Share

SYNOPSIS

"๐’ฎ๐“‰๐’ถ๐“Ž๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐’พ๐“ˆ ๐“‰๐’ฝ๐‘’ ๐’ฆ๐‘’๐“Ž...

๐’ป๐“‡๐’ถ๐‘”๐’พ๐“๐‘’ ๐’ท๐“๐‘œ๐‘œ๐’น ๐’พ๐“ˆ ๐“‰๐’ฝ๐‘’ ๐’ป๐“‡๐‘’๐‘’๐’น๐‘œ๐“‚..."

Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya.

Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa.

Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya.

Pero hindi na 'yon ang mahalaga, dahil kapag hindi pa nangyare ang magaganap ngayong gabi pwedeng pati siya ay mapahamak. Pati na rin ang lahing pinamumunuan niya, marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya.

Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi.

Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status