Share

PROLOGUE

Sa lahat ng pagkakataon,

pag-ibig ba ang lagi na dapat pairalin?

Sa bawat panahon na dadaan at lilipas bakit lagi mong pinagdarasal na sana perpekto ang bawat araw at gabi na dadaan na kasama mo siya? Bakit kahit nasasaktan na ka na, mas pinilipi mong manatili sa piling niya? Bakit sa kahit onting oras na naibibigay niya ay sobrang saya mo na? Na kahit ilang dahilan o kung anong dahilan pa ang idahilan para iwan siya ay nananatili ka? 

Isa lang naman ang maisasagot riyan. MAHAL ko kasi siya, at mananatili ako sa PILING niya kahit anong DAHILAN pa ang idahilan para IWAN siya.

Ganun naman talaga kapag nagmamahal diba? Kahit nasasaktan ka na, mananatili ka hangga't may nakikitang kang porsento na mahal ka pa rin niya, na kahit sa pakiramdam mo ikaw nalang ang lumalaban, sasabak ka pa rin sa gyera ng mag-isa para maisalba yung nararamdaman mo para sa kaniya. Dahil para sa akin, hangga't may rason para lumaban, lalaban ako kahit ako nalang, basta ang sandata na aking dadalhin ay ang pag-ibig ko sa kaniya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status