Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Home

“When was the last time you took your medicine?” Kunot-noo niyang tanong sa'kin at nilapitan pa ako.

Ramdam ko ang marahan niyang paghawak sa baywang ko habang ibinabalik ko ang pitsel ng tubig sa ref.

“Last week. Why?” Takang tanong ko sa kanya.

“You're skipping?” he asked again, talking about my anti-depressant medicine.

Yes. Anti-depressant. Ilang buwan mula nang manganak ako noon nang atakihin ulit ako. I don't know what was happening to me that time, pero naaabutan na lang ako nila kuya na nakakulong sa banyo at hinahayaang umiyak nang umiyak ang anak ko sa kwarto niya. They took me to the hospital and my doctor scheduled me a therapy.

“It's okay, Cal. Hindi na siya madalas,” I said to him then looked at him as I saw his worried expression.

“Are you sure? I mean, I don't want something to happen to you and Zick, you know that, Acel,” seryoso nitong sinabi sa'kin saka iginiya ako sa sala.

Zick is still sleeping. Matapos ko siyang paliguan ay saglit na nagbasa kanina ay dumiretso siya ng tulog sa kwarto niya. Mabuti na lamang ay hindi na siya mahirap pasunurin, hindi gaya ng dati.

“Please tell me everything I need to know so I can help you. You shouldn't skip your meds, you know that right?” panenermon niya sa'kin kaya napangisi lamang ako.

“Kararating mo lang ay nanenermon ka na agad,” reklamo ko sa kanya.

Kararating lamang kasi nito galing Pilipinas. I told him the last time we talk na huwag nang mag-aksaya ng pera at oras para lang dumalaw sa'min ni Zick, ngunit hindi siya nakikinig. Ever since we migrated and live here for good ay ganito na ang ginagawa niya. He even want to also live here! Mabuti na lamang ay nakinig siya sa'kin nang araw na 'yon kaya napigilan ko pa siya.

“Ang kulit mo kasi,” maikli niyang sagot sa'kin saka inabot sa'kin 'yong dala niyang kape. “I want you both to be safe. Wala kayong kasama rito. That's why I want to live here with you para mabantayan ko kayo pero ayaw mo, tapos ganyan ang ginagawa mo,” he added kaya natawa na ako.

It's just a medicine! What in a world.

Hinagilap ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. “I'm sorry. My doctor told me that it's okay to take the medicine twice a week. Huwag ka nang mag-alala...at hindi pa rin ako papayag na dito ka tumira,” pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko lang ang marahas na buntong-hininga niya saka ako niyakap nang mahigpit habang nakatalikod ako.

“Let's eat outside,” bulong niya sa'kin.

Marahan akong tumango saka nilingon siya. I smiled as our lips met the moment I turned around on him. Saglit lang iyon ngunit ramdam ko ang pagkalma ng kalooban ko.

“I love you…and Zick,” I heard him whisper between our kiss.

I held his jaw, “I love you. Let’s take him to mom and we can have our dinner outside,” marahan kong sinabi sa kanya at nginitian siya.

Malaki ang pasasalamat ko dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa tabi ko. Hindi ko maitatanggi na sobrang napamahal na rin siya sa’kin lalong-lalo na sa anak ko dahil siya ang hinahanap-hanap nito palagi. Ever since I decided to live here for good a year ago, Calix didn’t let me live alone. Kahit nasa Pilipinas siya ay sinisiguro niyang mararamdaman ko ang presence niya. I don’t know how to thank him. Minsan ay nakokonsensya pa ako agad sa tuwing napagbubuntungan ko siya ng galit dahil sa pagod ko sa pag-aalaga kay Zick.

Alas siete nang makarating kami sa bahay ni kuya Roy dahil naroon si mom kasama si Lola Imelda. Ibinilin ko muna sa kanila si Zick dahil sa lakad namin ni Calix. Zick didn’t want to let us go nang magpaalam kami sa kanya dahil ngayon na lang ulit nito nakita ang tito Calix niya.

“We’ll be back to pick you baby, don’t worry,” pag-alo ko sa kanya ngunit walang talab iyon. Gusto pa rin nitong sumama.

Nang ramdam kong nahihirapan na akong kumbinsihin siya, Calix came to talk to him. Matapos ng ilang minuto ay nagulat na lang ako nang nagpaalam na mismo ito habang nakangiti pa nang malawak.

“What did you do?” natatawa kong tanong sa kanya when we enter my car.

“I just explained it to him. Wala ka kasing sweet bones kaya hindi mo mapaamo.” pang-aasar niya sa’kin kaya napairap na lamang ako.

Bumyahe lang kami nang ilang minuto bago nakarating sa restaurant na palagi naming kinakainan sa tuwing umuuwi siya galing Pilipinas.

“Mr. and Mrs. Laxamana?” bati sa’min ng sumalubong na waiter nang makapasok kami.

I raised a brow to him then I looked at Calix when I heard him chuckled. Kinurot ko ang braso nito dahilan para hagilapin niya ang kamay ko at hawakan iyon nang mahigpit.

“Good evening. We have a reservation,” Calix said to the waiter. Nakatingin lamang ako sa kanila.

“Yes, I’ll take you to your table, sir, ma’am.”

Nagpatianod lang ako kay Calix nang igiya kami ng waiter patungo sa table namin. Nagtaka pa ako nang patungo kami sa mga VIP rooms ng restaurant. Gusto ko na sanang itanong sa kanya, ngunit nahuli na ako  nang bumungad sila sa’kin nang makapasok kami sa room.

“Surprise!”

Halos lumobo ang ulo ko nang makita ko si Lynne along with the three of Fourgotten Souls, maging ang mga nobya nito. Nangunot pa ang noo ko nang mamukhaan ko kung sino iyong nasa tabi ni Miko, ngunit hindi ko na muna pinagtuunan iyon ng pansin dahil sinugod na ako ni Lynne ng yakap.

“Nice to see you again, momma!” bati niya sa'kin kaya natawa ako.

I looked at Calix while still dumbfounded. Bakit sila narito?

“I bought their tickets. I wanted to surprise you,” nag-aalangan niyang sinabi dahil alam niyang pagagalitan ko siya.

“Oh, you're impossible,” buga ko na lamang sa hangin dahil wala na akong magawa.

“It's so nice to finally see you again,” Asher walks towards me and gave me a hug. Nakita ko si Alyanna na ngiting-ngiting nakatingin sa'kin.

“I don't know what to say, I'm sorry. This is—”

“You're lucky you have a rich boyfriend,” bati sa'kin ni Alyanna habang humahalakhak pa.

“Kami na sana ang magbabayad ng ticket namin kaso nagpumilit siya,” salubong naman ni Caleb kaya natawa ako.

Calix being so generous to my friends is unbelievable. I don't know what is he thinking sometimes. My God!

“Hindi kasi kami sasama talaga kung hindi lang libre. Ang sabi ko ay gusto ko lang uminom, ang gago biglang nagyaya rito sa States,” humahalakhak na sinabi ni Miko kaya nagtawanan kaming lahat.

Nabaling ang atensyo ko sa babaeng katabi niya. Nangunot ang noo ko habang ini-eksamin ang mukha niya. Narinig kong tumawa ito kaya mas lalo akong nagtaka.

“Oh bitch, having amnesia, huh? We already met before. I'm Justine in case you really forgot,” natatawa nitong sinabi sa'kin kaya napailing na lamang ako.

“Yeah, Justine. I'm sorry, nice to see you again. The last time I saw you ay hindi ganyan ang ayos mo,” pang-aasar ko sa kanya kaya inirapan niya ako.

Naka lacey dress kasi itong above the knee ang haba at light lang din ang make-up. Noong magkita kasi kami noon ay rockstar ang datingan niya kaya siguro hindi ko siya agad nakilala.

After I said hello to everyone ay nagsimula na kaming kumain. Lynne was so excited to see me for real dahil hindi niya tinabihan si Caleb at pinaalis pa si Calix sa tabi ko. Nang matapos kaming kumain ay nagdesisyon ang lahat na lumipat sa isang bar malapit sa restaurant. We went to Columbus Nights and rent a VIP room again nang sa gano'n ay hindi kami makihalubilo sa ibang naroon.

“Nabusog ka ba?” Calix approached me habang ang iba ay abala sa pag-order ng alak at pagkain.

“Of course. Why didn't you tell me that they are coming? Sana ay sa bahay na lang tayo,” I asked him.

Hinuli niya ang kamay ko saka marahang hinalikan iyon. I looked at him again nang mapansin kong titig na titig siya sa'kin. Inalis pa niya ang kaunting buhok ko na humaharang sa mukha ko.

“Just enjoy this night, hm?” mababa ang boses niyang iyon kaya napangiti ako.

“I want you to enjoy this night. Stress na stress ka nang mga nakaraang araw dahil sa kompanya niyo. Stop over-thinking. Let me have this night with you,” he added kaya napatango na lamang ako.

Sinundan ko lamang siya ng tingin nang magpaalam siya na magbabanyo. Nabaling saglit ang tingin ko kay Lynne na palapit sa'kin at padarag na umupo sa tabi ko.

“So, when's your wedding?” nanunuya niyang tanong sa'kin saka inabot ang glass na iyon na may lamang tequila.

“Stop mocking at me, Lynne. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan,” I said to her then took the shot of that fucking tequila. Sumimsim ako ng lemon at asin saka binalingan siya ng tingin.

“Kailan pa kayo nagkabalikan? Akala ko ay naghiwalay na kayo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

I tried to met her gaze dahil iniiwas niya iyon sa'kin. What's with her?

“We are still forbidden. Ayaw pa rin ng matandang 'yon sa kanya. I don't know his reason this time, I'm fucking tired to understand his term and conditions. Parang hindi siya nagmahal,” she ranted about her father.

Napatingin tuloy ako kay Caleb na ngayo'y kausap na si Calix. Miko and Justine are still out of nowhere while Asher and Alyanna are discussing something on their phone.

“Why don't you try to make him understand you nang hindi ka nagkakaganyan,” I said to her at tinanggap ulit iyong shot ng tequila na inaabot niya sa'kin.

“Parang hindi mo naman kilala si Dad. Anyway, how are you? How's Zick? Kailan ang uwi ninyo sa Pilipinas?” Pag-iiba niya ng usapan.

Nabaling ang tingin ko saglit kay Calix na naupo na sa kabilang gilid ko at ipinalibot ang braso sa baywang ko. I bit my lower lip when I feel his hand caressing my waist.

“He's fine. Hindi ko alam kung uuwi pa kami roon, but I think I need to go dahil sa A&S. Tito Raul wants me to take over his position as CEO dahil ayaw ni Levi at Maxim. Wala naman akong magawa,” problemado kong paliwanag sa kanya habang ramdam pa rin ang kamay na iyon ni Calix sa baywang ko. Pinaglalaruan niya kaya naman hindi ko maiwasang hindi gumalaw sa pwesto ko dahil nakikiliti ako!

“You should go home, sa Pilipinas. Wala namang masamang pagbigyan mo si Tito Raul. Besides, it's your dad's company,” Lynne simply said to me and excuses herself to go to Caleb.

I honestly don't know what to do. Hindi ko magawang magsinungaling na wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo, dahil alam ng lahat na doon ako magaling kahit na ibang kurso ang kinuha ko noong nag-aaral pa ako. Levi doesn't want to take over dahil mas gusto niya ang Tierra Fima. Maxim is not into business as well dahil mas gusto niya ang pagsasayaw, and the fact that I need to go back to the Philippines ay mas lalong mahirap magdesisyon. I don't want to go back with my son. Hindi pa ako handa.

“You okay?” Calix broke the silence between us. I just simply nodded at him and rested my head on his shoulder. His hand is still playing my waist.

“I'm thinking if I should go back to the Philippines and accept Tito Raul's offer, what do you think?” I asked to him.

Hindi magawang mag focus ng utak ko sa topic na iyon dahil sa patuloy niya sa paglalaro sa baywang ko. Nang saglit niyang hawakan nang madiin iyon ay talagang nakagat ko ang labi ko kaya hinampas ko siya sa hita.

Humalakhak lang ang lintik na si Calix at marahan akong hinalikan sa gilid ng ulo ko.

“Do what makes you happy. I'm just here to support you,” he said that made me smile more.

Lumalim ang gabi nang mapagdesisyunan naming umuwi na. I invited them to our house and called kuya Roy na bukas na lang namin susunduin si Zick dahil masyadong gabi na para ibyahe pa ito. Kinabukasan ay maaga akong tumulak patungo sa bahay niya to pick my son at mabilis ding umuwi. Nadatnan ko ang lahat na patay pa sa tulog kaya pinaliguan ko muna si Zick at hinayaan siyang magbasa sa sala.

I was about to go upstairs nang masalubong ko si Asher na kagigising lamang kaya natawa ako.

“Good morning, Alyanna's still asleep,” bati niya sa'kin kaya napatango na lamang ako.

“I'll just go wake up Calix para sa breakfast. Can you check on Zick? Nasa sala...” nag-aalangan kong pakiusap sa kanya dahil alam kong ngayon pa lang nito ito makikita sa personal.

Sa huli ay pumayag si Asher kaya mabilis akong tumungo sa kwarto to wake up Calix. Nadatnan ko siya roong patay pa rin sa tulog kaya naupo na lamang muna ako sa gilid niya nang mag ring ang cellphone ko.

Tito Raul's calling. Anong mayroon?

Mabilis kong sinagot iyon at tumungo sa bintana upang buksan iyon.

“Tito, good morning.”

“Hi, Acel. I'm sorry to disturb you but this is very urgent. Are you busy right now?” he asked at dinig na dinig ko na parang may nagkakagulo sa background kaya natigil ako sa ginagawa ko saka bumalik sa tabi ni Calix.

“It's okay, tito. What is it?”

“Lims’ planning to take over A&S. Sila ang may pinakamalaking shares sa kompanya kaya wala akong magawa. I really need you here, hija please...”

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. What? Lim? Sino ang mga iyon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status