Share

CHAPTER 2 - Two Years Later

DALAWANG taon na ang nakakaraan nang mangyare yun. Tahimik naman ang naging buhay ko pagkatapos nun, hindi ko na sya nakita pa. Ganun naman talaga karamihan sa mga lalaki, kukuha ng babae at paniniwalain sa mga mabubulaklak na salita nila pero sa huli iiwan ka din kapag napagsawaan ka na. Nakakaputangina hindi ba? Mga lalaking may sapak at nanggagahasa nalang bigla at kapag nakaraos na, itatapon ka lang bigla.

Sa dalawang taon na nakalipas, iginugol ko sa pag-aaral at pagpa-part time job ang buong oras ko. At minsan nagpapadala ako ng pera sa Lolo at Lola ko na nasa probinsya na kasama ng mga pinsan ko, okay na daw kahit hindi ako magpadala kasi sobra sobra na daw ang kinikita nila para kila Lolo at Lola pero makulit ako eh. Mahal ko sila. Aalagaan kahit may pagtanggi minsan.

Dalawang taon na din akong naninirahan dito sa Manila at dito ako sa bahay nila Lolo at Lola dito sa Manila ngayon nakatira. Ako lang mag-isa. Boring minsan pero at least okay ang pamumuhay ko. Isa akong Registered Nurse sa McVamBlo Hospital, always Over time ako sa trabaho but take note! Hindi ako gaya ng iba na puyaters lagi dahil nakakatulog pa nga ko eh, hindi din ako madalas na tambay sa bahay ko dahil mas tambay ako sa Head Quarter namin na hapos parang bahay na naming lahat na mga Co-Nurse ko. Kaya kahit papaano, hindi boring dahil halos dito na din ako tumira. Napapamahal na din ako sa mga pasyente na inaalagaan ko. At always night ship ako, para mas tahimik ang hospital. Yeah sometimes nangingilabot din ako kapag may mga sinusugod na bangkay sa harap ko. At hindi maiiwasan na minsan may nagpaparamdam pero keribels, dinadaan ko nalang sa pagkanta, oh sosyal! Kinakantahan ko pa sila at yun! Mawawala na sila.

Sa dalawang taon ko, sana mas maging maayos pa ko. At salamat kay God dahil hindi ako nabuntis ng kung sino mang greek god na yun, yeah I'm a nurse kaya alam ko ang gagawin para hindi mabuntis at salamat nagtagumpay ako.

Then now. It's time to forgot everything happened to me 2 years ago. I think i'm successfully move on about what happened to me, i hope so. I really hope.

*check time 06:00pm*

Tumayo na ko sa pagkakahiga dito sa kwarto ko sa head quarter namin at nag-ayos na dahil mamayang 08:00pm na ang duty ko. Inayos ko na lahat at nang okay na ko, lumabas na ko sa kwarto ko. Yeah, may kwarto akong sarili dito. Sosyal diba? Malaki 'tong head quarter namin may pitong kwarto 'to at pito din kami dito. Anim kaming registered nurse dito at yung isang kwarto ay para sa head nurse namin. Dito sa 4th floor merong dalawang head quarter, sa buong floor na 'to, kaming 14 nurses ang naka-assign. 7 nurses ang sa umaga and 7 nurses sa gabi. At ang 4th floor ang pinaka private part ng hospital na 'to at mga may kaya at tunay na mayayaman lang pwedeng ioperate dito kaya 14 nurses kami dito. At take note! Puro babae kami, kaya nga okay lang kahit parang dito na kami halos nakatira.

*knock knock*

Nawala ako sa pag-iisip ng may kumatok, ako lang kasi mag-isa ngayon dito baka nagala pa yung iba dahil maaga pa naman. Inilapag ko muna yung kape ko at dumiretso sa pinto. Nang buksan ko 'to, wala namang tao. Napailing nalang nalang ko at sinarado ulit ang pinto. Sanay na ko sa mga gantong ganap dahil nasa ospital nga kami.

Time has passed at inayos ko na ang head quarter namin at ni-locked ko na, may kanya kanya naman kaming susi kaya keribels na nila yan. 07:45pm na at dumiretso ako sa station namin, nakita ko don si Head Nurse Magnificent Temvafodo ng kabila head quarter at kasama nito ang assistant niya na si Nurse August Klotavono.

Sila ang laging naiiwan kapag tapos na ang duty ng lima nilang ka-team. Apat kaming nag-oover time lagi the Head Nurse and the Assistant. Si Head Nurse Keen Vasdopo at ako na Assistant nya.

"Oh nandyan na pala ang masipag natin Nurse!" bati sakin ni Nurse August.

"Nakoo pano ba 'yan Nurse Agust wala akong barya ngayon eh." parang hinayang na hinayang na sabi ko.

"Letche! Hahaha! O sya o sya! Mauuna na muna ako, pupuntahan ko lang yung Room 0509! Psh. Ikaw na nga 'tong pinuri eh!" nakabusangot na sabi nito habang kinukuha yung folder niya.

"Letche ka too! Oo na sige na ingat!" kumakaway na sabi ko dito at nag flying kiss lang siya.

"Sya nga pala Eynne, nasan na si Head Nurse Keen?" tanong sakin ni Head Nurse Magnificent.

"Hmm, wala pa po syang text sakin eh. B-" naputol yung sinasabi ko nang biglang...

"OH MY GOD WHERE IS MY SON! OH MY GOD!" napatayo agad kami ni Head Nurse Magnificent sa pagkakaupo habang nagkakape ng biglang may sumisigaw at tumatakbo papunta dito sa Information Station namin na isang ginang.

Sakto naman ang pagdating nila Head Nurse Keen at ng dalawa pa naming Co-Nurse na pang night ship din. Tahimik ang floor na 'to, wala na halos dumadaan dito kahit ala syete palang ng gabi unlike the other floor. Nagsilapitan na din naman yung iba pa naming kasama at na ang kadarating lang na si Assistant Head Nurse na si August na may pagtatakang mukha.

"Good Evening Madam, ano pong maipaglilingkod namin?" nakangiting bati ni Head Nurse Magnificent.

"Nasan yung lalaking pasyente nyong itinakbo dito kaninang tanghali?" nagaalalang tanong nito.

"Okay Madam just relax, what is your son name Madam?" tanong ni Head Nurse Magnificent sabay type sa computer namin just to check if his son is here."

"Vo-" hindi na niya natapos ang sinasabi nya.

"Ah! Head Nurse Magnificent, i already know the patient of Madam's talking, sumunod po kayo sakin, dahil ako po ang nag asikaso sa kanya kanina." nakangiting sabi ni Assistant Head Nurse August kay Madam pero nakita ko 'tong nakatitig sakin habang nagsasalita si Assistant Head Nurse August. Creepy. Grrr!

"Grabe.... kala ko may sunog na kung makasigaw si Madam, nasa Hallway palang kami kanina ayun! Napatakbo kami ng wala sa oras! Hanggang ground floor yata rinig yung boses nya." natatawang sabi ni Nurse Omiera Sey Mandavo, one of my bessy here.

"Korek ka dyan! Nakita ko pa nga kung paano lumaki yung mata ni Head Nurse Keen kanina nung narinig nya yung boses ni Madam, hahaha!" nang-aasar na sabi naman ni Wyza Evol Fodavier, one of my bessy ko din.

"Hahaha! Kahit ako, jusko. Ano bang nangyare kaninang tanghali sa pasyente na yun?" natatawang tanong ni Head Nurse Keen.

"Sa pagkaka-alam ko, isinugod daw yun kanina dahil habang natutulog eh, hindi na daw narinig yung tibok ng puso kaya isinugod dito." kwento samin ni Head Nurse Magnificent.

"Hi guys! Okay na nahatid ko na si Madam kay Sir Te Viamor." nakangiting bati samin ni Assistant Head Nurse August.

"Oh nandyan ka na pala, ano bang nangyare dun sa pasyente sa room 0509?" tanong ni Omiera.

"Ah nakita mo pala ako dung lumabas, hmm. He's fine, bumalik yung heart beat nya nung dinala sya dito kanina, and what? Sa araw-araw namin dito, suki na si Sir Te Viamor ng hospital na 'to, iuuwi sya diba? Tapos after 1 week isusugod ulit sya dito, i think one year na syang tulo-"

"What the eff? One year?" gulat na tanong ni Omiera.

"Ano yun, hindi man lang sya nagigising? O nagising sa one year na yun? Buhay pa ba sya? Comatose? Brain dea-" sunod sunod na tanong ni Wyza.

Nakikinig lang kami kay Assistant Head Nurse August, dumating na din kanina yung mga co-nurse naming 3 at inaasikaso na nila yung ibang pasyente, 14 kami sa floor na 'to pero bilang mo lang sa kamay mo ang mga isinusugod dito. Kaya tahimik din.

Naawa ako dun sa pasyente na yun, 1 year na syang tulog? Hmm. Anim kaming nakatambay dito sa Information Station, at nagchichismisan.

"Yun na nga mga bessy! Kahit sinong doctor--- i mean yung mga private doctors nila ang tumingin sa kanya, wala talagang nakakaalam ng sakit nya, maayos naman yung heart beat nya minsan daw talaga eh humihinto at yun ang inaagapan nila. Yes sa one year nyang nakatengga sa hospital bed nya sa bahay man nila o dito eh, hindi pa sya nagigising. Yep! Meron syang own private room here na syang pinaka magandang kwarto dito sa hospital. At ang room 0509 ang room nya na lagi kong inaasikaso." mahabang kwento ni Assistant Head Nurse August.

"Hmm, so mayaman pala yang family Te Viamor." sabi ni Omiera habang hinihimas ang baba niya.

"Naman! Talagang gagawin nila yun sempre anak nila yung nasa hospital eh." pagsang-ayon ni Wyza.

"At sa pagkakaalam ko, Golden Legendary Te Viamor ang bansag sa tatlong yan, yep. Tatlo silang Golden Legendary Te Viamor, magpipinsan sila kaso naaksidente nga 'tong si Sir Te Viamor kaya sa pagkakaalam ko, umalis yung dalawa dahil mayhahanapin daw sila para sa ikababalik ng lakas ni Sir Te Viamor." kwento ni Assistant Head Nurse August.

"Ano daw ba yung reason kung bakit sya nagkaganun? One year sa pagtulog? Hindi alam ang rason kung bakit nagka ganun?" sa wakas may nakatanong din ako.

"Yan ang tanong na walang makakasagot kahit kanino satin guys, dahil kahit isa dito walang nakakaalam. At nung unang beses syang dalhin dito sa hospital ng mga kasambahay at driver nila edi chineck up sya at walang nakitang kahit anong sakit sa kanya kung bakit sya nagkaganun, that time wala ang parents and cousins nya kaya sinugod nila nung sinumpong nanaman ng sakit at nung napag-alaman ng parents nya na isugod sya dito napanatag pero nung sinabi ng doctor na pinakielaman nila si Sir Te Viamor dahil tinignan kung ano bang sakit meron ito, ora mismo! Tinanggal yung mga doctor and nurses na nangielam sa katawan ni Sir Te Viamor. Eh that time din wala yung personal doctor ng Te Viamor Family, nag lunch kaya pinakielaman ng iba at sinuri na kung ano ano pang sinalpak sa katawan nya para bumalik yung heart beat eh nalaman ng parents ni Sir Te Viamor, tanggal sila dahil dapat kapag isinugod dito si Sir Te Viamor, ilalagay lang siya sa room nya at huwag papakielaman dahil kusang babalik ang heart beat nya. Oh diba ang weird ng kung anong sakit ba meron yung unico ijo ng Te Viamor. Actually weird silang lahat. Hays." minsan na nga lang akong magtanong pero wala pang sagot. Pero atleast may nalaman din ako sa taong yun.

"Paanong hindi bibigyan ng mamahaling kwarto isang Te Viamor eh anak sya ng may ari ng McVamBlo Hospital na pinagtatrabahuan natin." nakangiting sabi ni Head Nurse Keen.

"Oh ayan alam nyo na na ang Family Te Viamor ang may ari ng Hospital na 'to, at alam nyo na din ang gagawin kapag biglang isinugod ang Unico Ijo ng Te Viamor. Diretso lang sa kwarto nito at wala ng iba pang gagawin." seryosong sabi ni Head Nurse Magnificent.

Napanganga kaming apat sa mgà secrets na sinabi samin nila Head Nurse Keen and Magnificent. All this time wala kaming kaalam alam kung sino ang may-ari ng Hospital na 'to, kahit anong gawin namin pangse-search walang lumalabas.

"Jusme! May-ari na pala ng hospital ang inaasikaso ko this time wala akong alam." gulat na sabi ni Assistant Head Nurse August.

"Bakit parang hindi nyo kilala yung Madam na nagtatanong kanina? Eh imposible naman pong kilala nyo ang Family Te Viamor ang may-ari ng Hospital pero hindi nyo kilala ang itsura nun?" nagtatanong pati mukha ni Wyza.

"Oo nga po. Tska bakit bigla nyo po biglang sinabi 'to samin eh alam naming pinagbabawal yun? At for sure onte lang ang nakakaalam nito." follow up na tanong ni Omiera.

"All happened earlier is just a acting only." maikling sagot ni Head Nurse Keen.

"And the reason why we're telling this is, para may malaman na din kayo dito, matagal na din naman kayo at para mas maging maayos pa ang pagtatrabaho natin dito. Okay?" paliwanag ni Head Nurse Magnificent.

"Thank you po sa pagtitiwala, promise satin satin lang po 'to." nakangiting sabi ko, they're just nodded while smiling.

"Sya nga pala! Ate August! What do you think don sa unico ijo ng Family Te Viamor? Hawt ba?" nagniningning ang matang tanong ni Omiera.

"Oo nga! Sa tingin mo ilang taon na sya?" isa pa 'tong si Wyza eh.

"Oh sige na sagutin mo yang tanong ng dalawang yan at para makaalis na tayo para makapagtrabaho na 'tong mga 'to." natatawang sabi ni Head Nurse Magnificent.

Bumusangot naman yung dalawa, tagal na din pala kaming nagkukwentuhan, i checked the time, it's already 9:04pm.

"Oo, gwapo! Ganda ng katawan mga bes! 8packs abs, tska kung titignan mo sya parang wala syang pinagdadaanan. Normal lang yung mukha nya, parang natutulog lang sya. Nakoo! Sobrang gwapo at hot bes! Kung wala lang akong fiance nako! Arf arf! And i think kaedaran nyo sya, 22y/o Hahaha! Pero kapag ganitong oras kung ano ano nalang maririnig mo. Totoo yun ah! Oh sya aalis na kami. Out na kami." nakangiting sagot ni Assistant Head Nurse August samin.

Kanina nung nagdidiscrabe si Assistant Head Nurse August sa pasyente nya halos maglaway yung dalawa, pero nung sinabing may kung ano anong maririnig mo kapag ganitong oras nawala yung ngiti ng dalawa! Hahaha lt yung mukha nila.

"Oh sya mauuna na kami, ingat kayo sa nightship nyo." bilin ni Head Nurse Magnificent samin.

"Oo mag-iingat kami, uuwi ba kayo ni August o sa Head Quarter nyo kayo ngayon?" tanong ni Head Nurse Keen habang inaayos yung mga papers sa folders na dadalhin nya office nya.

"Head Quarter kami ngayon, oh sya mauna na kami." Head Nurse Magnificent

"Bye guys!" Assistant Head Nurse

Nagpaalam na sila samin kaya kami nalang naiwan dito nila Omiera, Wyza, Head Nurse Keen and Me.

"Omiera, pumunta ka sa ground floor then pakikuha kay Dra. Woon yung ibang record ng patients sa floor na 'to dahil nasa kanya yung isang folder, she borrowed it a while ago, then samahan mo muna sya don dahil kailangan nya ng maga-assist sa kanya. Go back here kapag tapos na sya sa gagawin nya at dalhin mo yung folder pagbalik mo, okay?"

"Yes Head Nurse Keen!" masiglang pagsang-ayon ni Omiera.

"Then, Wyza. Paki-check yung 3 na co-nurse mo okay?"

"Yes Head Nurse Keen!" masiglang pagsang-ayon din ni Wyza.

"And Eynne, ikaw muna dito sa Information Station okay? Antayin mo kami, at ako'y pupunta muna sa office para maayos ang mga dapat ayusin, oh sya mauna na kami." Paalam sakin ni Head Nurse Keen. Kumaway naman ako sa kanila.

Nandito lang ako sa cubicle na station namin, pagtingin ko sa tapat ng station naman kung saan may kalakihan na lobby at kung saan nakasabit ang orasan, 10:52pm na.. Ito yung nakakabagot dito eh, binabantayan namin baka kasi may biglang kamag-anak ng pasyente ang dumating. Lumabas muna ako sa Information Station para maghulog ng limang piso dun sa machine na may kape, nakalimutan ko anong tawag sa ganun eh.

Parang biglang lumakas yung hangin sa lobby na syang lalong pinagtaka ko, kaya tumayo na ko dala ang kape ko, minumulto nanaman yata ako, grrr! Papasok palang ako sa half door ng Information Station ng may biglang humawak sa braso ko para pigilan ako sa pagpasok. Sa sobrang gulat ko, napaso pa ko dahil naalog yung kapeng hawak ko.

"Wah! Jusko naman ano bang problema mo at nangg-" natameme ako at napatigil sa pagsasalita ng mapagtanto ko kung sino yung humawak sa braso ko.

"Were sorry if we scared you, we're just want to talk to you Nurse Eynne Agape Vansodozo i am right?" natauhan lang ako ng pisilin nya ang braso kong hindi pa pala nya binibitawan.

"M-Madam Te Viamor.... Y-Yes naman po, wala pong problema, A-Ako nga po si Eynne." hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-utal utal. Para kasing may mali.

Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak pa din sakin, napansin nya yatang hindi nya pa ko binibitawan kaya tinanggal nya na din. Ngumiti ako sa kanya at napansin kong may kasama pala syang lalaki sa bandang likod nya at sobrang gwapo nito, mga kaedaran yata ni Madam, like Madam sobrang ganda nya. Naiilang ako sa mga ngiti niya este nila.

"Hali po kayo sa sala at doon po tayo mag-usap." tumango lang sila at sumunod sakin. Pagkaupo namin, titig na titig sila sakin habang nakangiti.

"Bago mag-umpisa antayin muna natin si Head Nurse Keen Vasdopo at sya ang magpapaliwanag, pero habang wala pa sya, this is my husband Lucas Te Viamor and I am his wife, I'm Sovañia Te Viamor." nakangiting naglahad silang dalawa sakin ng kamay at agad ko itong inabot.

Kasama si Head Nurse sa usapang 'to? Ano ba ang pag-uusapan namin at parang sobrang seryoso nito dahil kasama pa ang Head Nurse namin, isama mo pa ang mga wirdong ngiting binibigay nila sakin. Hays.

"And I am Nurse Eynne Agape Vansodozo naman po, kinagagalak ko po kayong makilala." halos ayaw nilang bitawan yung kamay ko ng iabot ko 'to sa kanila, lalo na si Madam Sovañia at parang kinikilig pa.

"Hey, Sweetheart. Bitawan mo na yung kamay nya, tinatakot mo sya." rinig kong bulong ni Sir Lucas kay Madam Sovañia kaya napangiti ako. Ang sweet nila.

"I'm sorry ija." parang maiiyak na sabi ni Madam Sovañia kaya kinabahan ako, shit! Buntis ba sya?

"No, ija. She's not pregnant. Sensitive lang talaga sya." paliwanag ni Sir Lucas.

Wait---- how did he know what im thinkin' e hindi ko naman vinoice out.

"Halata kasi sa mukha mo ija kaya sinagot ko-ouch! Sweetheart?!" daing nito pero parang nagulat din sya sa pinagsasabi nya kaya yumuko sya ng panlakihan sya ng mata ni Madam Sovañia.

Ngayon alam ko na na may kakaiba talaga dito, hmm. Paano nya nababasa ang nasa utak ko? Ano bang meron s-

"I'm sorry na-late ako." nakangiting sabi ni Head Nurse na kadarating lang, kaya napatayo kami para salubungin sya. Nang makatapat sya samin gumilid ako para makaupo sya, hindi ko alam pero napatingin ako sa hallway na dinaanan nya.

Napako ang tingin ko sa hallway at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ko dahil may nakita akong lalaking nakasilip doon at nakatingin sa direksyon ko. I shook my head pero nandun pa din sya.

"Eynne?? Are you okay?" napatingin ako kay Head Nurse Keen at doon ko lang napansin na pati pala sila Mr. And Mrs. Te Viamor nakatingin sakin ng may pagtatanong.

"Y-Yes, im okay. I'm sorry." nakangiting sabi ko at tumango lang sila at umupo na.

"So, let's start." narinig kong sabi ni Head Nurse Keen.

Pero bago ako pumunta sa upuan na uupuan ko, tinignan ko ulit yung hallway kung saan nakahilera yung mga private room. Pero wala na yung nakasilip doon at nakatingin sakin.

Yung mga matang yon, kahit half face at isang mata nya lang yung nakita ko, parang kilalang kilala ko yung mata nyang nakatingin sakin. Pero hindi ko nalang pinansin at nakinig sa papaumpisa nang usapan namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status