Share

6. Confession

[Kiara]

Natigil siya sa pag alala sa nakaraan ng marinig ang boses ni Grant.

"Pag isipan mong mabuti ang inaalok ko sayo, Kiara. Handa akong maghintay sa loob ng dalawang buwan. Hindi naman ako nagmamadali, so take your time. Siya nga pala, lilinawin ko lang. Kapag pumayag ka sa alok ko, gagawin natin lahat ng ginagawa ng mag asawa, including sex."

Nanigas siya sa sinabi nito. Including 'sex' daw!

Namutla siya at muntik ng matumba. Nanginginig ang katawan niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot.

Tumayo si Grant ng mapansin ang kalagayan niya. Lumapit ito sa kanya at bahagyang inalog ang balikat niya.

"Kiara? What's wrong?" May pag aalala sa boses na tanong nito.

"I-I have to go." Nginig ang boses na sabi niya. Inalis niya ang kamay ni Grant sa balikat niya.

"Ihahatid na kita—"

"W-Wag na, salamat nalang." Tanggi niya kay Grant. Nagmamadali siyang umalis. Lalo siyang hindi papayag sa inaalok nito. Lalo na ngayon na nalaman niya na kailangan din nilang gawin ang bagay na 'yon.

[Grant]

SINUNDAN niya ng nagtatakang tingin si Kiara. Ramdam niya ang panginginig ng katawan ng dalaga kaya nag aalala siya rito. Nagpasya siya na sundan 'to at nakita niya na sinundo ni Kiara ang anak. Lumabas siya ng sasakyan at sumandal ro'n habang nakatingin sa mag ina. Mukha may sinasabi ni Kiara sa anak. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa dalawa. Alam niya na papayag si Kiara sa alok niya dahil hindi nito matitiis na hindi pagbigyan ang sariling anak.

[Kiara]

NAMAMAWIS ang buong katawan niya at nanginginig sa takot ang katawan niya.

Bumangon siya at uminom ng tubig.

Niyakap niya ang sarili. Hindi niya mapigilan ang mapaluha. Anim na taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay binabangungot pa rin siya sa nangyari. Ang lakas ng loob niya na maghanap ng magiging daddy ng kanyang anak, samantalang hindi pa siya handa na gawin ang bagay na 'yon.

"Mi, bye! I love you!" Bibong paalam ni Kian sa kanya. Papasok na kasi ito ngayon.

Napangiti siya. Hinalikan niya ang anak sa mukha ng paulit-ulit. "I love you more, anak. Sige na, pumasok ka na, bye!"

Habang sinusundan ng tingin ang anak niya ay hindi niya mapigilan ang malungkot para dito. Ngayon kasi ay nagdadalawang isip na siya kung itutuloy ba niya ang paghahanap ng lalaki para tumayong ama para dito.

Nang mawala na ang anak niya sa paningin ay saka siya umalis.

"Bakit hindi mo tanggapin, Kiara? Di'ba siya naman ang ama ni Kian?"

Muntik na n'yang maibuga ang kape na iniinom sa sinabi ni Dina. "What? Saan mo naman napulot ang bagay na 'yan."

"Actually, 'yan din ang naisip ko noon, Kiara, sila lang naman ni Cyrus ang naging boyfriend mo. Kaya isa lang din sa kanila ang maaaring ama ni Kian." Ani naman ni Klea.

Narito sila ngayon sa flower shop niya. Na ginagawa nilang tambayan magkakaibigan. Nagsimulang manubig ang mata niya. Tumingin siya sa dalawa.

"Hindi ko talaga kilala ang ama ni Kian." Pinahid niya ang luha. Ito na siguro ang panahon para sabihin niya sa kaibigan ang totoo. "Because I... I was raped."

Halata ang pagkabigla sa mukha nina Klea at Dina, si Bea naman na kararating lang ay tila ipinako sa kinatatayuan.

"Oh my God!" Si Klea ay agad na naluha sa sinabi niya at gano'n din si Dina.

"B-Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa amin." Nginig ang boses na tanong ni Bea. "Kailan nangyari, Kiara? N-Noong birthday ba ni Kuya Brix?"

Pinahid niya ang luha bago tumango sa tanong ni Bea. "I'm sorry, hindi ko sinabi sa inyo dahil ganyan ang magiging reaksyon niyo."

"Kiara naman! Magkaibigan tayo, sana sinabi mo sa amin para natulungan ka namin na hanapin ang lalaking 'yon!" Parang sasabog ang dibdib ni Dina sa nalaman. Halatang hindi nito matanggap na sinarili lang niya ang lahat. "Akala namin noon ay hindi mo lang gustong ipaalam sa amin kung sino talaga ang nakabuntis sa'yo. Ngayon malinaw na sa amin kung bakit wala kang maipakilala sa amin."

Kinuwento niya ang lahat sa mga kaibigan at walang nilihim. Sinabi niya ang lahat, na hindi niya gustong ilagay sa kahihiyan ang pamilya niya kaya hindi niya sinabi sa mga 'to ang nangyari sa kanya. Pero sa huli ay naging kahihiyan pa rin siya ng pamilya dahil buntis pala siya.

Tatlo silang napatayo ng tumakbo paalis si Bea na umiiyak. Hindi ba nito nakayanan ang mga sinabi niya?

[Bea]

Walang salita na iniwan niya ang mga kaibigan para magpunta sa GS building.

Galit na galit siya.

"Grant!" Malakas na tawag niya sa pangalan ng binata.

Nang makita niya si Grant ay agad niya 'tong sinampal.

Wala siyang pakialam kung anak 'to ni Tita Graciela na matalik na kaibigan ng Mommy niya.

Galit na galit siya at hindi niya 'to mapapatawad!

Galit na pinigil ni Grant ang kamay niya. "What's your problem—" muling sinampal niya ito.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaibigan ko, Grant!" Nagsimulang tumulo ang luha niya. Naalala niya ang nangyari anim na taon na ang nakaraan.

FLASHBACK.

"Nasaan na si Kiara? Wait, don't tell me na kasama niya ngayon si Cyrus?! That asshole!" Galit na tumayo si Klea sa pagkakaupo saka dinampot ang bag para sundan ang kaibigan sa pag aakala na kasama ito Cyrus.

Madaling araw na at nagkakasiyahan pa ang lahat. Malakas ang musika na halos bumingi sa mga tenga nilang lahat.

"I saw Kiara, umakyat siya sa taas. Wait susundan ko." Ani niya.

Natahimik at napalagay naman ang loob ni Klea at Dina sa sinabi niya.

Tumayo siya para sundan si Kiara. Marahil ay nasa restroom ang kaibigan niya at sumusuka ngayon. Pero nakapagtataka na hindi pa 'to bumababa. Ilang oras na itong nawawala.

Hindi kaya nakatulog na ito?

Nang hindi niya nakita ang kaibigan sa restroom ay tinahak niya ang daan papunta ng guestroom kung saan sigurado siya na naroon si Kiara. Pero hindi pa siya nakakalapit sa guestroom ng makita niyang lumabas ang isang lalaki sa kwarto kung saan silang magkakaibigan madalas matulog. Hindi niya agad 'to nakilala dahil maikli na ang buhok nito at mukhang naliligo na ngayon.

Napangiti siya.

Mukhang nag usap ang dalawa. Hindi na niya tinanong si Grant kung bakit galing ito sa kwarto ng kaibigan niya. Matagal na n'yang kilala si Grant, actually ay kababata niya ito at matalik na kaibigan ng mommy niya ang ina nito. Kaya tumutol siya sa plano ni Kiara na gamitin si Grant dahil mabuting tao ang binata. Hindi man sila close ni Grant ay isa ito sa kaibigan na malapit ng Kuya Brix niya.

Kung alam lang niya na pinagsamantalahan nito si Kiara ay siya na mismo ang nagreport sa mga pulis.

"Napakasama mo! Paano mo nagawa 'yon kay Kiara, Grant! Akala ko ay mahal mo siya!" Pinaghahampas niya sa dibdib si Grant. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaibigan namin, Grant!"

Komen (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Maraming salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
Jennymae
sabi na si grant talaga yun
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status