Share

Chapter 4

Kasalukuyang nakaupo si Abbygail sa loob ng business class section ng eroplano sa tabi ng bintana habang katabi si Oswald na kasalukuyang busy sa pagkakalikot sa laptop na hawak nito.

Pinagmamasdan niya ang mga ulap na nadadaanan ng eroplano iniisip kung ano nga ba ang pupuntahan niya. Saan ba papatungo ang lahat.

Kaninang umaga lang ay nagising na naman siya sa isang panaginip kung saan nakita niya ang amang tinatawag siya at niyakap siya. Hindi niya makita ang mukha nito pero alam niyang ang daddy niya iyo, napakaganda ng kaniyang panaginip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe mula kay

Drake na naglalaman ng pandagdag sa confusion niya.

Nagising nalang si Abby nang makaramdam siyang may umaalog sa kaniya at nang indilat niya ang mga mata ay nakita niya nalang si Oswald na nakatayo sa harap niya.

" We're here," tanging sabi nito saka ito naunang lumakad palabas ng eroplano. Dali-dali namang tumayo si Abby at sumunod na rin sa lalaki. Paglabas nila ng airport ay agad na may naghihintay sa kanilang isang sasakyan.

" Mr. Fuerte? Mrs. Fuerte?" pagtatanong nito at tinanguan lang naman ito ni Oswald saka tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan na di man lang siya inantay. Sinamaan lang ng tingin ni Abby and lalaking nasa loob kaya natawa nalang din ang driver.

" Ganun talaga po kapag bagong kasal, may mga ugaling nakakagulat," pabiro nitong sabi saka siya giniya papasok ng sasakyan.

" Ano'ng pinag-usapan niyo?" tanong ni Oswald sa kaniya pero nagpretend siyang hindi niya ito narinig.

" Tinatanong kita," pag-uulit nito.

" Hindi kita naririnig," sarcastic namang tugon ni Abby at inirapan ang asawa na napapailing lang saka ipinikit ang mata.

Ilang mga sandali pa ay nakarating na sila sa isang malaking bahay sa tuktok ng isang bukirin sa isang probinsiya. Tahimik ang buong paligid at napakasariwa ng hangin, nang lumabas si Abby sa naturang kotse ay agad siyang sinalubong ng isang may katandaang ginang at batang babae na sa pakiwari niya ay mag lola o mag nanay. Agad namang kinuha ng batang babae ang hawak niyang handbag at kahit tanggihan niya ay nag insist pa rin ito kaya hinayaan nalang niya.

" Just let them do their job, for sure natawagan na sila ni mama ahead of time kaya sila nandito," saad ni Oswald bago siya nito lagpasan papasok sa bahay. Inilibot ni Abby ang paningin niya sa buong paligid, lumaki rin siya na may marangyang buhay at minsang kinilala ang ama niya bilang pinakabatang matagumpay sa larangan ng negosyo matapos nitong mapalago ang ABC sa edad na 27 at makipagsabayan sa mga beteranong mga negosyante pero hindi sila nagkaroon ng ganitong ari-arian kaya't manghang-mangha siya sa paligid ng buong bahay.

Kung tutuusin para itong palasyo na nakatayo sa tuktok ng bundok dahil sa isang direksyon ay makikita mo ang buong kabayanan na halos pagmamay-ari ng pamilya ni Oswald ang lupain at sa kabilang dako naman ay matatanaw mo ang rancho na pagmamay-ari rin nila na may daang-daang bilang ng mga kabayo, ngayon lang tuluyang napagtanto ni Abby kung gaano talaga kayaman ang pamilya ng pinakasalang lalaki.

" Ang ganda diba po? Lahat po iyan ay pagmamay-ari nila sir Hugo pero 'yung bandang may kinatatayuan po ng mga bahay namin ay naibigay na po sa pangalan namin kaya sobrang nirerespeto po sila ng mga taumbayan kasi bukod sa may trabaho kami tapos may tirahan pa kami ay hindi po nila pinaghihimasukan ang pulitika ng bayan. Kaya nga po kapag dumadalaw sila dito ay parang may piyestahan po katulad ngayon may nagkakatay po ng kabayo para sa pagdating ninyo," nakangiting kwento ng batang kanina lang ay pilit na kinukuha ang hawak niyang bag.

" Ako po pala si Lenlen at yung kasama ko naman po ay si Lola Gusing. Matagal na po kaming naninilbihan sa pamilya po nila sir Oswald, pinaaral po nila kami kaya marami pong mga kabataan ngayon ay iskolar po nila," mas lalong namangha si Abby sa narinig. Hindi niya kailanman inakala na ganito kabait ang pamilya ng mga Fuerte kahit na matagal na nila itong kakilala.

" Siya nga po pala, nakahanda na po ang kwarto ninyo. Atsaka pisasabi po ni Lola Gusing na kumain muna kayo at alam niya pong mahaba ang naging byahe niyo papunta dito," aya nito sa kanya na siyang tinanguan naman niya.

Bago pa siya tuluyang sumunod sa bata ay pinagmasdan niya ulit ang buong paligid, palubog na ang araw at sobrang ganda nito.

" Pumasok ka na," halos mapalundag ang puso ni Abby sa kaba ng marinig niya ang boses ni Oswald pero nang lingunin niya ito ay wala ito sa likuran niya kundi nasa itaas ito ng terrace ng ikalawang palapag.

" Ang ganda," tanging nasabi nalang niya pero natawa lang ito

" Walang maganda sa palubog na araw, pumasok ka na," sumimangot lang si Abby at pumasok na sa loob. Pagkarating niya sa dining area ay nakita niya ang simpleng pagkain na inihanda ni Aling Gusing.

" Ito lang ba ang niluto mo, Aling Gusing?" tila iritableng tanong ni Oswald matapos makita ang isang pirasong isa na nasa hapag-kainan.

" Eh kasi po sir sabi ni Madam Olga huwag daw ako magluto at magkakaroon daw po ng kanina kina kapitan mamaya," pagpapaliwanag ng matanda at hindi namab sumagot si Oswald habang matalim na tinititigan ang nakahain sa mesa.

" Okay lang aling Gusing. Okay na po ito," paninigurado ni Abby sa matanda na tila kinakabahan na sa susunod na sasabihin ng among lalaki.

" Okay lang? Ano'ng okay lang? This is not okay, isda? Iyan lang? What do you think of me? A kid?" pabagsak na sagot ni Oswald na siyang ikinagulat ni Abby dahil sa loob ng isang linggo nilang pagsasama sa iisang bubong ay ngayon niya pa lang ito nakitang ganito.

" Sorry po. Ipagluluto ko nalang po kayo ng iba," paghingi ng paumanhin ng matanda na siyang ikinainis ni Abby.

" Huwag na po, kainin mo na iyan Oswald at hindi naman ako gutom. Huwag kang magreklamo dahil nag effort din naman sila para ipaghanda tayo. It was a very short notice na dadating tayo kaya we cannot really expect them to be prepared in the way you expect them to be," paliwanag ni Abby para pakalmahin ang sitwasyon pero ang mas lalo niyang ikinagulat ay nang biglang ibagsak ni Oswald ang kutsara't tinidor na hawak nito sa plato.

" Don't tell me what to do, Abbygail. Don't act like you're someone essential in my life para pagsabihan ako nang mga gagawin ko. Remember this, Abbygail. You are no one for me, let's be clear with that," saka ito tuluyang tumayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status