Share

CHAPTER 1 - Nightmare

Eynne Agape's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga binti na nalihisan ng kumot na natabon sa aking katawan. Unti-unti kong tinignan ang paligid at ang tabing parte ng kama. Pero wala na kong nadatnan pa..... pero isang papel sa gilid ng kama ang nakita kong nakapatong sa mesa.

"Mi Amor,♥

Dadating ang panahon na makikila mo din ako, salamat sa mainit na pag-iisa natin kagabi dahil lubos mo kong napasaya... Huwag mong kakalimutan ang mga salitang binitawan ko, dahil yan ang salitang bibitawan ko sa oras na magkataglo muli tayo......

-Vonzolucc♥"

Hindi ko alam pero unti-unti nalang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko, bakit ko nga ba binigay ang sarili ko sa taong bigla nalang akong hinablot sa daan at dinala dito sa simpleng bahay na 'to sa kadiliman ng gabi at pinagsamantalahan pero nagustuhan ko din naman ?? Bakit ko binigay ang sarili ko sa taong hindi ko man lang nakita ang mukha ?? Binigay ko nga ba ang sarili ko? Hindi! Dahil ginahasa niya ko. O-Oo h-hindi ko mapagkakailang nagustuhan ko, pero bakit pagkatapos ng gabing yun iniwan niya lang ako? Ginawa niya pa kong parausan. Masakit sa part ko yung ginawa nya pero anong magagawa ko eh yun lang ang gusto niya. Putangina niya! Hindi ko alam kung paano ulit mag-uumpisa pagkatapos nito.

I hate him. I really hate him, kung pwede ko lang ibalik ang nangyare, gagawin ko ang lahat makatakas lang sa kaniya! Bakit ba ko nagpadala sa mga haplos at halik niya? Bakit ba ko naakit sa kaniya kahit aninag lang nakikita ko sa mala anghel na mukha niya? Bwiset! Kahit yata dumaan ang maraming panahon hindi ko malilimutan ang walang hiyang bumaboy sakin.

Bakit ba ko nalulungkot dahil hindi ko siya naabutan sa tabi ko?! Bakit feeling ko nanghihinayang ako?! Bakit feeling ko nasasaktan ako?! Gago! Bwiset!

Hindi ko makalimutan yung mapupungay niyang mata na yun lang yata ang malinaw kong nakita sa buong mukha niya, yung nunal niya sa ilalim ng gilid ng kanan at greyish niyang mata. Bwiset!

Hindi ko alam kung ano paano ang ikikilos ko pag nagkitang muli tayo, tatakbo ba ko para iwasan ka dahil sa takot at baka gawin mo ulet yun sakin O lalapitan ka at bibigyan ng isang malutong na sampal at harapin ang takot ko sayo?

Pero isa sa dalawang yan ay wala talaga akong balak na gawin. Dahil hindi ko alam kung paano o kakayanin ko bang talaga.

Pero isa lang ang gusto ko at iyon ay.........

Sana hindi na tayong muli pang magkita.... kahit kailangan, Vonzolucc.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
honleyknows
hala slr. ngayon ko lang po nakita. thank you so much .........️
goodnovel comment avatar
Ms.Jessaries
ang ganda ng story mo ate ♥️♥️♥️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status