Share

Chapter 3

Maeve’s POV

 

“No, my son will come with me in Manila,” ani Juago matapos kong sabihing hindi ako makapapayag.

 

“Ano? Talagang gusto mong malintikan, huh?” nakangisi kong tanong habang matalim ang mga matang nakatingin sa kaniya.

 

“Neknek mo! Pinagbigyan lang kita ngayon dahil sa bata but do you think that I’ll let you take him? Nananaginip ka ata, Juan Diego. Isa pa, paano ka nakakasigurong anak mo nga si Maverick? Palagay mo ba ikaw lang ang nakatalik ko?” Ngumisi siya sa aking tanong kaya unti-unting napawi ang ngisi mula sa aking mga labi.

 

“Why? Hindi ba? I’m pretty sure my skills are unforgettable to the point that you won’t be able to have sex with—” Agad ko siyang sinamaan ng tinapakan sa paa dahil nagawi ang tingin sa amin ng kaniyang manager at ilang staff. Hindi magkandaugaga ang mga ito sa pagsagot ng mga tawag. We are here in his hotel. Wala rin akong choice dahil ang daming taong nakaabang mula sa labas ng mall at kalat na kalat na ang litrato ni Maverick sa social media. Ganoon din ang ilang litrato ko. Some are saying that I’m just an obssess fan.

 

Ang dami na agad article tungkol doon at mukhang nakarinig na ang mga reporters.

 

“This is the reason why I don’t want to handle you! Ang sakit-sakit mo sa ulo! I bring you here with me so you can lie low!” reklamo ni Ms. Juliana. The CEO of his entertainment company and his sister. Napahilot pa ito sa kaniyang sentido. Mabuti na lang din ay mahimbing na ang tulog ni Maverick sa kwarto ng magaling niyang ama kaya hindi na nito naririnig pa ang mga pagkalagulo nila ngayon.

 

“Can I suggest solution?” tanong ko na tumayo na rin sa tabi ni Juago. The idiotic guy even have the guts to hold my hands. Pinaglaruan niya pa ang kamay ko na para bang hindi naman siya interesado sa aking sasabihin.

 

“Maverick is not his son. You can just forget what my son said and tell the media that it was just an obessess fan manipulating her son to say that. Tell the media that I was just a crazy fan, your problem will be solve easily,” seryoso kong sambit habang nakatingin sa mga ito. Humalakhak naman doon si Juago. Sinamaan ko siya ng tingin. This idiot thinks that I’m just joking.

 

“He’s my son. He looks like me when I was his age,” aniya na napakibit ng balikat.

 

“Just tell it! Just to save your career,” ani ko na hindi mapigilan ang mapairap pa. Ngumisi naman siya roon.

 

“As if people won’t forget about that.” He shrugged bago nahiga pa sa kaniyang sofa. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo rito. He’s really an idiot who don’t care about his team. Napailing na lang ang mga ito tila ba sanay na sa kaniyang pag-uugali.

 

His sister doesn’t look like she’s going to take my opinion too. In the end, they just call someone to make a story of how we parted. So both party and Maverick won’t be affected.

 

“The three of you should just stay here for a while. Huwag na huwag mong subukang lumabas, Juago. Talagang malilintikan ka sa akin,” banta ng kapatid ni Juago sa kaniya.

 

“Kayo rin, Ms. Tolentino, you should stay here for a while. Para na rin sa kaligtasan niyong dalawa ni Maverick,” ani Ms. Juliana sa akin.

 

“No, it’s much safer in our house, Ms. Juliana. I think we’ll go home. May trabaho pa rin ako at pasok si Maverick,” ani ko. Agad naman itong nakiusap sa akin.

 

“Please do us a favor, Ms. Tolentino. I’m sorry but I don’t think I can let you two go. Especially now that the media had their eyes on you. Baka kung anong mangyari sa pamangkin ko,” aniya kaya agad akong napatingin dito. Mukhang naniwala rin agad na anak nga ni Juago si Maverick. Well, hindi na nakapagtataka dahil sa ugali nitong si Juan Diego baka ilan na ang panganay niya sa ilang babae.

 

Nang makaalis ang team nila at naiwan lang sa labas ang ilang guards, napatingin ako kay Juago na siyang nakahiga pa rin sa sofa at mukhang umiidlip. Matalim ang mga mata ko habang nakatingin dito. This guy is not even bothered on what’s happening right now.

 

“Stop glaring at me and stop judging,” aniya na natatawa bago siya nagmulat ng mata. Umupo siya nang maayos bago ako nilingon.

 

“I’ll bring Maverick in Manila. We’ll live there,” aniya kaya unti-unting napaawang ang labi ko roon.

 

“What the fuck you are talking about? Maverick’s life is here! He barely know you!” Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit dito kaya napatawa siya sa pagiging aggressive ko.

 

“That’s why he’ll start to know more about me. He’ll live with me wether you want it or not. Sa ating dalawa, I am more suitable to be his guardian. Kayang-kaya kong ibinigay ang mga kagustuhan at pangangailangan niya,” aniya kaya agad tumalim ang mga mata ko. Ang panibughong nararamdaman ay mas lalo pang lumala.

 

“Shut up, Juan Diego. You think you are all that? Ang kapal naman ng mukha mo! Magli-limang taon pa lang si Maverick and obviously sa ina naman talaga dapat siya!” ani ko kaya agad siyang napangisi habang nakatingin sa akin.

 

“You think so? Well, we’ll see.” Mapang-asar pa siyang humalakhak kaya agad kong naramdaman ang paninikip ng dibdib at ang takot na mawala sa akin ang anak. I know damn well how rich people like him work on things just to get what they want. Mariin kong kinagat ang aking labi.

 

“You asshole.” He was playfully looking at me again.

 

“Let’s try what I can do. I can easily twist everything you know. Don’t make this hard for us,” he said. The confident bastard thinks he can buy anything with his money. Well, fuck him.

 

I needed to take Maverick out of here. Kung kakailanganin naming magtungo muli sa panibagong lugar, I’ll do it. If I need to hide again, I won’t mind. Basta makasama lang ang anak ko. I’ll do everything for my son.

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status