?” bulalas ko.

“Yes, Gil. Magkamukhang-magkamukha kami, right? Anyway, kilala mo ba siya? Kasi naman, nagulat ka ng makita mo 'yung photo ng kapatid ko. Inisip ko tuloy na baka, kilala mo ang kapatid ko,” saad niya.

Mabilis akong umiling.

“Hindi. Hindi ko kakilala ang kapatid mo. Nagulat lang ako dahil, kamukhang kamukha mo nga talaga. Guwapo rin, tulad mo.” Mabilis kong sagot sa kanya.

“Maganda kasi lahi namin. Gusto mo lahian din kita?” saad niya.

Dahilan para maibato ko sa kaniya ang hawak kong isang slice ng mangga.

Natamaan naman siya sa noo, pero ang lokong Tyron, tawang tawa sa naging reaksyon ko.

Kung alam mo lang Tyron, may isang Anderson na ang dadating sa buhay niyo.

“Biro lang, Gil. Huwag mo masyadong seryosohin,” bawi niya sa sinabi niya.

“Hindi nakakatawa.” Asar kong sabi sa kaniya. Kinindatan naman ako nito, na ikinailing ko. Nangangamba na nga ako na baka kapag nalaman ni Terrence na may anak siya sa akin, ay baka itanggi niya. Iniisip ko sa mga oras na ito kung pupuntahan ko ba ang kapatid ni Tyron para sabihing may anak siya sa 'kin.

Kaso… hindi naman sinasadya nag gabing 'yun. At baka hindi maalala ni Terrence na may nangyari sa 'min. At kaya lang nangyari 'yun dahil sa init ng katawan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status