Share

Chapter 5

CHAPTER 5

BOYFRIEND

My days went well simula ng encounter sa gabing iyon. He visits me often in the store. I got to know him even more also.  We ate and laughed together. He teases me sometimes as well. I feel so comfortable with him. And I became a better version of myself when I'm with him. 

"Tignan mo na, laki-laki mo na pero parang bata ka pa rin kumain," He said habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. 

I stared at him while his laughing so hard. Iniwas ko ang tingin ko at sinabayan ko na lamang siya sa pagtawa. 

"Hi

ndi ka ba nagsasawa sa pagkain sa store?" Pagbibigay ko lang ng topic para hindi masyadong awkard, kasi yun yung nararamdaman ko e.

"Bakit naman ako magsasawa? Libre lang kaya dito." Pabirong ani niya na ikinailing ko na lamang

Ngunit tama na man siya. Dahil yung mga product na malapit na mag-expire yun yung kinakain namin tuwing pumupunta siya dito. 

"Hayaan mo next week, iti-take out kita ng pagkain galing fast food" pagmamayabang niya na ikinaliit ng mata ko. 

"No thanks." Simpleng ani ko. .

"Hoy! Totoo kaya yun." Sabi niya na itinapik pa ang balikat ko. "Hindi kaya ko talkshit" pagdedepensiya niya pa sa kanyang sarili na parang may sinabi akong nakakaoffend. 

"Oo na nga lang. Paiyak ka na oh." Pabalik asar ko sa kanya habang nakaturo sa kanyang mata. 

"Aba! Aba! Kailan ka natutong mang-asar ha?" Nakataas kilay niyang ani na inismiran ko na lamang. 

"Ang dami mo nang nagagawa na hindi mo naman normal gawin ha?" 

"Sino kayang nagturo sa akin?" mayabang kong tanong sa kanya. 

 "Madali ka lang palang turuan?" Tila nag-iisip niyang ani. Habang itinataas-taas ang kilay sa akin.  "Sige, sa susunod na ituturo ko sayo ay yung mahalin ako." 

My face blushed and my heart beats so fast. Ayan na naman ang weirdong kung ano sa tiyan ko. He laughed so hard siguro ng makita ang mukha ko. 

"Kinilig amp." Hindi mapigilang tawang ani niya. 

Iniiwas ko nalang ang tingin ko at pinagpatuloy na lamang ang pagkain. Parang ako pa ang nahihiya sa mga iniiasta niya. 

Magkatapos ng araw na yung ay lagi na akong inaasar ni Alaric na may gusto daw ko sa kanya. Te audacity of that jerk. 

Now, I am alone here in our room. Uwian na talaga namin, kaya lang ang pinsan ko ay pinapahintay ako sa dito dahil ipapakilala niya daw ako sa pinsan  niya.

"Hindi ba pwedeng mapagpabukas yan?" Inis na tanong ko sa kanya dahil pinipilit niya akong hintayin siya dito sa room. 

"Ngayon lang to oh. At tska wala ka namang trabaho ha? Hindi ba at day-off mo ngayon?" Pamimilit niya parin sa akin. 

"I have plan tonight" Sabi ko sa kanya.

"What is it then? Ikukulong mo lang naman ang sarili  mo sa apartment mo" tila nauubos na pasensyang ani niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya. Hindi talaga ako manalo't-nalo sa kakulitan niya. Actually, wala naman talaga akong plano mamaya, kagaya ng sabi ni Athena magkukulong lang ako sa aking apartment. 

Kanina lamang ay masaya ako dahil day-off ko at may time na rin ako sa wakas na magpahinga. Ngunit parang napigtas ang aking kagalakan dahil sa suhestiyon ni Athena.

"Andito na siya" Dinig kong boses sa aking gilid. Nakayuko ako sa lamesa dahil gusto ko talaga matulog ngayong araw.  

Hindi ko muna pinansin si Athena. Hinayaan ko muna siya magsalita sa gilid ko. Talagang pagod ako, ngayon lang sana ako makakapagpahinga ng lubos pero pinigilan yung ng aking kaibigan ko. 

"Gia" Muling tawag ni Athena, sinabayan pa ng mumunting tapik sa aking balikat. Walang akong magawa kundi iangat na lamang ang aking tingin sa kanya. 

Nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Athena na nakapulupot sa braso ng kung sino man. Matangkad ang lalaki at tanging balikat lamang si Athena  neto. Nang maingat ko ng tuluyan ang aking mata sa lalaki ay ganun na lamang ang aking gulat ng makita ang isang pamilyar na mukha na may pamilyar na mga ngisi.

Agad ko naman inayos ang sarili at ang magulo kong buhok. Dala ng pagkatulong ko kanina sa aking inuupuan.

I cleared my throat at wala pa rin kahit anong salita lumalabas sa aking bibig.

Si Alaric ang boyfriend ni Athena? Paano?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status