Share

FINALE

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya.

"P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya.

"Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.

Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo.

"Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."

Huminga naman sila nang malalim.

"Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.

Umiling naman si Hexy.

"My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.

Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.

"Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.

Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito.

"H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.

Bumuntong-hininga naman si Hexy.

"Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status