Share

Chapter 01

"Ma'am Fhey, gising na po. Andito na po tayo."

Mabagal akong bumangon at unti-unti kong binuksan ang mata ko. Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya nahirapan pa mag-adjust ang mata ko. Natulala pa ako ng ilang minuto bago mag-sink in sa akin na nakarating na kami.

Agad na lumabas ng sasakyan ang driver para pagbuksan ako ng pinto. Hindi pa man ako nakakalabas ay nakita ko na ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng bahay sa kaliwa at deretsong nakatingin sa akin. Na-conscious tuloy ako bigla.

"Welcome, Fhey. I do know that you don't remember me, but I hope you already know me."

Lumalapit siya papunta sa pwesto ko habang nagsasalita.

"Kuya Zion."

Tawag ko sa kaniya, agad namang lumaki ang ngiti niya.

"Salamat naman kilala mo 'ko, tulungan na kita."

Kinuha niya sa akin ang bag na hawak ko. Siyempre hindi lang isa ang dala ko dahil isang taon ako dito.

Si kuya Zion ay pinsan ko, anak siya ng kapatid ng biological mother ko. Hindi ko siya naaalala, pero nakita ko na ang picture niya at nai-kwento na siya sa akin ng daddy ko.

"Our house is probably not as big as your family's, sana okay lang sa'yo."

Hindi talaga siya kasing laki at kasing modern, pero okay naman siya. Their house is perfect for a small family.

"Okay lang."

Mahinang sagot ko at bahagyang ngumiti. Pumwesto lang ako sa gilid ng kalsada habang pinapanood sila kuya zion at ang driver na ilabas lahat ng gamit na dala ko.

"Mauna na po ako ma'am. Ingat po kayo."

Paalam sa akin ni manong bago sumakay sa kotse.

"Ingat kuya."

Sigaw ko sa kaniya at bumusina naman siya bago tuluyang umalis. Hindi ko alam pero sobrang nalungkot ako habang pinapanood ko ang sasakyan namin na umalis.

"Tara sa loob? Naghihintay na sila mama."

Aya sa akin ni kuya Zion.

"Paano po itong mga gamit ko?"

Tinuro ko ang sandamakmak na maletang dala ko.

"Kami na bahala ng kapatid mo diyan, halika na."

Natahimik ako dahil sa sinabi niyang kapatid ko. I mean he is, but at the same time he is not. It's been so long, I don't even know if I can still treat him like a brother.

"Welcome home, Fhey!"

Home? Let's see about that.

May confetti pa silang pinasabog nang makapasok kami sa loob ng bahay. Agad kong inilibot ang mata ko, pero hindi ko nakita ang biological mother ko.

"Thank you po. Pasensya na po sa abala."

Lumapit ako sa tita ko at agad niya akong niyakap.

"Nako wala 'yun, ano ka ba. Kami naman ang may gusto na dito ka muna tumira."

Ngumiti ako sa kaniya. Napunta naman sa lalaki sa likod niya ang mata ko, agad tumaas ang isang kilay niya nang magtama ang mata namin.

"Kiro, tulungan mo nga ako sa mga gamit ni Fhey!"

Hindi ko alam kung nahalata ba ni kuya Zion ang awkwardness sa pagitan namin kaya niya tinawag si Kiro.

Si Kiro na stepbrother ko.

"Halika, Fhey. Madami akong niluto para sa'yo."

Inalalayan ako ni tita papunta sa dining room nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano nga kadami ang niluto niya.

"Ang dami naman po nito."

Sabi ko sa kaniya, agad ko namang nadinig ang mahinang tawa niya.

"Lahat 'to paborito mo noong pumupunta ka sa bahay ng ate. Ito lagi mong kinakain kapag bumibisita ako."

Paliwanag niya.

Gano'n ba ako katakaw kumain noon, at ganito kadami ang paborito ko.

"Ah, tita. Mahina na po kasi akong kumain kaya baka po masira lang ang mga 'to. Sayang naman po."

"Dadalin ko sa opisina kung hindi mauubos."

Napatingin ako sa may sliding door nang biglang pumasok ang asawa ni tita Lana, si tito Amber.

"Welcome Fhey."

Parang na deja vu ako ng ngumiti siya, bigla kong nakita ang mukha ni kuya Zion sa kaniya. Carbon copy kasi.

"Salamat po."

Naupo na kaming dalawa at nagsimula na mag-hain ng pagkain si tita Lana. Hindi naman nagtagal ay nadinig na namin ang pagpasok ng dalawang lalaki.

"Boys, mamaya niyo na iakyat 'yan. Kain na muna tayo."

Tawag ni tita sa dalawa. Sumunod naman sila at pumasok sa dining area.

"Good morning, pa!"

Bati ni kuya Zion kay tito, tinaas lang naman ni tito ang kamay niya dahil nagsisimula na siyang kumain. May pasok pa kasi sa opisina kaya kailangan na niyang kumilos ng mabilis.

"Kiro, upo na. Ano pa hinihintay mo?"

Puna ni kuya Zion kay kiro na nakatayo lang sa gilid.

"Pasko."

Walang ganang sagot ni Kiro at naupo sa harapan ko. Nagsimula na kami kumain at tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Kahit ang tingnan sila ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Pakiramdam ko hindi ako dapat nandito.

"Fhey, sa monday na ang simula ng pasok niyo. Ready na ba mga gamit mo, o gusto mo mamili tayo mamaya?"

Inangat ko ang ulo ko dahil sa tanong niya. Nakita ko naman na sa akin sila nakatingin lahat.

"Ako na lang po ang bibili, baka maabala ko pa po kayo."

Nahihiyang paliwanag ko sa kaniya.

"Nako, ano ka ba! Hindi ka naman iba sa amin. Sasamahan na kita, isasama din natin 'yang kapatid mo."

Napatingin ako kay Kiro dahil sa sinabi ni tita, at nakita ko kung paano niya itinago ang pag-ikot ng mata niya.

Ayaw na ayaw yata sa'kin nito.

Dahil mas nakakahiya na tumanggi, tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya at tinuloy ang pagkain ko. Umalis din agad si tito nang matapos kami. Ang dalawa naman ay iniakyat na sa taas ang mga gamit ko.

"Ako na dito, Fhey. Sige na sumunod kana doon sa dalawa para makita mo 'yung kwarto na gagamitin mo."

Kinuha ni tita sa kamay ko ang mga pinggan na hinuhugasan ko. At dahil hindi na ako kailangan sa baba, umakyat na ako sa taas.

"Ayusin mo naman ng lagay, may galit ka ba sa kapatid mo?"

Nasa may hallway palang ako, nadidinig ko na ang boses ni kuya Zion. Nakabukas kasi ang pinto ng isang kwarto, mukhang 'yon ang gagamitin ko kasi doon sila nag-aayos.

"We're not siblings!"

Napahinto ako sa sinabi ni Kiro. Nag-stay muna ako sa hallway para pakinggan kung ano pa ang sasabihin niya tungkol sa'kin.

"We're not siblings mo 'yang mukha mo. Kung maka-iyak ka naman noon kapag uuwi na siya sa pamilya niya, daig mo pa ang namatayan!"

I giggled because of that information. Pero agad din nawala ang ngiti ko ng maalala ko kung gaano kalamig ang trato niya sa akin ngayon, mas malamig pa sa pasko ng Japan.

Bakit kaya bigla siyang nagbago? Well, 8 years naman kasi kami hindi nagkita. People change.

"Excuse me."

Napatingin silang dalawa sa'kin. Naabutan ko pa silang naghahampasan, dahil siguro sa pang-aasar ni kuya Zion kanina.

"Tutulong ako."

Ibinaba ni kiro ang unan na hawak niya at naglakad papunta sa pwesto ko.

"May katulong ka na, labas na 'ko."

Dire-deretso ang lakad niya kaya umalis ako sa daanan at talagang sinadya niya pang banggain ang balikat ko kaya napakunot ang noo ko.

"Pagpasensyahan mo na 'yun, may dalaw yata!"

Natatawa pa si kuya Zion habang inaayos ang mga gamit ko.

"May point naman kasi siya, hindi naman kasi talaga kami magkapatid."

Paliwanag ko sa kaniya habang inilalagay ang mga damit ko sa closet sa gilid ng kama.

"Anong nangyare? Noong mga bata pa kayo, halos hindi kayo mapaghiwalay. Ngayon itinatanggi niyo na ang isa't-isa."

"People change, kuya."

Walang ganang sagot ko.

"Kahit ano pa sabihin niyo, magpalit man kayo ng pangalan sa f******k at i-block ang isa't-isa, magkapatid pa rin kayo."

Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita ulit. Medyo natagalan kami sa pag-aayos dahil madami ang dala ko, pero hindi naman ako iniwan ni kuya Zion.

Tumulong din sila tita at ang mga kasambahay nang matapos sila sa ginagawa sa baba. Sinubukan pang tawagin ni tita si Kiro pero may ginagawa daw, kausap ang girlfriend.

"Okay na. Magpahinga ka na, Fhey. Tatawagin na lang kita kapag aalis na tayo."

Lumabas na silang lahat sa kwarto ko. Agad kong inilabas ang cellphone ko at nag-send ng message sa family group chat namin na nakarating na ako. Nakalimutan ko na kanina, pero alam ko naman na maiintindihan nila. Nakipagusap lang ako sa pamilya ko at hindi namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako sa katok sa pinto ng kwarto.

Binuksan ko ang pinto na medyo nakasara pa ang mata. Agad na bumungad sa'kin ang naiinis na mukha ni Kiro.

"Tsk. Bilisan mo nga! Aalis na hindi ka pa nakahanda."

Nagising ako dahil sa init ng ulo niya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya ng hagdan. Mukhang kakatapos niya lang din maligo dahil medyo basa pa ang buhok at umaabong pa ang pabango niya.

Binilisan ko na lang ng ligo at sinuot ang kung ano man ang nakuha ko sa drawer. Nakahanda na silang lahat ng makababa ako, at mukhang kasama din si kuya Zion dahil naka-ayos din siya.

"Sorry po, napasarap ang tulog ko."

Bungad ko sa kanila nang makalapit ako.

"Okay lang, tara na. Doon na din tayo mag di-dinner."

Napatingin naman ako sa relo ko nang sabihin 'yun ni tita. Medyo nanlaki ang mata ko ng makita na alas-tres na pala ng hapon. Kaya pala sasama na si kuya Zion kasi siguradong matatagalan kami kung saan man kami pupunta.

"Sa likod na kayong dalawa."

Sabi sa amin ni kuya Zion nang buksan niya ang pinto sa shutgon seat para kay tita. Hindi na nagreklamo si Kiro at pumasok na agad sa loob, gano'n na din ang ginawa ko kaya nakaalis kami agad. Nagke-kwentuhan lang silang tatlo habang nasa biyahe kami. Pinaguusapan nila ang school na papasukan ko, ang university ni kuya Zion, ang girlfriend ni Kiro at ang business nila.

Hindi naman kalayuan sa bahay nila ang SM kaya hindi din kami natagalan sa sasakyan. Binaba na kami ni kuya sa harap ng mall at magkita na lang daw kami sa loob.

"Tara national bookstore na tayo."

Humawak sa braso ko si tita bago ako hilahin papunta sa escalator. Medyo lumingon ako sa likod para makita kung nasaan si Kiro, nakasunod lang siya sa'min.

"Tara, tara!"

Parang mas excited pa si tita kesa sa akin nang makapasok kami sa bookstore. Siya lang din ang maingay sa aming tatlo dahil siya lang ang halatang may gustong gawin 'to. Natagalan kami sa loob dahil sa dami ng gustong bilhin ni tita.

"Tita, hindi na po kailangan ng ganito kadaming gamit. May laptop naman kami."

Pigil ni kiro kay tita dahil balak niya pa akong bilhan ng big notebooks.

"Oo nga po, tita. Masasayang lang po kung dadamihan natin ng notebooks."

Mabuti na lang at na-convince namin si tita na ibalik ang iba sa mga gamit.

Ginawa niyo naman po akong elementary student, tita.

Nauna nang lumabas si kiro habang nagbabayad kami ng mga pinamili namin. Kita din mula dito na kasama niya na si kuya Zion.

"San na tayo next, ma?"

Tanong ni kuya Zion nang lumalapit kami sa pwesto nila. Kinuha din niya sa akin ang mga dala ko.

"Grocery tayo anak."

Sunod lang kami nang sunod kay tita habang nasa grocery store kami. Silang dalawa lang din mag-ina ang naguusap at kaming dalawa ni Kiro ay tahimik lang. Hanggang sa bigla na lang tumunog ang phone niya.

"Tita, hintay na lang po ako sa labas."

Paalam niya bago sagutin ang tawag at maglakad papalabas. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko na siya sa ibang aisle. Tuloy lang naman ang grocery shopping namin, sinabihan din ako ni tita na kumuha ng kahit anong gusto ko kaya ginawa ko din.

Gusto ko sana 'yung buong mall, kaya lang baka it's too much to ask.

"Fhey, tawagin mo na 'yung kapatid mo dederetso na tayo sa restaurant sa labas."

Utos sa akin ni tita. Sanay talaga silang tawagin na magkapatid kami. Hindi ako kumportable pero nakakahiya naman pagbawalan sila kasi doon na sila nasanay.

"Hindi ko po alam kung nasaan tita."

Pagpapalusot ko dahil malakas ang pakiramdam ko na tatarayan na naman ako no'n.

"Nasa kabilang entrance 'yun, sa pinasukan natin kanina. Hindi naman 'yun lumalayo kapag iniiwan niya kami."

Sumunod na ako dahil alam kong kahit anong palusot ko may ika-counter si tita. Bumuntong hininga na lang ako habang naglalakad papalabas. Malayo-layo pa lalakarin ko dahil nasa pangalawang entrance kami ng grocery store, doon daw kasi malapit ang restaurant na pina-reserve nila.

Lumingon agad ako nang makalabas, nakita ko naman siya na nasa kanan ng shop at may kasamang tatlong lalaki. Nakuha ko ang atensyon ng isa sa kanila habang naglalakad ako papalapit. Siniko niya si Kiro at tinuro ako gamit ang labi niya, kaya napunta sa akin ang atensyon nilang lahat.

"Bakit?"

And as expected, ang sama na naman ng tingin ni Kiro.

"Sa kabilang exit sila tita lalabas, tara na daw."

Bumuntong hininga siya at nagpaalam sa mga kasama niya.

"Pakilala mo naman kami, Kiro."

Pang-aasar ng isa sa kanila.

"May bibig ka, magpakilala ka mag-isa mo!"

Mataray na sagot ni kiro. Lumapit naman siya sa akin na parang excited na bata.

"Hi, I'm Archie."

"Fhey."

Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. Bigla naman napunta sa isang kasama nila ang mata ko. Nakatingin lang siya sa amin habang nakasandal sa railings. Bigla siyang kumindat ng magtama ang mata namin kaya medyo nahiya ako.

"Tara na."

Aya sa akin ni Kiro. Bahagya lang akong yumuko sa kanila bago ako sumunod kay kiro.

"Stay away from K.O. Playboy 'yun."

Napatingin ako sa kaniya. Medyo napangiti pa ako.

"Concern ka sa'kin?"

Binilisan ko ng lakad para magkasabay kami.

"Hindi, ayaw ko lang makita kang umiiyak."

Lalong lumaki ang ngiti ko. Aasarin kona sana siya pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Bata pa lang tayo alam ko na kung gaano ka kapanget umiyak."

Napalitan ng inis ang ekspresyon sa mukha ko.

"Pero kung gusto mo makipag-sabunutan sa apat pang babae, 'wag kang makinig sa'kin."

Dagdag na naman niya.

"Hindi ko nga kilala 'yung K.O. na sinasabi mo!"

Humalukipkip ako habang naglalakad dahil sa inis ko sa kaniya.

"Iyong kumindat sa'yo."

Napatingin ulit ako sa kaniya dahil doon. Napansin niya pala ang ginawa noong lalaki. Hindi na ako nakapagsalita pa ulit dahil nakita na namin sila tita.

Inilagay muna nila kuya zion at kiro ang mga pinamili namin sa kotse kaya medyo huli na sila pumasok sa restaurant. Late na din si tito dahil kakalabas lang niya ng trabaho. Nag stay kami sa mall ng ilang oras pa bago umuwi, naisipan kasi ni tita mag picture taking kaming lahat.

Kinabukasan naman ako lang mag-isa ang nasa bahay. Tito and tita went out to meet their friends for their weekly meet up, kuya Zion went out to meet his college friends and Kiro went on a date with his girlfriend. Gabi na silang lahat umuwi kaya wala din namang exciting na nangyare.

Ilang araw pa naman ang lumipas nang magsimula ang school year. Kinakabahan ako, dahil unang araw ko sa ibang school.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status