Share

Chapter 3

Marahang natawa siya at napailing. Inubos niya ang laman ng baso at saka nagpasyang tumayo.

"Opss."

Natawa siya nang muntik pa siyang natumba. Mabuti at nabunggo niya ang lalaki at napahawak siya sa braso nito. Nasinghot niya pa ang pabango nito, gustong-gusto niya 'yon pero mas gusto niyang sumayaw. Umiikot na ang paningin niya sa daming nainom. Pero ayaw niya pa na umuwi. Gusto niya pa niya na sumaya at makalimutan ang sakit na nararamdaman. Pilit na dinilat niya ang mga mata, inalis niya ang kamay sa braso nito at pasuray-suray na naglakad sa mga taong sumasayaw.

Nagtagumpay siya kahit na muntik na naman siyang matalisod. Mabuti talaga at hindi naman siya pinabayaan ng panginoon sa mga panahong ito. At dahil ang gusto niya lang ay maalis ang sakit sa puso niya kahit ilang minuto lang. Ang tanging gusto niya lang sa ngayon ay maging masaya. Pero sa hindi maiwasan na pangyayari ay napaluha na naman ang mga mata niya, kaya bago pa talaga siya maiyak ay nagsimula na siyang sumayaw. Hindi niya maintindihan ang sayaw niya, dahil puro talon lang ang ginagawa niya. Hanggang sa unti unting nagbago ang tugtog at biglang naging sweet. Akmang aalis na sana siya nang may isang kamay na gumapang at niyakap ang baywang niya. Dumiin ang matigas na dibdib nito sa likod niya. Ang mabibigat na paghinga nito ay tumatama sa tainga niya na nagpapakiliti sa kaibuturan niya.

Hindi maunawaan ni Tasha ang sarili, lalo na sa sitwasyong ito na may nakayapos sa kanya na hindi niya kilala. Pero ang katawan niya ay nagugustuhan ang kamay nitong nasa tagiliran niya at humahaplos na parang nagpapakalma sa kanya. Pinikit niya ang mga mata at sinandal ang likod sa katawan ng lalaki na hindi gumagalaw ang katawan nilang dalawa. Dahan dahan niyang sinandal ang likod ng ulo sa balikat nito at napapikit. Ang labi ng lalaki ay tumatama sa gilid ng noo niya pero wala siyang pakialam kahit na inamoy-amoy na nito ang buhok niya. Dapat nga ay magalit siya sa pangbabastos nito pero hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw sa pagkakataon na yaon.

"What’s your name?" mahinang tanong ng lalaki na nakakapanindig balahibo.

Parang lasing na sumagot siya at sinabi, “T-Tasha."

"That’s a beautiful name. Bagay sa’yo ."

“Thank you." Kahit pambobola lang ang sinabi nito ay napangiti siya.

Pinaikot niya ang isang kamay at humawak sa batok ng lalaki, ang buhok nito sa batok ay pinaglalaruan ng daliri niya. Kagat ang labi ay lumalim ang paghinga niya na ang kamay nito ay pumipiga na sa tagiliran niya. Nagsimula na rin itong gumiling, dahil nakasandal ang likod niya sa kaniya kaya nadadala siya. Hanggang sa unti-unting nasiyahan na siya sa lalaki. Sinabayan niya ang bawat paggiling nito. Ang puwet niya na lalong idiniin sa pagkalal*ki nitong nasa likod niya na ramdam na ramdam niya na ang pamumukol. Napasinghap siya sa gulat ng bumakat 'yon at napatigil siya.

“Talaga bang gano'n kalaki 'yon?” tanong ni Tasha sa loob ng utak niya.

Naputol ang iniisip niya at napapikit nang maramdaman niya ang labi ng lalaki na humahalik sa pisngi niya. Hanggang sa hindi na nga siguro ito natiis. Hinawakan nito ang baba niya at pinabaling ang mukha niya rito na sumalubong sa kanya ang malambot na mga labi nito at mamasa-masa. Hanggang sa ang nga labi nito ay dahan-dahang gumalaw na sinabayan niya naman. Naging magaspang at mapusok ang mga labi nito, nakipag-espadahan siya ng dila at sipsipan. Mukhang wala pa sana itong balak na humiwalay kong hindi lang niya tinulak ang bibdib nito dahil hindi na siya makahinga sa ginagawa ng lalaki. Kung makahalik kasi sa kanya akala mo pitong taon siyang hindi nakatikim at hayok na hayok. Natawa na lang siya at napailing. Bigla ay gumana na naman ang pagkapilya niya. Walang anu-anong humarap siya sa lalaki at iniyakap ang dalawang braso sa leeg nito. Pinagdikit ang katawan nilang dalawa at nagsimulang gumiling. Napagitnaan ang isang hita ng lalaki pero ramdam niya naman ang pagkalal*ki nito sa hita niya. Doon niya na ginalingan ang paggiling. Kagat ang labing nasiyahan siya sa ginagawa lalo na nang maramdaman ang kamay ng lalaki na nasa baywang niya na humighigpit na nakahawak doon. However, ang malalalim nitong paghinga ang kinakasiya niya. Napatitig siya sa mga labi nitong humalik sa kanya kanina. Dahan-dahan umakyat ang mata niya at napatitig sa mukha nito. Hindi niya maiwasang mapatulala sa gandang lalaking nasa harapan niya. Bigla ay nawala ang pagkalasing niya sa nakita.

"’Wag mo akong tignan ng ganyan,” tiim bagang na bulong niya sa labi nilang dalawang magkadikit na.

Tumaas ang dalawa kilay ng lalaki. “Anong klase ba ang tingin ko?" May naglalarong ngisi sa labi niya. Ang mga mata mo ay nagsasabi sa'kin na gusto mo akong ma-kama ngayon."

Bigla ay natawa siya sa lalaki at napailing. Bumaba ang mata niya sa malapad nitong balikat. “Paano ka naman nakakasigurong gusto ko talaga? Kulang pa ang halik para sumama ako sa’yo . Bigyan mo pa ako ng rason para sumama ako sa'yo mamaya,” malanding bulong niya, pero hindi niya gawain ang makipag-one night stand.

Kaya pagkatapos niyang maglaro sa apoy mamaya, aalis din siya. Kahit lasing siya ay alam niya rin ang tama at mali sa ginagawa niya.

"Hmm," isang ungol nito bago siya pinatitigan ng matagal.

Kaagad na sinapo nito ang pisngi niya, at sinunggaban niya siya ng halik na hinahanap niya, sana nga lang ay hindi mamaga ang labi niya bukas. Napangiti siya lalo nang niyakap niya ang ulo ng lalaki sa mga braso niya. Walang tigil ang paggiling ng balakang niya, ang dibdib niyang nakadiin sa malapad nitong dibdib. Pawis na pawis na siya sa ginagawa niya, lalo na sa suot niyang balot na balot ang katawan niya.

Ang isang kamay nito ay bumaba sa tiyan niya at tinanggal ang pagkakabutones nu’n. Pinagpapasalamat niya lang talaga at madilim sa pwesto nila dahil nasa bandang gilid sila kaya walang makakapansin kahit na ano pang gawin nilang dalawa.

Kaagad na pumiga ang kamay nito sa dibdib niya. Hindi naman naging hadlang sa lalaki kahit na may damit pa siya at bra. Isang ungol ang namutawi sa labi niya dahil sa pagpisil nito. Gamit ang buong lakas, kahit ramdam niyang matutumba na siya, tinulak niya ang lalaki. Kaagad naman itong humiwalay sa kanya. Kahit gustong gusto niya ang halik nito pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi siya ganoong babae, hindi niya ibibigay ang sarili sa taong hindi niya kilala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status