Share

Chapter 4

YOUR SMILES

He's right. He only human, who struggles a lot to test life. 

Marami pang tanong na interesante na hindi ko napapansing unti-unti ko na pala siyang nakilala at nakikitawa na din ako sa kanya. 

He knows how to play guitar and piano, he is musician in church. Broken family din siya, but unlike me sinusustentuhan  siya ng magulang niya.  And many more. 

"Why did you take Nursing course?" I curiously asked. Last question nato actually. 

Tapos na din ako kumain, kaso hindi pa naliligpit at pinapapak nalang namin ang isang chichiryang kinuha niya ulit kanina. 

"I actually want to be a doctor. Pero sa ganitong lagay ko, siguro kailangan ko muna isantabi at unahim muna na makapagtapos. Para diretso trabaho agad. Parang wala na kasi akong time para mag-aral at mag-aral pa.

"Why don't you pursue doctor? Try mo lang, malay mo" pagyayaya niya sa akin.

Umiling lamang ako at ngumiti. "Alam mo sa buhay, kailangan mo munang matutong makonteto bago ka mag hagad ng higit. Kasi kapag binigla mo, baka wala talagang mangyari sayo." 

"May point ka naman. Pero sayang din yun noh"

"Wala tayong magagawa. Ganito lang ako e." 

Dinuro niya naman ako na may isang pirang chips sa kamay niya.

"Hooy! Anong lang? Wag mo ngang i-lang ang sarili mo, you are more than that." Pagbibigay courage niya na ikinatawa ko nalang.

"Ikaw, bakit engineering?" Pagbabago ko na lamang ng topic, at pinagsalikop ang kamay ko sabay patong sa lamesa.

"I actually want to take psychology course, kaso ayaw ni mama. Hindi daw In-demand amp" reklamong usal niya.

"Bakit psychology?" Takang tanong ko.

"Para magamot kita" mayabang na sabi niya na tinapunan ko na lamang siya ng chips sa mukha. Which made him mad, I just rolled my eyes at him.

He cleared his throat. "I value mental health more than anything. Para kasi sa akin, mas malalang sakit ang mental illness na hindi mapagamot ng kung sino man dahil tinuturing nilang normal daw. Mas mahirap kayang gamutin ang mental health kaysa sa mga sugat or lagnat na konting punas ng kung anong gamot, may chance ng mawala. Kaya maraming nagpapakamatay e"

I smiled at him. He is right, an ideal man indeed.

"Kapag natapos mo na ang engineering, mag-aaral ka ba ulit ng gusto mong course?" Tanong ko sa kanya

"Syempre naman noh, Pero papakinabangan ko muna yung tinapos ko, sayang pawis ko dun" 

Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin habang dama pa din namin ang ngiti sa aming labi. Umiwas ako ng tingin ng napapalalim na ang aking tingin sa kanya. 

"Paksh*t!" Malutong na mura niya na ikinagulat ko. Tinignan ko siya ng nagtatanong sa mata. 

"4 am na pala, panong umabot tayo ng anim na oras sa 20 questions?" Pagkasabi niya at agad ko ding tinignan ang wall watch sa store. And he's right. 

Ganun kahaba kami nagkwentuhan?

"Kasalanan mo 'to e." Paninisi niya na ikinatalim ng tingin ko sa kanya. 

"Kung hindi ka sana nagkwento ng pagkahaba-haba edi sana natapos tayo ng maaga" pagdadahilan niya pa. 

Masama ang tingin ko sa kanya sabay crossed arms. 

"Ang kapal ng muka mo noh? Ikaw nag-umpisa ng laro tapos sa akin mo isisisi? Ayos ka rin ah!" Inis kong sabi sa kanya. At sinimulang ng linisin ang aming kalat. 

"Joke lang" sabi niya at tumawa. Sinimulan niya na rin akong tulungan sa pagligpit. 

"Anong oras out mo dito?" Tanong niya habang pinupunasan ko ang table habang siya naman sa sahig. 

"Hintayin ko nalang si Elle, yung papalit sa akin." Ani ko sa kanya na hindi ko siya tiningnan kaya hindi ko alam kung ano naisagot niya. 

"Awit pre, naubos pera ko. Tapos naging taga linis pa ako?" Pagmamaktol niya, patuloy pa rin sa pagma-mop. 

Tinawanan ko lamang siya at umiiling-iling. Kanina may magkakaibigan ang tumambay sa labas ng store kaya madami-dami kaming nililinis ngayon. Hindi na nga namin napansin ang pag-alis nun, sa sarap ng kwentuhan namin. Kaya naging mahaba pa yun, dahil maya't-maya may customer na kailangang i-punch ang kanilang binili. 

Dumating na si Ella at sakto naman na kakatapos lang namin.

Sabay kaming naglalakad sa medto madilim na daanan papuntang apartment 

"Malapit lang bahay mo dito?" Unang tanong ko sa kanya.

"Kung gusto mo maki-tulog 'wag na pre. Magagalit si mama, sabihin pa nun na tinanan kita lalo't madaling-araw pa naman" may seryosong sabi niya na alam kong biro niya yun.

Umirap ako sa kawalan. "Ang corny mo" simpleng usal ko. Na ikinatawa niya ng malakas.

Tumigil ako at siyang pagtigil niya din. 

"Dito na ako. Ikaw?" Harap kong tanong sa kanya.

"Uuwi ako lods, malamang. Mayayari ako ng nanay ko" sabi niya sabay hawak sa katawan niya na para bang may nagnanasa sa kanya. 

"Epal mo talaga, Alaric. " Supladang sabi ko sa kanya. Ngumiti lamang siya na ikinangiti ko din.

"Sige na, bye" kaway kong paalam sa kanya. Kumaway din siya. 

"Eva" Tawag niya ng akmang tatalikod ako para buksan ang pinto.

Hinarap ko naman siya nang nagtataka. 

"Keep on smiling. Your smiles is as bright as the moon." Sabi niya ng may ngiti parin sa labi. 

My heart beats so fast and there's something in my stomach that I can't explain. 

Ngumiti na lamang ako at tumango. 

"Noted, Alaric. Thank you" .

Paalam ko sa kanya. Sabay pasok at sarado ng pinto. Sumandal naman ako sa likod nito at hinawakan ang aking dibdib. 

Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig. Is it normal? Or Is it? Ipinilig ko ang aking ulo sa pag-iisip ng isa pang option. 

"I'm doomed!" Wala sa sariling bigkas ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status