Share

Chapter 19

Ilang minuto bago tuluyan matahimik sa labas, mukhang pinaalis silang lahat ng mga nurse at doctor. Dapat lang 'yun para hindi sila makaabala ng ibang tao.

"Anak, tatawagin ko na ba si Kiro?"

Tanong sa'kin ni mommy. Tumitig muna ako sa kisame ng ilang minuto bago tumango sa kaniya.

"Fin, anak, let's leave ate muna ha. Let's go to daddy."

Tumango muna si Fin kay mommy bago humarap sa'kin.

"Ate, we'll be back. I'll protect you."

"Sure, bunso. I'll wait for you."

Hinalikan ko siya sa noo at kumaway pa siya bago tuluyan makalabas sa hospital room ko. Mga limang minuto ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto, at kahit hindi ko tingnan kung sino, alam kong si Kiro 'yun.

"Kamusta?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya, obvious naman siguro sa dextrose na nakakabit sa'kin at sa cast ko sa braso na hindi ako okay magtatanong pa siya.

"Fhey, gusto ko lang sana humingi ng—"

"Alam mo kung ano problema sa'yo? Pagdating sa'kin hindi ka marunong makinig at magpakumbaba."

Ayoko madinig ang mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status