Share

CHAPTER 1

HEAVEN AND HELL SERIES BOOK 1: THE SWEETEST PSYCHOPATH

CHAPTER 1: Clarise Morticia Wednesday

Maybe the journey isn't so much about becoming anything. Maybe it's about un-becoming everything that isn't really you, so you can be who you were meant to be in the first place.

Nakatanaw ako sa asul na mga ulap. Ang ganda nilang pagmasdan dahil sa iba't ibang anyo at hugis ang nakikita ko.

Mayroon hugis pagong, kuneho at puso. Itinaas ko ang kamay sa ere para taluntunin ang hugis puso.

"Clarise..."

Natigil ako sa ginagawa at bumaling sa tumawag sa akin. Palapit siya sa veranda kung saan ako nakaupo.

"Ito na ang huli nating tutorial class." Nakangiti siya habang papalapit sa akin. "Nakausap ko na ang mommy mo at pumayag na siyang mag-college ka sa isang university."

"Talaga ba Anna? Pumayag si mommy?" Gulat na nasambit ko. Bakas sa boses ko ang kagalakan at pagkasabik sa balita.

"Oo, Clarise pumayag na ang mommy mo. Bukas na bukas ay sasamahan kita roon sa university na napili ng mommy mo."

Napatayo ako at hinagkan si Anna ng sobrang higpit. Masaya ako. Sobrang saya. Pati si Anna ay hindi na napigilan na yakapin din ako ng sobrang higpit. Narinig ko ang mahinang hikbi niya at pagtaas-baba ng balikat niya.

"Thank you Anna...salamat dahil napapayag mo si mommy."

Hinarap niya ako at binigyan ako ng mabining ngiti habang may luhang pumapatak sa mga mata niya.

"Karapatan mo iyon Clarise...para sa iyo talaga 'yun. Mag-aral kang mabuti at i-enjoy ang buhay sa kolehiyo. Makipag kaibigan ka, okay?" Naiiyak parin niyang wika.

Marahan akong tumango. Kahit pa naisip kong pagbabawalan ako ni mommy na magkaroon ng mga kaibigan, gusto ko paring subukan.

Buong buhay ko narito ako sa loob ng mansyon. Dito na ako lumaki, kahit hindi nakakalabas ay alam ko naman ang bagay-bagay.

Lumaki akong kasama lang ang mommy ko, tatlong kasambahay, isang driver at si Anna. Tutor ko si Anna, siya ang nagturo sa akin simula ng mag pitong taong gulang ako. Kinuha siya ni mommy para maging teacher ko. Oo, homeschooled ako mula elementary hanggang high school.

Kaya tuwang-tuwa ako ng marinig kong pumayag na si mommy na ipagpatuloy ko ang pag aaral ng college sa isang university. Ibig sabihin hindi nalang itong mansyon ang maaari kong mapuntahan.

Tinanaw ko sa veranda ang papaalis nang si Anna, kumaway pa siya sa akin habang papasok siya sa sasakyan niya. Nginitian ko lang siya.

"Morticia..."

"Mommy!" Naibubulas ko, nagulat ako sa pagtawag ni mommy kaya agad akong humarap sa kanya at tumayo ng tuwid.

"Did Anna tell you everything?" Her voice was cold and her stoic face made me nervous.

"Y-yes mommy…thank you po."

With her silver dress, high stiletto and red lipstick, she looks strict in a sophisticated way.

"In one condition, you will never disobey me Morticia. You would always follow my rules or else..."

"I would be mommy, always..." 

Taas noo akong nakipag titigan kay mommy, dahil kapag pinakita ko ang takot sa kanya magagalit siya. 

Tumaas ang kilay niya. "Mabuting nagkakaintindihan tayo."

Tumalikod na siya para umalis sa aking silid. Napabuntonghininga ako dahil sa kaba, ngunit  unti-unti akong ngumiti. 

Hindi ako makapaniwala makakalaya na ako sa mansyon na 'to. Sa wakas na nakalabas na rin ako sa totoong mundo. Hindi nalang sa loob ng mansyon na 'to iikot ang mundo ko.

Nahiga ako sa kama na nangingiti parin. Excited na ako! Gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan, sana hindi yun pagbawalan ni mommy.

Kinabukasan maaga akong naghanda para sa pagpunta namin ni Anna sa isang university, na si mommy ang pumili...okay lang dahil wala rin naman akong alam kung saan pa ang ibang university na meron.

Agad akong naligo. Nahirapan lang akong pumili ng susuotin dahil first time kung lalabas. Ano ba dapat ang porma ko? Marami akong damit sa closet dahil every two weeks akong pinamimili ni aling Meding, isa sa mga katulong namin na inutusan ni mommy.

Nagpasya akong isuot ang isang black denim pants katerno ang isang long sleeves na layer design. Pinusod ko ang mahaba kong buhok, wavy siya sa dulo at naghahalo ang kulay kayumanggi at itim.

Habang nagsusuot ng snickers, narinig kong may kumatok sa pinto at bigla itong bumukas. Sumilip ang ulo ni Anna ng may ngiti sa labi.

"Patapos kana ba?"

"Oo Anna sandali nalang," sabi ko.

Tinapos ko ang pag sintas sa sapatos at nakangiting sinalubong si Anna sa pinto.

"I'm excited Anna! How do i look? Pwede na ba itong suot ko?"

Hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi habang pinapakita ko kay Anna ang ayos ko.

"Oo naman! Kahit ano naman ay bagay sayo...napaka ganda mo Clarise," papuri niya sakin, at nilagay sa gilid ng tainga ko ang kaunting takas na buhok.

Kahit hindi ako nakakalabas dito sa mansyon may silbi naman ang napakarami kong damit, dahil tuwing nagtuturo si Anna sa akin sinusuot ko ang magagandang damit na meron ako. Lagi akong nag-aayos tulad ng mga itinuro niya.

"Tara na? Excited na talaga ako!"

Sabay na kaming bumaba sa magarang hagdan. Nakasabit sa gitna ang napakalaking chandelier, agad mo itong mapapansin pababa man o pataas. Malaki at malawak ang mansyong ito, lalo na ang garden.

Sa bukana ng sala tanaw ko ang dalawang drivers na naghihintay sa gilid. Pagpasok ko sa sala nakita ko rin si mommy na nakaupo ng naghihintay. Lumingon siya sakin na walang ka ngiti-ngiti.

"Good morning po mommy..." Malumanay na pagbati ko. Tinanguan niya lang ako at pagkuwan ay tumayo.

"I hired a new driver for you Morticia. Anna will accompany you to the university's administration...and good luck to you my daughter."

Mommy would always be like that cold, stoic and strict but sometimes her words will add some sweet complement. I'm not complaining in her way of loving me. I'm her only daughter and she was the only one i have in this family. So, I must obey her.

Hindi ko na napigilan ang sayang nararamdaman ko kaya lumapit ako kay mommy at niyakap siya.

 "Thank you po mommy."

"Yeah, no problem." 

Bumitiw na ako sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi. Nagulat man siya sa ginawa ko hindi naman siya nagreklamo. Buti na lang at hindi niya ako sinigawan!

"Anna, sige na maaari na kayong maunang umalis," she said, her voice was cold like ice. She's just always like that.

"Yes Madam," Anna replied.

Ngumiti pa ulit ako kay mommy bago balingan si Anna. Nakangiti rin 'to sakin.

Lumabas na kami at nakasunod ang driver. Pinagbuksan niya kami ni Anna ng pinto sa likod ng sasakyan. Agad kaming naupo sa loob. Umikot ang driver para makasakay narin sa driver's seat at makapag maneho.

Nang nasa biyahe hindi magkamayaw ang mga mata ko sa katitingin sa labas. Maraming bahay, gusali at iba't ibang sasakyan. Napakaraming tao ang makikita sa kalsada. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan sila.

"Masaya ka ba Clarise?" Magaang tanong ni Anna.

"Sobrang saya Anna! Akala ko talaga hindi ko na mararanasan ito sa tanang buhay ko!"

Natawa lang siya sa reaksyon ko at inabot ang isang kamay ko. Pinisil niya ito. Napatingin ako sa kanya. Marahang ngiti ang ginawa niya sa akin at ganun din ako sa kanya.

"Masaya ako dahil masaya ka Clarise. Deserve mo lahat ng 'to."

Akala ko iiyak na naman siya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga kilos ni Anna. Sinasawalang bahala ko nalang dahil alam kong concern lang siya sa akin at sa kalagayan ko sa mansyon. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya dahil nandyan siya kapag kailangan ko ng kasama, hindi ko lang siya tutor madalas siya ang kaibigan ko.

"Thank you very much Anna...kung hindi dahil sayo hindi pa rin ako makalabas sa mansyon na 'yun at hindi ko naranasan itong pakiramdam ng nasa labas."

"Walang problema...basta para sayo."

Ngumiti akong muli sa kanya bago ulit bumaling sa labas ng bintana. Pero lumingon ulit ng may maalala.

"Nakita mo ba kanina? Hindi nagalit si mommy ng yakapin ko siya, lalo na ng mahalikan ko siya sa pisngi! Nagulat siya pero buti nalang talaga at hindi siya nagalit."

Sana tuloy-tuloy na ganyan lagi ang mood ni mommy. Mas magiging masaya ako.

"Oo nakita ko. Mukhang mabait na ang mommy mo sayo."

"Sana palagi nalang siyang good mood..."

Kalahating oras lang yata ang biyahe papunta sa school. Mabilis lang kasi kaming nakarating. Narito na kami sa harap ng university, may ilang estudyante akong nakikita sa malawak na soccer field at mayroon din dito sa mga bench sa gilid. Napapatingin ang iba sa akin habang naglalakad kami papasok sa main building.

Habang paakyat sa sunod na floor, hindi ko mapigilang igala ang paningin sa paligid. Natatanaw ko ang isang estudyante sa labas ng classroom nila ang kasiyahan, ang iba'y nakatambay lang sa hallway. Wala pa sigurong klase kaya nasa labas pa sila.

Ganito pala dito magulo pero mukhang masaya lalo kapag marami kang kaibigan.

Nakarating kami sa third floor kung saan ang office ng Dean. Tahimik lang ako sa gilid ni Anna habang kumakatok siya sa pinto. May narinig kaming nagsalita kaya binuksan na ni Anna ang pinto at sabay kaming pumasok.

Nadatnan namin ang may katandaan ng Dean. Tumayo ito galing sa swivel chair na inuupuan.

"Good morning po," magalang kong bati.

"Good morning. I am Mrs. Marisigan, the Dean of this university. Have a seat please."

"Nice to meet you po...and thank you."

Sa lahat ng natutuhan ko kay Anna, ang pagiging magalang ang pinaka importanteng katangian ang kailangan ng isang indibidwal. Kaya lagi ko itong sinasapuso at inaaplay sa lahat ng sasabihin at gagawin ko. Ayoko ring pagalitan ako ni mommy kaya lahat ginawa ko ng tama.

Naupo kami sa katapat na upuan ng desk ni Mrs. Marisigan. Ngumiti ang ginang at may nilabas na mga files mula sa drawer ng mesa niya.

"All her documents are good...although she's a homeschooled student i must say her characteristics is well fined. And i guess she was a very smart girl," sabi ng ginang, at tumingin siya sa amin ni Anna na may ngiti.

"She is smart, I taught her all the lessons and things for all those years that she didn't attend in a real curriculum at school. She learned it at home and I must say she excelled." Anna's sentiments make me more excited to be enrolled.

"That's great. You're excellent dear...and because of that you're officially enrolled here in our university. Congratulations!"

"Wow! Really? Thank you so much!" I exclaimed. I'm so happy.

Binalingan niya kami ni Anna na may ngiti sa labi, gumanti naman ako at nakipag kamay narin.

Wow! This is it...makakapag aral na ako sa totoong university! I can't believe it! But it's really happening!

Niyakap ko si Anna dahil sa sobrang tuwa. Kung hindi talaga dahil sa kanya hindi ito mangyayari. Thanks to her!

Masaya kaming lumabas sa silid ni Mrs. Marisigan.

"Gusto mo bang lumibot muna tayo dito sa bago mong school?" Masayang tanong ni Anna.

Bumaha ng galak at pananabik ang naramdaman ko.

"Talaga? Pwede tayong lumibot dito? Hindi magagalit si mommy?" Sunod-sunod kong tanong. Baka lang hindi pumayag si mommy at magalit siya kapag hindi kami nakabalik agad.

"Syempre pwede nating libutin 'to, at hindi magagalit ang mommy mo dahil kasama mo naman ako."

Napangisi ako at hinila na siya pababa sa building.

"Tara na! Gusto ko makita ang lahat ng mayroon dito sa school."

Sa sobrang excited ko hindi ko namalayan na tumatakbo na kami pababa ng hagdan, mabuti at wala ng masyadong tao sa hallway dahil nag pasukan na ang mga estudyante sa kanya-kanyang silid.

Nilibot namin ang business administration building, maraming estudyante sa bawat silid at napapatingin sila kapag dumadaan kami ni Anna. Sunod naming pinuntahan ang law building, puro seryoso ang mga estudyante rito at talagang nakikinig sa proof nila. Umalis din kami agad dun dahil baka nakakaistorbo kami. Sinunod nalang namin ang gymnasium. Grabe napaka lawak naman nito, meron 'tong second floor kung saan ang ten meters long swimming pool. Nandito sa baba naman ang Court na napapalibutan ng maraming bleachers.

Manghang mangha ako sa lahat ng nakita ko. Napaka laki ng university na ito at kaya nito i- accommodate lahat ng course bawat building, pati sa sports kompleto.

Sa paglilibot namin ginutom na ako, kaya inaya ko si Anna sa canteen. Mabuti at alam ni Anna ang lahat ng pasikot-sikot dito kaya hindi naman kami naligaw.

"Masarap kaya ang pagkain nila dito? Kapag oo hindi na ako magbabaon galing sa mansyon." Nakangiting sabi ko.

Ngumiti lang siya sakin at giniya na ako papasok sa isa na namang building.

Wow! Pati canteen may sariling building? Syempre naman! Bakit pa ba ako magtataka eh sa dami ba naman ng course na mayroon dito sa university tiyak na libo ang estudyante nila dito, at mga professor pa. Biruin mo may second at third floor itong canteen? Mukhang mas masarap siguro ang pagkain dito kaysa sa bahay.

Tumingin sa'kin si Anna habang tinuturo niya ang counter kung saan mag o-order ng pagkain. "Anong gusto mo? Ako na ang o-order."

Nandito lang kami sa first floor dahil hindi pa naman punuan, nasa klase pa ang iba at konti ang natatanaw kong estudyante sa paligid. Mga nag aagahan siguro at mamaya pa ang pasok. Naupo ako sa bakanteng mesa na may apatang upuan.

"Ano ba ang masarap Anna? Pwede ba akong kumain ng pizza at fries? O kaya burger with soda?" Yun lang ang mga pagkaing naisip ko.

"Hindi naman malalaman ng mommy mo kaya sige...kakainin mo ang mga pagkaing hindi mo madalas makain sa inyo."

"Yey! Thank you Anna!"

Totoong bihira akong makakain ng pizza, fries o burger dahil hindi naman 'yun kasama sa menu sa mansyon. Nakatikim lang ako 'nun kapag sikretong dinadalhan ako ni Anna.

Nakaalis na si Anna para umorder ng pagkain namin. Naiwan ako dito sa upuan at napa buntong hininga. Ang dami talagang bawal sa akin dahil utos 'yun ni mommy, naiintindihan ko naman siya dahil protective lang siya sakin. Pero minsan may mga bagay lang akong hindi maintindihan.

Napabaling ang tingin ko sa pintuan ng canteen, may pumasok na lalaking nakasalamin ngunit napaka suplado ng mukha. Malinis siyang tignan bagay na bagay sa kanya ang suot na uniform. Napalunok ako at medyo nahiya ng bumaling siya sa pwesto ko. Napalabi tuloy ako.

Hindi na ako lumingon pa dahil dumating narin naman si Anna dala ang mga pagkain namin.

Isang plato lang ng Lasagna at bottle water ang nasa harapan niya. Samantalang sa akin isang plato ng Lasgna, dalawang hiwa ng pizza, isang burger, regular Fries, isang green Apple, orange juice at bottle water.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa dami ng pagkain binigay niya sakin.

"Para sa akin lang 'to? Ang dami naman..."

Ngumiti siya at sinabing. "Para lang sayo yan...kaya ubusin mo."

Napangiti narin ako. "Thank you..."

Inumpisahan ko na sa Lasagna habang mainit-init pa. Nang sumubo ako ng isa, halos maluha-luha ako. Grabe bakit ngayon ko lang natikman 'to?

Sobrang sarap!

Sunod-sunod ko na ang pagkain. Lahat masarap syempre dahil hindi naman ako araw-araw nakakain ng ganito. Hanggang sa maubos ko lahat, wala talaga akong tinira. Kaya busog na busog ako. Nanikip bigla ang suot kong jeans.

Bumaling sakin si Anna. "Gusto mo pa ba maglibot pa?"

Umiling ako. "Umuwi na tayo baka hinahanap na tayo ni mommy." Ngumiti ako sa kanya at tumayo na.

"Tara."

 Bumaling muli ako sa lalaking nasa sulok na mesa. Tahimik siya roong nagbabasa sa laptop niya. Umangat ang tingin niya patungo sakin ng maramdamang may nakatingin sa kanya.

Nagtitigan kami ng ilang minuto bago ako umiwas ng tingin. Malalim ang titig niya na animo'y hinahalukay ang pagkatao ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako.

-Ahexiaxx-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status