Share

CHAPTER 3

HEAVEN AND HELL SERIES BOOK 1: THE SWEETEST PSYCHOPATH

CHAPTER 3: Meeting him at second time around

Nanganganib nga ba ako sa kanya? Bakit kasi kinakabahan ako kapag nakita siya? Lalo na kung malapit siya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero mas maigi kong balewalain ko na lamang ito. Mas makakabuti 'yun dahil kapag nalaman 'to ni mommy tiyak na hindi maganda ang mangyayari.

Inayos ko ang pagkakaupo ko, tumuwid ako ng upo at sumandal habang diretso ang tingin sa harapan. May prof sa unahan na nagtuturo pero ang isip ko nasa labas at naglalakbay.

Nakakahiya dahil first day ko pa naman ito. Nasa unang subject palang kami at ang lecture ng prof ay tatagal ng tatlong oras at kalahati.

Kaya ko naman tumagal sa ganyang katagal na oras dahil nasanay na ako sa bahay. Mas lalo nga lang akong ginanahan dahil may nakikita akong mga classmates na kasama kong matuto. Puro pagsulat ng notes ang umubos sa dalawang oras at kapag discuss nakikisabay ako sa pagsagot sa tanong ng professor namin.

Good start for me!

Matapos ang tatlong oras nagpaalam na ang prof at nag iwan nalang ng ibang notes. Natapos ko 'yun agad at may thirty minutes pa bago mag lunch break.

Bumaling sa'kin si Beth at nagtanong, "Tapos kana Miss?"

Tumango ako sa kanya habang ilalagay ko ang notebook sa bag.

"Tapos na rin po ako, pwede na po tayo maunang mag-lunch umalis narin naman po ang prof." Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

"Ah ganun, sige tara na sa canteen."

Nagpatiuna ako sa paglalakad palabas, nagkatinginan ang mga Blockmates ko. Ewan ko lang kong magiging classmates ko pa sila. Kahit isa walang lumapit sa'kin na pinagpasalamat ko. Dahil isa lang ang pwede kong kaibiganin sa university na'to pipiliin ko na agad ang unang lumapit sa'kin.

Hindi ko muna iisipin 'yun sa ngayon. Uunahin ko muna ang sikmura ko sa ngayon. Pumasok kami sa canteen at nakitang maraming estudyante ang kumakain na, medyo punuan narin ang mga mesa.

Lumingon ako kay Beth. "Siguro sa taas na lang tayo kumain. Wala na atang bakante rito," mataman kong sinabi, at pinalibot ang tingin sa paligid. 

"Sige po miss."

Pumila kami sa counter para makapag-order. Tahimik lang si Beth sa likuran ko. Hindi naman masyadong mahaba ang pila kaya agad rin kaming nakabili ng pagkain.

Umakyat agad kami sa second floor nitong canteen. May ilang mesa pa ang bakante. Nabaling ako sa isang grupo na nakaupo sa dulo, katabi ng glass window. Nakatingin sila sa direksyon ko. Nagtatawanan sila habang nag uusap siguro pero nakatingin sakin. Meron dun tatlong lalaki at isang babae. Hindi ko na sila pinansin at lumapit na paupo sa malapit sa kanila, isang mesa ang pagitan.

Naupo kami ni Beth at agad na kumain. Wala na akong pakialam sa paligid ko dahil busy na ako sa pagkain ko.

Nang matapos ay nagpapahinga muna ako sandali. Nakaupo lang dito habang hinihintay din si Beth. Nagpaalam siyang magba-banyo sandali. 

Napako ang tingin ko sa isang lamesa na maingay. May bagong dating at nagkakatuwaan sila. May dumating pang dalawang lalaki. Nangunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking matangkad.

Naru'n siya sa grupo ng maiingay. Napabaling ang tingin niya sa akin, napasinghap ako. Ngumisi siya sakin bago naupo.

Nginisihan niya ako. Automatic na kapag nandyan siya kinakabahan ako, lalo pa ngayon nginisihan niya ako. Ang pula ng mga labi niya mukang malambot.

Napahawak ako bigla sa labi ko. Bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko kapag nand'yan siya? Gusto ko ba siya? 

"Miss?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakatayo sa harap ko si Beth, kakabalik lang galing sa banyo. Nakatulala pala ako habang hawak ang labi ko.

"Tara na…" aya ko sa kanya, tumayo na ako para makaalis na sa canteen.

Next subject FILN1, start at 1pm. Ang monday class ang pinaka hectic dahil hanggang mamayang gabi may klase ako. Hindi pala biro ang kinuha kong course.

Napabuntonghininga ako habang tinitignan ang schedule ko. Nandito na kami ni Beth sa room. Hinihintay na lang namin ang prof.

Hindi ko naman masasabing boring ang class dahil magaling naman ang prof na nagtuturo. Na Ingganyo ako sa pakikinig at pagsulat.

So far, so good ang buong maghapon. Wala pa namang kakaibang pangyayari. Nag orientation kanina ang prof namin sa GenChem dun sa laboratory, katapat lang nitong building namin.

Last subject GEC1, gabi na kaming nakauwi ni Beth dahil natapos ang klase ng 9pm. Nakakapagod man ang araw na ito, alam ko naman sa sarili ko na masaya ako.

Umakyat kaagad ako sa kwarto ko, pagod na ibinaksak ko ang sarili sa malambot na kama. Pumikit ako ng bahagya ng makaramdam ng ginhawa.

Nag-flash bigla sa isip ko ang lalaking nakangisi sa akin. He look presentable and clean. His eyes is gleaming in glee… And my heart never stop at fast beating, like someone is running inside of it.

"Ma'am Clarise?"

Naalimpungatan ako dahil sa kumakatok at tumawag sa'kin. Napabangon ako bigla. Nakaidlip pala ako?

Napanaginipan ko ba ang lalaking 'yun? Bakit naman siya pa ang pumasok sa isip ko? Hindi ko kasi makalimutan ang ngisi niya. Nakakahibang makita.

"Ma'am Clarise?" Tawag muli ng kasambahay, sabay katok ulit.

Tumayo ako at pumunta sa pinto upang buksan 'to. "Yes?" Bungad ko.

"Nakahanda na po ang hapunan niyo, nasa hapag din po ang mommy mo at hinihintay ka."

"Sige po, baba na ako."

Sumabay na ako sa pagbaba patungo sa dining area. Nakaupo nga sa kabisera si mommy at paunti-unting sumusubo.

"Good evening po mommy…" bungad na pagbati ko.

"Evening," maikling tugon niya, naupo na ako at nag simula narin kumain.

Tahimik sa hapag habang kami'y kumakain. Nakayuko ako at tuloy-tuloy lang sa pagsubo. Napaangat lang ako ng tumikhim si mommy. Mukhang may sasabihin.

"How's your first day?"

"Good po mommy, nakakasabay naman po ako sa lessons."

"That's good, may naging kaibigan ka ba?" Mariin ang tingin sakin ni mommy, binabasa niya kung magsisinungaling ba ako.

"Wala pa naman po mommy," magaan kong sagot.

"Hmm, ipapakilala mo sakin ang magiging kaibigan mo para alam ko at kilala ko. Maliwanag ba?" Strict niyang sinabi, wala naman akong magagawa kundi sumunod. Ano panga ba?

"Opo mommy."

Pagkatapos kumain bumalik kaagad ako sa kwarto. Naligo at nag palit sa pantulog. Nahiga ulit ako sa kama dahil naramdaman ko ulit ang pagod.

Kailangan ko ba talaga sundin palagi si mommy? Wala ba akong ibang choice kung hindi puro sa kanya lang? Wala ba akong sariling desisyon para sa sarili ko? Puro nalang si mommy ang nasusunod paano naman ang mga gusto ko?

Nakatulugan ko nalang ang mga hinanakit ko para sa aking ina. Hanggang katanungan at pagsunod nalang ang kaya kong gawin sa loob ng pamamahay na ito. Simula pa noon...hanggang ngayon.

Kinabukasan maaga ulit akong nagising. Hindi pa man ako tinatawag para sa umagahan ay bumaba na ako.

"Magandang umaga Miss Clarise," bati ni Beth, habang naglalapag ng ulam sa hapag. Nakaligo na siya pero hindi pa suot ang uniporme. Tumutulong siya sa paghahain sa hapag.

"Good morning."

Naupo na ako at nagsandok ng pagkain. Bumaling ako sa kanya at nagtanong, "Si mommy ba kumain na?"

"Maaga pong umalis si Madame, Miss."

"Ganun ba…" Binilisan ko na ang pagkain dahil maliligo pa ako at mag-aayos ng susuotin.

Mabuti't wala na si mommy at hindi ko siya nakasabay sa pagkain. Mas nakakahinga ako ng maluwang kapag wala siya sa paligid ko.

Nang matapos kumain, umakyat kaagad ako at naligo, nagbihis at nagsuot ng uniporme. Presentable akong bumaba sa hagdan patungo sa garahe.

Dahil may sarili akong driver hatid-sundo kami ni Beth. Ito lang ata ang kagandahan sa ginawa ni mommy, kapag may driver hindi hussle at on time lalo na kapag uwian, gabi na kami nakakauwi.

Matiwasay kaming nakarating sa university. Maaga pa naman pero du'n na ako maghihintay sa classroom namin. Naglalakad kami ni Beth paliko sa corridor sa kaliwa ng biglang may humarang sa daraanan ko.

Napanganga ako ng matingala ang matangkad na lalaking humarang sa daan. Presentable at malinis siyang tignan sa suot na uniporme pati ang glasses na suot niya ay bagay na bagay sa kanya.

Napaatras ako dahil sa distansya namin. Nakakagulat naman 'to parang kabute na sumulpot, may kailangan ba siya sa'kin? 

"Good morning," he gleefully greeted me.

I'm surprised and amused that my words choked me to death and my heart throbbing fast like I'm having a heart attack! 

He blocked my way just to say good morning? It's just his simple good morning greet and I'm here dying because of his charismatic charms.

"You can close your mouth babe…" 

Napa kurap-kurap ako. "H-huh?"

Sa tagal ko sigurong nakatulala sa kanya nakanganga ako? Grabe nakakahiya naman!

"A-ah… uhm a-ano… good morning din," kanda utal ako sa pagsabi nu'n. Nararamdaman ko ang init ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya.

Ano ba self umayos ka naman!

Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako kinakabahan? Isang simpleng tao lang naman ang kaharap ko ah!?

Talaga bang simple lang siya?

Bumadha sa gwapo niyang mukha ang isang mabining tawa. Mahina lang naman, pero ang sexy bagay sa kanya. Pwede kaya isa pa? Ang sarap sa tenga ng tawa niya.

"You're so cute… by the way i'm Bram, i'm a law student." Nakangiti siyang naglahad ng kamay sa'kin.

Yung kaba sa dibdib ko lalong nadagdagan. Totoo ba nakikipag kilala siya sa'kin? Patay ako nito kay mommy. Bawal ang lalaki! Pero hindi ko naman siya kakaibiganin ah?

Kinakabahan man, inabot ko ang kamay niya.

"I'm Clarise, a nursing student… nice to meet you Bram…" sa wakas matiwasay ang pagkakasabi ko. 

Hindi ako nautal kahit pa aatakihin na ako. Sobrang init pa ng pakiramdam ko, feeling ko pulang-pula ang mukha ko.

Tahimik lang sa gilid ko si Beth, walang kibo. Isusumbong niya kaya ito kay mommy? Lalo pa nadagdagan ang kaba ko dahil tiyak na magagalit si mommy kapag nalaman 'to.

I heard him clearing his throat and looking at our hands shaking continuously. 

"Uhm… my hands?" sabi niya, may ngiting alanganin sa mapupula niyang labi.

Embarrassed. Agad kong binitawan ang malambot niyang kamay. Nakakahiya! Ano ba 'tong nangyayari sakin!?

"P-pasensya na… ah s-sige mauna na kami." Nilampasan ko na siya. Nakasunod naman si Beth sa gilid ko. Napansin ko ang tinginan ng mga estudyante, siguro pinanood nila ang nangyari. Nakakahiya!

"Miss okay ka lang po ba? Sobrang pula ng mukha mo…" punang tanong ni Beth.

"Okay lang ako, wag mo na lang pansin."

Hanggang ngayon parang kinakapos ako sa paghinga. Mabilis lang kaming nakarating sa building, sa bilis ko ba naman maglakad eh. 

Pagkarating sa room naupo agad ako. Kinuha ko ang tumbler sa bag at uminom ng tubig na may lemon. Tumabi naman si Beth sa'kin at pinaypayan ako kahit naka-on ang aircon.

Pagkatapos uminom, bumaling naman ako kay Beth. Tumitig ako sa kanya.

"Nagre-report ka ba kay mommy tungkol sa mga ginagawa ko rito sa school?" tanong ko.

Kahit sigurado akong ganun nga, tinanong ko parin.

Tumango nga siya at sinabing, "Opo Miss, 'yun po ang bilin ni Madame…"

Tumango-tango ako. Ano pa nga ba? Mommy has many ways. And trusting me is a hard decision for her.

Namomoblema ako, paano ba 'to? Baka pwede ko naman pakiusapan itong si Beth? Lagot talaga ako nito kay mommy kapag nalaman niya.

"Uhm… pwede bang wag mo na lang 'tong banggitin kay mommy? Hindi naman siya big deal dahil hindi ko naman siya kakaibiganin eh. Okay lang ba?" I said, with a feeling afraid.

Naintindihan niya naman ang sitwasyon ko kaya marahan siyang tumango at ngumiti.

"Sige po Miss, wala pong problema hindi ko po babanggitin ito kay Madame."

"Thank you Beth…"

Kailangan ko talagang iwasan ang lalaking 'yun. Nakikita ko na sa kanya ako maaaring mapahamak hindi man sa ibang pagkakataon ngunit sa banta ni mommy. No boy friend allowed. 'Yun ang rules na dapat kong sundin.

Tsaka tuwing nasa harap ko siya para akong mamatay sa atake sa puso. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko parang nababaliw sa kanya. At 'yun ang dapat kong iwasan ang magkagusto. Wala akong karanasan sa isang relasyon, ngunit alam ko naman ang bagay bagay.

Ayokong magka-problema kay mommy dahil mahigpit niya yong bilin. Ngayong nakalabas na ako sa mansyon, ngayon ko pa ba susuwayin si mommy?

Pero paano ko siya iiwasan? Kung siya mismo ang naglalapit sa aming dalawa? Kaya ko ba pigilan 'to?

Itong nararamdaman ko?

-Ahyexiaxx-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status