Share

Chapter 2

Maeve’s POV

“Do you have something to say?” tanong ko sa anak na si Maverick nang makauwi kami. Hindi sila nagkita ng kaniyang ama dahil umalis din ito kaagad. Maghahanda pa para sa kaniyang mall tour dito sa aming lugar.

Napanguso si Maverick na siyang kanina pa tahimik.

“Some athlete said na doon daw tatay ko kanina po, Nay,” aniya na napakamot pa sa kaniyang ulo.

“Sayang ‘di ko nakita po! Tapos kinuwento ko sa mga athlete na tatay ko si Juago Pwecillias, they thought I’m joking, Nanay! Pewo tatay ko talaga ‘yon?” Ito na naman kami sa kaniyang tanong.

Wala naman talaga akong balak sabihin na ama niya si Juago Precillias kaya lang dahil kay Ava na siyang nagkuwento rito, wala akong choice kubg hindi ang alamin ang tungkol sa kaniyang ama.

“Kulit mo. Oo. Hawig mo ang ama mo,” ani ko.

“Twue, Nanay ko! Kamukha ko po sabi ni Ninang po!” aniya na humagikhik pa. Sarap kurutin ng pisngi. Hindi ko mapigilan ang mapatawa nang mahina roon.

“Ano? Ako ang kamukha mo!” ani ko kaya tumawa na siya at tumango bago yumakap sa akin.

“Ano, Nanay? Nonood na ba tayo mall show po? Dami fans tatay ko po, eh! Siguwado dami tao po. Knows siya ng everyone, eh!” mayabang niya pang saad na akala mo’y kilala siya ng kaniyang ama. Hindi ko na lang din mapigilan ang mapailing at napatango sa kaniya.

“Yes. Maligo ka na. Sa labas na rin tayo kakain,” ani ko kaya agad naningkit ang mata niya sa akin.

“May pewa tayo, Nanay? Sumahod ka po?” he asked. Bahagya akong natigilan subalit ginulo ko lang din ang kaniyang buhok.

“You don’t have to think about that, Maverick. Of course, we have money,” ani ko na dinaan na lang ‘yon sa tawa kahit na bahagyang nakonsensiya na isa pa ‘yon sa iniisip ng anak ko. Mariin ko na lang na kinagat ang aking labi bago ako napabuntonghininga.

Lumabas na rin kami kalaunan. Just like I said, we went out first to eat. Sa fastfood lang kami dahil ‘yon din ang kaniyang gusto. This kind of food is already luxurious now.

“Thank you, Nanay ko!” he cutely said when we are already done.

Hawak-hawak ko ang kamay niya nang maglakad na kami palabas ng fastfood at naglalakad-lakad na sa mall. Subalit ang batang ‘to’y napakaligalig at binibitawan ang kamay ko kapag may nakikitang kung ano. May ilang kakilala siyang narito kaya panay ang kaway niya. Hindi ko mapigilan ang mapailing na lang doon subalit ang ngiti sa labi ay hindi ko rin naman maiwasan.

Marami namang tao sa mall kay impossible rin talagang magkita silang mag-ama at kung magkita nga, imposibleng maniwala si Juago na may anak siya.

Punong-puno na ang venue nang makarating kami roon. Sa taas sana kami para mas makita niya kaya lang ay puno na rin doon at wala akong choice kung hindi ang dalhin siya sa baba sa pagpipilit nito sa akin.

“You said that you’ll behave, right?” malambing kong sambit sa kaniya. Malapad naman ang ngiti niya at tumango. May nakita pa kaming kaklase niya kaya agad niyang binitawan ang kamay ko para makipag-usap dito. I talk to his classmate’s mom too. She’s Sheena, halos kaedad ko lang din kaya nakakasundo ko rin naman. Napagtatanungan tungkol sa ilang school events sa school nina Maverick. Active din kasi ako pagdating sa mga activities ni Maverick sa school.

We are just randomly talking when the event started. Mayamaya lang ay napuno na ng ingay dahil lumabas si Juago mula sa backstage. Now that I realize it, sobrang sikat nga naman talaga ni Juago sa lahat. Well, wala atang taong hindi nakakakilala rito. Maski rito sa probinsiya’y matunog ang pangalan niya. Kalat din ang mga poster o ‘di naman kaya mga tarpaulin ng pagmumukha nito. Mas lalo pa siguro sa Manila.

Tiniis ko na lang muna ang ingay. Kahit isang performance lang niyang si Juago tapos uuwi na rin kami ng anak ko. Pagbibigyan lang talaga si Maverick.

Speaking of Maverick, nasaan ang bubwit na ‘yon? Agad nanlaki ang mga mata ko nang si Gersey na lang ang narito.

“Ger, where’s Maverick?” Natataranta kong tanong dahil nalingat lang ako sandali at na-distract sa ingay ay wala na ito.

“Pupuntahan niya raw po ang tatay niya, Tita,” ani Gersey na napakamot pa sa kaniyang ulo. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko roon.

“What?” Agad kong natanaw si Maverick na sumisingit sa ilang tao sa harap.

“Hanggang ngayon ba’y tinuturo mo pa rin sa anak mo na tatay niya si Juago, Maeve? Nako! Isang mataas na pangarap ‘yan!” ani Sheena sa akin. Ni hindi ko na napakinggan pa ang sinasabi niya at mabilis na akong sumiksik sa ilang tao dahil maliksi si Maverick at mabilis siyang nakakalusot sa mga tao sa paligid. Sobrang lakas naman ng dagundong ng tibok ng puso ko.

Ang batang ito! Talagang pasasakitin ang ulo ko. Ni halos hindi ako makadaan dahil halos murahin ako ng mga taong sinisingitan ko. Ang iba’y talagang hinaharang ako kung hindi pa ako nakikiusap.

Ni hindi ko makita ang stage dito sa dami ng tao. Libre kaya marami talagang nanonood.

Mayamaya ay huminto ang tugtog, hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko pa lalo ang kaba.

“It’s fine. He’s cute, let him in.” Narinig kong sambit ni Juago. Ang mga mata ko’y mas lalo pang nanlaki dahil doon. Pakiramdam ko’y lahat ng masamang pupuwedeng mangyari’y mabgyayari ngayong araw.

“Hey, Kid, nasaan ang parents mo?” tanong ni Juago sa mapaglarong tinig.

“Diyan lang Nanay ko po! Tatay ko nasa hawap ko!” Maligalig na sambit ng isa pang tinig. Kahit na makasakit na ako’y talagang nagmamadali kong tinutulak ang mga sumusubok na harangin ako. Hindi ako pupuwedeng magkamali. It’s my son’s voice. Kilalang-kilala ko ang boses ng anak kahit nakapikit at sa kulit ba naman ng tinig ay siguradong-sigurado ako.

“Where he is? And what’s your name, Kiddo?” Nahihimigan ko na agad ang paglalaro sa tinig ni Juago habang may mapaglaro ring ngiti sa labi habang ang anak ay paniguradong pinakikita rin ang bungi-bungi niyang ngipin.

“I’m Mavewick! Ikaw tatay ko po, eh!” It’s really my son. Todo ang excuse ko sa lahat ng nadadaanan. May isa pang sinubukang hilain ang braso ko.

“Ano ba, Miss? Bakit ka ba sumisingit?” galit na tanong nito na sinang-ayunan ng mga nasingitan ko. Kaya lang ay wala na sa galit ng mga ito ang nasa isip ko.

Nakuha pa ng mga nagsasalita sa harap ang atensiyon nila kaya binitawan na rin ako at pinalagpas ang pagsingit ko.

“Wala pa akong anak, Kiddo. I’m still single and ready to mingle. Cute ka pero hindi ako ang tatay mo,” natatawang sambit ni Juago roon. Alam ko namang hindi niya alam subalit pakiramdam ko’y may tumutusok sa aking dibdib para sa anak. He was even excited to see his father kaya pakiramdam ko’y unti-unting nawawasak ang pinaghirapang buoin ng aking anak.

Agad ko ring nakita ang mukha ni Maverick nang malapit na ako sa harap. He was still grinning at his father who’s looking at him playfully.

“Sure ako ikaw daw tatay ko po. You have photo with my mom po! Madami! Sa intewnet! I also look like you!” ani Maverick habang nakangiti kay Juago. Napatawa si Juago roon bago niya ginulo ang buhok ni Maverick at pinanggigilan ang pisngi nito.

“Even if I want to pocket you, I’m really sure that I don’t have any kid, Kiddo,” aniya nang natatawa.

“Sino ba nanay nito? Kayo talaga. Baka mamaya isang libo na anak ko niyan,” nagagawa pang magbiro ni Juago habang nangingisi. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Nasa pinakaharap na ako ngayon. Ang tanging harang na lang ay ang railings.

Agad akong nakita ni Maverick at kumaway pa sa akin bago lumapad ang ngiti.

“’Yon Nanay ko po, oh!” sigaw ni Maverick sa mic bago kumaway sa akin. Tila naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. This is your fault, Maeve! If you just hold your hands properly eh ‘di sana’y wala ka rito. Well, hindi naman siguro maniniwala si Juago. He’ll probably think that it was just one of his fan doing. Teasing their child na siya ang ama nito but when Juago and my eyes stare at each other, para bang gusto ko na lang agad na umalis.

Juago froze on his place at napakurap pa habang nakatingin sa akin. Mariin kong kinagat ang aking labi bago ko sinenyasan si Maverick na bumaba ng stage at pumunta sa akin. Imbes na gawin ay kumaway lang siya sa akin.

“Nanay, pogi nga tatay ko po!” aniya kaya agad akong pinamulahan ng mukha. Loko-lokong bata ‘to, baka mamaya isipin pa nilang masiyado akong nahihibang sa kagwapuhan ni Juago na sinabihan pa ang anak na tatay niya ‘to. Bakit hindi ko nga ba naisip? Sa sobrang ligalig nito’y hindi ko naisip na may balak siyang gawin ‘to.

Tumawa si Juago kaya natahimik ang lahat. I thought he’ll say that Maverick’s mom is just lying and it was just on of delusion of his fan kaya lang ay napailing siya habang nangingisi.

“Anak nga ata talaga kita,” aniya na napakamot pa sa kaniya pisngi. The silent if defeaning kaya mariin ko lang kinagat ang aking labi.

Binuhat niya pa si Maverick bago nginitian ito. Napaakyat nga lang ang manager at ang ilang guards niya. Mukhang natataranta pa dahil ang daming kumukuha ng litrato at dahil na rin sa sinabi nito.

Nag-iingay na rin ang paligid dahil sa lumabas na kataga kay Juago. Ang manager niya’y agad na pinapadala ito sa backstage. Ang kupal, nagawa pang isama ang anak ko! Salubong ang kilay ko roon at parang maalisan ng kaluluwa sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

“Manong! ‘Yong anak ko! Ilabas niyo!” inis kong sambit sa ilang gwardiya na hinaharang ang ilang fans na gustong magtungo sa backstage. Para akong sinisilaban sa kinatatayuan ko. Masiyadong kinakabahan para sa anak ko.

Napatingin pa ako nang may sumilip sa backstage, si Juago. He was smirking while signing me to come there. Inutusan niya rin ang isang guard kaya wala itong choice kung hindi ang papasukin ako sa loob.

Halos itulak pa ako ng guard kaya matalim ang mga mata ko nang lingunin ang mga ito. Hayop. Walang ka-gentle-gentle sa katawan.

Nang makapasok sa loob, agad kong nakita si Juago na siyang hinahawakan sa tainga ng babaeng kumausap sa akin sa field kanina.

“We will talk after this Juago. Go home immediately. Talagang malilintikan ka! Hindi ka nag-iisip,” galita na sambit nito. Well, I’m pretty sure that this will be another scandal.

Ano kayang magiging headline ngayon?

‘Juago Precillias, tinakbuhan ang responsibilidad sa anak.’

‘Juago Precillias, may anak na.’

‘Juago Precillias’ mall show turn into chaos.’

Hindi ko mapigilan ang mapailing at dire-diretsong nagtungo na sa gawi nito. He was still holding at talking to his son na para bang hindi narinig ang sermon ng kaniyang manager.

“Maverick, let’s go home,” sambit ko kay Maverick na kumakain ng tsokolate. Kalat-kalat na sa kaniyang mukha ngayon. Mukhang ibinigay ni Juago sa kaniya dahil ang dami nitong hawak ngayon.

“Nanay, dito muna tayo! Daming gift ng tatay ko po!” aniya na ngumiti pa kaya kitang-kita ang bungi-bungi niyang ngipin. Ang cute talaga ng anak ko. Ang sarap tirisin.

“Come here, Maverick. You promise that you’ll behave,” ani ko sa kaniya. Napanguso siya roon at hindi nagsalita.

“So he is my son?” Juago tried to get my attention.

“No. I just told him that you are. Wala akong choice, naghahanap ng ama. Ikaw lang ang nakita ko sa television,” ani ko, trying to make it believable. I just didn’t know that he’ll believe him.

“Really, huh? We didn’t use condom when—” Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya humalakhak siya. Gagong ‘to, hindi na inisip na may bata sa tabi niya.

“I didn’t know that my sperms are that strong. Isang beses lang na hindi nag-condom, nakabuo agad,” natatawa niyang sambit na para bang proud na proud pa roon. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya kaya napatawa ito nang mahina.

“Well, I’ll take my son,” aniya na nakangisi pa sa akin. Unti-unti akong napatayo nang maayos at matalim na nilingon ito.

“Who said so? Who do you think you are?” I’m ready to fight him when he smirk at me.

“Me? Juago Precillias. So, he is really my son, huh?” mapang-asar niya pang tanong. Nilingon niya pa si Maverick na hanggang ngayon ay namamangha pa rin sa kaniyang ama.

“Do you want to live with me, Kiddo?” tanong niya. Of course, Maverick won’t agree. Madami kaming pinagsamahan ng anak ko para lang—Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ang bungi-bunging ngipin niya’y kaniyang nilabas bago sunod-sunod na tumango sa kaniyang ama.

“Of couwse, Tatay!” Manang-mana nga sa ama! Sarap bungian pa ng isang ngipin!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status