Share

4. Finding daddy!

[Kiara]

"What? Baliw ka na ba, Kiara? Paano ka makakahanap agad ng daddy ni Kian, eh wala ka ngang boyfriend?" Reaksyon ni Klea ng banggitin niya ang tungkol sa paghahanap ng daddy ng kanyang anak.

"Mahirap makahanap ng matinong lalaki ngayon. So make sure na mabuting tao ang mahahanap mo." Ani Dina. "Saka sa dinami-dami ng pina-blind date ko sa'yo ay wala ka namang nagustuhan. Sabi mo nga di'ba pare-pareho lang ang mga lalaki. Paano mo nasisiguro na hindi lang sex ang magiging habol ng tao na mahahanap mo? Look at you, Kiara." Itinuro ni Dina ang kabuohan niya. "You're so beautiful that's why every man will imagining a lot of sexy scenes with you in their mind, kaya wag ka ng magtaka kung bakit sex agad ang nasa isip nila."

"Kaya nga nagsisimula na akong maghanap, kailangan ko ng makakita ng ideal dad para sa anak ko. Iyong mamahalin siya na parang isang tunay na anak at hindi dahil lang sa maganda ako kaya gusto akong pakasalan." Paliwanag niya. "Saka baka pwede kapag nag usap kayo ay wag niyong iparinig sa anak ko. Diyos ko! ang sarap pasakan ng talong 'yang mga bunganga niyo." Bigla niyang naalala ang sinabi ng anak niya tungkol sa panty niya. Minsan talaga ay masarap na kutusan ang mga kaibigan niya.

Natawa lang ang mga 'to sa sinabi niya.

"Bakit hindi si Grant ang alukin mo, Kiara?" Inirapan niya ang kaibigan na si Bea dahil sa suggestion nito. "Bakit, wala namang masama sa sinabi ko. Besides, ikaw na rin ang nagsabi na gusto siya ni Kian. Bukod do'n ay ex mo naman siya." Katwiran ni Bea.

"Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa kanya, Bea?" Tukoy niya sa paggamit niya sa binata noon. Paano kung may galit pa ang binata sa kanya at gamitin ang anak niya para maghiganti?

"Move on, Kiara. It's been a long time, okay?" Tumatawang sabi ni Bea. "By the way, wag mo nga pala kalimutan na magpadala ng bouquet of flower kay tita Graciela, Kiara. Hindi muna kasi ako makakapunta sa GS building."

Tumango siya kay Bea. "Ako na ang bahala." Mrs. Graciela is one of Bea's closest family friend. Palaging nagpapadala ng bulaklak si Bea sa ginang bilang paggalang rito.

"Think about Grant, Kiara. Malay mo pumayag siya na maging daddy ng anak mo." Ani Bea bago umalis, na tinawanan lang niya.

Napabuntong-hininga siya.

Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niyang paghahanap ng isang ama para sa anak niya. Pero kung ito ang paraan para sumaya si Kian ay gagawin niya.

"Lyca? Naihatid na ba ang bouquet sa GS building?" Tanong niya habang abala sa pagcheck ng inventory.

"Pasensya na po, Ma'am, paalis palang po ako." Saad ni Lyca habang abala ito sa paglagay ng mga bouquet sa van.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang maghahatid? Nasaan na sila Noel at Norman?" Tukoy niya sa kambal na tauhan niya.

"Nasiraan po sila ng sasakyan kaya nasa talyer sila ngayon, Ma'am Kiara." Sagot ni Lyca. "Sila Mark at Mila naman ay hindi pa tapos magdeliver, si Manang Fe naman po at si Willy ay gano'n din po." Paliwanag pa ni Lyca.

"Ako na ang maghahatid, Lyca. On the way na rin ako para sunduin si Kian. Kaya ako na ang bahala. Siya nga pala, next week ay magpabook ka ng flight sa Boracay, magbabakasyon tayong lahat." Napatili si Lyca sa sinabi niya.

"Kaya mas lalo naming pinagbubutihan ang trabaho namin dahil napakabait niyo po talaga, Ma'am Kiara! Sigurado po na matutuwa sila kapag nalaman nila 'to!" Tuwang-tuwang na sabi pa ni Lyca.

Napangiti nalang siya.

Deserve ng mga 'to ang magliwaliw paminsan-minsan. Lalo na at masisipag ang mga 'to sa trabaho.

Nang makarating sa malaking gusali ng GS Group of Companies ay agad na lumapit siya sa receptionist.

"Hi, I'm looking for Mrs. Graciela. I will deliver this bouquet to her." Pinakita niya ang hawak na malaking bouquet ng bulaklak.

"Pasensya na po, Ma'am, pero dalawang linggo ng bumaba sa pwesto bilang CEO si Mrs. Saavedra, sa ngayon ay hindi na siya nagpupunta rito." Paliwanag ng receptionist.

Natigilan siya. Hindi ba alam ni Bea ang tungkol sa bagay na ito? Wait, Saavedra? Hmm... Bakit parang pamilyar?

"Gano'n ba, pasensya na, hindi kasi nabanggit ng kaibigan ko." Ani niya sa receptionist na ngumiti naman sa kanya.

"Ma'am, nariyan naman ang anak ni Mrs. Saavedra. Pwede mo 'yan iwan nalang sa office niya. Hindi ho kasi namin maaari na i-disclose ang address ng mga Saavedra, kaya iwan niyo nalang sa mismong office ng CEO ang mga bouquet." Magalang na hayag ng receptionist. "Tiyak naman po ako na hindi magagalit ang bagong CEO namin dahil para naman po kay Mrs. Saavedra ang mga bouquet na dala niyo. Sa ika-24th floor nga po pala ang office ni Mr. CEO, Ma'am." Dagdag ng babae.

Magalang na nagpasalamat siya sa receptionist bago sumakay sa elevator. Hindi niya napansin ang lalaki na katabi niya na nabigla din ng makita siya, si Grant.

"Long time no see." Malalim at malaki ang boses na sambit ng katabi niya. Dahil sa pag aakala na hindi siya ang kausap nito ay hindi niya ito nilingon.

"Walang nagbago sa'yo, Kiara, hanggang ngayon ay gano'n ka pa rin." May ngiti sa labi na saad nito.

Nilingon niya ang katabi ng banggitin nito ang pangalan niya. Nanlaki ang butas ng mata at ilong niya ng makita si Grant. Ang ex niya!

Wala siyang balak na makipag usap kay Grant. Kaya naman hinarang niya ang bouquet ng bulaklak sa mukha niya.

"It's useless to cover your face, Kiara. Nakita na kita at nakilala kanina pa." Ani Grant. "Ano ang ginagawa mo rito?" Kaswal na tanong nito.

"Mister, nagkakamali ka, hindi ako si Kiara at hindi kita kilala." Pinaliit niya ang boses at saka nagmamadaling tumakbo palabas ng elevator ng makita na nasa ika-24th floor na.

Bumuga siya ng hangin.

Alam niya na matagal na pero nahihiya siya kay Grant. Nahihiya siya sa ginawa niya rito dati.

Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar ay dito pa pala 'to nagtatrabaho?!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Hindi ko po sure kung kailan ako mag-update sa HI ...
goodnovel comment avatar
Jennymae
di niyo nmn po inaapdate iba mong story. inaabangan ko po yung his intention
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status