Share

Chapter 4

Nagising si Tasya dahil sa kiliting nararamdaman niya. Parang may naglalaro sa kanyang pagkababae, dinidilaan dahilan nang pagliyad ng likod niya at napaungol.

Tuluyan na ngang nawala ang antok niya ng mapagtanto kung ano ang hinahawakan niya na nasa gitna ng mga hita niya. Ulo ng isang lalaki. Nanlaki ang mga matang dumilat siya, kaagad siyang napatingin sa ulong hawak hawak at napasabunot pa nga sa buhok nito.

Sa gulat niya ay kaagad niya itong sinipa dahilan nang pagkahulog nito sa kama sabay tumili nang tumili habang tinatakpan ang katawan ng unan dahil wala siyang mahagilap na kumot.

"S*t! sino ka? anong ginawa mo sa' kin?" Inilibot niya ang paningin sa buong kwarto at mas lalo lang siyang nakaramdam ng takot dahil hindi pamilyar sa kanya.

Malutong lang na mura ang narinig niya sa lalaki. Nang tingnan niya ito ay nakahawak ito sa balakang at ang isang kamay ay kumakamot sa ulo. Nangunot ang noo niya dahil parang kilala niya naman ang lalaki.

"Hindi ako makapaniwalang sinipa mo ako pagkatapos ng lahat nang ginawa ko sa'yo. Wag kang mag-alala, hindi ko ugaling makipag-s*x kung lasing o ayaw ng partner ko" ani nito at umupo sa dulo ng kama. Siya naman ay lumayo at niyakap ang tuhod.

Walang hiya, wala raw ginawa sa kanya pero hubot-hubad siya at nagising pa siyang kinakain ang pagkababae niya.

Pinatitigan niya ang lalaking nakatingin sa kanya. Pinakiramdaman niya rin ang katawan at laking pasasalamat niya dahil wala siyang maramdamang sakit. Nagpakawala siya ng buntong hininga at kahinga nang maluwag.

Wala siyang maalala kagabi sa mga nangyari, pero naniniwala siyang wala nga itong ginawa sa kanya maliban sa pagkain sa pagkababae niya. Mapapatawad niya naman rin ito. Nagmamadali ang kilos na tumayo at hinagilap niya ang mga damit. Walang lingong nagbihis siya, hinarap niya lang ito nang matapos na siya.

"Ano?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Siya pa ang may ganang taasan ng kilay nito. Nakakrus ang mga braso nito, naka-topless lang ito kaya kitang kita niya ang maganda nitong katawan.

"Aalis kana ba talaga agad? Hindi mo man lang suklian ang kabutihan ng loob na pinakita ko sa'yo?" At ang loko. Ang sarap nitong itlogan. Hindi ba nito nararamdaman na sobrang nahihiya na siya sa nangyari kaya siya nagmamadali?

Pero sa nakikita niya ay mukhang wala lang 'yon sa lalaki. Hindi man lang ito nakaramdam ng hiya o ilang. Hindi kalaunan ay napag-isip niya ring magpasalamat dito. Hindi niya na tinanggihan ang alok nitong breakfast at para na rin pormal siyang makapagpasalamat.

Malaki ang pasasalamat niya at ito ang nakasama niya kagabi. Na kahit lasing siya ay hindi siya sinamantalaan, dinala siya nito sa hotel at isang gabing inalagaan kahit hindi naman sila magkakilala. Hindi siya makaniwalang may tao pa pa lang kagaya ng kaharap niya.

Bago lumabas ng room nila ay pasimple siyang nagbanyo para hugasan ang pagkababaeng namamasa at ang lagkit dahil sa ginagawa ng binata.

"Thank you," ani niya. Nahihiya pa siyang tingna ang binata. "Thank you sa ginawa mo kagabi. Kagabi lang, hindi na kasama ang nangyari kaninang umaga." Pagsusungit ng boses niya kaya natawa ang kaharap habang kumakain. Ibinaba nito ang hawak hawak na tinidor at kutsara tsaka itinuon ang atensiyon sa kanya.

"Your welcome, at isa pa kung kailangan mo ng kainuman tawagan mo lang ako. Sa' kin makakasiguro kang walang mangyaring masama sa'yo. At sasabihin ko sa'yong hindi lahat ng lalaki kagaya ko. Pano na lang kung ibang tao ang nakasama mo kagabi? pano kung napag-tripan ka ng kung sino sino? Pano kung paggising mo hindi mo magugustuhan ang bubungad sa'yo?

Wala sa sariling umikot ang mata niya dahil sa sinibi nito. "Para namang gusto ko ang nangyari kanina pagkagising ko, sana pala sinapak kita sa ginawa mong paghubad ng damit ko," ani niya. Pero ang totoo ay parang may humaplos sa puso niya, pakiramdam niya ay may isang taong nag-aalala sa kanya.

Kaagad niyang tinago ang ngiti at tumingin dito. Nakataas ang dalawa nitong kilay na parang hindi makapaniwala sa sinagot niya. "Last night, tinanggihan mo ako habang nagsasayaw tayo. At hindi ko naman inaasahan na makatulog ka pala habang nakasandal sa'kin, kaya wala akong choice kundi dalhin ka sa malapit na hotel. At tungkol sa damit mo, ikaw mismo ang naghubad niyan tinulungan lang kita dahil ang sabi mo hindi ka makatulog kung may sagabal na damit sa katawan mo."

" 'Yon na nga sana eh, maganda na sana ang kaso, pinapak mo naman ako kinaumagahan. Gentelman kana sana, ang kaso hindi mo pa rin mapigilan yang tit-... dila mo." Nagpipigil na matawa ito sa sinabi niya, umikot lang din ang mata niya sa lalaki.

"Hindi mo ako masisisi, lalaki ako na may nakitang nakahaing masarap na pagkain sa lamesa na dahilan ng pagkabuhay ng dugo ko sa katawan." Diyos ko po, may nalalaman pa siyang ganoon.

"So kasalan ko dahil masarap ako kahit tingnan mo pa lang?"

"Wala naman akong sinabi na kasalanan mo." Napabuntong hininga na lang siya. Napailang at napangiti nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Alam niyang hindi rin magpapatalo ang lalaki kaya titigil na siya.

"Okey, wala na akong sasabihin. Lahat na lang may sagot ka." Tuwang tuwa naman itong nagsimula nang kumain ulit. Nagsimula na rin siyang kumain ulit.

"Here." Napatingin siya sa kamay nito na may hawak hawak na calling card. "Pwede mo akong tawagan kahit kailan mo gusto," ani nito.

Inabot niya 'yon at binasa ang pangalan ng lalaki. "Nice to meet you Sandro." Sa rami na nang napag-usapan nila ay ngayon niya lang nalaman ang pangalan nito.

"Tasha." Inabot niya ang kamay ng lalaki at nakipagkamay dito. Nagkangitian sila. Pinatitigan niya ang lalaki, matipuno ang katawan nito at may taglay na kagwapuhan. Hindi mo akalain na may pagka-gentelman ito sa katawan.

"Do you want to know when you're inlove already? 'yang klaseng titig na ginagawa mo ngayon ay isa sa patunay na gusto mona ang tao." Ngisi nito at tuwang tuwa pa sa sariling pambobola. Napa tsk at inilingan niya ang lalaki.

"Hindi ka lang pala talaga gentelman." Ngumiti siya at pinagsiklop ang mga daliri tsaka ipinatong sa lamesa para 'don din ipatong ang baba. "Isa ka ring hambogerong malakas ang hangin na gwapong gwapo sa sarili." Nawala ang ngiti nito at dahan dahang napanguso sa sinabi niya. Siya naman ay nagpipigil matawa sa hitsura ng binata.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahatid na rin siya sa lalaki dahil sa pamimilit na rin nito.

"Salamat sa paghatid," ani niya at tumingin dito. "Wag kang mag-alala, babawi ako sa'yo."

"Okey, siguraduhin mo lang na tatawagan mo ako at babawi ka. Alam ko na ang bahay mo ngayon kaya wag mong subukang takasan ako." Biro nito niya na kina-ilang niya

"Bababa na ako." Paalam niya at humalik sa pisngi ng binata. bumaba na siya ng sasakyan at binuksan pa talaga nito ang bintana para sumilip at kumindat sa kanya.

Natatawang tumango na lang siya. Nang makalayo na ang sasakyan ng binata ay humarap siya sa bahay at malalim na bumuntong hininga. Nasa labas pa lang siya ng gate ay ramdam niyang sinasalubong na siya ng mga problema.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status