Share

Chapter 5

BREE'S POV

"DON'T waste your food. Kumain ka."

I huffed. Itinuwid ko ang likod saka muling dinutdot ang pagkain sa plato ko. I pretended that the tiny hairs on my forearm didn't shoot up because of my father's words.

I loathe breakfast. Hell, I hate family time like this. Kakain kayong sabay, magpapanggap na okay but deep inside you're rotten. Pretending to be some normal family even though you're dysfunctional.

"Bree, I'm warning you." Sita ulit ng dad.

Hindi ko alam kung may mata ba siya sa noo. Paano n'ya nakikita ang ginagawa ka gayong nagbabasa siya ng diyaryo? Kingat ko ang lower lip at pilit itinakip ang mahabang buhok sa mukha ko.

"Little Bree's in trouble."

Sinamaan ko ng tingin ang kuya Brandon ko. Pangalawa siya sa aming apat at ang pinaka siraulo. Ako ang paborito nitong asarin at pagdiskitahan.

"Ano na naman bang problema mo sa pagkain, Bree?" Sita ng panganay namin, si kuya Flyn. He's in his mid twenties at siyang nangangasiwa ng mga negosyo ng pamilya. Katulong siya ng daddy pati ang mayabang at ubod ng gagong kuya Brandon ko.

Kung sa normal na pamilyang pinoy, bunso ang paborito. Sa amin baliktad. Ako ang pinaka least favorite ng papa ko't mga kapatid. They all see me as nuisance.

"W-wala lang po akong gana, kuya."

"Are you sick?"

Mabilis akong umiling sa ikatlong kapatid ko't siyang pinaka-close ko sa tatlong barako. Si Alesio. Tatlong taon ang tanda nito sa 'kin at madalas na taga pagtanggol ko sa mga bully noong elementary. Except now cause he went on a different school than mine. All boys. Kahit anong pilit ni Ally kay daddy, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. When our father says jump, you don't get to aks why. Just do the freaking task. Jump.

"I'm okay, Ally. Swear." I whispered, using my nickname for him.

His jaw clenched. Though he's relatively younger than our two brothers, Alesiao is a lot taller and more reckless than them. Masyado rin siyang over protective sa akin. The reason might be cause he's my real brother unlike sa dalawa pa na half brothers lang namin. We have different mothers. Namayapa na ang ina nila habang nilayasan kami ng mommy namin noong nine years old ako.

"You're not. Tara. Ihatid kita sa school mo today bago ako pumasok."

"You two, stay!" My father bellowed, slamming his fist on our dining table. Kumalansing ang mga plato't kubyertos.

Napa igtad ako nang aksidenteng matapon sa braso ko ang laman ng tasa sa harapan ko.

"Alessio, sit down. Wala isa man sa inyo ang tatayo hangga't hindi ko sinasabi. Bree, ubusin mo 'yang nasa plato mo kung ayaw mong isalaksak ko 'yan sa bibig mo."

"She doesn't want to eat the craps that your loving PA prepared for us. Can't you see da–"

"Alessio!"

Hindi pa natapos ng kapatid ko ang sasabihin, lumipad na ang bread knife sa gawi niya. Nasapo ko ang bibig nang makitang dumaplis iyon sa mukha niya. I grabbed the napkin at agad kong inilagay iyon sa mukha niya.

"I will not tolerate that behavior. Sin verguenza. Where's your manner? Iyan ba ang natutunan mo sa paaralan mo? What a waste of money."

"Your asking for respect gayong wala naman iyon sa pamamahay na 'to."

Nang akmang tatayo ang daddy namin mabilis na umawat ang panganay kong kapatid. He dismissed us while holding our furious father.

"We'll talk later, Ally. Go now, Bree. Hilahin mo 'yang kuya mo. May klase pa kayo." Matalim ang mga matang utos ng pangay naming kapatid. While kuya Brandon is just sipping his coffee, clearly nag e-enjoy ang gago sa nangyayari.

Lulugo-lugong sumunod ako hila si Ally. Matapos kong kunin ang mga bags namin, hinatak ko siya sa garahe. Inis na binawi nito ang braso sa akin sabay tadyak sa gulong ng Bugatti nito. Niyakap ko ang shoulder bag nang di pa rin ito tumigil, malakas kong hinampas sa kanya nag backpack niya.

"Aray, Bree."

"Tama na okay. Kawawa 'yang kotse mo. Kahit na mapudpod ang shoes mo kakatadyak diyan, hindi 'yan magsasalita. Tara na. May exam pa ako." I pulled the door and went inside the passenger seat. Alam kong wala ng magagawa si Ally kung 'di ang sumunod papasok sa kotse.

Ilang segundo pa, he pulled the car from the driveway and we're skirting the busy streets of EDSA. Ilang minutong nabingi ako sa katahimikang namayani sa loob ng sasakyan.

"What is it this time?"

Nagkunwa akong naaliw sa mga building na dinaraanan namin.

"Bree, I'm asking you."

I let out a sigh. Nag moist iyon sa salamin. Wala sa loob na isinulat ko nag initials ko doon.

"I don't know what you're talking about."

"Bull shit. Kilala kita. You're not eating your breakfast back there 'cause you're thinking of something. Anong nangyari habang wala ako? Tell me."

Tinapunan ko ng tingin ang kapatid na halos mamuti na nag knuckles sa tindi nang pagkakakapit sa manibela. Two straight nights na kasing late ito kung umuwi.

I know na kung wala sa race track kasama nito ang mga barkada. Hindi ko alam kung saan sila nagpupunta dahil palagi ang sagot nito diyan lang sa tabi-tabi.

I've learned to accept his truths. Katwiran ko safe naman siya. Guess it's the perks of having a missing mother and less present father.

Muli kong nilingon ang kapatid nang galit niyang tawagin ang name ko. Hindi ko alam kung ba't gwapong-gwapo si Karen sa kanya. Bukod sa matangkad at maputi and slight kahawig ko, wala na akong makitang kakilig-kilig sa utol ko.

"You know you got that look right now na gustong-gusto ni Karen."

"What look?" Lumikot ang mga mata nito pagkabanggit ko sa name ng bestfriend ko. Kahit paano napangiti ako. Knowing that they both like each other pero hindi alam kung paano aamin.

"Iyong bad boy vibe, I hate the fucking world with matching umiigting ang panga look."

"Bree, mouth!" Sigaw nito sabay kabig pakanan ng kotse.

I forgot kung gaano kapikon ang isang 'to. Nang bigla siyang pumreno muntik kong mahalikan ang dash board mabuti at may seat belt ako.

"Ay palakang may brace. Ally,ano ba?"

"I'm not buying that act little sister. Stop dilly-dallying. Kilala kita, Bree. The more you drag this one, the more I'll be a real jerk. Talk. Now!"

Napalunok ako sabay hila ng seatbelt ko. Ba't parang humigpit iyon sa dibdib ko?

"Bree..."

Yumuko ako.

"I heard them. Dad and kuya Flyn. Last night.Pag tuntong ko ng 18, I'll marry some guy's son from a family na hindi ko kilala." Pinalis ko ang luha sa pisngi habang panay ang mura ni Ally sa tabi ko.

"Anong akala niya sa'yo? Isang kalakal na pwede niyang i-barter ng ganoon na lang. Tang'na. Walang kwenta talaga 'yang tatay mo kahit kailan. His kind should be damned to hell. Akala ba niya porke pjnag-aaral niya tayo't pinapakain, pwede na siyang tanghaling super dad ng taon? What a piece of shi–"

Natigilan ito sa mala rap na paglilitanya nang marining ang paghikbi ko.

"Ally. I'm scared. Galit ako. I-I heard that this family...involve sila sa mga shady business. What if pagmalupitan nila ako? Wala na b-ba akong right mag aral? I want to go to college, makapag tapos at maging fashion designer."

Hinila ako ni Ally palapit sa katawan niya't inalo.

"Hush. We'll figure something out. You and me against the world, remember?" Sinapo niya ang mukha ko't pinalis ang mga luha ko.

Lalo naman akong naiyak sa ginawang iyon ng kapatid. Mumapit ako sa collar nito, not minding kung nabasa ko na ang uniprome n'ya.

"P-paano kung w-wala tayong magawa? Malapit na akong mag sixteen, Ally. Two years na lang...Oh God. Paano kung panget 'yong guy? Isa lang ang mata? Walang ilong? Bukod a sa mabaho ang paa niya. Magiging miserable ako. Mate-take mo ba 'yon?"

Tumawa ang kapatid ko.

"Of all the things na aalalahanin, ang mukha niya talaga ang iniisip mo. Mental."

"Syempre naman. Lalaitin mo ang magiging pamangkin ko pag nagkataon." I insist kahit ang totoo pilit ko lang pinagagaan ang lahat. Deep down, I'm scared. Hindi nga ba't di ako pinatulog kagabi ng kaalamang iyon?

Ang bata ko pa para matali sa isang relasyon. Paano ang mga pangarap ko? Ang feeling ko? Si Andrew?

"Stop that stupid thoughts, Bree. Trust me. Okay? We'll get this through. Marami pang pwedeng mangyari sa loob ng two years."

Biting my lower lip, I nod at my brother. Umayos na ito ng upo at muling pinasibad ang sasakyan but he remain eerily quiet for the rest of the trip. And that's what scares me the most.

Si Ally lang ang kamampi ko sa bahay at sa buhay. Though hindi naman ako pinagmamalupitan ng kuya Flyn, I could feel the indifference everytime na magkakaharap kami. I don't know what's better, ang pangdededma ng panganay namin o ang pambu-bully parati ni kuya Brandon.

Kaya siguro mas lalo akong naging dependent kay Ally. He's the old brother every girl could ask for. Kaso minsan napapahamak na siya sa tatay namin. Palibhasa pareho silang mainitin ang ulo kaya madalas mag-clash. Iyon ang 'di ko kaya.

"Ally, promise me na hindi mo kakausapin sila dad about this. Okay?" Pakiusap ko nang malapit na kami sa school ko.

"Bree." He gave me a pointed look.

"Just. Please. Let's pretend na wala akong alam. Element of surprise, remember? Ikaw nagturo sa akin noon. We can use the two years para magplano."

Ilang segundo itong natahimik lang at nagmaneho. But his eyes tell me that he's weighing my words. Ally let out a sigh after making a right turn.

"Fine. Pero makikiramdam ako. Just keep away from dad's PA. I don't like that bitch even for a sec."

Gusto kong sabihin na pihadong iba ang opinyon ng pangalawa naming kapatid pero nakita kong nakahinto na sa tapat ng gate ng campus ang kotse.

"I'll drop here later. Tell Karen. My treat."

Natigil ako sa pag ibis at lumingon rito.

"Rain check? May need akomg tapusing group project later." Pagdadahilan ko. I need to talked to Anya about the grad ball. Wala ito kahapon kaya hindi ko nakausap. Ayaw ni Ally sa kaibigan kong iyon gawa na rin ng reputsayon nito at sa mga kwento ni Karen.

"You can finish that later or pag uwi sa bahay. I can help you especially if it's Math."

I worried my lips. Kapag ganoon na ang tono ng kapatid wala na akong kawala. Inis na isinukbit ko ang bag.

"Fine. May choice ba ako? Gagawin n'yo na naman akong third wheel."

"Tsk. May other choice ka? Meron. Sasama ka o isasako kita." He winked at me while drumming his fingers on the steering wheel. Malikot ang mga mata nito.

Pilya akong napangiti. Bossy siya puwes bitch ako. Nang makita kong nagliwanag ang mukha nito, I know he spotted my best friend.

"Fine! Drive safe, ungas." Binelatan ko siya't mabilis na umikot. Nakangiti kong sinalubong ng yakap ang matalik na kaibigan.

"Hello, Kah. Tara baka ma-late tayo." Sabay hila rito palayo sa kotse ng kapatid ko.

Napamaang ito. She wants to protest kaya mas lalo kong itinulak papasok. Nakita ko kasing palabas na ng kotse niya si Ally.

"Is that Lesio? Magha-hi lang ako."

"Huwag na. Hayaan mo na. Busy raw siya. May hinahabol na exam. Tara na."

"Really?" Dismayadong anang matalik kong kaibigan habang hinahayon ng mata ang sasakyan ng kapatid ko.

Lalo ko siyang hinla. Walang nagawa si Karen kung hindi ang sumunod sa akin.

Lihim akong napangiti saka umikot. Nang magtama ang mga mata namin ng kapatid, I stick out my tongue. He raised his middle finger and I grin.

Yes.Our love language is weird but I know na ilalaban ako ng patayan ni Ally sakahit anong pagkakataon. For now, I will pissed him off.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status