Share

Chapter 3

LEV'S POV

    I THOUGHT that Satan's favorite number is 13. No. It's 6. It was supposed to be 7. Kung napaaga ang dating ko malamang kasama ako sa naging biktima ni Trace. Sa kaalamang 'yon, naniniwala na ako sa himala. God knows what kind of chaos we will unleash in this side of the city kung lahat kami bangag o wasted.

    "Tang ina talaga nitong magpinsang pulpol na 'to. Alin ba sa word na matino at normal ang 'di nila maintindihan?" Nakatingalang anas ko sa kisame. I catch the shimmering light of Trace's extravagant chandelier.

    Nasa mansion ako ng matalik na kaibigan at pasaway na si Patricio. Once a week kasi ay may meeting kami sa isla ang kaso ilan sa amin ang hindi makakatawid ng Agrianthropos kaya't napag desisyunang sa bahay na lang niya ito ganapin. That's why I'm here now. But seems that my sworn brothers and I have a different idea of meeting.

    Napailing ako. My order is simple, I want to talk to them sober. Ngayon mukhang ang mga alagang butiki lang sa mansion na 'to ang matino at makaka usap ko.

    Halos takbuhin ko ang hagdan sa loob ng mansion, I'm still hoping na may katiting pang katinuan sa utak ng anim. Nasabi sa akin ng tauhan kong nasa ikalawang palapag ang mga ito. Anong kahayupan na naman kaya ang naghihintay sa akin?

    "Jesus!" Mabilis kong tinakpan ang magkabilang tainga nang marinig ang sintunadong boses ni Logan. Puta.

    Sa aming pito siya ang pinaka gifted. Kaya niyang i-masaker ang kahit na anong kanta. Kahit simpleng Bahay Kubo o Abakada pa 'yan, magtutunog pang pasyon 'yan kay Logan.

    "Mater Lev," bati sa akin ni Dev.

'Di maipinta ang mukha nito dahil panay ang birit ng amo niyang akala mo sasabak sa singing contest. Ngayon lalong tumaas ang respeto ko sa mga judges ng ganoon patimpalak. Dahil kung ako lang binaril ko na agad sa ngala-ngala once na may off key.

    "How bad is it inside?"

    "From 1 to 10? 120, Master Lev." Sagot nito sabay salpak ng headphones sa mga tainga. Ganoon din ang ginawa ng katabi nitong si Grec.

    "Bababa na nga ho kami sa labas para pulutin lahat ng nabasag na salamin sa bahay ni Boss Trace," singgit ni Grec.

    "Go. Isama mo na rin ang boses ng amo mo."

    Napangisi ang dalawa.

    "Make sure na hindi uuwi si Paige rito ngayon. Grec, dumaan ka sa kusina. Tell the chef to prepare some soup for these fuckers." Dagdag utos ko sabay talikod.

    Pabalibag kong itininulak ang pinto and was welcomed by hell. Talo pa ng isang karnibal ang ayos ng maluwag at marangyang silid.  Nagkalat ang mga bote ng beer, chips sa marmol na sahig at amoy ng yosi o MJ ang humahalik sa ilong ko. Fuck. Mukhang nag-bake na naman ng cookies niya si Daxon with a spike of joints.

    "Hi, Fafa Lev! I miss you." Parang multong biglang sumulpot sa harapan ko si Elliot. Akma nitong ililingkis ang mga braso sa leeg ko pero mabilis ko siyang tinabig.

    "What the fuck? Elliot, try to put your hands to me sa basuran puputulin ang mga 'yan." Sabay atras ko.

    "Sungit." He pouts.

    I almost puke at his expression. The psycho lawyer fucking pouts. Bago pa lumipad ang kamay ko sa batok ng kaibiga'y napapikit ako sa nakakasilaw niyang kasuotan.

    "Lev, napaano ka?" He pried my hand that cover my eyes. That's the only safe area that everyone can touch. My hands.

    "Shit. Nasilaw sa'yo. Ano 'yang suot mo, Atty?" Bulalas ko nang mabistahang mabuti ang ayos ng matangkad, maskulado at kinikilalang pinakamagaling at batang defense criminal lawyer ng bansa.

    It looks like he stepped out from that famous Holywood film about two FBI agents na nagpanggap na mga chicks. Well, minus the long blond wig and the sister.

    "Dress."

    "Puking ina. Alam ko. Why are you wearing that?" Huminto ang mga mata ko sa paa niyang nasasapinan ng four inches killer heels. My nose flair. Trust Elliot to pull the shittiest trip amongst all of us. May death wish ang animal.

    Nagkibit ito ng balikat saka ngumisi. Napaungol ako. Ba't nga ba ako nag abalang magtanong. He's stoned. Don't get the wrong idea here. Matigas pa sa poste ng kahit anong condo si Elliot. It's just that he's gullible when he's under the influence.

    I remember last time, naka crop top ang gago sa pambubuyo ni Daxon. Anong kayang natira nito ngayon at nag-dress? Well my options are limited. Its either they sampled some LSD or some new variant of coke na kaka-supply lang sa casino ni Trace.

    Mentals.

    "Ganda 'di ba? Nahalungkat ko lang 'to sa tabi-tabi."

    Yeah. Translation ng tabi-tabi is room ni Paige o mga naiwang gamit ng mga ka-orgy ni Trace. Umikot ito sa tapat ko na akala mo isa model. Naihilamos ko ang mga palad sa mukha. Sarap bigawsan ni gago sa gums.

    "Manahimik ka nga, Eyot. Magpalit ka. Sakit sa mata niyang neon green mong dress. Taragis. Para kang suman. And please do your self a favor, hubarin mo 'yang heels. Baka iyan ang ikamatay mo't hindi bala." My jaw clenched. "Bakat ang balls mo."

    "KJ mong gurami ka.Ulo 'yan." Sinapo nito ang harapan, in-adjust saka tinalikuran ako. Padabog na nagtungo sa mahabang sectional sofa. Napamura ko nang makitang muntik itong masubsob.

    Humagalpak naman ng tawa si Trace na kakalabas lang ng restroom. Naka tatterred jeans lang ito, suot ang putang inang belt bag niya. Hubad baro ang animal. Sinamaan ko siya ng tingin ng sumaludo sa akin.

    "Master Thunders, I beg to disagree. Hindi siya suman. Mukha siyang tubol."

    Elliot whipped his face.

    "Anong sabi mo?" Inilang hakbang nito ang pagitan nila ni Trace. Agad namang umatras ang una.

    "Mukha ka raw tubol. Iyong poops na mataba at matigas." Natatawang singgit ni Logan.

    Thank God for the small mercy. Nanahimik na rin sa kakangawa ang kumag pero mukhang giyera naman ang sasabog. Nasapo ko ang ulo.

    "Brown 'yon, Betlogan. Ang puti nitong si Atty," nakangising singit ni Daxon. As expected may hawak itong bowl at sa kanang kamay ay ang cellphone. Food trip kasi ang isang 'to kapag bangag.It seems today he also wants to be the videographer.

    "E 'di mestizong tub–"

    "Isa ka pa, Logan. Shut the fuck up kung ayaw mong halungkatin ko ang kaso mo sa RTC ng Kyusi."

    "Chill. Ba't ka sa 'kin nagagalit? Si Patring kaaway mo, not me." Taas kamay na ani Logan sabay baling kay Dax. "Ikaw kasi."

    "Boys..." I tried to use my authoritative voice. Natigilan naman sina Logan at Dax pero ang frenemy na sina Elliot at Trace, sige pa rin.

    "Patricio, maghanap ka na ng abogadong magtatanggol sa'yo next time na magkalat ka. Hayup ka. Matapos kitang i-abswelto doon sa defamation case mo, gaganituhin mo ako? Bukas na bukas rin, ipapasa ko sa kakila ko ang mga nakabibin mong kaso." Umuusok ang ilong na banta ng less dignified na si Elliot. Itinulak nito ang dibdib ng nakangising si Trace.

    "Eyot my bibi, sorry na. Hindi ka na mabiro. Sige na mukha ka na lang suman na tinubuan ng pagkatao't naging abogago." Sabay akbay ni Trace sa nanggagalaiting si Elliot.

    "Abogago ka raw." Sulsol ni Jake.

    "Fuck off, Dimagiba." Pikon na kumalas si Elliot kay Trace habang panay ang tawa ni Jake.

    "Ahtiti, sabi niya noong isang araw hindi ka naman raw magaling na lawyer tapos ang taas mo pang maningil ng bayad. Nahihiya lang raw siya sa'yo kaya ka niya binabayaran."

    "Buwaka ng ina mo, doc. Iyang bibig mo talaga kahit kailan." Mabilis na dinaluhong ni Trace ang batang doktor, itinakip ang kamay sabibig nito.

    "Hep. Hep. Atty, time mo nang mag-shine. Huwag mong pansinin si Trace, nakasinghot lang ng bilasang isda 'yan. Here."Bago pa makapag react si Elliot ibinigay na ni Daxon rito ang mic.

    Nakasimangot na kinuha iyon ng isa. Knowing Elliot kapag bangag ito, parang hangin na dumaraan lang ang inis nito.

    Bigla kong naibuga ang pinipigil na hininga. Talo ko pa ang naligaw sa daycare center sa gulo ng mga ito. Nahilot ko ang sentido.

    Nang magsimulang umalingawngaw ang musika, napamura ako nang malakas. Sa tapat ko'y panay ang hiyaw at cheer nila Trace at Jake kay Logan. Ang pulpol kasi sumasayaw mala-Magic Mike sa saliw ng Boom Tarat-tarat, Atty. Elliot version. Akala mo uod itong nabudburan ng asin.

    "Goodness."

    Nahahapong lumakad ako sa couch kung saan namataan kong naka upo ang pinsan ko. Finally, mukhang may isang naligaw na matino. Isa lang naman ang pakay ko ngayon dito bukod sa i-update sila sa deals ng Foedus. I want to wring the neck of the fool who gave my private number to Gennaro De Veyra ang isa sa kilalang underboss ng kalaban namin. Keros tracked the number for me yesterday and I was ready to bring hellfire sa salarin na nang gago sa akin.

    Pero sa estado ng utak ng mga ito ngayon mukhang kailangan kong maghintay na humupa ang tama nila. I fished a beer in can that's been sitting on the coffee table. Tumabi ako kay Jeru't tinapik ito sa balikat. I raised both of my feet on the center table, at nagsimulang uminom.

    "Cos, iyong deal na pinag usapan natin last night pwede ko na bang ilatag sa'yo ngayon? Your cut will be–tang ina. Umiiyak ka ba?" Marahas akong lumingon. Saktong humihikbi ang mokong at akala mo may dam ang mga mata.

    "L-lev." Parang batang tawag nito sa 'kin. Naka glue sa screen ng malaking tv ang mga mata nito.

    Ano bang kamalasan ang mayroon ngayong araw na 'to? Actually kahapon pa. I lost a hundred million on trade cause I was interrupted by that fucking call. Ngayon here I am, babysitting these bastards.

    "Don't tell me na iniiyakan mo na naman 'yung Borat?" Tukoy ko sa comedy film na last niyang bi-ninge watch na labis nagpamaga ng mata nito. If my memory serves me right, two days na mukha itong alien.

    Hagulgol ang nakuha kong sagot mula rito.

    "Good Lord. Jeru, anong inaatungal mo diyan? Tutorial ng paggawa ng slimmy 'yang pinapanood mo."

    "Naalala ko k-kasi noong bata pa ako. Wala akong ganiyan. Lev, si mommy n-nagpabili lang ako ng kotse-kotsehan noon, binungangaan ako. Life is s-so fucking unfair. Kapag ba ngayon tumakbo ako sa kanya, will she buy me o-one?" Para itong baliw na pumadyak pa.

    "Shit. Get a grip, Jeru. Ang laki-laki mong mama kung maka ngawa ka talo mo pa ang 3 years old. Anong gusto mo bilhan nita n'yan?"

    "H-hindi na ko love ng m-mommy ko, Lev. Did you hear me? I hate my life."

    I rolled my eyes. Nilagok ko ang beer at hinyaan itong maglitanya sa buhay niya.

    "Noong i-isang gabi, sinermunan ako. Ba't raw panay ang pakikipag date ko? Hanap siya nang hanap ng mapapangasawa ko tapos sisitahin niya ako kapag lumalabas ako. Kasalanan ko bang ganito ako ka-gwapo? Ka-yummy?" He sniffle then continue his tirade na mas tunog paghahambog sa tainga ng iba. But I know Jeru better. Tamang trip lang talaga ang gago.

    "Sila ang lumalapit sa akin, Lev. You hear me. Sila. Nagsasawa't napapagod na rin akong matawag na Greek god of Philipine cinema. Ang laki ng expectation nila sa akin. May nagsasabi pang peyk daw ang mukha ko. Wala daw lalakeng ganito ka-fresh. Ganito, ganiyan ka Jeru. Do this, do that. Pati magulang ko, nakikisali. Ba't ang hard ng buhay sa akin, insan?"

    "Kasi you're a hard fucker and hard to forget," singgit ni Jake na biglang naupo sa tapat namin ng tanging kadugo ko sa mundong 'to.

    Lalo namang umatungal ang mamaw na si Jeru. Labis kong pinagsisisihang lumabas ako ng penthouse ko ngayong araw.

    "Here we go. Christ." Akma akong tatayo pero iniharang ni Jeru ang binti sa daraanan ko. Thank God kahit wala sa tamang kaisipan, my cousin knows my no touch policy.

    "Isa ka pa, Lev. You're avoiding me. Minsan na nga lang tayong magkita, lalayasan mo pa ako?"

    Pikon na sumalampak ako sa tabi nito.

    "I'm all ears. Puta ka. Pag usapan natin 'yang mga hang ups mong out of this world? Sunod mong iyakan 'yung abs mo. Dating walo ngayon 7.5 na lang."

    Natawa si Jake na gaya ko'y may hawak na ring beer habang ang pinsan ko'y walang patid ang kuha.

    "Six na lang, Lev. Fuck. Pinaghirapan ko 'yon."

    Buwaka ng nanay ng mga tokwa.

    Tumingala ako. Kung napaaga ako baka 'di ako ganito ka-stress. Malamang sa malamang nasa isa sa mga simbahan akong malapit o 'di kaya'y abala sa laptop ko. I'll be high and stoned as fuck but I'll be numbed to them.

    "Master Lev."

    "Zip it, Jake. Kung dadagdag ka pa sa katabi ko, papakain ko sa'yo ang bala ng Glock ko."

    "May i-ko-confess lang ako,ang sungit mo naman."

    "Mukha ba akong pari?" Tanong ko sa batang doktor but deep inside he piqued my interest.

    "Kung pari, si Trace ang sakristan. Then sinasamba niyo si Satan."

    "Yeah. Kasama ka sa congregation namin, ulol. About saan ba?" I inquire.

    Sa aming pito itong si Jake ang tila naka truth serum kapag under ng impluwensiya ng drugs. Hindi marendahan ang bibig nito kaya parati na'y nagkukulong kami sa mga safe houses namin o di kaya sa Fortis, ang hideout namin sa isla. Mahirap na at baka kung sino pa ang makarinig ng napaka dilim naming mga sekreto. Sa bilibid kami mag meeting.

    "Yesterday. Pinag tripan ko si Patricio."

    Tumaas ang kilay ko.

    "Anong bago roon?"

    "Ganito kasi. Ang baliw nag-pretend na ako then he talked to this pretty teenager. Mukhang bad trip sa kanya yung pasyente ko kaya't ibinigay ko ang business card niya."

    Napatuwid ako ng upo. I ignored Jeru who's still wailing at some Zumba video.

    "Business card? What time did this happen?"

    Kumamot ito sa batok. "I forgot. Mga around noon."

    "Fuck you, doc." Sinunggaban ko siya't hinablot sa kwelyo.

    "L-lev, hindi ko naman sinasadya. Huwag kang magalit."

    "Paanong 'di ako magagalit? Personal number ko ang ibinigay mo't nalagasan ako ng milyones kahapon."

    Nanlaki ang mga mata nito.

    "N-no. It was Trace's."

    I grind my teeth.

    "It was mine, Jake. This teenager that you're telling me. Her last name is De Veyra, yes?"

    "H-how..." Marahas itong umiling saka lumayo sa akin. "Shit. I messed your cards, Lev. I'm sorry."

    Inis na lumayo ako sa kaibigan at baka bigla kong mapilipit ang leeg nito. I was about to curse him to hell when my phone rang. Without checking it, I answer. A decision I regretted the moment I hear a sweet and angelic voice that made every siren envy.

    "Anong sabi nila Mr. Lee?"

    "Kung si Bruce Lee ang tinutukoy mo, hindi ko na siya inabot."

    "What the fuck?"

    "Hey. That's foul mister."

    Inis na inilayo ko ang telepono sa tainga at tinitigan ang screen. I want to smashed it but then there's something inside me that's hindering it. I don't know anong itatawag ko dito. Curiosity perhaps. But whatever the hell it is, natagpuan ko na lang ang sarili kong ibinabalik ang aparato sa tainga't nakikinig sa kabilang linya.

    "Are you there? Ahm...Mr. WTF man? Yohoo!"

    I groaned. I shoot Jake daggers. Ang hudyo nagtago na sa likod ni Trace.

    "How old are you? And for Pete's sake stop calling this number."

    "Can't and won't. Sabi ni doc Jake, kung need ko raw ng kausap tawaga ko 'to. What do LEV stands for?"

    "Lev me alone." I said deadpan. Final na ang desisyon kong tapusin ang tawag nang mabini itong humalakhak.

    I don't believe in divine being but Jesus. That laugh is so magical it stirred something in me.

    "Witty and sexy. I likey."

    "Shut up. Answer my question."

    "Shoot but you'll answer mine first."

    Nahahapong minasahe ko ang batok. Trully, this day is full of epic shits.

    "I'll take your silence as a yes. Anong ibig sabihin ng LEV bukod sa 'Lev me alone' at Take it or Lev it?"

    "Me." Maiksi kong sagot pero ang utak kong tumatakbo ng mabilis. I'm raking my brains for the facts about Gennaro De Veyra. Is this his niece? Or his daughter?

    "Ow. How are you related–"

    "My turn young lady."

    "I'm not that young anymore. Matanda na ako."

    "Says every teenager on the planet. Age."

    Matagal itong natahimik sa kabilang linya. But I know that she's trying to pull off the biggest lie of all. But why do I find myself eager to hear her lie? I despise a lying tongue but there's something about this young stranger that intrigues me.

    "Nineteen." Malalim ang boses na anito.

    Tumaas ang kilay ko.

    "Liar. Don't bother me again. Hindi ito Bantay Bata Center."

    "Hey! Lev, wait."

    Inis na ibinulsa ko ang telepono matapos putulin ang tawag. Malalaki ang hakbang na tinunton ko ang pinto't pasalya iyong binuksan. I had enough of this day.

    "Thunders, saan ang punta mo?"

    "Sa impyerno. Kakausapin ko si Lucifer kailan niya kayo susunduin."

    Iniwan ko ang game room na humahalakhak sina Trace at Jake habang si Elliot ay kumakanta ng I believe I can Fly. Strangely, it made my upper lip tugged upward. Why does it remind me of a certain petulant lying teenager?

    Wordlessly, I fished my phone and call Keros, ang batikang hacker ng Foedus.

    "Master Lev, anong maipaglilingkod ko?"

    "I want you to dig everything about Genarro De Veyra. I mean everything, Keros."

    "On it. Will deliver it to you by Saturday."

    "I need it on Thursday."

    "That important? Okay. By the way, kailangan ka rito sa Casino Lembrandt. There's a certain Nite in shinning shit o kung anuman ang last name niya ang naghahanap sa'yo."

    "What floor?"

    "VIP. Room 8."

    "I'll be there in 30."

    "See you, big boss. Mag ingat sila sa'yo." Nawala na ito sa linya pero nanatili akong nakatitig sa phone.

    Napaka in demand ko naman ngayong araw. Lahat ba ng kampon ni Satanas busy?

    "Who is this freaking Nite? And what do you want from me?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status