Share

Chapter 4

LEV'S POV

    THE MOMENT I stepped inside the swanky and sprawling lobby of Casino Lembrandt, a four-storey 5,000 sqm building that is made from sins and money, I know something is off. My former boss and mentor, may he rest in peace despite all the sins and shits na hinasik niya sa mundong 'to, told me that this business and profession sometimes rely on logic, instinct, and skills.

    I got three of them, logic being the dominant one. But then for tonight, mas agrisibo ang instinct ko. Hindi ko maipaliwanag.Pinaraanan ko ng mga daliri ang buhok.

    Magalang na bumati sa akin ng manager ng casino nang mamataan ako. A few of the muscled suits that were stationed on the corners nodded their heads when they saw me.

    Mabilis kong sinipat ang ngayon ay abalang lobby saka pumihit paharap kay Rick.

    "Everything's going smooth here?"

    "Yes, Sir. Napadalaw ho yata kayo. May kailangan lang akong ayusin sa VIP 1 & 2, susunod ako sa opisina." Bakas sa mukha nito ang pagka-ilang.

    Though I am the majority owner of this establishment, dalawang beses lang sa isang buwan ako kung makipag kita sa kanya for figures and reports. My unannounced presence made the staff on edge.

    "No need. I'm here for another reason."

    "Of course, Sir." His stiff shoulders are relaxed.

    "Email me the reports for this week." Mariin kong bilin habang binabagtas ang grand staircase na maghahatid sa akin sa ikalawang palapag.

    Isa ang casinong ito sa dalawang legal na negosyong pag-aari ko. Kasosyo ko rito ang pinsan kong si Jeru at si Dax. We needd this kind of enterprise to wash the dirty money we eaned from our other business. Its not that super linis ng gaming industry, mas lamang nga ang bahid ng dunigis nito but then compare sa real business namin- Foedus Corp, mas katatanggap-tanggap ang isang 'to sa mata ng madla. Isa pa, gamay ko na ang psikot-sikot sa ganitong klaseng negosyo. Thanks to Patricio for that.

    Huminto ako saglit sa second floor kung saan naroon ang hilera ng slot machines at sa pinaka gitna ng floor ay ang bacarat tables at roullete.

    I hummed my apporval when I saw that there's a huge crowd despite that it's a Wednesday night. Isang grupo ng mga foreigners ang panay ang hiyaw habang kinakabig ng kasamahan nila ang mga chips sa gitna ng lamesa. Judging by it, mukhang tiba-tiba ang mga ito ngayong gabi. Well, they better quit now or mas malaki ang matatalo nila. At the end of the day, the owner of the house namely me, always wins.

    Pasimple kong tinitigan ang isa sa mga CCTV na nagkalat sa floors. My team will know the silent order to keep an eye on that particular group.

    Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa huminto ako sa tapat ng elevator na magdadala sa akin sa pinaka top floor kung saan naroon ang mga VIP rooms, where we let the big leauges and big shits play spent their millions.

    Amoy ng alak, tabako at kasalanan ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng elevator. Tulad ng inaasahan, halos hindi mahulugang karayom ang bawat silid. I don't need to open the doors to see the milling crowd, lahat kasi ng VIP Rooms ay yari sa tempered glass ang mga dingding. The moment na tumayo ka sa pinaka gitna, kita mo agad ang kaganapan sa loob.

    Sinadya kong ganoon ang design noon. I'm happy that my crazy architect friend who has a fascination with belt bags and orgy has talents for designs and following instructions. Trace did a good job on this casino.

    "Master Lev."

    "Show me," nauna akong lumakad kay August, ang kanang-kamay ko.

    "This way. Nai-timbre kaagad sa 'kin ni Keros ang taong 'to. Hinahanap pa rin nila ang mga detalye tungkol sa kanya."

    That made the hand that is now gripping the door handle, stopped. Nilingon ko ang tauhan.

    "Ba't ang kupad niyo? Want me to inspire you?" Tumaas ang kilay ko.

    I'm a man of few words but the members of Foedus knows na sa gawa mahihiya ang salitang sipag sa akin. Wala akong pake sa ibang bagay, ang pinakamahalaga lang sa akin ay resulta. And I want it pronto.

    "No, Master. Here. Heto na so far ang alam ni Keros about this man," mabilis na ipinakita sa akin ni August ang hawak na tablet.

    Hinablot ko iyon at pinasadahan ng basa.

    "Interesting." Kinamot ko ang baba. Naka-glue ang mga mata sa screen ng aparatong ang tanging nakalagay lamang ay ang buong pangalan ng lalake at ilang alyas na ginamit nito. Its appears na 'di lang kami ang may kakayahang maging ghost.

    "Sabihin mo kay Keros na kailanganng nasa akin na ang lahat ng impormasyon tungkol sa Nite Alberona na 'to. I want every fucking thing. Mula sa size ng sapatos niya hanggang preferred brand niya ng condom."

    Sumaludo si August, his lips were slightly tugged upward at my words.

    "You know I hate surprises. Lalo na sa giyera."

    "Consider it done, Master Lev."

    Iyon lang at tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid. Parang si Kamatayan ang dumating nang maramdaman nila ang presensiya ko. The chatter stopped. All backs went ramrod, hands mid-air. Rinig ko ang mabining hiniga ng dealer na nasa kanang lamesa. It amused me, always, that I inspire this kind of reaction from everybody.

    Fear.

    "Please, don't mind me. Continue." I encourage them. At para silang mga puppet ko na nagsisunod.

    Namulsa ako't balewalang lumakad sa lamesang nasa gitna kung saan nakita ko agad ang grupo ng mga propesyunal na magnanakaw a.ka. ang grupo nila Mayor Martin Tan. Naku-kurdonan iyon at may dalawang malalaking taong naka bantay sa magkabilang gilid, the bodyguards of the politicians not included. Mahinang bumati ang mga ito saka ako pinapasok.

    "Mr. Petrov, what a nice surprise."

    "Mayor. Congressman. Gentlemen." I nod at the group and my gaze stopped at stocky bald man na mukhang siyang pinapanigan ngayon ng swerte. Mataas na ang black and gold chips na nasa harapan nito.

    "Sakto ang dating mo. Aalis na si Congressman Amparo, we need a player."

    Hinila ko ang upuang nasa tapat nito't sinenysan ang waitress for my usual drink. Macallan 18, four fingers. Neat.

    "Seems that you're enjoying the night, Mayor. Umepekto ba ang agimat?" Komento ko. Nakapako ang mga mata sa kaharap but all my senses are focused on the man seating three seats away from me. The moment I stepped into this room, ramdam ko na agad siya.

    The stranger Nite Zach Alberona.

    It takes a monster to know one. Right now, my radar is on fire. And I'm hating the feeling I'm getting from him. Is he a foe? An ally? Anong ginagawa niya sa casino ko at bakit ang tapang niyang imbestigahan ako?

    "Thanks to the owner of the house, of course. Walang agimat, pure luck lang. Are you joining Mr. Petrov?"

    "Depends." Bagot kong sagot habang iniikot ng apat na beses ang basong nasa harapan. A compulsion that made Jake frown and Elliot swear. 'Ika nila, madali akong mababasa ng mga kalaban namin dahil sa OCD ko. I give no shit.

    "Come on, Petrov. Indulge us." Susog ng tycoon na si Anderson, ang may-ari ng mga naglalakihang subdivisions sa Greater Manila Area.

    Tahimik akong uminom, kunwa'y nag-iisip. But I'm actually buying Keros some time. Ayokong sumusuong sa giyera ng walang sapat na armas at bala. Translation, information.

    "Okay. Just three games, gentlemen."

    Tinapunan ko ng makahulugang tingin ang supervisor na nasa floor. Mabilis itong nag radyo at maya-maya lang ini-arrange na nito sa harapan ko ang mga chips. Sumandal ako't pasimpleng sinipat ang screen ng phone. As expected, Keros unearth all the pertinent details about my guest.

    I pocketed it and signaled for the dealer to start. I was seated next to the big blind kaya may power ako to raise or call the bet. Sinilip ko ang baraha. I've got clovers, 7 & 5. Not bad.

    "Raise." Naglagay ako ng anim na chips sa harapan ko, raising the bet three chips higher.

    Ngumisi ang isa pang Fil-Chi tycoon na nasa tabi ko.

    "Confident with your card? Call." Tinapatan nito ang bilang ng chips na itinaya ko.

    "I need to. Walang tayong choice kung 'di ang sumugal kahit pa gaano kabantot ang baraha natin, hindi ba? That's the essence of life."

    "But you can't always win that's for sure." He goads me.

    I'm not liking his tone. I may be an unfeeling bastard but I know an insult when I see one. May kalalagyan sa akin ang gagong 'to.

    "I don't go to battles na alam kong matatalo ako, Uycoque."

    "Yeah. Lalo na kung pagmamay-ari mo ang casino."

    Naikuyom ko ang mga kamao pero nanahimik ako. He's a duche bag and a total waste of space. May araw rin siya sa akin. Not tonight, what a shame.

    "Petrov is a fair man, Mike." Sagot ni Congressman Dela Cuesta na mas nauna pang natapos ang ipinapagawang bahay ng kabit niya kaysa sa mga kalsada sa isnag bayan sa region 8.

    "Come on. Hindi tayo ipinanganak kahapon. Sino sa anim sa atin ang fair rito? Don't be so ridiculous, Congressman."

    Natahimik ang mambabatas sa pambabara ng negosyante. Tahimik lang na nakikinig ang apat habang ako'y inisang lagok ang laman ng baso. Inilapag ko iyon sa tapat at inikot. Apat na beses.

    "I agree to you, Mike. Wala isa man sa atin rito ang fair.I'm for instance belive in justice as long as ako ang may hawak ng gatilyo't nakatutok iyon sa mga mata ng judge."

    Namutla ito't walang kurap na tumitig sa mga mukha ko. I never waver nor blinked. Hinayaan ko siyang makita ang katotohanan sa mga mukha ko. I know what he did to the judge na may hawak ng kaso niya. I let the threat linger in the air. Tumaas ang sulok ng bibig ko. Isang kumpas lang ng daliri ko, sasabog sa media at internet ang baho niya.

    Sumandal ako.

    "Who says this world is fair kung hindi man lang tayo binigyan ng chance na mamili kung gusto ba nating ipanganak o hindi?"

    Humalakhak si Anderson at ang mga politiko. They're always the easy to please. Habang ang tarantadong chekwa, yumuko. Sumigid ang satispaksiyon sa loob ko nang makitang may namoong butil ng pawis sa noo.

    "Poetic. Nagiging romantic ka na ba, Mr. Petrov? Bagay. Call." Anang isa pang sikat na kandidatong sumunod kay Mike, Mayor Dimakulangan.

    The rest of the man chuckled except me and my strange visitor Nite.

    "You, Mr. Alberona. What's your definition of justice or fairness?" Untag ni Anderson rito.

    Lahat ng mga mata sa mesa'y lumipad sa gawi ng tahimk na binata. Inserting my fresh tobacco between my lips, I dragged my eyes lazily at his stoic feature. Unlike the rest of the players, naka black casual button shirt ito at dark jeans. Seems like he and I share the same love for that color. Black, kagaya ng buhdi at puso ko.

    Ang ayos at kilos nito ay malayong-malayo sa aming nakapalibot sa kanya but he never once showed that he's intimidated. He's like a sore thumb compare to us. A far cry from the suits and coats that flowing this room. Pero kabaliktaran ng ordinaryong façade nito ang kinang na nasa mga mata. There's an edge on his dark hazel brown eyes.

    I slightly shifted on my seat, and blow some smoke as I silently and openly assess him. He's dangerous like me. Isang taong hindi kailangan ng baril upang pumatay, he just need his hands.

    "I don't believe in such thing, also. Its an illusion. Scam." Matiim nitong sagot nasa baraha ang mga mata. "Mas naniniwala ako na ang mundo'y isang restaurant named Karma. Walang menu. You got served with what you deserve."

    Pumalakpak ang gagong si Anderson habang panay ang papuri nila Mayor Tan sa binata.

    My visitor just spare me a quick glance then his eyes zeroed in the stock of chips in front on him. Napasinghap ang lahat maging ang mga nagkalat na bodyguards ng mga herodes na kaloro nang walang abog niyang itulak ang mga chips sa gitna.

    "All in."

    "Wow! You're crazy. Fold."

    "Bata. Suicidal ka. Fold."

    Ngumisi ito nang sabay na mag fold ang dalawang player na sumunod sa kanya. Nang magsalubong ang mga tingin namin, lalong naging misteryoso ang ngiti nito. Nanganagati ang kamaong dumampot ako ng chips at inayos iyon sa harapan ko. All by fours. Fucking fours, always.

    "Puta. Hindi ko gusto 'to. Kayo muna. Fold," anang alkalde.

    "Duwag mo naman, Mayor. All in rin ako," nakangising ani Anderson.

    Ang antipatikong negosyanteng tsinoy ay nag all in rin at gumaya si Congreesman Dela Cuesta. When its my turn, I don't let them wait longer, walang salitang itunnulak ko ang lahat ng chips sa gitna't humithit ng tabako. I just shove my five million in the center peeps. Reckless, yes. But there's a greater pot I am eyeing for tonight, I'll win the money back sa loob lang ng kalahating oras but the curiosity I got for the man across me is priceless.

    Nang ilatag na ng delaer ang mga community card sa gitna, halos malaglag sa kinauupuan si Anderson habang panay ang mura ng chekwa at ni congressman.

    Napailing ang bisita ko pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagulat na rumihestro sa mukha niya nang makita ang limang barahang nakalatag sa gitna. King, jack, ten, eight and four. All in the same suit, clover.

    "Bet beginner's luck is also a sham." He said nonchalantly, flipping his cards. Two eights.

    "Nag-all in ka sa three of a kind. Puta. Ang tapang mo bata." Bulalas ni Martin. Hindi maikakailang naroon ang paghanga para sa estranghero.

    "Malay mo naman, manalo ka. Petrov here mastered the bluffing game. Iyang mukhang 'yan, default face niya 'yan."

    "I agree with, Anderson. What do you got, Mr. Pertov?" Tanong ni Congressman Dela Cuesta.

    Pinitik ko ang cards sa gitna. Lumanding iyon sa kumpol na chips at lahat sila'y parang mga baliw na napa sigaw ng 'Puta'. Can't blame them though. I got a flush.

    "Like they always say. The house always wins." I jibe habang dinudutdot ko ang tabako sa ashtray.

    Nagsitayuan na ang apat na mga kalaro ko kasunod ng mga alipores nila. Kanya-kanya ng excuse like they have an early meeting o hahanapin na sa bahay. Ipinagkibit-balikat ko lang iyon at sumenyas sa dealer na ayusin ang napanalunan ko.

    I was about to stand up when the man speaks.

    "Mr. Petrov, another game?"

    Tumaas ang kilay ko roon.

    "From where I am sitting, wala na akong makitang chips. Walang game kung walang pusta, Mr.–" Sadya kong ibinitin ang mga salita.

    "Walang laro kung walang pinaglalabanan. Alberona. Nite Zach Alberona." He supplied, raising to his full height and offering me his hand.

    Tinanggap ko iyon pero hindi ako nangtangkang tumayo. This is my liar and I can fucking do what I want. I can shoot him right before his eyes at walang pipigil sa akin.

    "Petrov." I didn't offer him my first name. Para lang sa mga mahahalagang tao iyon, he's not one of them.

    He didn't seem to be fazed with my indifference. Inukopa muli nito ang silya't tahimik na hinintay maka alis ang serbedorang inutasan kong magdala ng panibagong round ng alak.

    "What do I owe this visit, Alberona?"

    Sumandal ito't pinasadahan ng tingin ang buong silid. Iilan na sa mga regulars ko ang umuwi o lumipat ng game floor. Ang kaninang anim na lamesa'y ngayon tatatlo na lang.

    "You need somewhere private na maaari tayong mag-discuss?"

    "No. What do you want and why the fuck are you digging about me?"

    "Relax. I'm not here para makipag away."

    "Don't tell me you're here to make friends? I don't do friends, Mr Alberona." Itinukod ko ang magkabilang siko sa lamesa't madilim siyang tinitigan. "I shake hands, take my aim and kill."

    Sa gulat ko'y humalakhak ito.

    "Diyan sa bagay na 'yan tayo magkaiba, Mr. Petrov. I don't shake hands unless to check kung humihinga pa ang target ko o hindi na."

    I ignore his audacity. Kanina ko pa alam na isa siyang matinik na assassin. Hindi na ako bago sa gaya n'ya. We have our most skilled killers and assassins sa isla ang pinagtataka ko'y ano ang pakay niya sa akin? Isang bagay lang ang naglalaro sa utak ko. Like all of the fools na nauna sa kanya, he's here cause he hear about Foedus and he thinks na makakapasok siya once he pull off the whaterevr trick he has on his shoulder.

    Marami na ang nagtangka, lahat bigo.

    "Gaya ng sabi nila, matapang ka. But you're a fool, bata. Suicidal. Ubos na ang pwesto ng mga martir na nagkalat sa lansangan, wala ng puwang ang gaya mo rito. You can go back to wherever hell you came from." Tumayo ako't inayos ang butones ng suit ko. I'm a bit disappointed cause he's someone I've predicted. Isang hunghang na may death wish.

    I give him a death glare.

    "You're a serious case, kid. Leave habang may pasensiya pa ako sa'yo. This is no place for fool like you. Mamamatay kayng maaga rito. Do your parents an favor. Go home, drink some milk."

    "Death came early to some of us, I suppose. One more game, Master Lev. This time I will win. Itaga mo sa batong hawak ko."

    Natigilan ako, hindi sa kung paano niya ako inadress but on the sparkling jewelry that he shoved on the table. A freaking blood-red ruby necklace that is utterly familiar. It can't be? Paano napasakamay niya ang kwintas na iyon?

    I schooled my expression.

    "That necklace doesn't mean shit to me. Still no. Good night."

    "No? Wait! Hindi mo man lang ba iinspeksiyunin?"

    "Nagpapatawa ka ba? Malay ko ba kung saang lumpalop mo nakita 'yan."

    "I know you would say that. Does the word Sparrow ring a bell, Mr. Petrov?"

    Itinulos ako sa kinatatayuan nang marinig ang pangalang binanggit nito. My back was stiffed with tension. Lihim akong napamura. Never akong na-rattle sa harap ng kalaban ko 'cause I have no emotions at all. But if there's one thing na maaaring magpakita ng tunay na ako, heto 'yon. My past.

    "Guess I have your full and undivided attention now. Can we have another game? Promise, I'll make this worth your while."

    The cunning stranger was smiling smugly at me when I turn around.

    "I need the room, August."

    Nagtatagis ang bagang ko nang bumalik sa pwesto ko. I eyed the jewelry, gusto kong isungalngal sa mukha niya iyon.

    "Here. You can check."

    I smirk. Iwinasiwas ko ang kamay sa ere.

    "You're one hell of a fighter and stupid, young man. Last chance. You can walk away now with your head attached to your neck."

    "I'm reckless pero hindi ako gago, Mr. Petrov. What gives you the idea na hindi ko alam ang lahat ng kanto ng casino mo? I have the blueprint instilled here." Tinapik nito ang sentido.

    Tumaas ang kilay ko. I don't show him that I'm amused and shocked at the same time dahil may nakalusot sa napaka tight na security ng mga gusali ko. I guess its time to amend that. For now, I'll toy with this jerk.

    "One game it is. August. Deal the cards."

    Mabilis na tumalima ang tauhan ko. Walo na lang kaming nasa loob ng silid. Ako at ang gagong si Nite, the rest mga tauhan ko.

    "Aren't you gonna check this thing?" Itinulak nitong muli ang alahas sa pagitan namin.

    Kung nagbubuga ng apoy ang mga mata ko, kanina pa nalusaw ang lintik na alahas na iyon. Suddenly, I was attacked by the familiar dread and smell of blood just by looking at the big rock. Behind that I know kung anong bubuluga sa akin. I clenched and unclenched my fist. I tried to fight the urge but then sa huli sumuko rin ako.

    Marahan kong kinuha iyon at pigil ang hiningang kinilatis. I flipped it and when my eyes landed on the rusty engraved letters, tuluyan na akong sumabog.

    "Where the fuck did you get this?" I slammed my fist on the table. August and the rest of my men were on my side, pointing guns at the grinning face of Nite. Walang bakas ng takot ang mukha nito. Mas mukhang excited pa ng ang gago.

    "I'll tell you maybe after the game? Mr. Petrov, inuulit ko hindi ako kaaway. Believe me, this will be beneficial to both of us."

    Puno ng pagdududa ko siyang tinitigan.

    "Iyong huling lalakeng nagsabi niyan, inuuod na. Beneficial my ass."

    Pumalatak ito. Itinaas ang mga paa sa mesa.

    "May isa pa akong alas pero ba't ko ilalabas kung ganiyang pinag dududahan mo ang kaisa-isang bagay na nag uugnay sa pamilya natin? Sa mga parents natin?"

    "W-what the fuck do you mean?" Sumenyas ako sa mga tauhan na ibaba ang mga armas. This fucker is a force to be reckoned with and I need to be careful to outsmart him.

    "I know what you want. I have it. I'll willingly give it to you if you will let me enter your kingdom. Foedus Corp."

    "Shit." Frustrated na isinuklay ko ang kamay sa buhok saka sumalampak ng upo. I waved my hand on August.

    "Here. All in. Alahas. Videotape from my dad. The Sparrow."

    No shit Sherlock. Nanlalaki ang ulong tumitig ako sa kaharap at sa isang brown enevelope na inilagay nito sa harapan niya.

    "Like I said. Winner takes all."

    "Nagkakamali ka kung iniisip mong ako lang ang may solong desisyon sa kung sino ang papasok o lalabas ng organisasyon. I have six sworn brothers to consider." I stated matter of factly. But deep down, unti-unti ko ng binubuo sa utak ko kung paano ko mapapahinuhod ang mga iyon. It appears that I'm not the only manipulative asshole in this planet. I really hate it when I met my kind.

    "I know. Alam ko rin na kaya mong gawan ng paraan. This video here contains all the answers you have." Tinapik nito ang enevelope saka kinuha ang barahang nilagay ni August para sa kanya.

    Saglit akong tumahimik. Tinitimbang ang lahat.

    "What do you want to achieve once you're inside?" Sinipat ko ang baraha ko. Triple shit. I've got three of hearts and two of diamonds. When I glanced at the center, I know I'm fucked seven ways to Sunday. Nakahilera king, jack, queen at nine of spades sa gitna. Ten or ace of spade na lang ang magliligtas sa akin.

    "Tulad ng gusto mo. Answers. Guess lady luck winked at me the second time around. Royal Flush." Sabay baba nito ng mga baraha. Diyes at alas.

    "Fuck." Nahahapong sumandal ako sa upuan. Ramdam ko ang walang pagsidlang saya ng kaharap.

    "Do we have a deal, Mr. Lev Petrov?"

    "Your initiation will not be easy lalo pa kapag nalaman nilang ako ang nagrekomenda sa'yo."

    "You have a reputation especailly Mr. Logan. But I trust you. They might be cruel pero ikaw pa rin ang head hindi ba? Kung anuman ang sabihin mo, masusunod."

    "That's not how we operate." Matigas kong tugon.

    Nagkibit balikat ito't ibunulsa ang envelope.

    "Still, may tiwala ako sa'yo. My father said that your family honors loyalty and words. My father spent his whole life defending the late Dimitri Petrov. They made a pact. When the time comes, tayong mga anak ang magtutuloy noon. Here I am after so many years, dala ang mga kasagutan sa tanong mo. Don't tell me tatalikdan mo ang mga pangakong binitawan ng papa mo?"

    Gusto kong bunutin ang baril at ubusin ang bala noon sa mukha niya pero nagpigil ako. Muli, sinasalakay na naman ako ng mga pangitain mula sa malagim na gabing iyon. I need to be over and done with this fucker now.

    "A deal is a deal no matter how twisted and archaic it is. Good luck with the initiation then."

    "Oh that one. May special request ako. Can you bend that rule for me? Alam kong hindi lahat nag su-survive sa mahiwagang mga hagupit ng latigo ng kaibigan niyo. Baka lang naman. Anong malay niyo matuluyan ako, pati 'tong tape na hawak ko maisama ko sa hukay. Sayang naman."

    Mala demonyo ang tawang pinakawalan ko. I'm far from happy nor amused. I'm on the verge of madness. Sino 'tong siraulong 'to para utusan ako? But then, parang nakatadhada ang gabing 'to. Dahil namalayan ko na lang na tumatango ako sa sinabi niya.

    Fuck. This day is full of shits and first for me. Matapos kong ma-curious sa isang babaeng papasa ng kapatid ko heto at para akong baliw na sumayaw sa kanta ng isang estrangherong hindi ko kaaway pero 'di ko rin kakampi.

    I pocketed the necklace Nite left me, as a parting gift he said. It burns the inside of my pants. Tumingala ako sa kisame.

    Is this your doing, mama? After twenty five years, makukuha ko na ba ang sagot at hustiya para sa inyo ni papa? How about my sister? Hanggang kailan ako kakainin ng guilt sa pagkawala niya?

    I'm alone and doomed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status