Share

Chapter 2

" Congratulations, Abby and Oswald," abot tengang pagbati sa kanila ng bestfriend niyang si Angela, hindi niya tuloy alam kung seryoso ba ito o sadyang inaasar lang siya neto.

" Thanks," malamig na sagot ni Oswald atsaka ito uminom sa hawak na basong may lamang wine. Apat na oras na silang nakaupo rito sa kinaroroonan nila kaya alam ni Abby na kagaya niya ay bored na rin ang lalaki sa kapapanood ng mga bisitang nagkakatuwaan sa ginagawang programa ng wedding coordinator nila. Napabuntong-hininga na lang si Abby at pabagsak na sumandal sa upuan. Gustong-gusto na niyang hibarin ang suot na reception gown niya, pagod na talaga siya sa buong araw na pagtayo't pagngiti sa harap ng mga tao, pagod na siyang magpanggap na masaya siya.

" Mauna na ako, pagod na ako. Ikaw na bahala kung mananatili ka pa," mahinang bulong ng asawa sala nito nilapag ang hawak na baso at tumayo. Pinagmasdan niya ang likuran nito habang naglalakad palayo. Hinayaan niya lang ang lalaki dahil alam niyang kahit ito ay hindi rin nasisiyahan sa kasalanang naganap. Magpapalipas lang siya ng ilang minuto at papasok na rin para makapagpahinga.

" Abby! I should get going, okay? It's too late na, see you tomorrow, love you!" paalam ni Angela sa kaniya atsaka ito umalis. Napangiti lang siya habang pinapanood itong umalis, hindi ito ang plano. Napakarami nilang binuong mga pangarap dalawa magkaibigan kung ano ang gagawin nila sa kasal ng bawat isa at sa mga puntong ito alam niyang walang ni isa ang natupad. Ni hindi maenjoy ng kaibigan ang gabi dahil maliban dito ay wala nang ibang kakilala ang dalawa kund ang isa't-isa lang.

" Where's your husband, Abby?" agad nabaling ang tingin ni Abby sa nagsalita at nakita niya ang mama ni Oswald na mag halong pagtatanong ang mukha habang nakatingin sa kanya at tinuturo ang bakanteng pwesto sa kaniyang tabi.

" Pumasok na po, maybe he's tired," matipid niyang sagot. Matagal na niyang kilala ang pamilya ng asawa kaya't hindi na siya gaanong nahihiya sa mga magulang nito.

" Are you fine?" may halong concern sa pagtatanong neto sa kanya at umupo sa tabi niya. How soothing it feels to have someone ask you that question after a very long exhausting day of pretending that you are happy just because it is your wedding day. Ngumiti lang ng tipid si Abby at tumango.

" I know how you wished that you have your parents here with you today but always remember that from now on you already have parents again. I and your tito Nathan, I mean you daddy Nathan will be your parents. If there is anything wrong sasabihin mo sa akin, okay? Lalo na kapag nagloko si Oswald," hinawakan nito ang kamay niya at ngitian siya. Ngumiti lang din si Abby at tumango.

" Pumasok ka na ha, alam kong pagod ka. Kami na ni Nathan ang bahala sa mga bisita. Take a rest," niyakap pa siya neto bago ito tuluyang tumayo at bumalik sa pakikipaghalubilo sa mga bisita.

Naiwanan muli si Abby na mag-isa at pinapanood ang mga bisita kaya ay napagdesisyunan na rin niyang tumayo maya-maya dahil wala rin naman siyang makakausap dito't napapanis lang ang laway niya. Dahan-dahan siyang tumayo at hawak-hawak ang laylayan ng suot na evening gown ay tuluyan na siyang lumabas mula sa venue para pumasok sa separate room niya.

Habang naglalakad patungo sa front desk ng hotel kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal ay nahagip ng paningin niya ang kanina lang ay ikinasal sa kaniya na si Oswald na palabas sa building, pinanood niya itong pumasok sa loob ng kotse na kung saan may isang anino ng babaeng naghihintay. Napailing nalang si Abby at napabuntong hininga dahil katulad niya ay napilitan lang din naman itong matali sa isang papel sa ngalan ng negosyo.

After niyang hingiin ang susi ng kanyang kwarto ay biglang tumunong ang cellphone niya at nang buksan niya ito ay bigla nalang siyang napaupo sa upuan ng lobby.

" Abby, I miss you. I really do."

Iyan ang laman ng message na natanggap niya at kahit pa hindi niya kilala ang numero ng sender ay alam niya naman kung kanino nanggaling ito. At ang lahat ng sakit na pilit niyang nililimot ay unti-unting nagsibalikan, ang mga pilit niyang tinalikuran ay muling nagpaparamdam. Para sa kaniya ang lahat ng pangyayari ay sobrang madaya dahil kaakibat ng mga desisyon niyang ito ay ang mga bagay ba nagpapasaya sa kanya na tuluyan na niyang tinalikuran.

" I know you said you don't want to hear anything from me but I just can't help myself from missing you so much and I am sorry if I am here again. I heard you got married today and it pains me into hell knowing that you married someone else. I don't want to be rude with you but do I really deserve this? We have bee together for years, Abby and nagpakasal ka sa kakilala mo lang. I deserve an explanation dahil simula nang bigla kang makipaghiwalay at umalis ay wala na akong narinig sa iyo, kahit si Angela ay hindi na rin ako kinakausap. I really miss you," halos hindi na makita ni Abby ang screen ng cellphone niya dahil basang-basa na ito ng mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak habang binabasa ang huling message ni Drake sa kaniya, ang lalaking minahal at minamahal niya pero kinailangan niyang talikuran para alagaan ang pangalan ng mga namayapang magulang.

" I'm sorry," pahagulgol niyang paghingi ng tawad habang yakap-yakap ang hawak na cellphone. Gustong-gusto niyang umalis sa mga sandaling ito at tumakbo sa tabi ni Drake, gusto niyang maramdaman ang mga yakap nito at marinig mula rito na okay lang ang lahat na handa siya nitong hintayin, na katulad niya ay gagawin nito ang lahat para maging maayos ang lahat.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Abby ng maramdaman niya ang kapirason tela na yumakap sa kaniya mula sa likuran at nang idilat niya ang mga mata ay nakita niya ang isang lalaki na tulad niya ay may bakas ng luha ang mga mata

" Oswald..." tawag niya rito

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status