Share

CHAPTER 2

HEAVEN AND HELL SERIES BOOK 1: THE SWEETEST PSYCHOPATH

CHAPTER 2: THE FIRST DAY AT THE UNIVERSITY

Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang lalaking nagpakaba sa'kin. Bakit nga ba kasi kinabahan ako ng magkatitigan lamang kami ng sandali? Hindi ko rin alam.

Pagkatapos naming kumain sa kantina ay umalis narin kami agad. Hindi ko na nilingon ang lalaki. Diretso ang lakad ko hanggang sa parking at makaalis kami sa university.

That was two days ago, pero hindi parin mabura sa isip ko ang titig niya, para akong hindi makahinga.

Paano kaya ako nito bukas? Makikita ko ba siya 'dun? Sana hindi. Sa lawak ng university malabong magkrus muli ang landas namin.

Bukas ay lunes at 'yun ang unang araw ko bilang isang estudyante sa totoong paaralan. Excited na ako sa totoo lang.

Napabangon ako ng may marinig na kumatok sa pinto ko.

"Come in."

Bumukas ang pinto at niluwa 'nun si Anna. Pumasok siya at naupo sa duluhan ng kama ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Wala. Nakahiga lang ako at nag-iisip." Muli akong humiga, unan ang dalawang braso.

Ngumiti siya. "Excited ka ba para bukas? Iyon ang first day of school mo, syempre as a college student."

"Kung alam mo lang Anna kung gaano ako ka-excited. Sobra pa sa sobra." Napangiti narin ako ng maisip ang kalayaan. Although hindi naman ako magdo-dorm sa university i still consider it as my freedom place kaysa dito sa mansyon. Dito parin ako uuwi pero sa hapon lang.

"Alam kong makakahinga ka 'ron ng maayos pero dapat mag-iingat ka sa mga kilos mo ah."

"Oo naman, hindi ko pwedeng galitin si mommy no."

"Mabuti kung ganun. Bukas na rin ang alis ko. Magiging maayos ka ba dito?" Malumanay ang kanyang boses sa tuwing nagsasalita siya, pero mababakas mo ang pag-aalala at lungkot sa bawat katagang binabanggit niya.

Ngumiti ako sa kanya ng matamis sabay tumango. "Okay lang ako dito. I-enjoy mo ang bakasyon mo at pasalubungan mo ako pagbalik mo."

Pinagbabakasyon muna si Anna, utos 'yun ni mommy. Isang katulong ang inatasan niyang sasama sa akin sa pag-aaral sa bawat araw. Gustuhin ko mang si Anna nalang kaso may desisyon na si mommy. Wala naman akong magagawa.

Natawa siya ng mahina. "Sana sa sunod makasama kita mag bakasyon. Yung tayong dalawa lang…"

"Sana nga…kapag pumayag si mommy. Kelan naman 'yon?"

"Hayaan mo sa sunod kakausapin ko siya. Para sa unang school break magkasama tayong magbabakasyon." Ngumiti siya sa'kin.

"Basta magpakabait ka lang sa school at laging susunod sa mommy mo, para payagan ka niya sa bakasyon." 

"Lagi naman akong mabait diba at sinusunod siya. Pero salamat talaga Anna dahil sayo medyo magaan na ang turing sa'kin ni mommy at hindi na niya muli ako nasasaktan." Lumamlam bigla ang mga mata ko kaya mabini ko itong ipinikit. Pinipigil ang lumuha.

"Wag ka mag-alala lagi kitang pro-protektahan. H-hindi ko na h-hayaan na masaktan ka ulit ng m-mommy mo," malungkot niyang sinabi, naririnig ko ang mahina niyang hikbi pero nanatili akong nakapikit.

Hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na pala akong nalukob sa pagtulog.

***

Nagising ako umaga na. Medyo papaliwanag palang, dumako ang paningin ko sa orasan na nasa bed side table. It's already 5:30 am in the morning. Masyadong maaga para pumasok pero dahil ito ang first day ko, maaga akong papasok. Dadaanan ko rin naman sa Dean ang schedule ko.

Nursing ang course na kinuha ko. Pumayag din si mommy at hindi tumutol kaya hindi ako nagka-problema na pilitin pa siya kung may ibang course siya para sa akin.

Kumakain na ako ng almusal dito sa dining area ng mamataan ko si mommy na papasok.

Agad ko siyang binati, "Good morning po mommy…"

"Hmm," 'yun lang ang tugon niya, at naupo na sa kabisera.

Agad siyang inasikaso ng mga kasambahay. Hinandaan ng pagkain at inumin.

Bumaling siya sa isang kasambahay at nagtanong, "Nakaalis na ba si Anna?" 

"Opo Madame, madaling araw palang po ng umalis si Ma'am Anna," sagot ng kasambahay.

Tumango lang si mommy at nagsimula na 'rin kumain. Tahimik na ang hapag habang kumakain kami. Napaangat lang ako ng tumikhim si mommy.

"Morticia…" tawag niya, kasing lamig ng umaga ang tono ng kanyang boses.

"Yes po mommy?" Hawak ko ng mahigpit ang mga kubyertos. Mataman akong tumingin kay mommy.

Nakakatakot man ang awra niya nagawa ko paring harapin siya. Dahil bawal ang nakayuko kapag kinakausap siya.

"For your rules darling, first you can't go to school alone. Beth will accompany you every day. Everywhere you are going at the university she's always by your side.

Second, no friends allowed, stay on a low profile. I don't want you to cause a problem at school. Though, you can be friendly to one single person but make sure it is a girl.

Third darling, please stay away from boys. That's the most important rule. Just obey me. Make your college life memorable by doing normal things. Not including the boys, they are disastrous. Good luck my sweet little baby…I hope you understand what I want in your life."

That's such a rule and I can obey all of that. But I'm shocked that mommy can really be kind to me right now. She called me "sweet little baby" , such a loving endearment. I'm so happy!

Hindi ko pinahalata na naluluha ako. Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko.

"Yes mommy, I understand. I will follow all your rules and make you proud of me," maligaya kong sinabi.

She smiled a bit. "That's great then…" she stood up and walked out of the dining room.

When she's gone I can't help it, I'll smile like an imbecile. I can't believe it. Mommy just smiled. She smiled at me for the very first time. This is just an amazing day!

At school I'm in a very good mood, like no one can take away the smile on my face. I'm very positive today even though the other students were looking and gawking at me when I arrived at this university. 

Papunta ako sa Dean's office para kunin ang schedule ko. Kasunod ko lang si Beth, ang nautusan ni mommy para makasama ko sa araw-araw na eskwela. May dala rin siyang backpack mukang in-enrolled din siya para makapag-aral. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin kaya maaari nga na pinag-aral din siya ni mommy.

Maraming estudyante ang nagkalat sa hallways nagkakasihayan, may mga nagkwekwentuhan at naghahalikan? Teka… allowed ba ang public display dito sa school?

Umiwas ako ng tingin sa magkasintahan nagtutukaan sa gilid. My poor innocent eyes! Ang aga-aga naman 'nun, breakfast?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating sa third floor ng building. Nang nasa tapat na ng pinto magaan ko 'yung kinatok, 'nung may marinig kaming nagsalita binuksan ko na ang pinto at pumasok.

"Good morning Mrs. Marisigan." Bati ko sa ginang.

May ngiting sinalubong niya kami. "Good morning Ms. Wednesday, ito ang schedule mo sa buong semester." Inabot niya sakin ang isang papel. "At ito naman ang sa'iyo Ms. Galang."

Sobrang galak ang naramdaman ko ng mahawakan ang schedule card. Wow! Ito na talaga 'to.

Ngumiti ako sa kanya at taos pusong nagpapasalamat. "Thank you so much po…"

"Good luck to both of you on the first day, and to the rest of the school year."

"Maraming salamat po Dean," sabi ni Beth, at sabay na kaming lumabas sa silid ng ginang.

Bumaling ako kay Beth at tinanong siya, "Magkasama ba tayo sa isang klase?"

Tinignan niya ang schedule card niya at sabay tumango. "Opo Miss…"

Siniguro talaga ni mommy na lagi kong kasama si Beth kaya hanggang klase nandun din siya. Ayos na 'yun! Ang mahalaga naman ay makakapag-aral na ako dito, sa isang university na maraming tao.

Bumaba na kami sa building at naglalakad-lakad upang mahanap ang nursing building. Kung nandito sana si Anna hindi na ako nahihirapan dahil maalam niya ang pasikot-sikot dito sa university.

Habang naglalakad kami sa corridor tinitignan ko ang schedule card ko. Nakayuko ako habang binabasa ang subjects at mga oras na naro'n.

Dahil hindi ako nakatingin sa daanan muntik na akong mabangga. Huminto ako sa paglalakad, dahil nakayuko ako agad kong nakita na may nakaharang sa harapan ko. Itim ang kanyang sapatos panlalaki. 

"Tumingin ka sa dinadaanan mo…" malalim na boses ng lalaki ang nagsalita. Yung nasa harapan ko!

Unti-unti akong nag-angat ng paningin ngunit hindi nagpantay ang mga mata namin. Dahil matanggad siya kailangan ko pang tumingala upang makita ang kabuuan ng mukha niya.

Nang makita kong sino siya nanlaki agad ang mga mata ko. Nagulat ako na siya ang muntikan ko ng makabanggaan.

"P-pasensya na...may tinitignan kasi ako," Nangatal kong nasabi, bigla kasi ay kinabahan ako sa presensya niya.

Siya iyong sa canteen na lalaki, yung makatitig akala mo kakainin ako ng buhay. Pero ngayon walang bakas ng emosyon sa mga mata niya. Mukha lang siyang suplado na nerd dahil sa glasses niya. Matangos ang ilong niya at mayro'n siyang mapupulang labi. Napaka linis niyang tignan sa uniform na suot tapos bagay sa kanya ang buhok niya na naka clean cut at trim paitas. Nakagel siguro.

Nangunot bigla ang makapal niyang kilay. Nagtataka siguro kung bakit ang tagal kong nakatitig. Nahiya ako bigla. Oo nga bakit ba ako nakatitig?

"Transferred ka lang ba rito?" Tanong niya, at tumingin sa hawak kong schedule card, inagaw niya 'yun sa'akin at tinignan niya.

Nagaalingan akong tumingin sa kanya. "Oo, baka alam mo kung saan ang building ng nursing?"

Napansin ko ang ilang dumaraang estudyante ay nahihinto at titingin sa direksyon namin, sabay nagbubulungan. Hindi ko nalang pinansin at hinintay ang lalaki na ibalik na ang schedule card ko.

Matiim siyang tumingin sakin at binalingan ang kaliwang direksyon. "Lumiko kayo d'yan sa kaliwa, pangatlong building ang nursing," sabi niya, at binalik na sakin ang schedule card.

Tumingin naman ako sa tinuro niya. Medyo malayo mula rito. Muli akong humarap upang magpasalamat ngunit nakaalpas na pala siya sa harapan ko.

"Salamat!" Sigaw ko, dahil malayo na siya sa amin.

 Ang bilis niyang maglakad. Ikaw ba naman magkaro'n ng mahahabang binti ewan ko nalang. Halos hanggang dibdib niya lang ang inabot ng height ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa kaliwa. Lahat ng madadaanan naming estudyante ay nakatingin sa min, o sa akin? Mukha ba akong madungis? 

Bigla naalala ko ang daan na ito dahil nadaanan namin ang business administration building, sunod ang law building. Dito kami naglibot ni Anna nu'ng sinamahan niya ako mag-enroll. So, nasa dulo pala ang nursing.

Nang makarating kami sa building wala pa masyong tao dahil maaga palang naman at 9:30 am pa ang una kong klase.

Naupo muna kami ni Beth sa mga benches sa gilid. Para dun na maghintay.

Sa direksyon niya kanina mukhang nanggaling siya dito banda. Saang building kaya siya? 

Naisip ko bigla ang lalaki kanina, alam ko na binawalan ako ni mommy. Hindi ko naman siya kakaibiganin na patanong lang ako dahil may hinahanap ako at siya na ang nagturo.

Siguro sa sunod iiwasan ko nalang siya. Hindi dapat ako mag paapekto sa lukso ng puso ko kapag nakikita siya.

"Dapat ko siyang iwasan...delikado," mahina kong sambit.

-Ahyexiaxx-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status