Share

Chapter 12

"Fhey?"

Napatingin ako kay Leon na kakarating lang sa school. Mas maaga ako ngayon dahil madaling araw pa lang andito na ako.

"Bakit ang aga mo? Anong meron?"

Tanong niya habang umuupo.

"Wala. Ayoko lang sa bahay kaya umalis na ako."

I don't feel comfortable in that house anymore. Pakiramdam ko bawat galaw ko pupunahin na nila. Bawat galaw ko masisigawan na naman ako ni Kiro.

Hindi na bago sa'kin na masigawan niya, simula noong dumating ako rito wala siyang ibang ginawa kung hindi sigawan ako. Pero iba 'yung mga sinabi niya sa'kin kagabi. Iba 'yung impact sa'kin ng sinabi niya kagabi.

"May problema ba kayo? Ikaw okay ka lang ba?"

"Okay lang. Kaunting problema lang din ang meron kami sa bahay, huwag ka mag-alala."

Inaya niya ako mag-aral habang wala pang tao. Hindi din naman kami tumigil dumadami na ang tao sa loob ng room. Tinapos lang namin ang pagre-review noong pumasok na ang teacher namin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status