Share

Chapter 5

Tahimik na nakaupo si Abby sa harap ng TV ng resthouse na tinutuluyan habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone dahil nalaman niyang wala palang signal sa lugar na iyon dahilan para hindi niya makontak si Angela.

Inis na inis pa rin siya sa inasal ni Oswald kanina dahil para sa kaniya napaka simple lang ng dahilan kung bakit ito nagalit at para itong batang inagawan ng kendi. Napabuntong hininga nalang siya at napapailing saka yumuko habang nakatukod ang dulo ng hawak na cellphone sa noo nito. Nagsisimula na siyang ma bored dahil hindi niya alam ang susunod gagawin, ang TV naman na nasa kaniyang harapan ay mayroon lamang dalawang channel.

Alas otso na ng gabi ay hindi pa rin lumalabas mula sa kwarto si Oswald na siya naman ikinainis ni Abby dahil nagugutom na siya at ilang ulit nang pabalik-balik si Lenlen para papuntahin silang dalawa sa bahay ng kapitan. Ayaw din naman niya itong katukin dahil sa naiinis pa rin siya rito ngunit tumutunog na talaga ang tiyan niya kaya't nilapitan na niya ang silid nito para sana katukin nang bigla naman itong magbukas ng pinto na dahilan para muntikan na siyang masubsob.

"What are you doing?" mala awtoridad nitong tanong sa kaniya kaya agaran namang inayos ni Abby ang pagkakatayo.

" Obviously kakatukin sana kita, nakasampong balik na si Lenlen dito para anyayahan tayo kina kapitan. Alam kong nagugutom ka na rin, humingi nga pala ng pasensiya si Aling Gusing at sinunod niya lang naman ang utos ng mama mo para makipaghalubilo ka raw sa mga tao," sunod-sunod na saad ni Abby habang sinusun si Oswald pababa ng ng hagdanan hanggang sa mapunta ito sa kusina.

" Pupunta ka naman 'di ba?" pangungulit niya sa lalaki a kasulukuyang lumalagok ng tubig.

Hindi naman makapagfocus si Oswald sa pag-inom niya dahil titig na titig sa kanya si Abbygail. Napairap nalang siya sapagkat hindi niya gustong sumali sa mga pagsasalu-salo kaya nga siguro ganun na lang ang inutos ng ina sa matandang katiwala.

" No," tipid at may paniniguradong sagot niya kay Abby saka ito nilagpasan palabas ng kusina.

" But we can't allow all their efforts to go to waste, alam mo naman diba na makakarating din ito sa parents mo?" tumigil si Oswald sa paglalakad at muling hinarap si Abby na nakatayo pa rin sa may pintuan ng kusina. He groaned in exhaustion because he knows na mapapagalitan lang siya ng mga magulang kapag napag-alaman ng mga ito na hindi siya pupunta sa bahay ng kapitan.

Umirap nalang si Abby atsaka tatalikod na sana nang biglang magsalita si Oswald.

"Why do you look so fine with all this pretending? Kasi I know for sure na ayaw mo rin sa set up nating ito, hindi mo rin gusto ang idea na ang pinakasalan mo ay ang pinaka-ayaw mong tao sa mundo. Paano mo nalulunok ang mga oras na kailangan mong maging kasama ako sa isang lugar?" Hindi makasagot si Abby dahil kung sasagutin niya ito ay kulang pa ang lahat ng mga hindi magagandang salita na pwedeng banggitin ng isang tao sa pagkamuhing nararamdaman niya kay Oswald.

" I have my reasons at alam mo iyan, hindi ko maaatim na mawala nalang ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang ko. It is the only thing I have of them, Oswald at titiisin ko lahat ng dapat kong tiisin para maitaguyod 'to," sa unang pagkakataon sa loob ng isang linggo nilang pagiging kasal sa isa't-isa ay nagawang mag-abot ng kanipang mga mata at sa mga sandaling iyon ay alam nilang parehas na iisa lang ang pangungusap nila — nahihirapan na sila.

" Isn't what you're aiming for is happening through a selfish act? Hindi mo ba naisip ang mga taong naapektuhan dahil sa kagustuhan mong maitaguyod ang negosyong naiwan ng mga magulang mo? Hindi mo ba napapansin na may nahihirapan?" malalamig at blangko ang mga titig ng mga mata ni Oswald kay Abbygail sa mga sandaling itanong niya ang mga katanungang ito.

Oo, hindi naisip ni Abby na may nasasaktan na nga dahil sa kagustuhan niya. Hindi niya naisip si Drake na minamahal niya at minamahal siya, hindi niya naisip na baka may girlfriend din si Oswald na kinailangan nitong iwanan para magpakasal sa kaniya, hindi niya naisip ang ibang tao, naging makasarili siya, oo, pero sa kabilang banda ay hindi rin naman niya kagustuhang magkaroon ng isang kasalan.

" Hindi ko ideya na magkaroon ng isang kasal, Oswald. Nang lumapit ako sa mga magulang mo ay iisa lang ang gusto ko, ang humingi ng tulong na maisabla ang kompanya namin dahil alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang pamahalaan ito ng mag-isa lalo na't wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi ko naman alam nung una na kailangan kong sumang-ayon na pakasalan ka para sa hinihingi kong pabor. Kung naiipit ka, sorry, pero parehas lang tayong naiipit at hindi ko rin gustong makasama ka lalo na sa nangyari noon," tiningnan niya ng maigi ang lalaking nalkatayo sa harapan niya at tuluyan na ngang nanumbalik ang mga ala-ala niya limang taon na ang nakalilipas.

Pilit niya mang limutin ang ala-alang ito ay parang wala na itong takas lalo na sa sitwasyon ngayon kasi kahit ibaon man ni Abby sa limot ay kusa pa rin itong aalpas.

" Look, Oswald. I don't have the tiniest interest of being acknowledge as your wife because for me this relationship we have is just a part of a business agreement and nothing else," nagkibit balikat lang si Oswald nang marinig ang sinabi ni Abbygail.

" The interest's usual, Abby," matipid na sagot nito saka naglakad palabas ng pintuan pero ang mga sumunod na sinabi ni Abby sa kaniya ay bahagyang nagpahina sa mga tuhod ni Oswald.

" I never dreamt marrying someone who broke my sister's heart, someone who made her believed that a happily ever after exists. I saw how she cried everynight because of you at hindi ko makalilimutan iyon," isa-isa nang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ni Abbu habang binabalikan ang mga sandaling iyon ng kanyang nakaraan.

" I will never forgive for your being the reason why she killed herself, Oswald".

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status