Share

Listens to Memories | Staring at Sound 2
Listens to Memories | Staring at Sound 2
Author: ferocéarcadia

Simula

Simula

“Zick, come on. Mommy’s having a hard time na,” paki-usap kong muli sa kanya habang inililibot ang paningin ko sa buong bahay upang hanapin siya.

Oras na naman kasi ng paliligo niya at ganito siya lagi kapag alam na niya ang oras. I can say he’s a smart kid dahil mula nang malaman niya ang oras ng ligo niya ay talagang inaabangan niya ito at tinataguan ako.

I walked towards the kitchen but I couldn’t see him. I went to the living room but he is not here as well kaya napaupo na lamang muli ako.

“What do you want? We can go to Mamita or Uncle Roy,” pang-uuto ko pa sa kanya pero wala pa rin akong natatanggap na sagot.

Hinilot ko ang ulo ko dahil sa pasensyang unti-unting nauubos sa’kin. I bit my lower lip and think some tricks again nang sa gano’n ay lumabas na siya.

“Fine. I guess, mommy doesn’t want to love a naughty boy anymore.”

“No!”

Mabilis ang nagging lingon ko sa likod ng hagdan nang bigla na lamang siyang lumabas mula roon. Napahalakhak ako nang Makita kong nakanguso ito habang lakad-takbong tumungo sa’kin.

"No! Mommy loves me, mommy loves me," paulit-ulit niyang sinabi sa 'kin habang paulit-ulit ding hinahalikan ako sa pisngi at sa labi ko.

"Then, let's take a bath?" I said to him while looking at him. A wide smile flashes to his lips. "Tito Calix will come?" balik niyang tanong sa akin at hinayaan na akong kargahin siya patungo sa taas para maligo na.

"He will, that's why you have to take a bath, okay?"

Matapos ko siyang uto-utuin ay pumayag na rin siyang maligo mag-isa. He's just five years old and I still want him to learn at least some simple things from me. I want him to learn as early as he can dahil sa nakikita ko, lumalaki siyang matalinong bata.

Pagkatapos niyang maligo ay saglit lang siyang naglaro bago nakatulog agad. Sakto namang pagdating ni Calix na may dala-dalang malaking box habang nangingiti na naman.

"What?" natatawa niyang tanong sa akin nang ibaba niya ang box na iyon sa lamesa. "It's for Zick, come on," nangingiti niyang sinabi sa akin saka ako nilapitan at hinalikan sa noo.

Agad ko siyang sinapak sa braso saka binalingan ang malaking box na iyon. "Stop doing this, Cal. I already told you, I don't want him to be a spoiled kid," pairap na sinabi ko sa kaniya and start opening the big box.

Napailing na lang ako nang makita ko kung anong laman no'n. It's the same lego that Zick wants noong pumunta kami sa Tom's World. Oh, no.

"This is too much," nakasimangot kong sinabi sa kaniya saka binalingan siya.

Nagkakamot na siya ng ulo niya saka pabagsak na umupo sa sofa and tap his side para maupo ako sa tabi niya. Nang makaupo ako ay niyakap niya ako kaagad at mariing hinalikan sa tuktok ng ulo ko.

"I love seeing him happy and I also want you to be happy. You know that, right?" kalmado niyang sinabi sa 'kin.

I heave a sigh. Hinayaan ko na lang na magpahinga ako mismo sa dibdib niya habang yakap pa rin siya. It's been five years since I accepted him as my half and I can still see it in his eyes how much he is happy by my decision. Halos limang taon na ring siya ang nakikita ni Zick na kasama ko, he's been and he's still being a father to my child, ano pa ba ang hihilingin ko sa kaniya? Calix is so good to be true and I'm starting to be scared dahil baka masaktan ako nang sobra once he left us. Oh, this guy.

"Dinner outside?" singit niya habang sarap na sarap akong nakasandal sa dibdib niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ayokong lumabas."

"Kahit sa pad lang ni Lynne, come on," pagpupumilit niya kaya marahas akong umiling at kinurot ang tiyan niya. "Aw!"

"Ayoko nga."

"Fine. Anniversary ng Law Firm ni Lex this Friday and he wants us to come. Hindi iyon titigil kapag nalaman na hindi tayo dadalo. Kilala mo ang lalaki ng iyon," seryoso niyang sinabi sa akin while caressing my waist.

I bit my lower lip nang maramdaman ko roon ang kiliti. Pinilit ko nang umiwas pero hinahabol niya pa rin ang tagiliran ko which is his favorite part of me. My god! This guy.

"Pag-iisipan ko pa, Cal. Your hand," saway ko sa kaniya.

Humalakhak lang ang lintik na si Calix saka inalis na ang kamay niya sa baywang ko. "Huwag mo nang pag-isipan. We will come. Now, where's the little buddy?" pagtatapos niya sa usapan saka mabilis na tumayo at akmang hahanapin ang anak ko.

"Still sleeping. Katutulog lang no'n, huwag mo munang gisingin," I told him at sinundan na siya patungo sa kusina.

-

"We will be attending. Bakit ayaw mo? Ibilin mo na lang muna si Zick kina Kuya Roy," Lynne simply said to me kaya awtomatikong umikot ang mga mata ko sa ere.

"Alam mo namang simula nang umuwi kami rito at simula nang makita ko siya sa Java Records noong sinamahan ko si Aya roon ay ayoko nang lumabas, 'di ba? Come on, Lynne. Ako pa lang ang nakakita sa kaniya, hindi ko na hihintayin pang siya na ang makakita sa 'kin," mahabang paliwanag ko sa kaniya saka padarag na umupo sa tabi niya.

"Paano ka naman nakasisigurong pupunta ang lalaking 'yon do'n?" nanlalaki ang mga mata niya tanong sa 'kin.

"Of course! He's Lex's closest friend!" naiinis na sinabi ko sa kaniya kaya natahimik siya.

It's been a month magmula nang makauwi kami rito sa Pilipinas dahil sa emergency sa kompanya at dalawang araw mula noon ay nakita ko agad siya. Alam ko namang maliit lang ang Manila, pero hindi ko naman akalaing magiging sobrang liit no'n para sa 'ming dalawa.

It's not about me being still affected on him. It's all about my son. I don't want him to see me. I don't want him to know that I am already here for good dahil panigurado akong hindi pa rin siya tumitigil na alamin kung may anak ba talaga siya sa akin. I don't want him to know lalo na't hindi naman nag tatanong si Zick tungkol sa tatay niya.

"They are not in good terms, right?" she stupidly asked to me.

I raised a brow on her, "Hindi sila katulad nating mga babae na matagal magbati. I'm sure you know that!" I sarcastically said to her.

"Ewan ko sa 'yo! Lahat na lang ay kinokontra mo. You have to talk to Calix about your problem dahil hindi rin iyon titigil hangga't hindi ka napipilit," pinal niyang sinabi sa 'kin saka sinagot na ang tawag dahil pareho na kaming rinding-rindi sa ingay ng cellphone niya.

Hindi na gusto ni Lynne na pag-usapan namin ang tungkol sa event na iyon dahil pati siya ay naiinis na sa akin. The day before the event, bumisita sina Mom sa condo para kunin si Zick dahil alam nilang tutuloy kami sa party ni Lex. Zick was so happy to see his Lola dahil matagal niya itong hindi nakasama magmula nang umuwi kami rito. Nauna kasi kaming umuwi at sumunod na lamang sila dahil kailangan pang asikasuhin ni Kuya Roy ang leave niya.

"I will miss you, Mommy," Zick approached me habang inaayos ko ang mga damit at laruan niya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa kamay ko kaya binalingan ko agad siya. "One night lang naman iyon, baby. Susunduin ka agad ni Mommy. Ayaw mo ba kina Tita Jam?" tanong ko sa kaniya na ang tinutukoy ay si Ate Jamilah na asawa ni Kuya Roy.

"It's not like that. I love Tita Jam. Uwi ka agad," halos pabulong na niyang sinabi sa 'kin kaya natawa ako.

I hugged him tight at pinaulanan ko siya ng halik sa ulo at sa pisngi niya. "Behave, okay? I love you," I said to him saka hinatid na siya sa sasakyan.

Nang makaalis sila ay siya namang pagdating ni Calix. May dala na naman siyang malaking box kaya tiningnan ko na agad siya nang masama nang makapasok pa lang siya.

"Ano na naman 'yan? My god, Calix Laxamana!" na-i-stress na salubong ko sa kaniya habang yakap pa rin ang jacket ni Zick.

"Relax. It's just a dress," natatawa niyang sinabi sa 'kin before he kissed my forehead. Ibinaba niya sa round table ang kahong iyon at siya na ang nagbukas.

Tumambad sa 'kin ang isang black off-shoulder lace dress. It was the same dress I saw noong unang nag-mall kami ni Lynne nang makauwi ako. Paano niya nalaman iyon?

"How..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa excitement kong makita ang dress na iyon. Kinuha ko agad iyon mula sa box at iniladlad iyon sa harapan ko.

"I asked Lynne," simple niyan sagot sa 'kin kaya napatango na lang ako.

Matapos kong pasadahan ng tingin ang dress na iyon ay yumakap kaagad ako sa kaniya to say thank you. Hindi ko na alam kung paano ko pa pasasalamatan ang lalaking ito dahil sa mga ginagawa niya para sa amin ni Zick. It's like we are his family now.

"Thank you, but please, stop this," I whispered to him.

"Fine. This will be the last," natatawa niya pa ring sinabi sa 'kin kaya napangiti na lang ako.

Nagdesisyon akong dito na lang pagbihisin si Calix dahil masyado nang hassle kapag umuwi pa siya. Hindi naman na ako nagulat nang makita kong dala niya ang tux niya na kinuha niya mula sa sasakyan. Nang matapos kaming mag-ayos ay hinintay na lamang niya ako sa labas.

Nang makalabas ako ay nadatnan ko siyang prenteng nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. He immediately smiled when he saw me at mabilis na lumapit sa akin.

Hindi siya nagsalita kaya nangunot ang noo ko. Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa saka iginiya na ako sa sasakyan kaya hinampas ko siya sa braso.

"What? I want to know how I look," naaasar na sinabi ko sa kaniya.

"Hop-in first," seryoso niyang sinabi sa 'kin.

Saglit pa akong nagtaka bago pumasok sa loob ng sasakyan. Hinintay ko munang makaalis kami bago ako nagsalita ulit.

"What's wrong? Pangit ba? Hindi ba bagay sa 'kin?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Nanatili siyang seryosong nag da-drive bago tumingin sa 'kin. "We should by another dress."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "What? Why?"

"I didn't even notice that dress is too revealing. Damn it, Acel," problemadong-problemado niyang sinabi sa 'kin.

"Stop, Calix. This is fine, I'm with you," nangingiti kong sinabi sa kaniya para pagaanin ang loob niya.

Ilang beses ko pa siyang inuto bago ko siya mapapayag na huwag nang bumili ng bagong damit. Dumiretso na kami sa venue. Sinalubong agad kami ni Lex sa labas pa lang ng venue kasama ang isang babae.

"Nice to see you again! You look really good, huh?" Lex said to me at agad akong niyakap.

"Bolero ka pa rin," natatawa kong sinabi sa kaniya.

"Kung nasaan talaga ang isang 'to ay nando'n ka," panunuya niya kay Calix nang bumaling siya sa katabi ko.

"Shut up," Calix told him saka sila nag-fist bump. "Hindi na ako magtataka dahil mukha ka naman talagang aso," dagdag pa ni Lex kaya tuluyan na akong natawa pati na rin ang babae sa tabi niya.

"Mukhang ikaw rin naman," ganti ni Calix saka tumingin sa babaeng katabi ni Lex.

"Shut up. This is Anastacia, my girlfriend..." bumaling siya sa babae, "This is my friends here Acel and Calix," Lex told her.

I was amazed when she smiled at us dahil napakaganda no'n. She's wearing a gray turtle-neck dress na sumasayad sa sahig ang haba.

"Nice to meet you," tipid niyan bati sa 'min, nahihiya.

After we greet each other ay sabay-sabay na kaming pumasok sa venue. Tumambad kaagad sa 'kin ang dim lights at maraming tao. It was gray-black themed party. Everybody is already enjoying the party kaya ang hula ko ay kanina pa nag-start. Nahuli kami dahil sa kaartehan nitong kasama ko.

Sa loob na namin nakita si Lynne kasama si Caleb kaya naasiwa kaagad ako. Lex invited them dahil naging kliyente na rin nito minsan si Lynne.

 Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.

Calix is with Lex kasama ang iba pang mga kilalang lawyer kaya nilapitan ko agad sina Lynne nang nakaalis siya.

"Is he here?" tanong ko agad kay Lynne nang makalapit ako sa kaniya.

"Tangina, nag ka-anak ka lang, ang paranoid mo na. Wala!"

"Caleb is here, there's a possibility that he's also here," naiirita kong sinabi sa kaniya. Bumaling si Caleb sa amin kaya panigurado akong narinig niya ang sinabi ko.

"He's not here. Kasama niya sina Miko sa Java Records. Don't worry," simpleng sinabi ni Caleb sa 'kin kaya napatango na lang ako.

Still, I'm not convinced. It's not convincing. I have a strange feeling. Tangina lang.

It was already midnight at hindi pa rin tapos ang party. Katatapos lang mag-speech ni Lex at mukhang matagal pa bago matapos. Habang lumalalim ang gabi, lalo ring nagdi-dim ang lights sa buong paligid. People are getting wild maliban sa amin nina Lynne, Caleb at Calix. Lex is still talking to Calix with something kaya hindi ko magawang istorbohin ang dalawa kaya tumungo muna ako sa loob para kumuha pa ng wine.

Nang makalabas ako mula sa loob ng hotel garden, naramdaman ko na parang may nakatitig sa bawat kilos ko kaya nagmadali akong bumalik sa table namin nina Lynne.

"What's wrong with you?" bungad sa 'kin ni Lynne nang makaupo ako.

Hindi ko siya pinansin. Inilibot kong muli ang paningin ko sa buong paligid and there, I saw a guy staring at me near the entrance. He's wearing a white polo na nakatupi hanggang siko niya. Messy hair and dark eyes.

"Fuck," I whispered nang makilala ko kung sino iyon. Pinagsisisihan ko nang nagsuot pa ako ng lenses para lang maging malinaw ang paningin ko nang hindi nagsusuot ng glasses.

"Ano, Acel?" Lynne asked again kaya binaling ko agad ang tingin ko sa kaniya. "Have you seen Calix?" natataranta kong tanong sa kaniya. "I need to go home," dagdag ko pa.

She raised her brow to me, "What? Why? Nagpaalam kanina si Calix nang pumasok ka sa loob na sasaglit lang sila ni Lex sa office to get something," Lynne said to me.

Lalo akong napamura dahil sa narinig ko. Maging si Caleb ay nagtataka na rin sa ikinikilos ko kaya mabilis akong tumayo at nagpaalam sa kanila na magbabanyo muna ako.

Mabilis ang lakad ko pabalik sa loob, papasok sa banyo. Nang nakapasok ako roon ay agad akong bumuga ng hangin dahil pakiramdam ko ay kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko when I saw him. It was different than the first one dahil ako lang ang nakakita sa kaniya noon. This time, he saw me. He stares at me na parang pati kaloob-looban ko ay gusto niyang makita.

What is he doing here?!

Damn it! You need to calm down, Acel. Siya lang iyon! Bakit ba hanggang ngayon ay takot na takot ka pa rin sa kaniya? You don't have to! Calm the fuck down!

Unti-unti kong kinalma ang sarili ko. Inayos ko ang sarili ko bago nagpasyang lumabas na para bumalik sa table namin. Nagtaka pa ako nang mapansin kong parang mas dumarami yata ang tao dahil nahirapan na akong makabalik sa table namin.

"Aw!" Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagbaon sa paa ko ng heels ng babaeng nakasalubong ko. Muntik ko pa siyang mamura dahil hindi man lang siya humingi ng paumanhin, ngunit hindi ko na nagawa nang may biglang humatak sa 'kin.

We stopped outside the venue. Sa parking. Nang bitiwan niya ako ay saka ko lamang nakita kung sino iyon. It's him. Muntik ko pa siyang hindi makilala dahil mahaba na ang buhok nito iba na rin ang pananamit kumpara noong huli kaming magkita. All I can say is he has now a dark aura. A matured one.

"So, you 're really here. I thought I was just hallucinating that time, pero mukhang ikaw nga iyong nakita ko sa Java Records," nakangisi niyang sinabi sa 'kin kaya napamulagat ako.

I can smell alcohol all over his body lalo na ang ibinubuga niyang hangin. I can totally say that he is drunk dahil na rin sa pananalita niya.

"Nakalabas ka na," iyon lang ang lumabas mula sa bibig ko kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya.

Lalo kong naramdaman ang lamig habang magkaharap kaming dalawa. Nanunuot iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko kaya hindi ko na napansing nakayakap na pala ako sa sarili ko.

"Why? Still don't want me to be free? I can imprison myself again, just tell me," he calmly said to me kaya mas lalong nanlamig ang kalamnan ko.

Nanatiling nakatingin ako sa ibang direksyon habang nararamdaman ko ang paninitig niya sa 'kin. "Bakit kasi nagsusuot ka ng ganiyan? As far as I remember, you don't usually wear clothes like that," panunuya niya sa 'kin kaya napaangat ang gilid ng labi ko.

"It's the theme of the party. Bakit nangingialam ka?"

"The theme is gray-black, not revealing clothes," dagdag pa niya. Magsasalita pa sana ulit ako, ngunit natigil na ako nang naramdaman ko ang pagyakap sa 'kin ng coat niyang iyon na nakasampay sa balikat niya kanina lamang.

"Don't you dare take that off," pagbabanta niya kaya nanahimik na ako.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Kasabay ng paglakas ng hangin ay ang pagtungo ng amoy niyang nanggagaling sa coat na iyon patungo sa ilong ko. It was the same smell from before. It was the same smell I love smelling from him. Iyon ang pabango niyang gustong-gusto ko. Hindi pa rin niya binabago. Wow. Bakit?

"So, you didn't bring him with you?"

Mabilis akong nabaling ng tingin sa kaniya when I heard that. Naawang ang bibig ko when I saw his bloodshot eyes. It was so dark. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niyang 'him' kaya hindi ako sigurado sa isasagot ko. Sino ang tinutukoy niya? Was it his son Zick? Alam ba niya? Nalaman ba niya?

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko kaya lalo kong iniyakap ang coat niyang iyon sa 'kin. Tangina, alam na ba niya? Paano? What am I supposed to say? Ano...teka lang.

"H-ha?" I paused and looked away from him. "Who?" dagdag ko pa para makasigurado kung sino ang tinutukoy niya, pero maling sabihin ko yata iyon dahil baka lalo siyang maghinala. It could be Calix, Acel! What a stupid!

"Hihintayin mo pa bang sabihin ko kung sino? Isa lang naman ang tinutukoy ko," panunuya niya sa 'kin kaya mas lalong dumagundong ang dibdib ko.

I think, I have to go.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko saka mabilis siyang tinalikuran. It's Zick. Alam niya. Hindi ako sigurado, pero iyon ang nararamdaman ko. Tangina. No, not Zick, please Kiel.

"I'm...sorry, I have to go," mabilis na paalam ko sa kaniya.

I was about to take step inside nang magsalita muli siya dahilan para mas lalo akong kabahan.

"You 're not good at hiding, so stop it. Alam at malalaman ko lahat ng nangyari sa 'yo nang iwan mo ako," he firmly said to me that made my heart sank.

Oh, wow. Ito na naman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status