Share

Chapter 04

"Oh, Kuya, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko si tita."

We're currently at a korean restaurant and I just remembered na may naghihintay pala sa'kin.

"Alam mo number?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya nga pala siya ang tinawagan ko kasi number niya lang kabisado ko.

"Just text your dad, tell him to call them."

And I did what he said. I looked for Dad's contact and composed a message.

[Dad, this is your pretty princess. As you can see I'm with kuya Cal, can you call tita Lana and tell her I'm fine? Thank you, Love you!]

I sent it and gave the phone back to Kuya.

Alas-otso na ng gabi. Sigurado nag-aalala na ang mga 'yun.

Aside from Kiro, of course.

Matapos namin kumain, hinatid na agad ako ni kuya Cal sa bahay. And as expected, kahit natawagan na sila ni Dad, hindi pa rin nawala sa kanila ang pag-aalala. All of them are outside the probably waiting for me.

"Kuya Cal, here's that bitch's phone. Can you get all the information from it?"

"Ako pa ba?"

Hinagis ko sa kaniya ang cellphone bago siya lumabas ng kotse at gano'n din ang ginawa ko.

"Fhey! Jusko ka! Bakit hindi ka nagsasabi? Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sa'yo?"

Salubong sa'kin ni tita Lana.

"Sorry po, lowbat po kasi phone ko. Nawawala din po kasi 'yung wallet ko kaya hindi ako nakauwi agad."

Tumingin ako kay Kito nung sinabi ko ang tungkol sa wallet dahil alam ko na alam niya ang tinutukoy ko.

"O, pa'no mo nakontak 'to? Sino ba ito?"

Turo ni tita kay kuya Cal.

"Si kuya Cal po, kapatid ko. Nakitawag ako, tapos number niya lang ang kabisado ko kaya sa kaniya ako nagpasundo. Natagalan po kasi galing pa siyang trabaho sa Manila."

Totoo ang dalawang una kong sinabi, pero hindi ko na sinabi ang totoong dahilan kung bakit ako nagpasundo sa kaniya.

"Dapat nag-taxi ka na lang, ako na lang sana ang nagbayad dito."

Trust me tita, I first thought of that and it didn't end well.

"Sorry po, nawala sa isip ko."

Huminga naman siya na parang kampante na.

"So kapatid mo 'to? Hindi ko alam na may kapatid ka pala, at mas matanda pa sa'yo."

"I have two brothers. He's the oldest among us."

Hinila ko si kuya Cal patabi sa'kin para makapagpakilala kay tita ng maayos.

"We're not biological relataed and I'm not adopted either. I'm their foster brother. Pamilya po nila ang nag-alaga sa'kin simula noong namatay ang mga gulang ko 7 years ago. Nice to meet you po, I'm Callum."

Nakipag-shake hands siya kay tita. Pati na rin kay tito at kay kuya Zion. Pero tiningnan niya muna ng matagal si Kiro bago sila magbatian.

Sinasabi ko kasi sa group chat namin ang lahat ng nangyayare sa'kin, kaya iba ang aura niya pagdating kay Kiro.

"Kumain na ba kayo?"

Tanong ni kuya Zion.

"Oo. Pinakain ko na kanina si Fhey, gutom na daw e. Kaya mauuna na po ako."

Nagpapaalam na siya.

"Sigurado ka ba na aalis ka na? Gabi na, bakit hindi ka na lang bukas umuwi?"

Suggestion ni Tito.

"Salalamat po, pero hindi na. Maaga po ang trabaho ko bukas at medyo madami din po akong naiwan na trabaho kanina."

Pagtanggi ni kuya Cal. Humarap naman siya sa'kin at yumakap.

"Take care, call me if you need me again."

Bulong niya sa'kin.

"Thank you, ingat sa pag-drive."

Kumaway ako sa kaniya bago siya sumakay sa kotse. Bumusina naman siya bago tuluyang umalis.

"Tara na sa loob, gabi na."

Aya ni tita sa'min.

"Oo nga pala, Fhey, 'yung wallet mo napulot ni Kiro."

Gano'n po? Nahulog po siguro nung kinuha ko ang phone ko sa bulsa."

Pagsisinungaling ko habang nakatingin ng masama kay Kiro. Hindi naman siya makatingin sa'kin ng deretso.

"Sa sunod ingatan mo, nako kung iba nakapulot niyan hindi 'yan babalik sa'yo. Ang dami pa naman laman."

"Opo, tita!"

Lumapit ako kay Kiro.

"Thank you,"

Hinablot ko ang wallet na inaabot niya sa'kin.

"Dahil sa'yo muntik na ako ma-kidnap!"

Bulong ko sa kaniya. Nanlaki naman agad ang mata niya sa gulat.

Confirmed. Hindi nga sila ang nag-utos sa mga walang hiya na 'yun.

Hinawi ko siya papunta sa gilid para makadaan ako. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta na ako sa kwarto dahil sa pagod. Naintindihan naman nila kaya hinayaan na nila ako.

Nagpahinga lang muna ako saglit bago mag-linis at matulog, pero hindi ko namalayan na dire-diretso na pala ang tulog ko kaya kinabukasan na ako nakaligo.

Hindi na din ako sumabay kay kuya Zion at Kiro papasok. Ayoko makasama siya. Ilang minuto kong pinilit si tita na pumayag, pero sinigurado ko sa kaniya na hindi na ako male-late ng uwi kaya wala na siyang nagawa. Hindi niya na rin tinanong ang dahilan ko, wala din naman akong balak sabihin sa kaniya na bully ang pinapalaki niya.

"Fhey! Ano kamusta? Anong nangyare sa'yo? Bakit may dala kanh taxi kagabi?"

Bungad ni Leon nang makapasok sa room. Nasa'min tuloy ang atensyon ng lahat. Pero okay na rin since andito si Kiro, lalo siyang maku-curious sa nangyare sa'kin kagabi.

"Maupo ka muna, dali!"

He quickly sat down beside me. And I told him every single thing. I know I shouldn't have done that if I don't want him to be involved, but I need someone on my side.

"How can you be so brutal?"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.

"Manahimik ka nga! Baka mamaya may kalagan dito, nahuli na tayo!"

Inakbayan ko siya para kami lang ang makakadinig ng pinag-uusapan namin.

"I had to do that, kung hindi baka wala ako dito ngayon. Or worse, I might already be dead."

Natauhan siya sa sinabi ko.

"They weren't just normal gangsters. They know me, so clearly I am their target. They knew I wouldn't have my wallet with me and my phone died so I won't be able to book a car online, meaning—"

"Isa sa mga lagi mo kasama ang nagbigay sa kanila ng impormasyon."

Buti na lang matalino 'to. Na gets niya agad ang punto ko.

"You're suspecting either one of the bullies, or one of my friends right?"

Unfortunately, yes. I do suspect one of his friends. But I can't point fingers just yet. Masiyado pang mababaw ang mga rason ko.

"I understand."

Hindi na kami nakapag-usap pa tungkol doon dahil dumating na ang first teacher namin. Sa ngayon, lectures at school bullies muna ang iintindihin ko.

"Tara, canteen."

Aya sa'kin ni Leon nang matapos ang last subject namin ngayong umaga.

"Susunod mga kaibigan mo?"

Tanong ko sa kaniya matapos makita na parang ilang sa'kin ang mga laging kasama niya. Nakita ko naman kung paano naging malungkot ang ekspresyon ni Leon.

"Nilalayuan nila ako, natatakot madamay sa away mo."

"Away ko? Kailan ako nagkaroon ng away? You can barelt call a fight, it's too one sided."

Hindi siya umimik.

"You know you can leave alone, right? I'm won't force you to stay with me."

"Ngayon pa, kung kailan alam no na problema mo? Mahirap ka na iwan, makokonsensya lang ako."

Natawa kaming dalawa sa sinabi niya.

Sinigurado ko na na kapag may bumanga na naman sa'kin sa pila, hindi na ako matutumba, pero nangyare. Walang gumalaw sa'kin hanggang makaupo kami ni Leon sa lamesa na nireserve niya.

If only they could accept defeat like this, mababawasan ang problema ko sa buhay.

But I was wrong.

Someone poured dirty water on my food.

"Tangina, nakaka-isang subo pa lang ako."

Reklamo ko.

"Sorry, akala ko kasi basurahan."

Tumawa naman ang mga nakarinig sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at iba 'to kumpara sa nakaraang babae.

"Para talaga kayong mga lamok 'no?"

Tumayo ako at hinarap siya.

"Lamok? We're sent by the queen bee, no way we're mosquitoes."

Parang proud pa siya sa sinabi niya, e sobrang corny. Mas corny pa sa mga jejemon ang alagad ng girlfriend ni Kiro.

"Gano'n? Lamok kasi ang tingin ko sa inyo. Hindi lang kasi kayo maingay, hindi din kayo maubos-ubos!"

Kinuha ko ang tray ng pagkain at hinampas sa ulo niya. Sigaw agad ng mga estudyante ang una kong nadinig.

"What the fuck! I will fucking sue you!"

"I'll give you my lawyers number later. Talk to him. I don't have time with a side character like you."

I walked to Kiro's girlfriend's table, still holding the tray.

Tinutok ko sa leeg niya ang dulo ng tray bago ko siya sinakal gamit 'yun.

"Queen bee ka, pero mga lamok pinapadala mo? Sa sunod ikaw ang lumapit, para matanggal ko 'yang sting mo. Kapag nagawa ko 'yun, PATAY KA!"

Diniin ko ng todo ang tray bago umalis. Sakto naman na pumasok si Kiro at ang mga demonyo niyang kaibigan.

"Ano na naman ginawa mo?"

Sigaw niya sa'kin.

"Hindi ba nagsasawa 'yang vocak chords mo? Wala kang ibang ginawa kung hindi sumigaw. Nakakarindi ka!"

Lumabas na ako ng canteen at sumunod sa'kin si Leon na may dalang pagkain sa dalawang kamay. Sa may garden kami kumain dahil dito walang lamok na nagsasalita.

"Joint P.E. tayo mamaya."

"Joint P.E.? May gano'n kayo dito?"

Ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang gano'n.

"Minsan lang. Diba noong nakaraan tayo-tayo lang sa room ang naglalaro, ngayon kasama natin ibang class. At klase ni Winter ang kalaban natin."

"Winter? Sino 'yun?"

Gulat siyang napatingin sa'kin.

"Hindi mo kilala si Winter?"

"Itatanong ko ba kung sino kung kilala?"

"Ilang linggo mo na kaaway hindi mo kilala? Girlfriend ng kapatid mo hindi mo kilala?"

So her name's Winter. Very side character.

"Paki ko sa girlfriend ni Kiro. And stop calling him my sibling, kung ayaw niya sa'kin mas ayaw ko sa kaniya. May dalawa pa akong kapatid, hindi siya kawalan."

Matapos ang lunch, may dalawang subject pa kami bago mag-P.E. Sinadya ko an magpahuli para sigurado na walang mga gago ang manti-trip sa'kin.

"Late ka, Ms. Morales."

"Sorry po."

Lumapit ako agad kay Leon.

"Winter's class already convinced, actually it was more of an intimidation, to go against you."

He's starting to sound like a secretary or an intel.

"Hayaan mo sila, kapag na-injured ako bubuhatin mo naman ako papunta sa clinic diba?"

Bumuntong hininga na lang siya bilang sagot.

"Okay, sa index card ko ibabase kung sino-sino ang maglalaro. Unang game..."

Nagsimula na magtawag ng estudyante ang P.E. teacher namin mula sa magkaibang klase. Tinatanong niya rin kung saan sila magaling para maligay sila sa tamang position.

"Lastly, Morales,"

Malas.

Tumayo ako agad para pumunta sa court.

"Saan ka magaling?"

"Suntukan po."

Pamimilosopo ko sa kaniya. I have a bad feeling about this teacher. Lahat ng tinawag niya halatang kakampi ni Winter wonderland.

"Kung ayaw mo bumagsak sumagot ka ng maayos."

"Kung ayaw mo mawalan ng lisensya gawin mo ang trabaho mo ng maayos."

She looked so calm but I can see her hand trembling.

"Gosh, Kiro, your sister is even more disrespectful than I imagined."

Biglang sumabat si Winter.

"Gosh, Kiro, your girlfriend is even more rotten that I imagined."

Sarap asarin ng mga tao dito, mukhang sasabog na sa galit.

"Spike. I can spike. Kung gusto mo i-try natin, pero hindi sa bola."

Matalim akong tumingin kay Winter na nasa sideline.

"Can you stop being violent, Fhey!"

Galit na sigaw ni Kiro.

"Bakit hindi mo isigaw 'yan sa mga katabi mo?"

Pagtataray ko sa kaniya.

"Stop, nauubos ang oras. Humanda na kayo!"

Umayos na kaming lahat at sinimulan na ang laro. Hindi man ako marunong mag-laro ng volleyball, pero nakakanood naman ako ng iilang games. Alam no kung tanga o mahina ang isang player, at sigurado akong hindi gano'n ang mga kakampi ko. Hindi sila tanga at hindi sila mahina, tamad sila. Lahat ng trabaho sa'kin inaasa.

Receive, block at set, ako lahat ang gumagawa. Kahit sinabi ko kanina na spiker ako at hindi setter o libero.

Pero okay lang, may magandang idea naman ako.

Noong ako na magse-serve, sinadya kong hindi papasukin sa net at targetin ang likod ng ulo ng isa sa mga kakampi ko.

"Aray!"

Malakas na reklamo niya. Hindi man ako isang volleyball player, malakas naman ang braso ko.

"Ay, sorry, nadulas."

Sabi ko sa kaniya pero nakangiti ako at hindi ko tinatago na sinasadya ko.

"Sinasadya mo e!"

Galit siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa damit.

"Nadulas nga lang. Masiyado na kasi akong napapagod sa pagbuhat sa mga teammates ko, ang bibigat e!"

"Tama na 'yan! Score ng San Juan."

Pinigilan kami ng teacher bago pa kami magkasakitan. Pero ngayon, kung hindi sila kumikilos hindi din ako. Ilang beses nilanh tinawag ang pangalan ko pero hindi ako gumalaw. I just let the ball fall to the ground.

"Baliw ka ba? Bakit hindi mo sini-save 'yung bola?"

'Yung tinamaan ko sa ulo ang galit na naman na lumapit sa'kin.

"Bakit ba laging galit ka? Angry bird ka ba?"

"Anong sabi mo?"

She was about to raise her hand for me pero sinipa ko siya sa tuhod kaya napayuko siya.

"Let me make one thing clear, hindi niyo ko utusan at mas lalong hindi ito one player game. Kaya kung ayaw niyo bumagsak kumilos kayo, kasi kung hindi kayo gagalaw sabay sabay tayong babagsak."

Tumayo na siya at tumingin kay Winter na mukha namang naiinis na. Napatingin ako kay Kiro na parang walang pakialam at kay K.O. na parang enjoy na enjoy sa pinapanood niya.

Sa takot nilang bumagsak, sumunod sila sa sinabi ko. Hindi man kami nanalao, at least hindi kami babagsak. Ibabase kasi ang grades namin ngayon sa dami ng score na nakuha namin. Kaya safe na kami.

"Hey, Miss MVP, can we talk?"

Papasok pa lang sana ako sa shower area nang biglang sumulpot si K.O. sa tabi ko.

"I have nothing to say to a bully."

"My dad is planning on selling the school, your parents might be interested."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Why is your father selling it? Pang-mayaman ang school na 'to, hindi naman kayo malulugi dito diba?"

"He just recently acquired a huge corporation, and he can no longer manage this school."

Rulling this school can be beneficial to me in dealing with this bullies.

"And why are you offering me this? Bakit hindi sa mga kaibigan mo? If you do that, you'll still have the power to trample on weak students."

"Wow, ang brutal naman ng pagkakasabi mo. To answer your question, I've changed."

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"I told you I like you, didn't I? And if I ever want to impress you I should change."

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa love confession niya na 'yan o nang titrip lang siya.

"I'll talk to my dad regarding your offer about the scho. Pero pagdating sa love confession, galing galingan mo pa ang acting mo hindi pa rin ako naniniwala."

Iniwan ko na siya doon at pumasok sa loob. Nadinig ko pang sumigaw siya ng "Ang galing galing mo kanina, lalo akong na-in love." Pero hindi ko siya pinansin.

I shouldn't fully trust K.O. dahil kaibigan pa rin siya ni Kiro. Pero kung totoo ang sinabi niya, magandang opportunity para sa'kin kung pamilya ako ang magmamay-ari ng school na 'to.

I would definitely discuss this with Dad. Tatawagan ko siya mamaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status