Share

Chapter 22

"Okay, bago kayo lumabas ililista ko na kung anong sports niyo."

Biglang sigaw ni Kiro noong lumabas na ang last teacher namin. Nag-ring na kasi ang bell, senyales na lunch na. Lumakad siya papunta sa unahan ng room na may hawak na ballpen at papel.

"Una, basketball, sino sasali?"

Tanong niya at agad na nagkagulo at umingay sa room namin. Halos lahat ng mga lalaki ay isinigaw ang pangalan nila.

"Sa tingin niyo talaga maiintindihan ko kayo sa lagay na yan?"

Tumigil siya sa pagsusulat at humalukipkip, natahimik naman ang lahat. Namangha naman ako sa kakayahan niya na magpatahimik ng magulong classroom kahit hindi sumisigaw.

May use naman pala ang pagkamasungit niya.

"Ikaw K.O.?"

Tanong ni Kiro sa katabi ko, na kanina pa tahimik, matapos mailista lahat ng gusto sumali ng basketball.

"Pass. Madami na sila kaya na nila 'yan."

Sagot niya naman, kaya ibang sports namin ang tinanong ni Kiro.

"Bakit ayaw mo?"

Tanong ko kay K.O.

"May usapan na kami..."

Sagot niya at itinuro sila Jed
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status