Share

5. Offer

[Kiara]

Kumatok siya sa nag iisang pinto na nasa 24th floor. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang nagbukas. Ang sabi ay narito daw ang CEO. Pero bakit mukhang wala namang tao? Wala din ang secretary nito.

Ngumiti siya ng may lalaki na nagbukas ng pinto para sa kanya. Pero agad na nawala ang ngiti niya ng makilala kung sino 'to, si Grant!

"Papasok ka ba o tatayo ka nalang riyan?" Tanong nito sa kanya.

Natauhan naman siya at pumasok sa loob. Nagtataka man siya ay hindi na siya nagtanong pa. Sa tingin niya talaga ay empleyado 'to ng kumpanya kaya ito narito. Katulad kanina ay hinarang niya ang malaking bouquet sa kanyang mukha.

"Have a seat." Iminuwestra ni Grant ang kamay para maupo siya.

Hindi siya umupo. "Nandito lang ako para ideliver ang mga bulaklak na 'to kay Mrs. Graciela. Pero dahil wala siya ay dito ko nalang iiwan sa opisina ng anak niya."  Inilapag niya ang bouquet ng bulaklak sa desk. Halos mabali ang leeg niya sa tindi ng pagkakayuko ng ulo niya para hindi makita ni Grant ang mukha niya.

Rinig niya ang mahinang pagtawa ni Grant. Ano ang nakakatawa?

"Kahit anong gawin mong tago sa mukha mo ay makikilala kita, Kiara. Wala namang nagbago sayo. Katulad ka pa rin naman ng dati." Ani Grant na nakatingin sa kabuohan ng niya.

Hindi niya alam kung insulto ba 'yon o papuri. Pero hindi nalang siya kumibo, nagtaas na siya ng ulo. "Aalis na ako—"

"Kamusta, Kiara?" Tanong ni Grant.

Nakatingin sa kanya ito ng matiim. Tila sinusuri ang kabuuhan niya. Hindi niya mabasa kung ano ba ang nasa isip nito ngayon.

Galit pa rin kaya 'to sa nagawa niya noon?

"Wala namang dahilan para kamustahin mo 'ko, Grant. Aalis na ako." Aniya sa binata bago tumalikod.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo pa rin sa akin hanggang ngayon, Kiara? Para ba sa'yo ay walang nagbago sa akin o nahihiya ka lang sa ginawa mo noon?"

Natigilan siya. Hindi niya akalain na uungkatin ni Grant ang tungkol sa bagay na 'yon. "I'm sorry pero tama ka dahil para sa akin ay walang nagbago sa'yo, Grant." Pagsisinungaling niya.

Saglit na natigilan si Grant.

"Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa'yo, Kiara. By the way, salamat sa personal na paghatid ng mga bulaklak, sigurado na magugustuhan 'to ni Mama."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. Mama daw?! Nang tingnan niya ang pangalan na nakalasulat sa name plate ay saka niya nakumpirma.

Si Grant ang bagong CEO!

Kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyido na Saavedra. Dahil isang Saavedra si Grant! Ang buong akala niya noon ay isa lang 'tong binata na walang narating o pangarap sa buhay. Isang trying hard na singer na kailangan pang tumugtog sa mga bar para kumita. Na walang pambili ng sabon o shampoo kaya mukha itong hindi naliligo. Ngayon alam niya na kung bakit kaibigan ito ng Kuya Kier niya. Anak mayaman pala ito!

Kilala ni Bea ang ina ni Grant. Malaki ang chance na kilala din ni Bea si Grant maging ang antas nito sa buhay. Kaya ba tutol si Bea noon sa gagawin niyang paggamit kay Grant? Pero bakit hindi binanggit ni Bea ang tungkol do'n?

"May anak ka na pala."

Tumingin siya kay Grant. "Yes." Tumangong sagot niya.

"I like your son, Kiara, and he likes me too. Unlike you na halos isuka ako noon." Ani Grant.

Napangisi ito ng makita ang pagkahiya sa mukha niya.

"Matagal na 'yon, Grant. It's been six years—"

"So gusto mo na ako ngayon. Gano'n ba?" May panunukso na tanong ni Grant.

Pinamulahan siya ng mukha. "Wow ha, mayabang ka na pala ngayon? Bakit naman kita magugustuhan kung para sa akin ay ugali lang naman ang nagbago sa'yo." Nakairap na sabi niya. Ibang-iba si Grant na napapanood niya sa telebisyon, kaysa sa Grant na kausap niya ngayon. Ang Grant na nasa telebisyon ay hindi ngumingiti at walang emosyon ang mukha. Samantalang ang kaharap niya ngayon ay ngumingiti at ngumingisi pa.

Sumeryoso si Grant at tumingin ng diretso sa mata niya. "Alam ko na naghahanap ka ng lalaki na tatayo bilang ama ng anak mo, Kiara. Hindi na ako magpapaligoy pa

I'm m willing to be your son's father, in one condition. Marry me."

"What?!" Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang mukha niya sa gulat dahil sinabi ni Grant. Nabibingi lang ba siya?

"Come on, Kiara, walang masama kung magtutulungan tayong dalawa. Kailangan mo ng ama para sa anak mo, kailangan ko naman ng asawa."

Kung maka-alok naman ng kasal 'to, parang nag aalok lang ng mani sa daan.

"I'm sorry, Grant." Bumuntong-hininga siya. "Pero hindi ko gusto na magpakasal sa'yo. Hindi dahil sa ayoko sa'yo. Hindi ko lang gusto na magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Besides, hindi naging maganda ang trato ko sayo noon—"

"Takot ka ba na saktan ko kayong mag ina?" Putol ni Grant sa kanya. "Hindi ako manggagamit na katulad mo, Kiara. Hindi ako mananakit ng tao, lalo na ng isang batang paslit dahil lang sa ginawa ng ina nito sa akin." May diin sa bawat kataga na sabi ni Grant.

Nasaktan siya sa sinabi ni Grant. Manggagamit naman talaga siya, pero masyado pa siyang bata ng panahon na 'yon, mapusok at ginagawa ang anuman na naisipan. Naalala niya ang una nilang pagkikita.

FLASHBACK...

"Kiara, di'ba sinabi ko naman sayo na umayos ka, palagi nalang bang ganito? Ang baba ng mga grades mo, gumaya ka naman sa mga kuya mo!" Disappointed na turan ng Mommy niya.

"Inaayos ko naman—"

"Shup up, Kiara! Wala ka ng maidadahilan sa amin ng daddy mo ngayon! Kung gusto mong magkaroon ng kotse ay kailangan tumaas ang mga grades mo." Ani ng Mommy niya. "Desisyon 'to ng daddy mo, Kiara. Its up to you kung seseryosohin mo ang mga sinabi ko sayo. Simple lang naman di'ba? Low grade, no car, so deal with it."

Nanlumo siya sa narinig. Lumabas siya ng kwarto para pinuntahan ang kuya Kier niya. Pero natigil siya sa paglapit ng makita na kasama ng kapatid niya ang mga kaibigan nito.

"Kiara, go back to your room!" Utos ng Kuya Kier niya ng makita siya. Pansin niya ang masamang tingin ng Kuya niya sa katabi kaya sinundan niya ng tingin ang tiningnan niyo.

Isang lalaking payat.

"Hey, Grant! Take off your eyes on my sister!" Rinig n'yang sabi pa ng kuya niya.

Grant pala ang pangalan nito.

Napangiwi siya ng mapansin na hindi inaalis ng payat na lalaki ang tingin sa kanya. Mukhang nakakita 'to ng artista at na-love at first sight.

Sabagay. Maganda kasi siya.

"Kiara,  I said go back to your room. Bingi ka ba?!" May inis na ang boses ng Kuya niya. Nagmamadali naman na umalis siya para sundin ang sinabi ng kapatid niya. Nakakatakot na kasi ang tingin ng kuya niya sa kanya. Mukhang titirisin na siya.

"Bakit hindi mo subukan, Grant? I'm sure na mapapalago mo lalo ang mga negosyo ninyo. Sayang ang talino mo kung ibuburo mo lang ang utak mo." Sabi ni Brix kay Grant na sinang ayunan nina Kier, Dimitri at Tyler.

Napahinto siya paglakad dahil sa narinig. Nang lumingon siya para tingnan si Grant ay nakita niya 'tong nakatingin pa rin sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkaasar. Kasing edad ito ng kuya Kier niya. Hindi dapat ito tumitingin ng may pagnanasa sa katulad n'yang bata pa! My God! She's just seventeen years old! Samantalang ito ay mukhang nasa twenty-five na. Bukod roon ay hindi kaaya-aya ang ayos ng binata para sa kanya. Masyado itong matangkad ngunit payat naman. Mahaba ang buhok na nakaharang pa sa mukha. Puno siguro ng pimples ang mukha nito. May brace pa ang ngipin at makapal ang salamin sa mata. Totally nerd!

Komen (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️ Galit po kayo? .........
goodnovel comment avatar
Rodel Consi
kpag pogi kilig agad MGA babae kapag nerd Naman pass agad
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status