Share

Chapter 1

Maeve’s POV

“Nanay! Sabi mo’y nonood tayo sa mall ngayon po? Hindi pa naman ako naglawo pawa rito,” reklamo ni Maverick habang kalat-kalat ang tsokolate sa mukha.

“Heh, magtigil ka. Sisilipin mo lang tatay mo. Hindi ka niyon kilala,” ani ko na nakangisi pa sa kaniya. Sinenyasan ko pa siyang lumapit sa akin kaya napanguso lang siyang nagtungo sa aking gawi. Kumuha lang akong bimpo bago ko pinangpunas sa kaniyang mukha.

Umaliwalas ang kaniyang mukha. Hindi mapagkakailang kamukha niya nga ang kaniyang ama. Mas gwapo nga lang ang anak ko syempre. Pareho nga lang silang mukhang pasaway nitong si Maverick. Hindi ko alam dahil hindi ko rin naman talaga lubusang nakilala ang ama nito.

Kumpara kay Juan Diego Precillias o Juago, walang kahit anong abubot sa mukha si Maverick. Walang piercing sa labi at tainga pero gusto niya raw. Ayos lang naman sa akin pero bata pa siya para roon.

“Eh, totoo bang tatay ko ‘yon. Bakit sabi ng mga kalawo ko, sinungaling daw ako?” reklamo niya pa sa akin.

“Tatay mo nga. Nagtataka pa ba sila sa mukha mong ‘yan?” Napailing na lang ako habang nagsusuot na ng sapatos.

“Pewo bakit ‘di mo pa ako pakilala? Mukhang mayaman ‘yon po, eh! Siguwado tiba-tiba tayo po.” Hindi ko mapigilan ang matawa sa pagkabulol nito sa letter ‘r’. Pinaningkitan ko siya ng mga mata roon.

“Aba’t kanino mo na naman narinig ‘yang salitang ‘yan, huh?” tanong ko kaya humagikhik siya habang ngiting-ngiti pa sa akin. Napailing na lang ako bago ko pinanggigilan ang kaniyang pisngi.

“Kina Kuya Wyan po.” Hirap pa siyang bigkasin ang pangalan ni Ryan kaya mas lalo lang lumapad ang ngiti ko.

“Alright. I’ll bring you to the mall later. Sisilipin mo lang ang ama mo, okay?” tanong ko sa kaniya. Masaya agad itong tumango sa akin. Malapad na malapad ang ngiti. Hinalikan ko lang siya sa pisngi at pinanood siyang nilibang ang sarili sa paglalaro ng robot na aking ginansilyo noon pang nakaraang dalawang taon.

Bahagya akong nakaramdam ng pagkakonsensiya dahil hindi ko man lang ito mabilhan ng bagong laruan. Ni hindi ko man lang maibigay ang mga pangangailangan niya. Mariin ko na lang na kinagat ang aking labi roon. Isang buntonghininga na lang ang pinakawalan ko.

“Let’s go, Maverick. We’ll go to the training center now,” ani ko kaya agad siyang tumango at humawak sa akin. Kapag may nadadaanan kaming kalaro niya’y todo kaway pa ito at pinagmamayabang na astig daw ang Mama niya.

Napailing na lang ako roon bago ko gjnulo ang kaniyang buhok. Ano bang kahanga-hanga sa akin? From the gold-medalist to someone who picks balls in the golfing area now.

My life really change 360. I used to be living in luxury and have a lot of friends however things are just really like that. Ganiyan talaga ang buhay. Who would have thought someone arrogant like me can’t even afford buying toys for her son now? And I needed to bring him to my work because I don’t have anyone with me. Funny how life really works.

Nang makarating kami sa training area ng mga athlete dito sa aming lugar. Hindi na ako nagtangkang titigan pa ang mga ito. I’m just going to be bitter for myself if that’s the case. Wala akong pinagsisihan sa kahit anong desisyon ko sa buhay but of course, sometimes mayroon. Pakiramdam ko may chance pa sana akong bigyan ng mas magandang buhay ang anak ko.

The coaches admire Maverick because he is really good at sports kaya kahit hindi siya enrolled dito sa training center, they usually let him sit in with the players. Nalilibang din naman ang mga players sa kaniya. Pasalamat na rin siguro ako at namana niya sa kaniyang ama ang pagiging kwela nito.

Nagtungo na rin ako sa golfing area nang madala ko si Maverick sa badminton area. Coach Mint likes him and even want to sponsor him if he wanted to participate in any provincial competition here.

Hindi naman mabigat para sa akin ang trabaho ko dahil naging atleta rin naman ako noon. I can say that I enjoy watching the kids play. Talagang sinusuportahan din ang mga ito, hoping that they can get all their wins.

I started going around in the field nang magsimulang magtrabaho. I did a lot of things. Namumulot ng ilang ginamit for exercising and minsan ng mga bola naman.

Napatingin ako sa isang babaeng naglalakad-lakad dito sa field, mukhang sponsor dahil pinapanood ang mga bata and she also looks so expensive with her clothes. Nang mapansin niya ang tingin ko’y agad siyang ngumiti sa akin. She tried to have small talk saying that the kids really have a lot of potential. Sumang-ayon naman ako roon.

"Wait, you look familiar," nakangiting saad sa akin ng isang babae. Ngumiti lang din ako pabalik dito. Pinulot ko lang ang bola at bumati rito bago bumalik sa aking trabaho.

Madalas 'yong marinig sa ibang tao na mahilig sa sports. I used to be gold medalist when it comes to skate boarding. I used to have a lot of money when I was still in my peak.

I was picking one of the balls when I saw familiar face entering the training center. Bahagya akong natigilan nang mapatingin sa isang lalaking pinagkakaguluhan ng ilang atleta lalo na ang mga atletang babae. Bahagya akong napangisi roon. He really have a lot of fans. Maski ang mga assistant dito sa loob ng training center ay sinusubukang magpakuha ng litrato sa kaniya.

I know that he have a mall show here but I didn't know that he'll be visiting the center. Although he have a nice body, he looks super lazy to do sports.

Matapos ko siyang titigan, agad na rin akong bumalik sa aking trabaho. Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong kaba kahit na magkita pa sila ni Maverick. Why would I? Hawig niya lang ang anak ko pero ako ang kamukha niyon. Isa pa, sobrang laki ng mundo naming dalawa para magkasalubong. Impossibleng makilala niya pa ako matapos lang ang isang gabing nagkaroon kami ng ugnayan, ilang taon na ang lumipas ngayon. Well, baka maalala niya pa ang kalat na news tungkol sa amin noon but I'm pretty sure he forget my face now.

Hindi ko lang naman makalimutan ang mukha niya dahil binigyan niya ako ng remembrance. Ang galing pa dahil habang lumalaki si Maverick, hindi niya na nagiging kahawig lang, talagang nagiging kamukha niya na ang bata.

Naputol lang ako sa aking pag-iisip nang tawagin ako ni Sir Tan, one of the trainer here in the training center.

"Maeve! Come here, help us take these things in the golfing area," sambit niya sa akin. Napatikhim ako bago ko inilagay ang bola. Habang tulak-tulak ang cart ay lumapit ako sa kanila.

Unti-unti nang bumalik ang mga atleta sa kani-kanilang training ganoon din ang ilang mga nagtatrabaho rito. Hindi nga lang mapigilan ng iba ang sumulyap at palihim pang kumuha ng litrato rito.

Inayos ko lang sa gilid ang ilang bola bago ako tuluyang nagtungo sa gawi ng mga ito. Saka ko nga lang napagtanto na nakatitig ang mga ito sa akin.

I silently took easily those things that they bring. Looks like it's their donation in the training center. I was about to go straight to the golfing area subalit napakunot ang noo ko nang may sumabay sa akin bago niya kinuha hawak sa kaliwang kamay. Bahagyang nakunot ang noo ko nang mapatingin dito. He's already tilting his head para makita ako nang mabuti. He is also smirking at me.

"You are that person, right?" he asked with that annoying smile on his face. Kitang-kita ang dimple niya habang ang mga matang mala-fox ay tila ba hinuhuli ako. . Tumutunog pa ang suot niyang earing sa pagkamaligalig niya.

"I don't know what you are talking about, Sir. I'll take it." Sinubukan ko pang kunin ang hawak niya. Akala ko'y makikipaghilaan ako rito, the reason why I stumble a little nang bitawan niya.

I ignore him but he looks playful when he chase after me. I used to not know at all about him but because Maverick have a lot of question about him, wala akong choice kung hindi ang kilalanin ito.

"You are the girl who sleep with me," mahinang sambit niya. Sapat na para marinig naming dalawa.

"I gain a bad publicity with you that time," he said before laughing. As if it was funny experience for him. The guy I got involve with that night definitely had a lot of energy but he's more serious that day than now. He looks playful.

"Oh, I don't remember people I sleep with unless it's memorable," ani ko kaya mas lalong lumapad ang ngisi niya.

"Then you remember me. You can't even stop yourself from moa--" Bago niya pa matapos ang sasabihin ay natapakan ko na ang kaniyang paa kaya mas lalo pang lumakas ang tawa nito.

"Mapanakit pa rin. Do you even know how many scars you gave me that night? Of course, you don't. You left immediately and really paid me." Napahalakhak pa siya tila tuwang-tuwa sa ideyang 'yon. Napairap ako sa kaniyang sinabi. So he really still remember me, huh? But who needed that? Who cares if he remember or not?

"You two know each other?" tanong ni Sir Tan. Mukhang nagtaka na sa bulungan namin. Maski ang mga kasama niya ay napatingin na rin sa aming gawi. Mukhang manager niya ang isa at assistant naman ang isa pa.

"Yup, we have a past together," he playfully said. Napakibit na lang ako ng balikat. I don't really feel shy or anything. I just find him interesting. His playfulness remind me of my son.

Napaawang ang labi ni Sir Tan. He looks shocked subalit dahil hindi sinabi ni Juago kung saan, hindi rin siya nagtanong.

We went to the training center sa golfing area. He was just visiting and wants to play kaya hinayaan siya ni Sir Tan kasama ang ilang dumating na sponsors ng training center. They are playing nang inutusan lang ako na tulungan ang ilang namumulot ng bola rito. I just help them too. Ang damuho nga lang si Juago’y tila nanadya.

“Pick it up, Alipin, I’m more lucky using that ball,” aniya. I don’t feel anything about him earlier subalit ngayon ay nakakaramdam na ng iritasiyon dahil he looks like someone who don’t really get serious. Doon siya minahal ng tao and that’s his personality on televisions. He is widely smirking at me, the reason why I look at him annoyed.

“I finally know you!” Nagtungo ang babaeng nanonood sa mga atleta kanina. Nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa akin.

“You are the one who’s in the tabloid with my idiotic brother,” anito na tila ba ngayon lang napagtanto. Hinila niya pa si Juago dahil doon.

“We are going to go now. I hope the two of you won’t cross path again. Masiyado niyo nang pinasakit ang ulo ko noon,” sambit niya. Tumatawa lang si Juago at may binulong pa sa kaniyang kapatid. Masamang tingin ang ibinigay sa kaniya ng babae.

“Shut up! Let’s look on indoor sports then we’ll go now!” anito. Kumaway-kaway naman sa akin si Juago.

Indoor sports? Sa arena sila pupunta? Wait.

I know for sure that he won’t really take responsibility for my son as his career is on peak right now kaya alam ko ring malabong magkakakilala sila ng anak subalit nang sabihin nitong magtutungo siya sa Teakwondo center ay agad akong nakaramdam ng kaba. Maverick is staying there. That kid overshare a lot and even Juago don’t know about him, alam niya naman ang tungkol sa kaniyang ama kaya mahirap na magkita sila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status