Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Hide

“Mommy will be home before five, baby. Tita Maxim will take care of you for the mean time, okay? You should behave,” paalam ko kay Zick nang humabol ito sa’kin bago ako umalis.

Mabuti na lamang ay maagang dumating si Maxim sa bahay para bantayan muna si Zick habang wala ako. Kagabi ko pa ito sinabi sa kanya and she told me that she’s happy to be a babysitter of Zick. Akala ko ay hindi na siya magbabago pero nagulat ako nang makita ko ulit siya after a year.

She’s now continuing her passion which is dancing and I’m happy for her. Dati kasi ay takot siyang ipaalam kina Tito at Tita ang ginagawa niya dahil ang nasa isip niya ay hindi siya nito susuportahan.

“I know, mum. I will miss you. Please, be home agad…”

Muntik na akong matawa dahil sa huling sinabi niya. He’s now learning some tagalog words dahil tinuturuan na ulit siya ni Calix pag wala itong ginagawa. Nasanay kasi itong nakakarinig ng English dahil iyon ang dialect sa States of course. I didn’t bother to teach him some of it dahil hindi ko naman akalain na uuwi kami ng Pilipinas.

“Take care, mommy.” Dagdag pa nito at yumakap sa’kin nang mahigpit.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay pumasok na siya sa loob, saka naman ang paglabas ni Maxim.

“Hindi ka ihahatid ni Calix?” she asked and handed me a tumbler of water.

“May importanteng meeting with their regular clients. Ikaw na muna bahala kay Zick, a. Thanks, Max,” I told her.

Tinanguan lamang niya ako kaya nagpaalam na ako. I am so early! Hindi na ako sanay gumising nang ganito kaaga dahil wala naman akong ibang pinagkakaabalahan bukod sa panaka-nakang pagkanta sa mga mini bar doon. It wasn’t my job, actually. Kuya Roy suggested it before dahil kailangan ko talaga ng libangan bukod sa pag-aalaga kay Zick. Ilang buwan kong ginawa iyon hanggang sa umabot ng taon dahil sa nagugustuhan ko na. Nahinto lamang no’ng nagsisimula nang mag home school si Eizickiel dahil madalas ay ako ang nagtuturo sa kanya.

Exactly 8AM nang makarating ako sa company. Dumiretso ako sa office ni Tito Raul at naabutan ko na naman do’n si Levi kaya nagtaka na ako.

“Akala ko ay nasa farm ka? Bakit lagi kang nandito?” salubong ko sa kanya nang makapasok ako.

I sat down infront of him and Tito Raul. Hindi ako tinapunan nito ng tingin at nanatiling nakatingin sa cellphone niya. Nakakunot pa ang noo.  He’s ignoring me now?

“I’m here to help you,” aniya kaya napatingin ako kay Tito Raul.

“I thought he’s not available dahil may problema sa Tierra Fima?” I asked Tito Raul.

Ibinaba nito ang black na folder na kanina pa nasa harapan niya saka inayos ang salamin niyang iyon.

“I can handle, Acel.” Dinig ko pang dagdag ni Levi kaya natawa ako.

“Be ready dahil ilang minute lang ay magsisimula na ang meeting. Do you have any presentation?” Tito asked kaya namilog ang mga mata ko.

“Akala ko ay ipapakilala niyo lang ako. I didn’t –”

“It’s okay. I was just asking,” he cutted me off and chuckled at me.

Napairap ako sa kawalan dahil sa ginawa ng matandang ito. Palibhasa ay hindi nila alam kung gaano naghuhurumentado ang kalooban ko ngayon sa sobrang kaba dahil sa mga mangyayari. Kahit alam kong kaya ko ay nagdadalawang-isip pa rin ako sa kakayahan ko dahil matagal na mula no’ng huli kong ginamit ang utak ko. Sana ay hindi pa nauubos ito.

We talked for a minute and after that we went to the conference room para sa gaganaping board meeting. Nang makapasok ako ay lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang makita ko ang lahat maging si Lolo Samuel. Pakiramdam ko ay para na akong lilitisin.

While I was walking behind Tito Raul, ramdam ko ang kamay ni Levi sa likod ko kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso itong tumingin sa’kin saglit.

“You can do this. I believe in you,” he whispers at hinawakan niya ang kamay ko.

Ramdam ko ang pagkalma ng kalooban ko kaya itinaas ko na ang ulo ko na kanina lamang ay nakayuko. Noon pa man ay isa na siya sa mga taong kaya akong bigyan ng lakas ng loob. Walang nagbago roon.

Nang makarating kami sa harapan ay nanatili lamang akong nakatayo sa gilid kasama si Levi. I looked at everyone. Lahat ay seryoso ang tingin sa’kin kaya mas lalo kong pinatigas ang ekspresyon ko. Habang ginagawa ko iyon ay nahinto ang tingin ko sa babaeng nasa bandang dulo ng lamesa sa right side. She’s staring at me from head to toe. Kitang-kita ko iyon dahil may suot akong contact lense. Nakita ko pa ang bahagya niyang pagngisi kaya napakunot ang noo ko.

Who the hell is she? Bakit parang hinuhusgahan niya ako sa mga tingin niyang ‘yon.

“…let me introduce you my niece, the daughter of A&S founder and the one who will take over my position as president and CEO of this company, Acel Jean Acuzar.”

Nawala ang atensyon ko sa babae nang marinig ko iyon mula kay Tito Raul. Dinig ko ang palakpakan ng lahat kaya mabilis akong tumungo sa harapan para harapin silang lahat na tila yata hinuhusgahan na ang kakayahan ko ngayon pa lang, lalo na ang babaeng iyon na hindi pa rin inilalayo ang tingin sa’kin.

I introduced myself with full confidence infront of everyone. Hindi ko rin pinutol ang tingin ko sa babaeng iyon gaya ng ginagawa niya hanggang ngayon habang nagsasalita ako. Maya-maya pa, she suddenly raised her hand kaya mas lalong lumalim ang tingin ko sa kanya.

“Yes, Miss…” I cutted myself dahil hindi ko naman kilala kung sino ito.

“Mari Eleanor Lim,” she casually said to me at mas lalong lumawak ang ngiti niyang iyon sa’kin.

Oh. She’s the Mari Eleanor everyone’s talking about. The successor of their illegal businesses around the world.

She immediately stood up kaya tinitigan ko ito. She’s wearing a black bodycon casual dress na may slit na abot hanggang legs nito. Nakapatong lang sa balikat niya ang cream blazer nito habang sumasabay sa galaw niya ang nakalugay niyang buhok na straight na straight.

Napairap ako sa hangin saka muling bumaling sa kanya.

“Yes, Miss Lim?” I asked to her.

“I just wanna ask if you’re really capable for the position,” mayabang nitong sinabi kaya halos matawa ako.

Tiningnan ko ang lahat. Kita rin sa kanila na naghihintay sila ng sagot ko dahil gusto rin nilang malaman. As if she volunteered to ask me everyone’s question. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang may laman ang tanong niyang ‘yon.

I looked straightly through her eyes and smiled at her sarcastically.

“Of course, I am,” I told her and she started laughing. Nanatili pa rin siyang nakatayo.

Bahagya kong nilagay ang buhok ko sa likod ng tainga ko at diretsong tumingin muli sa kanya.

Ano bang gusto niya? Is she starting to insult me?

“Really? We barely see you here and according to my sources—”

“Well Miss Lim, your sources are wrong. I am here to clean up all the clutter that your company has given to this company, and if that isn’t enough for you then it’s not my problem anymore,” putol ko sa sasabihin niya saka matalim na tumitig sa kanya.

I can see anger in her eyes. Parang gusto niya pa akong lapitan at gawin kung ano man iyong gusto niyang gawin sa’kin kaya pinarating ko sa kanya na hinihintay ko siya.

What the fuck is her problem? If she is trying to humiliate me infront of everyone, well she’s hitting the wrong person here. Hindi niya pa ako kilala and I don’t know her also. Ang alam ko lang ay sila ang nagpapabagsak sa kompanya namin ngayon.

“Dare me, Miss Lim,” dagdag ko pa na mas lalong pinatalim ang tingin niya sa’kin.

-

“Hindi mo na dapat pinatulan ‘yon. She’s just mocking at you. I know her,” Levi said to me kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

The meeting went smoothly kahit na patuloy ang pang-iinis sa’kin ng Eleanor na ‘yon kanina lang. Kung ako pa rin siguro ‘yong dati ay malamang nagkagulo na kami sa conference room kanina. Mabuti na lang ay simula nang pinanganak ko si Zick ay mas humaba ang pasensya ko sa lahat.

“Hindi ko siya pinatulan, Lev. I just simply answered all of her questions. Kung gano’n lang talaga siyang tao, that’s fine for me. I don’t care really,” simple kong sagot ko sa kanya at nilantakan na ang pagkain ko habang ka-text si Maxim.

Gusto ko sanang i-facetime pa siya to check Zick, ngunit ayaw niya dahil may ginagawa. Besides, Zick is already sleeping according to her so I didn’t bother her anymore.

Niyaya kong mag lunch si Levi sa pantry ng kompanya dahil hindi na makakarating si Calix dahil hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang meeting nila. Mukhang malaking kaso na naman ang kinakaharap ng mga Lim kaya gano’n na lamang ito katagal pag-usapan. I wonder what is it all about this time.

“Paano mo pala nakilala ‘yon? Don’t tell me, she’s your love interest?” pang-aasar ko kay Levi dahil alam ko naman ang mga tipo niyang babae, at hindi pasado ang Eleanor na ‘yon sa kanya.

I heard him chuckled at umiling pa siya while his spoon is in his mouth. Napangiwi na lang ako nang mapagtanto ko kung gaano nakakadiri ‘yon. Siguro ay para sa iba sexy tingnan but no. Kadiri.

“Nakasama ko siya sa isang seminar a year ago. She’s not my type, AJ, you know that,” seryoso nitong sabi kaya natawa na ako.

Bago ko pa siya masagot ay biglang umilaw ang cellphone ko. Someone’s calling at nang makita kong si Alyanna iyon ay agad kong sinagot.

“Yes, Yanna? Nakauwi na kayo?” bungad ko agad sa kanya dahil ang alam ko ay pauwi pa lamang sila.

“Hi Acel, yes an hour ago. Can I ask you a favor? Are you busy?” sunod-sunod niyang tanong sa’kin.

Hininto ko muna saglit ang pag kain ko at napatingin sa babaeng lumapit kay Levi.

“Katatapos lang ng meeting. What is it?” I asked her while still staring at that woman and Levi.

Levi suddenly stood up when she cried infront of us. Nataranta rin ako sa nakita ko kaya napatayo ako. Anong nangyayari?

“I’m sorry for disturbing you pero ikaw lang kasi ang kilala kong may alam sa music. Kailangan ko kasi ng isa pang judge for the audition today. Puwede k aba?” I heard Alyanna said behind the line.

Nangunot ang noo ko nang magpaalam si Levi sa’kin saka umalis kasama ang babaeng iyon. Wait, hindi kaya girlfriend niya iyon at akala niya ay babae ako ng pinsan ko?

“Hello? Acel?”

Halos mapasigaw ako nang marinig koi yon sa kabilang linya. Bigla kong naalala na may kausap nga pala ako kaya natawa na lang ako. Bumalik muli ako sa pagkakaupo at tumingin sa kawalan while listening to her.

“Saan ba gaganapin?” nag-aalangang tanong ko sa kanya dahil hindi ko gusto ang ideya niyang iyon.

“Dito sa Java Records. Nandito na ako ngayon, so I’ll wait for you here. Thank you talaga!” Dinig kong sabi niya sa kabilang linya.

“What? Wait –”

Bago ko pa ako makareklamo ay pinatay na niya ang tawag kaya napamura na lang ako sa hangin. Java Records? Iyon and recording studio ng apat. Doon pa rin siya nagtatrabaho? And oh, Java Records. I don’t think I can easily go there. Not now. Not forever.

Sa huli ay wala na nga akong nagawa kundi pumunta sa Java Records dahil panay ang tawag sa’kin ng babaeng ‘yon. Sinabi pa niya na nakasalalay ang trabaho niya sa pagpunta ko kaya mas lalo akong nawwalan ng choice. She’s good at blackmailing someone just by saying that. Asher will be in trouble. Always.

Nang makarating ako sa studio ay dumiretso agad ako sa theatre room. Nadatnan ko nga roon ang bruhang si Alyanna na kitang-kita ang pagod dahil kararating nga lang nila.

“Thank you! Promise, saglit lang ‘to,” salubong niya sa’kin kaya inirapan ko siya. Narinig ko ang pag ngisi niya kaya taka akong tumingin sa kanya.

“Are you seriously annoying me?” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya dahil bago iyon sa’kin.

“I’m just kidding. Upo ka na, mag start na,” natatawa niyang sinabi sa’kin kaya mas lalong nangunot ang noo ko.

Nailing na lang ako saka umupo sa upuang sinabi niya. Not minding what everyone is thinking dahil naka corporate attire pa ako.

After half an hour, natapos ang audition kaya agad akong nagpaalam kay Alyanna dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko sa lugar. As if someone is watching me or I was just being paranoid again. Matapos kong magpaalam kay Yanna ay mabilis na akong lumabas. I was minding my own business when something caught my full attention. Napahinto pa ako dahil sa boses na naririnig ko nang mapadaan ako sa fire exit. Someone familiar to me is singing there. Dinig na dinig ko iyon dahil sobrang tahimik sa hallway na iyon.

I didn’t waste my time at dahan-dahang tumungo sa pinanggagalingan ng boses only to find out who is singing there.

It’s him. Wala nang iba.

He’s sitting at the stairs. Nakatalikod sa pinto kung nasaan ako nakasilip ngayon. I am sure that it is him dahil alam na alam ko iyon. Kabisadong-kabisado ko ang kabuuan niya.

Ramdam ko ang pagsibol ng matinding kaba sa dibdib ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang paninikip no’n, kaya mabilis na akong umalis sa lugar na iyon.

Nang makarating ako sa parking lot ay panay pa rin ang linga ko dahil baka nakita niya ako. Baka nasundan niya ako, na hindi puwedeng mangyari.

Nagmadali akong pumasok sa kotse ko saka mabilis na umalis.

What was he doing there? Paano siya nakalabas ng kulungan?

Blangko ang isip ko nang makarating ako sa bahay. There’s only one thing in my mind which is my son, kaya nagmadali akong tumungo sa kwarto niya nang sabihin ni Maxim na natutulog na ito.

When I entered his room, I saw him peacefully lying on his bed kaya tahimik akong umupo sa tabi niya. I stared at him. Ramdam ko pa rin ang matinding kaba sa dibdib ko dahil sa nakita ko kanina. I can’t even think of anything right now. Ni hindi ko maalis sa isip ko ang likod niyang ‘yon lalo na ang boses niya.

He sounds the same. Matagal na panahon ko nang hindi naririnig ang boses niya and hearing it again is like…makes me want to go back to States and leave everything again because simply, I don’t want to listen to any of it anymore. It brings back the memories and all and I don’t like it. Never.

“What if he saw me, Lynne? Anong gagawin ko?” Bungad na tanong ko agad kay Lynne nang magkita kami the other night after that incident.

I wanted someone to talk about it dahil natuto na ako. Keeping everything in you will do no good for everyone, mostly to you. Ayoko namang sabihin kay Calix dahil alam kong mag-aaway lang kami dahil sa napakarami na namang tanong. I don’t like arguments anymore.

“You will do nothing, Acel. Ano naman kung makita ka niya?” I heard Lynne said kaya mabilis ang naging lingon ko sa kanya.

Nilapag ko ang tasa ng kape ko sa table naming at napahawak sa ulo ko.

“Hindi puwede, Lynne. Hindi niya ako puwedeng makita mostly Zick. Wala naman siyang alam tungkol sa…”

I suddenly stop when I realized something. Napansin iyon ni Lynne dahil bumaling din ang tingin niya sa’kin mula sa laptop niya.

“Anak niya,” she added that made me look away from her.

Yeah, anak niya. Bakit hindi iyon mabigkas ng bibig ko mismo?

“Yeah right…” I told her.

“Okay? So, what? Anak niya. It means, he has still the rights to know about Zick. What’s so wrong about that?” she simply added then landed her eye on her laptop again.

Kung umiinom lang ako ngayon ay sasadyain ko ang pagbuga sa kanya ng kape dahil sa sinabi niya. I sometimes don’t understand her and where she’s coming from. Ni wala akong ma-gets sa bawat binibitawan niyang salita.

“Everything, Lynne. Everything is fucking wrong with that. Ano bang sinasabi mo?” mariin kong tanong sa kanya na tinawanan lang niya kaya mas lalo akong nainis.

Inuubos ng babaeng ‘to ang pasensya ko.

“Kiel is the father; you can’t change that. Hindi mo matatago ‘yon habang-buhay. Paano kung si Zick naman ang magtanong kung sino ang daddy niya –”

“Hindi naman siya nagtatanong…”

“Paano nga kung magtanong siya? Anong sasabihin mo? That Calix is his dad? That’s unfair for the both of them kahit pa gusto ni Calix na akuin si Zick. Alam mong dadating kayo sa oras na ‘yon, Acel. Iyon dapat ang paghandaan mo kaysa magtago ka nang magtago. You can’t runaway for the rest of your lives,” mahabang litanya niya sa’kin at seryoso akong tiningnan.

I look away from her. She has a point, yes. But still…ayoko. Hindi puwede.

Inis na inubos ko ang laman ng kape ko saka mabilis na tumayo.

“I can’t just welcome him again in our lives…lalo na kay Zick. Ayokong pati ang anak ko, sirain niya,” pinal na sinabi ko sa kanya at nagpaalam na.

I don’t want him near me, near my son, and near my family so whatever it takes, I will do everything just to get rid of him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status