Share

90. Sorry

[Kiara]

Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito.

Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.

Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.

Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya.

"You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin.

"Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari.

"I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
SEENMORE

Free story ⬇️ [THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID] Just visit my profile and check this story ⚘️🥰

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status